Hindi ako relehiyoso o madasaling tao. Pero naniniwala akong may Diyos, subalit hindi ganon kalakas at katibay ang pananampalataya ko.
Ngunit sa mga oras na to, natagpuan ko na lang ang aking sarili sa loob ng chapel dito sa ospital. Pangalawang beses pa lang ako nagpunta at nagdasal dito sa loob ng chapel.
Ang una ay noong nagkita kami ni tita Crezelda, ang nanay ni Knixx. Walang ibang unang taong unang pumasok sa isip ko pagpasok ko ng chapel kundi ang babaeng pinakamamahal ko.
At ngayon ang pangalawang beses na nagdasal ako sa loob ng chapel. Isang oras na akong nakaupo rito at tinitignan Siya.
Mag t-thirty minutes na akong nakaluhod, habang nagdarasal, hindi ko naramdaman ang pananakit ng tuhod ko dahil sa pagluhod kanina pa.
Nang matapos akong magdasal ay naupo ako sa upuan, doon ko lamang naramdaman ang pananakit ng tuhod ko. Sigurado akong namumula na ito ngayon, kahit natatakpan pa ito ng suot kong hospital gown.
Umupo muna ako ng higit sa tatlumpong minuto bago magdesisyong umalis sa chapel.
Ang dami kong hiniling mula sa Kanya, at halos hindi ko na matandaan ang aking mga ipinagdarasal. Ang natatandaan ko lang ay halos tungkol lahat kay Knixx, hindi rin ako sigurado kung naisali ko ba ang sarili kanina.
Paglabas ko ng chapel ay hindi ko maiwasang magbuntong hininga.
Ang daming katanungan sa aking isipan, at gabi-gabi akong binabagabag. I start to over think, hanggang sa atakihin na naman ako muli ng insomnia.
Natatakot akong uminom ng sleeping pills dahil baka matagal na naman bago ako magising. Pero ang mas ikinakatakot ko ay ang maalala ako ni Knixx na wala akong malay at wala sa kanyang tabi.
Naglalakad ako papuntang elevator para dalhin ako sa third floor.
Ang lalim ng aking iniisip.
Sana palasapin ako ng pag-asa kahit sandali lang, kahit isang beses lang.
Hindi naman ako sakim at nagmamalabis sa nais ko. Ang gusto ko lang ay maalala niya ako habang gising.
Ang gusto ko lang ay makilala niya ako bilang Clija na dati niyang kasintahan at hindi bilang isang doktor rito sa ospital na naging pasyente.
Sa sobrang lalim ng iniisip ko ay hindi ko namalayan na nasa ikatlong palapag na ako ng ospital.
Paglabasa ko ng elevator ay nakita kong may nagkukumpulang mga tao sa pinakadulong bahagi ng palapag na ito.
Sa pinakadulong room ng third floor. Dinala ako ng aking mga paa papunto dun, at dahil na rin sa kyuryosidad.
"Ano po ang nangyayari dito?" Tanong ko sa isang babe na nasa tingin ko ay na sa late thirties pa lamang ang edad, siguro isa siya sa mga kamag-anak ng mga pasyente dito.
"Ang room na yan ay gagawing Children's Room. Na kung saan lahat ng mga batang pasyente rito sa ospital ay puwedeng maglaro diyan at makipag socialize sa kapuwa nila bata," paliwanag ng ale.
Tumango lamang ako sa kanyang sagot. Ang ganda naman ng naka isip non. Maraming batang pasyente ang matutuwa rito, lalo na si Trixie. Kaya napangiti ako matapos marinig iyon.
Hindi kasi pumayag ang may-ari ng ospital na magtayo ng play ground, para maiwasan ang aksidente sa mga batang pasyente habang naglalaro.
Mas maganda ang ideang ito, dahil maiiwasan ang aksidente kung sa loob ng room lang na ito maglalaro ang mga bata. Hindi sila mababagot habang nananatili sa loob ng ospital at nagpapagaling.
Wala na sana akong interes na makipag siksikan at maki-usyoso pa sa mga nangyayari sa loob ng room, dahil alam kong pag s-set up lang yun ng mga gamit at laruan ang ginagawa ng mga taong naka assing para sa gawaing yun.
Subalit, nagulat ako ng marinig kong nagsalita ang ale na kinausap ko kanina.
"Ang galing niya naman magpinta, ang swabe nang galaw ng kaliwang kamay niya. Pang museum ata ang obrang ginagawa niya."
Natigilan ako sa sinabi ng ale, titignan ko pa sana kung sino ang tinutukoy niya, pero naisip ko baka manggagawa lamang na inatasan na magpinta.
