Pagdating ko sa room, nagulat ako sa aking nakita. Si Knixx, hindi lang siya nag-iisa may kasama siya. Kasama niya sina Clover at Cliff. Nabitawan ko ang mga pinamili kanina dahil sa gulat at kaba. Pagbagsak ng siopao at Real leaf ay napatingin silang tatlo sa akin.
Na sa loob kami ngayon ng aking kwarto, nakaupo sila ni Cliff at Clover sa isang couch habang ako naman ay na sa kama.
Matapos ang nangyari kanina, ay iniwan namin si Knixx sa loob ng Children's Room para makapag-usap kaming tatlo ng masinsinan. Sabi ni Knixx ay okay lang daw siya, at nagpasalamat sa dinala kong pagkain at pag-assist sa kanya.
"Anong pinag-usapan niyo kanina?" Tanong ko ng seryoso sa kanilang dalawa.
"Wala," si Cliff, at may pailing-iling pa.
"Anong wala? Nakita ko kanina ang mukha niya gulat na gulat at nagtataka kung sino kayong dalawa," taka kong tanong at nagpabaling-baling ng tingin sa kanila.
"Clij, huminahon ka, totoo, wala kaming pinag-usapan, dahil bigla kang dumating at pumasok sa eksena," kalmadong paliwanag ni Clover sa akin.
Pero hindi parin ako kumbinsido sa sagot at pagpapaliwanag nila.
"Kung ganon maipapaliwanag niyo ba sa akin kung bakit ganon ang naging reaksyon niya ng makita kayong dalawa?"
"Nagpunta kami rito para sana kamustahin ka dahil nabalitaan namin na gising ka na, pero ng magpunta kami sa room mo ay wala ka doon, aalis na kami sana ng makita namin si Knixx sa loob ng isang room na nagliligpit ng gamit, nakasiwang ang pinto ng silid kaya kitang-kita namin siya sa loob," paliwanag ni Cliff sa akin at inaalala ng mabuti ang nangyari.
"Kaya agad namin siyang nilapitan para kamustahin at tanungin kung anong ginagawa niya rito sa ospital, pero ang ikinagulat namin ay hindi niya kami kilala," nabaling ang tingin ko kay Clover, at sa tingin ko ay hindi siya nagsisinungaling.
"Alam mo naman kung anong usual nating batian noong high school, diretso tayong nagyayakapan ng walang pasabi, kaya nagulat kami ni Clover ng hindi man lang yumakap pabalik si Knixx sa amin, gulat at pagtataka lang ang nakuha namin sa kanya," si Cliff.
"Magpapakilala na kami sana ng bigla kang dumating, kaya naudlot ang balak namin," kunot noong paliwanag ni Clover.
Nabunutan ako ng tinik sa dib-dib matapos marinig ang mga paliwanag nila.
Lingid sa kanilang kaalaman ang sakit ni Knixx, at kung bakit siya nandito.
Kaya nagdesisyon akong sabihin sa kanilang dalawa ang tungkol sa sitwasyon ni Knixx.
"She's suffering from alzheimers disease," I said it, without looking at them.
"Ano?" Sabay nilang tanong at hindi makapaniwala.
"Eh, panong kilala ka niya kanina, bumalik na ba ang ala-ala niya?" Si Cliff.
"Para sa kanya ay kamakailan niya pa lang ako nakikilala kaya nagawa naming mag-usap na dalawa, pero wala siyang alam tungkol sa nakaraan, tungkol sa aming dalawa," I explained, while playing both of my hands in front of me.
"Kaya hanggat maaari ay huwag na kayong gumawa ng bagay na makakasama ng kalagayan niya, hayaan na lang natin ang nakaraan, kung yun ang ikabubuti ng kalagayan niya," finally I looked at them with begging eyes.
"Ayos ka lang ba Clij, sa ganong set-up?" Clover asked, mababakas ang concern sa tono ng boses niya.
"Oo naman, para kay Knixx," I said and gave a brief smile to convince them.
"Sige, iiwasan naming ungkatin ang nakaraan, para kay Knixx," si Cliff.
