The wind blows through my skin, it's quite warm and relaxing. I can feel the sunlight to my sensitive veneer. I opened my eyes and look above, it's beautiful, the upper atmosphere or expanse of space
that constitutes an apparent great vault or arch over the earth, and the color is pale blue.
I heave a sigh and I adjust the volume of my earphones.
Nakatayo ako ngayon sa rooftop ng ospital habang nakikinig ng music sa phone ko at nagninilaynilay.
Inaalala ko ang mga nangyari noong nakaraang dalawang linggo.
Matapos akong kumpruntahin ni Knixx, ay bigla siyang inatake nang sakit niya. Hindi man lang ako nakapag paliwanag sa kanya.
Labis siyang naguluhan dahil lang sa isang bookmark, naging emosyonal siya matapos niyang tanungin kung sino ba talaga ako sa buhay niya.
Hindi nakayanan ng utak niya ang mga sariling tanong, kaya inatake siya sa room ko, at wala akong magawa kahit na patahanin man lang siya.
Kung noon, ang dali-dali lang sa akin na lapitan at patahin siya sa tuwing umiiyak ito. Pero ngayon, ang hirap na.
Noong subukan ko siyang patahanin, dahil umiiyak siya ipinagtutulakan niya ako. Pinagsusuntok niya ako sa dib-dib. Natakot ako dahil nakita ko siyang sinasabunutan ang sarili, ng subukan ko siyang pigilan ay labis akong nanghina dahil kita ko ang takot sa mga mata niya, takot na takot siya sa lalaking na sa harap niya, dahil hindi niya ako kilala.
Kaya dali-dali akong humingi ng tulong. Ipinaliwanag ko na rin kay Rems ang nangyari kung bakit siya nagkaganon. After I explained everything, I can't help myself not to cry. Umiyak ako sa bestfriend ko. Pinapatahan niya ako dahil baka daw makasasama ito sa kalagayan ko, pero anong magagawa ko, nasasaktan ako sa mga pangyayari.
Lumipas ang dalawang linggo at hindi na kami nag-uusap ni Knixx. I'm just observing her from afar, afraid that I might worsen her condition if he saw me.
Sinisikap ko na iwasan siya para hindi kami magkita. Maliban sa rason na takot akong baka lumala ang kondisyon niya dahil sa akin. Mas natatakot ako sa katotohanang sa oras na magkita kami at magkasalubong ay lalagpasan niya lang ako ng tingin.
Natapos na ang kantang pinapakinggan ko kanina. The next song played. Intro pa lang ng kanta ay alam na alam ko na.
Ayos, mukhang timing ang kanta sa nararamdaman ko ngayon.
Sabi nila, mas maganda raw na makinig ng musika kapag may pinagdaraanan ka, kasi feeling mo naiintindahan ka ng kanta, kaya parang kinocomfort ka nito sa tuwing nakikinig ka.
Ang title ng kanata ay Words of My Heart by Kristel Fulgar.
I was sick a few days because my heart was overwhelmed with you
So breathing and falling asleep were so hard to do
Whenever I'm with you my heart couldn't go next to you
Nang malaman kong stable na ang kalagayan ni Knixx, hindi ako nagpunta sa room niya. Nagmukmok lang ako buong araw sa sariling kwarto, labis kong sinisisi ang aking sarili. Kung sana naging maingat lang ako, hindi sana siya inatake ng sakit niya. Kung chineck ko lang sana ang libro bago ipinahiram sa kanya, hindi niya sana nakita ang bookmark na yun.
I'm always longing for you
Again today, this longing turns into tears
Dahil nga naatasan siyang magpinta sa Children's Room lagi ko siyang nakikitang dumadaan sa harap ng kwarto ko, doon ko lamang siya pinagmamasdan sa nakasiwang na pinto ng kwarto, tinitignan ko siya mula sa aking bintana habang siya ay nagpipinta. Dinig ko mga isang buwan niya pa matatapos ang pagpipinta ng buong room, hindi lang kasi pader ang pipinturahan niya pati na rin ang kisame ng silid.