I was about to step away from that place when I heared the woman said again.
"Kung gaano kaganda ang ipinipinta niya ay ganoon rin siya. Mabuti naman at pinayagan siyang magpinta kahit na isa siyang pasyente rito sa loob ng ospital."
At walang pag-alinlangan akong nakipagsiksikan sa mga tao para tanawin ang taong nagpipinta.
Hindi nga ako nagkakamali siya nga, si Knixx. At nakikita ko siyang nakangiti habang nagpipinta sa loob ng silid. She was painting againts the white wall inside the room. Ang puting pader ang nagsisilbing canvas niya sa pagpipinta.
I saw her enjoying the thing that she love. She was very passionate about her work. Mahal na mahal niya ang pagpipinta. Nasilayan ko na noon at magpahanggang ngayon.
Sa tingin ko ay kanina pa siya nagpipinta dahil malapit niya nang matapos ang buong pader.
Nakikita ko ang mga maliliit na butil ng pawis sa mukha niya habang nagpipinta siya. Pinunasan niya ito ng kanang kamay niya at ipinahid sa suot niyang apron. Ang apron niya ay may laman ng iba't-ibang klase ng brush. May manipis, makapal, mahaba, maikli, malaki at maliit.
Bigla siyang humarap sa madla at ngumiti. Tapos nagsalita.
"Mamayang tanghali ko naman po ipagpapatuloy ang pagpipinta, kailangan ko nang bumalik sa room ko sa itaas para inumin ang maintenance medicine ko. Salamat po sa mga papuring kanina ko pa naririnig. Babalik po ako rito mamayang 1:00 p.m." sinabi niya iyon tapos napatingin sa relo na suot na nasa kaliwang kamay niya.
Narinig kong pumalakpak ang mga tao, at may kasamang mga papuri. Hindi ko alam kung ano ang dapat gawin. Nakatulala lang ako sa kanya habang ngumingiti siya sa madla.
Nakita kong unti-unti nang umaalis ang mga tao sa paligid. Binaling ko ang tingin sa kanya at nakita ko siyang nagliligpit ng mga kagamitan sa pagpipinta, kagaya ng mga nakakalat na brush at lata ng mga iba't ibang kulay ng pintura.
Pumasok ako ng silid at tinulungan ko siyang magligpit ng gamit. Mukhang nagulat siya sa presensya ko at napatingin siya sa akin.
"Clij! Ikaw pala!" Gulat niyang sabi sa akin habang isa isang tinatakpan ang lata ng mga pinta.
She gave me her sweetest smile. Ngiti na hindi na nakikita ang pares ng kanyang mata.
Natatandaan niya na naman ako, at nakikilala. Ang naaalala niya lamang ay ang mga pinagsamahan namin kamakailan, mga alaala namin sa loob ng ospital.
"Tulungan na kita."
"Uy, salamat ha, napadaan ka yata dito?"
"Nandito ang floor ng room ko. Nakita kong nagkukumpulan ang mga tao rito kaya nagpunta ako dito," paliwang ko sa kanya habang nagpupunas ng mga pintura na natapon sa sahig gamit ang isang mop.
"Ganon ba, mamayang paglabas natin ituro mo sa akin ang room mo ha."
"Bakit?"
"Para naman madalaw kita," tapos binigyan niya ako ng ngiti. Anak ng tokwa, nanlambot ako dun ah.
Mabuti na lang at may hawak akong mop, naitukod ko ang aking sarili para hindi tuluyang mapaluhod.
Pagdating talaga sa kanya nagiging marupok ako. Ang bilis kong kiligin sa mga salita niya, kahit wala naman sa plano niyang pakiligin ako. Ano pa kaya kung intensyon niya na yun, edi nangisay na ako.
"Yan ang room ko," sabi ko sabay turo sa pinto ng silid ko.
"Okay, noted, pupunta ako rito mamaya, bago pumasok ulit sa Children's Room," nakita ko pa siyang tumango habang finafamiliarize ang pinto ng silid ko.
"Baka makalimutan mo," nakita ko siyang umismid at pinandilatan ako ng mata.
"Heh! Edi huwag!"
"Uy, eto naman parang hindi na mabiro," pinipilit ko siyang paharapin sa akin dahil tinalikuran niya ako matapos kong sabihin yun.
"You're always welcome in my room Ms. Pangilinan!" I winked.
"Manghihiram sana ako sayo ng libro, puwede ba?" finally she faced me.
"Puros poetry books lang laman ng shelf ko eh, kung gusto mo samahan kitang humiram kay Rems ng libro."
"No, it's fine, a poetry book will do," she explained.