"Salamat"
Madali lang sa kanila na pakiusapan, dahil naging malapit na rin si Knixx sa barkada, masarapa kasabay si Knixx dahil nakikita kong masaya ang mga kaibigan ko tuwing kakulitan siya.
Panong hindi siya mapapalapit sa aming barkada, kung puros lalaki rin noon ang tropa niya, sa barkada niya siya lang ang babae, pinaka iingatan siya ng mga kaibigan niya, kaya nahirapan din akong lapitan at ligawan siya noon, dahil bantay sarado ang mga tropa niya sa kanya.
Pero kahit puros lalaki ang kaibigan niya, babaeng-babae parin siya kung gumalaw, she's their princess and they will do everything and anything to protect Knixx. Lalo na sa akin, noon.
Limang myembro silang magkakabarkada, apat na lalaki at isang babae.
"Ipapakilala ko kayong dalawa sa kanya, puntahan natin siya sa taas, para mayroon naman kayong maayos na first meeting," I told them, at tumayo na para lumabas.
"Teka, anong gagawin namin?" Tanong ni Cliff.
"Just act normal, kunwari ngayon niyo lang siya nakilala," I said.
"Ayos, kung ganon, matutunghayan niyo ngayon ang galing ko sa pag arte!" Biglang tumayo si Clover at may paayos-ayos pa ng dalawa niyang kuwelyo.
Pinandilatan ko siya dahil baka kung ano ang tumatakbo sa isip niya, at madulas ang dila niya mamaya. Hindi ako magdadalawang isip na sakalin siya sa harap ni Knixx.
"Chill, Clij, wala ka bang tiwala sa akin?" Si Clover, at mukhang gusto akong kumbinsihin.
"Wala," I blurt out, without a second thought.
"Ouch!" May pahawak-hawak pa siya ng dib-dib niya gamit ang kanang kamay, at may papikitpikit pa ng mata.
Kaya binatukan siya ni Cliff para matauhan, napakamot siya sa kanyang batok. Sabay kaming tatlong nagtawanan dahil sa nangyari.
Na sa loob na kami ngayon ng elevator para puntahan si Knixx. Para magkaroon naman silang tatlo ng maayos na pagbabati.
Tumambad sa amin ang fourth floor. Lumabas kaming tatlo at pagkarating namin sa tapat ng pinto ay kumatok ako ng dalawang beses.
"Pasok," rinig kong sabi niya sa loob ng silid.
Pinihit ko na ang seradura at tumambad sa amin ang Knixx na nagbabasa ng libro sa ibabaw ng kama. Mukhang sinimulan niya ng basahin ang hiniram niyang libro sa akin.
"Hi, pasok kayo," nakita ko siyang sinarado ang libro at inilagay ito sa maliit na table na katabi ng kama niya.
She was arranging the three monobloc chairs para doon kami paupuin. Nakita ko ang dalawang mokong na inilibot ang kanilang mga mata sa loob ng silid.
Siniko ko silang dalawa para itigil ang ginagawa nila dahil baka mailang ang isa.
Napahimas sila ng kanilang tagiliran dahil sa ginawa kong pagsiko.
Naupo kami sa inihandang upuan ni Knixx at na sa gitna ako ng dalawa habang si Knixx naman ay nakaupo sa gilid ng kama niya. Nakaharap kami ngayon sa kaniya.
"Knixx, si Cliff at Clover, mga kaibigan ko," pagpapakilala ko sa dalawa.
"Nice meeting you, Knixx!" Sabay nilang sabi.
Nakita ko silang naglahad ng kanilang kamay para makipag shake hands. She extend her hand to them.
"Aknita or you can call me Knixx for short," she smiled genuinely to them.
Sumandal na ang dalawa sa kanilang upuan.
"Marunong kang mag gitara?" Si Clover, nakita ko namang tumingin si Knixx sa kaniya at tinignan ang gitara.
"Siguro," napatulala siya muna sandali sa gitara bago nakasagot.
"Anong siguro?" Tanong ni Clover, kaya siniko ko siya.
