Bilang isang tao, may mga bagay tayong kinakatakutan. Mga takot noong mga bata pa lang tayo, at dala-dala pa din natin sa pagtanda. Pero may mga kinakatakutan tayong hinarap nang buong tapang, at sa ating pagharap ay tuluyan na natin itong nalampasan. Habang tumatanda tayo, umiiba ang mga bagay na kinakatakutan natin, may mga nadadadagdagan o nababawasan. Pero sa mga oras na ito, isang bagay lang ang kinakatakutan ko, ang tuluyan akong kalimutan ng taong hindi ko magawang ibura sa aking isipan. Pero ang takot na yun ay mas lalo pang nadagdagan. Nang tuluyan niyang makalimutan ang importante bagay sa pagbuo ng pagkatao niya, ang kanyang sariling pangalan. Nakita ko siyang natigilan sa ginagawa niya. Kanina pa kasi siya paikot-ikot sa kanyang kinatatayuan. Nakita ko siyang sinabunutan an