"Sige, mamaya punta ka ng room ko para makapili ka ng libro," I smiled briefly after that.
She was about to leave when i stopped her using my words.
"Um Knixx, puwede ba kitang samahan mamaya sa loob ng Children's Room?"
"Sure, nagpipinta ka rin? Mabuti naman at may katulong ako."
"Hindi ako marunong eh," umiling ako tapos napakamot sa batok gamit ang kanang kamay ko.
"Eh anong gagawin mo dun?" She said in between laughs.
"Ang titigan ka."
"Ha?"
"Hakdog!"
Sinamaan niya ako ng tingin tapos tinawanan ko siya.
"Bakit, bawal ba?" I lean towards her while saying it.
Maliit na espasyo na lamang ang pagitan ng mukha naming dalawa. Siguradong pag may tumulak sa akin ngayon ay mahahalikan ko siya sa labi.
She blinked her eyes twice, then pushed me.
Nakita ko siyang namula pagkatapos niya akong itulak.
"Aakyat na ako, pupuntahan na lang kita mamaya."
Paalam niya sa akin at naglakad na para pumasok ng elevator. Hindi ko maiwasang mapangisi sa naging reaksyon niya. Pero hindi ko maitatangging kinilig rin ako kanina. Lalo na sa naging sitwasyon at posisyon naming dalawa.
Pagpasok ko ng room ay dali dali akong nagligpit ng mga gamit. Naglinis na rin ako ng sahig, at inayos ang kama ko. Para naman sa pagpasok ni Knixx mamaya ay maaliwas at hindi nakakahiya.
I arranged the books by author, una si Michael Faudet, Lang Leav, Pierre Jeanty, Courtney Peppernell at si Atticus.
Pagkatapos ko mag arrange ng shelf ay kumuha muna ako ng tubig sa ref para uminom. Nakaramdam ako ng uhaw matapos akong maglinis at mag-ayos sa loob ng kwarto.
Lumipas ang thirty minutes ay wala parin si Knixx. Kaya nagdesisyon na lang ako na kunin ang gitara para tumugtog.
I use my acoustic guitar. Ang sarap sa pakiramdam talga pag bago ang strings ng gitara.
I was playing the song I've made for her, ngumingiti ako habang kumakanta. Gusto ko sanang kantahin sa kanya to, makita ang reaksyon niya matapos marinig ang kanta at malaman na para ito sa kanya. Subalit hindi pa ang tamang panahon.
Nakarinig ako ng dalawang katok sa pinto, kaya natigilan ako, at bumalik sa ulirat.
"Pasok," pagpapahintulot ko sa kumakatok.
Bumungad ang nakangiting Knixx sa akin.
"Hi," mukhang bago ang suot niyang hospital gown, at katatapos niya lang maligo dahil sa basa niyang buhok.
Naaamoy ko rin ang halimuyak ng body soap na ginamit niya.
"Hindi ka pa pala nakaligo kanina? Ew, kaya pala ang baho mo paglapit ko sayo," tukso ko sa kanya at sinusubukang huwag humagalpak sa tawa.
Sinamaan niya ako ng tingin, ang cute niya pagnapipikon siya.
"Excuse me, pero pangalawang paligo ko na to ngayong araw, naligo lang ako ulit kasi ang init-init at ang dungis ko kanina," pagpapaliwanag niya at nagpamewang pa.
"Tsss, madudumihan ka parin mamaya, magpipinta ka eh, hindi mo naman maiiwasang hindi madumihan habang nagpipinta. Ang sabihin mo eh- nagpapaganda ka lang," I smirked then I looked at her intently.
Mukhang effective dahil na intimidate siya sa paraan ng pagtitig ko.
"At kanino naman ako magpapaganda aber?" Buwelta niya.
"Sakin."
"Luh, asa ka!" Singhal niya at halos lumaki ang butas ng ilong nito.
Pero alam kong naiilang na siya, kaya tinigilan ko na ang pangungulit.
"Pahiramin mo na lang kasi ako ng libro, asan ba ang shelf mo?" Pag-iiba niya sa topic, at nilibot ang paningin sa loob ng kwarto para hanapin ang shelf ko.
"Ayon oh," turo ko sa maliit na shelf.
"Hala ang cute naman! Ang liit-liit!" She exclaimed, she exciteldy walk towards the small shelf.
Nakita ko siyang umupo sa sahig para pumili ng libro. I saw her flipping every pages of the book she picked, hanggang sa-
"I'll borrow this one," pinakita niya sa akin ang napili niyang libro, nagulat ako sa napili niya dahil yun ang isa sa mga libro ni Michael Faudet na kung saan, nandoon ang kantang ginawa ko para sa kanya.