Tumingin sa amin si Knixx at matipid na ngumiti.
"Siguro, kasi hindi naman dadalhin yan dito ni mommy kung hindi yan akin, pero, wala akong matandaan na marunong akong tumugtog ng gitara," she explained.
"Kilala mo ba kung sinong nagbigay?" Pangungulit parin ni Clover.
Isang tanong pa nito, at sasakalin ko na talaga siya.
"Hindi eh, sa tuwing tinatanong ko si mommy ang sagot niya, isa raw lalaking malapit sa akin at mahal ako ng wagas," tapos tumingin siya sa akin, mali sa amin.
Tumikhim ako para putulin ang question and answer session baka kung saan pa mapunta.
"Ehem, tama na, ano ba naiilang na yung tao Clov," suway ko sa kaniya.
"Ay sorry, Knixx," paghingi ng paumanhin ni Clover, tapos napakamot ng ulo.
"Si Clija, marunong!" Narinig kong nagsalita sa tabi ko si Cliff at marahas ko siyang tinignan. Ngumiti siya na nangaasar sa akin, kaya pinandilatan ko siya.
Ngayon ko lang na realize na hindi ko dapat ipinakilala ang dalawang asungot na ito, mukhang mabubulilyaso pa ako.
"Talaga?" She asked, at lumiwanag ang kaniyang mukha sa narinig.
Gusto ko sanang tanggihan, ngunit ayaw kong mawala ang magandang reaksyon niya. So I agreed.
She immediately get her guitar and give it to me.
Tumayo ang dalawa para bigyan ako ng space upang makatugtog ng gitara. Nakita ko silang dalawa na lumapit sa kama ni Knixx para maupo.
Kanina pa ako dismayado sa mga pinaggagawa nilang dalawa. Nakita kong nagulat si Knixx sa ginawang akto ng dalawa subalit nakuha ko ang kaniyang atensyon ng magsimula akong magpatugtog ng gitara.
Ooh, ooh-ooh
Ooh-ooh-ooh-ooh, ooh-ooh-ooh-ooh
Ooh, ooh-ooh
Ooh-ooh-ooh-ooh, ooh-ooh-ooh-ooh
Ooh, ooh, ooh
Ooh, ooh, ooh
I heared Cliff and Clover clapping their hands, kaya napatingin si Knixx sa kanila at sinabayan ang pagpalakpak.
You're the one that I want to be with
Never wanna be separated
I'm captivated
Then I glanced to her quickly, tapos ibinalik sa gitara ang mata.
Everyone says you're complicated
Every day, you're my most awaited, oh
I'm captivated
Oh, they don't see you as I do
You are so beautiful
Come breathe within my soul
Let go
Oh, my love
You don't have to listen to a word they say
'Cause all that really matters is that I love you
I really do
Napapikit na ako habang kumakanta, pagbukas ko ng mata ko ay titig na titig siya sa akin, parang pagkurap ng mata ay hindi niya magawa.
Oh, I need you and I really hate it
But I'll never get tired of waiting
I'm captivated
Oh, they don't see you as I do
You are so beautiful
Come breathe within my soul
Let go
Tapos sinabayan na nila ako sa last chorus.
Oh, my love
You don't have to listen to a word they say
'Cause all that really matters is that I love you
I really do
Oh, my love
You don't have to listen to a word they say
'Cause all that really matters is that I love you
I really do
Pagkatapos kong kumanta ay narinig ko silang pumalakpak, ang ganda ng ngiti niya, mukhang namangha sa ginawa kong pagtugtog at pagkanta.
"Hindi ka lang naman pala magaling mag gitara, ang ganda din ng boses mo," she complemented, at alam ko sa sarili ko na namumula na ang dalawa kong tenga.
"Salamat," I can't help myself from smiling.
"Selemet," Clover trying to mock me around.
"Shy type ka nyarn?" At humagalpak ng tawa.
Desidido na talaga ako, sasakalin ko siya sa oras na makalabas kami ng kwarto ni Knixx.