Sa mga ganong pagkakataon ko lang siya natititignan nang matagal at mabuti, dahil malayo ako sa kanya. Naipit pa nga ang isa kong index finger sa kaliwa kong kamay ng dali-dali kong isara ang bintanan nang makita kong napatingin siya sa gawi ko, kinabahan ako nang matindi dahil dun, kaya naging mas maingat ako nang sumunod na araw.
Ang creepy ko mang tignan pero anong magagawa ko, hindi ko siya puwedeng kausapin at lapitan.
I wanted to tell you
I wanted to call out to you
But I always swallow all, over and over words of my heart
Nung isang araw ay nagpunta ako sa canteen para kumain, pagtalikod ko sa counter para sana maghanap ng bakanteng table, ay nakita ko siyang kumakain sa isang table, mag isa. Naghanap ako ng bakanteng upuan na malayo sa kinauupuan niya. May nakita ako, mga limang lamesa ang layo mula sa kanya, vertically.
Hindi ko maputol ang pagtitig sa kanya habang papunta ako sa gusto kong lamesa, ng may nakabangga akong tao, lalaki at malaki ang katawan kesa sa akin. I ordered spaghetti and orange juice, natapon yun lahat sa kanya. Kita ko ang pagkapikon sa mukha niya dahil sa nangyari.
Narinig ko siyang nagwala at nagsisigaw sa loob ng canteen, umalingawngaw ang boses niya kaya lahat ng tao sa canteen ay napatingin sa amin including Knixx.
I tried to calm him down and ask him to lower his voice, humingi ako ng paumanhin at gustong makipag areglo sa nangyari, sabi ko babayaran ko na lang ang ginawa kong pinsala sa damit niya, pero mukhang mas nagalit ito sa akin kaya kinuwelyuhan niya ako.
Nang tinignan ko ang direksyon ni Knixx ay nakatingin na ito sa amin at nakatulala. Dali-dali kong tinakpan ang mukha ko gamit ang tray na dala, para hindi niya tuluyan akong makita ng malinaw.
Nagpumiglas ako sa lalaking kaharap ko at dali daling lumabas ng canteen habang hawak-hawak parin ang tray at nakatakip sa aking mukha.
Narinig kong sumigaw yung lalaki pati na rin ang cashier ng canteen, ibalik ko raw yung tray.
No matter how much I shout out
I gues you can't hear it every day only on the inside only with my eyes
I had to tell you, words of my heart for you my love
Noong isang araw nga, na sa loob ako ng elevator, nang tumigil ito at biglang bumukas sa second floor ay tumambad siya sa harap ko. Hindi ko na hinintay na magkasalubong ang aming tingin, dali-dali akong lumabas ng elevator kahit na sa third floor pa ang room ko. Kumaripas agad ako ng takbo pagka kita ko sa kanya. Hindi pa siya nakakapasok ng elevator, mabuti na lang at nakayuko siya pagka kita ko sa kanya, nagulat siguro yun kung bakit ako tumakbo.
It becomes a long tiring day
I would just keep on waiting for you
Just like breathing it became so natural
I was frustrated, kahit saang lugar ako magpunta ay nandoon rin siya. Kaya naisipan kong magpunta ng garden para lumanghap ng sariwang hangin at tumingin sa magagandang bulaklak.
Habang nakatitig ako sa bulaklak na santan at hinawakan ko ang mga ito na hindi pinipitas at nasisira ay bigla akong nagulat. Bigla siyang sumulpot sa harap ko. Mukhang kanina pa siya nakaupo sa kabila at hindi ko man lang siya napansin dahil natatakpan siya ng mga makakapal na dahon ng iba't-ibang tanim.
Pagkatayo niya ay nagulat ako. Sa sobrang gulat ko ay hindi lang ako basta napasigaw kundi napatili rin.
Nang magkasalubong ang mata namin ay dali-dali akong kumaripas ng takbo. Napatid pa ako dahil sa mga halaman sa paligid, lagot ako pagnalaman ito ng mga taong namamahala sa ospital. Lalo na kay mang Berting na gradener.