"Ah, eh ibalik mo yan, hindi yan puwede," taranta kong sabi sa kanya at naramdaman kong namutla ako at pinawisan ng matindi.
"Siguro may tinatago ka rito nu?" Tukso niya sa akin, at mas lalo akong kinabahan.
"Akin na yan!" Hablot ko sa libro subalit mabilis niya iyong iniwas sa akin.
"May tinatago ka nga! Ano kaya yun?"
"Hindi ko pa kasi natatapos yan," pagpapaliwanag ko at umaasang maniwala siya sa akin.
"Hindi ako naniniwala, halos mapuno na ng notes ang libro oh, sa tingin ko every page ng librong to nilalagyan mo ng note," naniningkit na ang kanyang mata.
Mas mataas ako kay Knixx pero ang bilis nang paggalaw ng dalawang kamay niya para pagpasapasahin ang libro. Natakot rin ako sa kahihinatnan ng libro ko, baka mapunit o masira ito. Baby ko yun eh, they're my precious.
"Yung last page na lang ang hindi ko nakikita, mahaba eh, kaya gusto kong hiramin," nakahinga ako ng maluwag matapos niyang sabihin iyon, kung ganoon hindi niya pa tuluyang nababasa ang kanta.
"Aknita Pangilinan!" Sigaw ko sa kanya, at nagulat siya.
Kaya na out of balance kaming dalawa at parehong bumagsak sa ibabaw ng kama.
Nasa ibabaw niya ako ngayon, nadaganan ko siya dahil sinusubukan kong hablutin ang libro kanina, kaya napaatras siya, at hindi namalayan ang kama sa likod niya.
Nagtagal yun ng tatlong segundo at nakatitig lang kami sa isa't-isa.
"Ang bigat mo, umalis ka nga!" Sigaw niya at natauhan ako sa posisyong naming dalawa.
Dali-dali kong hinablot ang libro habang nakadagan parin ako sa kanya.
Madali ko lang itong nahablot sa kanang kamay niya.
"Damot."
Natawa ako sa sinabi niya.
"Pumili ka na lang ulit," paliwanag ko sa kanya, dahil sobrang nakabusangot na ang mukha niya.
"Huwag na!" Bulyaw niya sa akin at umpo sa kama.
Inayos niya ang buhok niyang nagulo kanina. Lumapit siya sa shelf para pumili ulit ng libro.
"Ito, puwede na ba to?" Pinakita niya ang libro ni Lang Leav na Sea of Strangers sa akin.
"Sure," I gave her my thumbs up.
"Next month ko ibabalik okay lang ba?"
"Anytime you want."
Nakita ko siyang ngumiwi sa sagot ko.
Muntik na ako don kanina ah, kinabahan ako ng sobra.
"Mauna ka na sa Children's Room susunod na lang ako," I instructed her.
"Sige."
Pagkalabas niya ng kwarto ay dali dali kong inilagay ang libro sa loob ng drawer ko, but before that I checked the last part, nabunutan ako ng tinik sa dibdib, dahil nandoon parin ang kanta at na sa tamang posisyon pa ito.
I proceed to the children's room at nakita ko siyang nagsimula nang magpinta. Ngayon ko lang nakita ang nais niyang ipinta, na distruct kasi ako sa kanya kanina kaya hindi ko nabigyan ng pansin ang ipinipinta nito.
The painting is a huge play ground in the park. May swing, monkey bars, slide, seesaw. May malaking puno ng narra tree at sa ibabaw nito ay may maliit na tree house, may ladder din ito para makapunta sa ibabaw ng tree house. The ladder is made out of woods and rope na nakatali sa maliit na pintuan ng tree house.
The skies are so blue, pero may makikita ring puti na ulap sa kalangitan. Mukhang nag papolish na lang siya ng kaniyang ipinipinta. Ang galing at ang ganda ng pagkakapinta. Parang tunay ang mga nakalagay.
"Tititigan mo na lang ba talaga ako Clij?" Natauhan ako sa sinabi niya.
Kaya pumasok ako sa nakasiwang na pintuan ng silid.
"Kung yun ang makakapagpabilis sayo, then oo."
"Asa ka," sabi niya at nakatuon parin ang atensyon sa pagpipinta.
"Alam mo, i-assist mo na lang ako, para mapakinabangan ka naman," at nagpamewang pa.
"Kunin mo nga yung hagdan sa gilid ng pinto, hindi ko maabot yung mga ulap dito," utos niya sa akin at nakaturo doon sa hagdan na pinapakuha niya.
"Pandak ka kasi," I murmured.