At napuno ng tawanan ang buong silid dahil sa pagkutya sa akin ni Clover.
"Clij, kung ayos lang sayo, puwede mo ba akong turuan kung pano tumugtog ng gitara?" Tanong ni Knixx sa akin, at hindi ko alam kung ano ang isasagot.
"Si-ge," tama ba na pumayag ako, hindi ba makakasama to sa kalagayan niya.
Natatakot akong baka sumagi sa ala-ala niya ang pagturo ko sa kanya noon kung pano mag gitara.
"Um, Knixx mauna na kami siguro dahil may pupuntahan pa silang dalawa," pagpapaalam ko sa kanya.
"Ha? Saan? Wala naman-," napatigil si Clover sa kanyang sasabihin ng bigla siyang akbayan ni Cliff.
"Nakalimutan mo na ba? May kailangan pa tayong daanan mamaya, ano ka ba naman tol, nagiging makalimutin ka naman yata," sabi ni Cliff kay Clover habang nakaakbay parin ito.
Mukhang na gets na ni Clover ang gusto naming mangyari ni Cliff kaya dalidali siyang tumango at sumang-ayon.
"Ah, eh, huo nga pala, tama may dadaanan pa kami ni Cliff, sorry nakalimutan ko, ang daming iniisip sa trabaho lately," si Clover.
"Hayaan mo pagkahatid ko sa kanila ay pupuntahan kita dito para turuan, okay lang ba?" Tanong ko sa kanya at nakita ko siyang tumango.
"Sure"
"Bye Knixx! Again, nice to meet you!" Paalam ng dalawa sa kanya.
Nakita kong dali-daling niyakap ni Clover si Knixx kaya agad ko siyang hinablot. Makikita ang gulat sa mukha niya dahil sa biglaang pagyakap ni Clover sa kanya.
Pagkatapos non, ay lumabas na kami ng kuwarto, agad kong sinakal si Clover dahil kanina pa ako nagtitimpi sa kanya.
Inaawat kami ni Cliff dahil sa ginagawa namin, nakikita kong pilit na kumakawala si Clover sa pagkakasakal ko sa kanya.
Agad na bumukas ang pinto ng room ni Knixx at nagulat siya sa ginagawa naming tatlo.
"Anong nangyari?" Tanong niya at agad kong binitawan si Clover.
"Wala, sige na magpahinga ka na, at pupuntahan kita mamaya," paliwanag ko at mukhang hindi siya kumbinsido pero sinunod niya parin ang sinabi ko.
Agad kaming pumunta sa room ko, at doon nag paalam ng maayos ang dalawa.
"Magiging maayos ka lang ba talaga Clij? Ako yata ang nahihirapan sa sitwasyon niyong dalawa eh," tanong ni Cliff sa akin at pinatong ang kanang kamay sa ibabaw ng kaliwa kong balikat.
"Oo naman, kakayanin ko to, para kay Knixx, magtiwala lang kayo sa akin," I said it to convince them and to convince myself.
"Oh siya sige, mauna na kami, at dadalaw na lang sa susunod Clij, pasensya na sobrang busy sa work," si Cliff parin.
"Salamat ah, sa pagdalaw at pagpapasaya kay Knixx kahit sa madaling panahon."
"Ano ka ba, wala yun, tropa na tingin namin dun, since high school!" Clover said it and tapped my shoulder.
I saw them went outside my room. Tapos natulala muna ako sa gitara ko ng mga ilang minuto bago nagdesisyong kunin yun. Tama ba na turuan ko siya ulit kung paano tumugtog ng gitara?
Naisip ko baka makakasama lang yun sa kalagayan niya, dahil ang pangyayaring ito ay nagawa na namin noon at nawala lang sa memorya niya.
Sa huli nagdesisyon pa rin akong kunin ang acoustic guitar ko at lumabas ng kuwarto.
I entered the elevator to ascend me to the fourth floor. I slow down my pace while approaching towards her room. I can feel my hesitation, but I find myself knocking the door in front of her room.
Pagbukas ng pinto ay nakita ko siyang nakingiti, ang ganda naman ng bumungad sa akin.