I wanted to tell you
I wanted to call out to you
I always take them out but hide it back again words of my heart
No matter how much I shout out
I guess that you can't see my heart
Behind this bright face how many teardrops
Must I erase that you will never know my love
Lumipas ang mga araw at yun lang ang mga pinaggagagawa ko, iniiwasan siya. Kumakaripas ng takbo pag alam kong papalapit siya sa direksyon ko. Matinding iwasan ang ginawa ko para hindi lang siya makasalamuha.
This is my first time feeling this way
Even when I'm next to you I miss you
Just once I wish I could be in your arms and called out your name
Ang hirap, sobra. Alam mo yung pakiramdam na nandyan lang siya, pero namimiss mo siya. Kung naging mas maingat lang ako sana hindi nangyayari ito at hindi ako nahihirapan sa pag-iwas. Ang laki-laki ng ospital pero nakakasalamuha ko parin siya kahit saan ako magpunta.
I'm dying to tell you
I wanted to let you know
But I always swallow all over and over words of my heart
No matter how much I shout out I guess you can't hear it every day
Only on the inside only with my eyes
I had to tell you words of my heart for you my love
Kaya lahat ng lugar na napuntahan ko at posibleng naroon din siya ay iniiwasan ko na. Hindi na ako nagpupunta sa canteen, umu-order na lang ako ng food mula sa labas, o di kaya tinatawagan ko si mama or manang para ipagluto ako ng pagkain.
Hindi na rin ako gumagamit ng elevator, nagdesisyon akong maghagdan na lang, para umiwas sa kanya. Papunta o pabalik man, naghahagdan lang ako. Nakakapagod pero, okay na rin yun, I consider it as an exercise.
Nung isang araw ay pumunta ako sa opisina ni Rems para sana tumambay, hindi pa ako nakakahakbang ng isa kong paa ay bigla ko na lang isinirado ang pinto ng makitang si Knixx ang kausap niya.
Kaya simula nun, si Rems na lang ang pumupunta sa room ko.
Ang hirap ng ganitong sitwasyon, tatakbo at iiwas. Malaki ang ospital pero nagiging maliit ito dahil sa sitwasyon namin ngayon ni Knixx.
Mabuti na lang at may natitira pang lugar na puwede kong pagtambayan kapag nababagot ako sa loob ng kwarto, ang rooftop.
For the past two weeks, I went here consistently every afternoon.
Dito ako nagninilay, tumutugtog ng gitara habang kumakanta, dahil malayo sa mga tao sa baba, malayo sa kanya.
Pero nandito ako ngayon bitbit ang cellphone ko at isang earphones.
Nakikinig ng musika habang inaalala ang nga nangyari noong nakaraang dalawang linggo.
Pinatay ko na ang music sa phone ko. At kinuha ang earplug sa magkabilang tenga.
Nilalanghap ko lang ang sariwang hangin, minamasdan ang magandang kalangitan at pinapakiramdaman ang sikat ng araw sa aking balat.
Tumagal yun ng kalahating oras, I was about to leave the rooftop when the door opens.
Bumungad sa akin ang seryosong mukha ng best friend ko, si Rems.
"Hey," I greeted him, and I saw him approaching towards me.
"So, this is your favorite spot now," he asked immediately when he arrived in front of me.
"Yep, kasi wala siya dito, at hindi niya maiisipang pumunta dito," I explained without giving him a glance.
Nagpantay na kami ngayon, ako na sa kanan siya naman ay na sa kaliwa.
"Di mo sure," at narinig ko siyang tumawa sandali.
Kaya sinamaan ko siya ng tingin.
"Biro lang," tapos inakbayan niya ako para siguraduhin na, this is my safe place.
"Pupunta ako ng states bukas, para sa Phase II ng clinical trials," tinignan ko siya matapos niyang sabihin iyon.
Pero hindi siya nakatingin sa akin, nakatingin siya sa kawalan.
"Ganon ba, mag-iingat ka kung ganon, pasensya ka na ah, kung hindi man lang kita maihatid sa airport," malungkot kong sabi.
Narinig ko siyang biglang tumawa at napatingin sa akin.
"Ano ako, magbabakasyon?"
"Kahit na, mag-ingat ka parin," pinipilit ko talaga sa kanya ang aking paalala.