"Anong sabi mo?" Singhal niya sa akin habang nakataas ang kaliwang kilay.
Maldita talaga kahit kailan.
"Wala, sabi ko kukunin ko na ang hagdan," tanggi ko sa sinabi kanina.
Pagkuha ko ng hagdan ay inilatag ko yun sa harap naming dalawa. Inalalayan ko siyang umakyat sa hagdan at hinawakan ito ng mabuti para hindi gumalaw-galaw.
"Inutusan ka ba ng may-ari ng ospital para magpinta?"
"No, I volunteered," she said and still painting.
"Why?"
"Wala lang, namiss ko kasi ang pagpipinta, lalo na sa malalaking medium, kagaya nito, pader."
Tumango ako sa sagot niya.
"Alalayan mo ako," at inalalayan ko naman siyang bumaba ng hagdan.
Ibinalik ko na ang hagdan sa tabi ng pinto. Pumunta ako sa gitnang bahagi ng silid at umupo. Na ka indian seat ako ngayon habang tinititignan siya. Nakapamalumbabang nakatingin sa kanya.
"Alam mo, bawasan mo yang pagtitig mo sa akin, baka matuluyan ka," duro niya sa akin, gamit ang paint brush na ginagamit nito.
I smiled after hearing that, but I asked her as if I didn't know what she means.
"Matuluyan sa?" Takang tanong ko.
"Ma inlove sa ganda ko," nakita ko pa siyang nag flip ng kanyang buhok.
"Kapal!" Pabalang kong sagot.
"Do you know who's the greatest artist I've ever known?" I asked her, but she continued doing her work.
"Hmmm, si Leonardo Da Vinci?" She asked without giving me a glance.
"No."
"Si Vincent Van Gogh?"
"Hindi."
Kaya napatingin siya sa akin, at puno ng kyuryusidad sa kaniyang mata.
"Eh sino?" Nagpamewang siya.
"Ou Creator," I smiled genuinely to her.
"And my favorite masterpiece of Him is you," nagulat siya sa sinabi ko at hindi man lang magawang kumurap.
Hindi ko man lang siya nakitang ngumiti o namula, agad siyang tumalikod at inilagay ang brush na hawak niya sa bulas ng kanyang apron. Nakita ko siyang itinali ang kanyang buhok into a messy bun. Hayop, ang ganda niya kahit hindi niya sinuklay ang buhok niya.
Si Knixx ay isang simpleng klase ng babae. Walang palamuti sa katawan o mga alahas. Hindi siya nagsusuot ng kuwintas, singsing, hikaw o kahit anklet. Ang suot niya lang ay isang relo sa kaliwang kamay. Hindi rin siya marunong mag make up, lip balm is enough to mosturize her lips.
"Sinabi mo na rin ba yan sa ex mo dati?" She asked without looking at me, nakita ko siyang nagliligpit ng mga kagamitan niya. Teka tapos na ba siya? Tinignan ko ang buong ipininta niya sa pader, mukhang tapos na nga siyang magpinta at magpolish sa ginawa niya.
Tinulungan ko siyang magligpit at maglinis ng mga natapong pintura sa sahig.
Hindi ko sinagot ang tanong niya. Hanggang sa ipinagpaliban na namin yun dalawa. I did, I say those words to her, noong manalo siya sa impromptu painting competition sa loob ng campus.
"The greatest artist I've ever known is Our Creator and my favorite masterpiece is you."
Those are the exact words I said after she descend from the stage. Sinabi ko yun sa kanya habang magkayakap kaming dalawa.
Narinig kong tumunog ang tiyan niya, kaya tinawanan ko siya. Nakita ko pang napahawak siya doon at hindi makatingin sa akin, dahil nahihiya.
"Bibili ako sa baba, mukhang gutom na ang alaga mo eh," tukso ko sa kanya.
"Anong gusto mo?"
"Ikaw"
"Ano?"
"Ikaw ang bahala, libre mo naman eh," hindi parin siya tumitingin sa akin at patuloy sa pagliligpit.
Na sa canteen na ako para bumili ng pagkain niya, bumili ako ng siopao, beef flavored, paborito niya yun eh, tsaka isang red tea na Real leaf. I paid the bills and went out from the canteen. I entered the elevator to ascend me to the third floor.
Pagdating ko sa room, nagulat ako sa aking nakita. Si Knixx, hindi lang siya nag-iisa may kasama siya. Kasama niya sina Clover at Cliff. Nabitawan ko ang mga pinamili kanina dahil sa gulat at kaba. Pagbagsak ng siopao at Real leaf ay napatingin silang tatlo sa akin.