"Let's start?" I asked her, then she opened widely the door to welcome me.
Nakaupo kami ngayon sa monobloc chair at tinuturuan ko siyang mag gitara.
Tumagal ng limang oras ang pagturo ko sa kanya. Hindi kagaya ng dati ay mabilis siyang natuto, ngayon medyo nahihirapan na siya, siguro dahil sa kondisyon niya.
Kaya nagtyaga ako sa pagtuturo sa kanya, pagdating kay Knixx ay kaya kong magtiis kahit gaano pa katagal at kahirap, dahil ang pag-ibig mahaba ang pasensya.
Naisip ko sana hindi lang paggigitara ang matututunan niya mula sa akin, sana matutunan niya akong mahalin muli.
After five hours we bid our good byes, nangako akong araw-araw ko siyang tuturuan mag gitara, at natuwa siya dahil dun. Humingi siya ng pasensya dahil nahihirapan daw siyang mag catch-up sa mga itinuturo ko, sabi ko okay lang, ganon talaga.
It was already 8:00 p.m. should I sleep or what, natatakot kasi akong baka matagalan ang paggising ko.
But I decided to turn off the ligts and turn on the lamp beside me.
I bought this lamp last week, it was cool, it was inspired by the figure of a human brain, it makes the room feel warm and cool, kaya madali rin akong nakakatulog.
Nagising ako dahil sa tunog ng katok sa pinto. I looked at the walk clock, it's already 11:11 a.m. so I'ved over sleep.
Pagbukas ko ng pinto nagulat ako sa aking nakita, si Knixx, dala-dala niya ang librong hiniram niya sa akin, tapos niya na ba ito? Akala ko next month niya pa isasauli sa akin to.
Pinapasok ko siya sa kwarto at dali-dali akong pumasok ng banyo para maghilamos ng mukha at magsipilyo.
"Sorry, kagigising ko lang kasi," I said.
She's sitting in a couch na kaharap ng hinihigaan kong kama.
"I went here to return this to you," she said while lending the book in front of me.
Nakatayo parin ako, habang nag-uusap kaming dalawa. Pero mayroon akong nararamdamang kakaiba mula ng pinagbuksan ko siya ng pinto kanina.
"Really, ang bilis mo namang magbasa," mangha kong tanong sa kanya, at inabot ko ang libro.
Nakita kong may bagay siyang hinahawakan pero hindi ko na tinanong kung ano yun.
"So, what's your favorite poem in this book?" I asked her.
"Ang tula na may pamagat na 'Minefield'," sagot niya sa akin, pero bakit parang seryoso siya?
"Nice!" I exclaimed and smiled briefly, but she didn't smile back. Kaya nawala bigla ang ngiti ko.
"If you know a boy with eyes quite of wonderment, who smiles often and speaks rarely- someone who pays respect to words as he would a minefield- who thinks deeply and is endearingly sad- please do not give your heart to him. Even when he gently pleads with you- or clutches your hand with grave earnest- no matter how he tries to convince you, please turn him away. You don't know him like I know him. You can't love him like I do."
She recited the poem in a flawless way and I was amazed because of that.
"Ang galing! Na memorize mo agad yun?" Hindi parin mawala ang mangha sa mukha ko dahil sa ginawa niya.
Pero nagulat ako ng hindi man lang siya kumibo at nagbago nang expression.
"Sino ka ba talaga?"
"Ano ba kita?"
"Anong relasyon mo sa akin?"
"Matagal na ba kitang kilala?"
Nagulat ako sa sunod-sunod niyang tanong.
"Ano bang pinagsasabi mo Knixx?" Tanong ko sa kanya at akmang lalapitan siya, subalit napatigil ako sa bagay na ipinakita niya sa akin.
Isa itong bookmark, picture na magkasama kaming dalawa. Nakatalikod man kami sa larawan pero may pangalan namin ito sa likod ng bookmark.
Clija+Knixx
"Bakit ako may picture na kasama ka? Magkaano-ano ba tayong dalawa?"