"Oo na, sige mag-iingat ako, ang sweet mo naman," he slight pinched my two cheeks using his hands.
"Ano ba!" Suway ko sa kanya.
Ang pagpisil talaga ng pisngi ko ang pinaka ayawa ko sa lahat, kasi lalo lang lumalaki ito, at namamanhid pa pag pinisil ito kahit marahan lang.
Tumawa kaming dalawa dahil alam kong hindi na maipinta ang mukha ko ngayon dahil sa yamot sa kanya.
"Matatagalan ka ba, bago makabalik?" I asked him worriedly.
"Hmmm, depende, pero sa tingin ko kailangan kong magpabalikbalik dahil kay Knixx," he said.
"After what happened last two weeks ay nag improve ang kalagayan niya, may mga naalala siya from her past," nagulat ako sa sinabi ni Rems at hindi mapigilang magtanong.
"May naalala ba siya sa aming dalawa?" I asked him with full of hope.
Nakita ko siyang umiling at napawi ang munting pag-asa na namumuo sa aking dib-dib.
"Kung ganon, ano lang ang mga naaalala niya?"
"Naalala na niya kung pano tumugtog ng gitara."
Mabuti naman kung ganon, atleats may paglilibangan siya.
"Pero hindi niya maalala ang tumuro sa kanya," I try to contain my emotions.
Tumango-tango na lang ako sa mga narinig ko kay Rems.
"Sabi niya, gusto niyang gawin ang mga bagay na alam niya noon, at susubukan niyang huwag kalimutan ngayon. Lalo na ang mga bagay na mahal na mahal niya," Rems said, at hindi ko na napigilan ang pagtulo ng aking luha.
I'm mourning silently beside my best friend, hinahayaan niya lang akong umiyak. He's not saying something or doing anything. Nandyan lang siya, at nakikinig ng mabuti sa paghikbi ko. It was enough, good enough when someone listens to you carefully and you can share your pain. Kahit papano ay gumaan ang loob ko dahil nailabas ko lahat ng nararamdaman.
"Minahal din niya naman ako ah, bakit hindi niya ako maalala," I said those words in between sobs.
"Sabagay ako lang kasi ang nagpapasama ng karamdaman niya, kaya mas mabuting huwag na lang," I wiped my tears.
"Alam kong alam mo na bumalik ang ala-ala niya sa panahong, wala kang malay," he finally said, matapos ang pananahimik.
"Bakit ganon Rems? For one month, bumalik ang ala-ala niya, pero natutulog lang ako! Wala akong alam, na inaasikaso niya na pala ako, sobrang sama ng timing! Hindi perfect timing!" I asked him almost shouting.
Ramdam ko na rin ang pagdaloy ng luha sa magkabilang pisngi, wala akong panahon para punasan yun dahil sa mga tanong na tumatakbo sa aking isipan.
"Hindi ko man lang alam if umiiyak ba siya habang pinagsisilbihan ako, hindi ko man lang napunasan ang mga luha sa mata niya at sabihing 'okay na ang lahat' huwag na siyang mag-alala."
"Hindi ko man lang siya nasabayan sa kasiyahan na naramdaman niya nang sa wakas ay bumalik na ang ala-ala niya. Kung gising lang ako non, ay masaya naming binabalikan ang masasayang ala-ala na magkasama kaming dalawa! Pero hindi! Dahil tulog na tulog ako! Wala man lang akong alam kung ano ang mga sinasabi niya habang nililinisan niya ako ng katawan! Hindi ko man lang narinig mula sa kaniya ang salitang 'I miss you' at 'I love you'," at tuluyan na akong napahilamos ng mukha, namamaos na ang boses ko dahil sa kasisigaw kanina pa.
Rems, slightly move forward and rub my back to calm me down and make me feel better. Pero lamang parin ang sakit at katanungan sa aking puso't isipan.
Himihikbi lang ako ng halos thirty minutes, at sumasakit na ang dib-dib ko sa matinding pag-iyak.
Hanggang sa maramdaman kong unti-unti na akong tumahan at gumaan ng kaunti ang aking pakiramdam.
"Pero hindi ako susuko sa posibilidad na maalala niya ako at mayroon akong malay, mas malakas ang paniniwala ko sa Kanya," napansin ko rin sa sarili ko lately na naging madalsalin akong tao, ramdam kong mas napalapit ako sa Kanya.
"Mas malakas ang pananalig ko sa Kanya kesa sa nararamdaman kong sakit," I added.
Nakikinig parin ng mabuti si Rems sa akin.
"Ka-kah-kahit isang porsyento lang," I raised my one index finger to represent the one percent. "Isang porsyento lang sa isang daang porsyento ang mayroon ako, ay panghahawakan ko ito, aasa at aasa ako kasi mayroon pa akong natitirang porsyento. Pero sa oras na wala ng porsyentong matira sa akin," I paused for a second then continue. "Ako mismo ang gagawa ng sarili kong pag-asa," finally I managed to contain my feelings and emotions, pero ramdam parin ang nginig sa boses ko.
"Kung kailan kong hindi matulog, para lang makamit ang perfect timing na iyon, ay gagawin ko yun! Iinom ako ng maramimg kape gabi-gabi para hindi ako makatulog, hihintayin ko si Knixx at hindi ako mapapagod," nakita kong marahas na tumingin si Rems dahil sa sinabi ko.
"Don't say that! Alam mong bawal kang uminom ng kape dahil sa isa mo pang kondisyon! Alam mong matindi ang palpitation mo oras na uminom ka ng kape, you're not even allowed to sip a cup of coffee! Nakalimutan mo na bang muntik ka nang hindi matanggap bilang surgeon dahil sa kalagayan mo!" Bulyaw niya sa akin, at ramdam ko ang galit at masama niyang tingin sa akin.
Dahil sa labis kong pag-inom ng kape I developed an ulcer, acid and palpitation, OA man pakinggan pero pagkatapos kong uminom ng kape ay nanginging ang buo kong katawan, lalo na ang dalawa kong kamay. Because of that my career choice was in peril. Muntik na akong hindi maging neurosurgeon.
After that I take some medicines to cure my condition and promised myself to never drink a cup of coffee again, even a sip.
"Pero kung yun lang ang paraan, hindi ako magdadalawang isip na gawin yun Rems, kahit ikasasama pa ng sarili kong kalagayan," he immediately avoid his gaze from me. At tumingin sa kawalan, kita ko parin ang pagkunot ng nuo niya at alam kong hindi siya natutuwa sa pinagsasabi at binabalak ko.
"Ewan ko sayo Clij, katawan mo naman yan, malaki ka na at may sariling pag-iisip, may sarili ka ding desisyon sa buhay, pero sinasabi ko sayo, hindi ako nagkulang na balaan at paalalahanan ka bilang kaibigan at doktor mo," he said it, with full of warning.
Nakita ko siyang umalis sa tabi ko at pumunta sa pinto, pero bago siya umalis ng tuluyan ay may sinabi siya sa akin.
"May bisita ka sa kwarto mo,mukhang isang oras ka ng hinihintay. But I advice you to fix your face before facing that person, I have to go, may aasikasuhin pa ako para bukas," he closed the door, hindi ko man lang siya binalingan ng tinigin matapos niyang sabihin iyon.
Nagtagal muna ako doon ng limang minuto bago nagpasiyang umalis.
Sino ba ang bisita ko at kailangan ko pang ayusin ang sarili ko. Sinunod ko ang payo ni Rems, nagpunta muna ako sa C.R. ng third floor para maghilamos ng mukha bago tuluyang pumasok ng kwarto ko.
Pagpasok, hindi ko maikurap ang dalawang mata ko. I was about to close the door, when she immediately stop me.
"Teka lang, may sasabihin ako," na alarma siya ng makitang lalabas sana ako ng pinto.
"Kilala na kita ngayon," she paused a bit. "Ikinuwento sa akin lahat ni mama kung sino ka at anong puwang mo sa buhay ko," she slightly smiled at me.
Then I run towards her, and hug her so tight, naramdaman kong niyakap niya rin ako pabalik, mahigpit. At hindi ko na napigilan ang lumuha.