Chapter 20

3179 Words
"Knixx," tumingin siya sa akin, dahil tinawag ko ang kanyang pangalan. Grabe wala na akong mahihiling pa. Ang batiin niya lang ako sa pinakamahalagang araw ng buhay ko ay sapat na. "Ano yun Clij?" Tanong niya, at nanatiling nakayakap pa rin sa akin. "Let's escape together, kahit ngayong araw lang," tugon ko sa tanong niya. Pero hindi siya sumagot. "Can you spend your ten hours with me, Knixx?" Pakiusap ko sa kanya. Umalis siya sa mula sa pagkakayakap ko at tumayo nang maayos. Yumuko siya at kinuha ang kanang kamay ko gamit ang kaliwa niyang kamay. "Kahit habang buhay pa," she slightly squeeze my hand and look at me intently. Hindi ko ba alam kung tama tong nakikita at nararamdaman ko ngayon, kasi kamakailan lang, sinabi niya sa akin na huwag umasa sa kanya, dahil hindi sigurado kung kaya niyang ibalik ang pagmamahal na ibinibigay ko o mahalin niya ako gaya nang dati. Pero naglakas loob akong magtanong ngayon, dahil hindi sa takot akong umasa sa wala. Alam ng Diyos na pagdating kay Knixx ay aasa at aasa ako hanggat nabubuhay. "Mahal mo na ba ako?" I feel the lump in my throat while saying it. Nakita kong kumunot ang nuo niya. "Sa mga araw na nagdaan habang kasama kita, hindi pa man bumalik ang mga ala-ala ko na kasama ka, ayaw ko na magsinungaling sayo at sa aking sarili. Oo, minahal kita noon," she paused and look down. Tumagal yun ng mga limang segundo at nagpatuloy siya sa pagsasalita. "Kaya hindi imposibleng mahalin din kita ngayon," pagkatapos niyang sabihin yun ay tinignan niya ako, nangingilid na ang luha sa dalawa niyang mata. Ang kanina niya pang hawak na kamay ko ay itinaas niya nang dahan-dahan. "What the mind forgets, the heart remembers," tapos itinapat niya ito sa kaniyang dib-dib, kung nasaan ang kanyang puso. Ang bilis nang pintig nito. Parang gustong makawala sa kaniyang hawla. "Yes, I will spend my ten hours today with you, let's run away together," she added. "But," tinignan niya ako nang direkta sa mata, sa oras na kumurap siya, malalaglag ang luha na kanina niya pa pinipigilan. "Promise me one thing," huminga siya nang malalim bago nagpatuloy. "No matter what happens, I hope that you will always choose to stay," at tuluyan nang nalaglag ang luha sa mga mata niya. Pumikit siya nang marahan at pinipigilan ang sarili na huwag humikbi. "Hindi mo kailangang makiusap, kasi mananatili ako sa tabi mo," I said, trying to contain all my emotions. "Mas pipiliin ko ang isang bukas na kasama ka, kahit na hindi mo ako kilala, kesa sa maraming bukas na wala ka. Mahal kita at hindi ako magsasawang sabihin sayo yun araw-araw. Mahal kita, kahit ang sakit-sakit na. You're my favorite pain that could make me feel again and again," I said emotionally while wiping her tears. I love her so much that my heart hurts. "Aalis tayo mamaya, before eight dapat nakaalis na tayo, okay?" Nakita ko siyang tumango, and she's still sobbing. Umalis kaming dalawa ng rooftop na magkahawak ang ang kamay. Hinatid ko siya sa kanyang kwarto. Sabi ko susunduin ko siya mamaya mga exactly seven a.m. Bumalik ako sa kwarto at nag-isip nang puwede namin gawin mamaya. Sampung oras na wala akong ibang kasama kundi si Knixx lang. Inilista ko lahat ang mga gagawin namin. Siyam na gawain ang naisip ko. It's great, good enough to spend my whole day with Knixx. Pati time frame ng bawat gagawin ay isinulat ko na din, sisiguraduhin kong i-uuwi ko mamaya si Knixx ng seven p.m. kailangan niya nang mahabang pahinga pagkatapos niya akong samahan buong araw. Alas singko na ng umaga at naghanda na ako ng mga susuotin ko mamaya. Sana makalusot kami nang hindi nahuhuli sa exit ng ospital. Naligo na ako ng higit sa kalahating oras. Tapos nagbihis ng damit. Nakaplain white long sleeves ako, then black trousers. I wear brown leather sandals. Wala akong ibang dala kundi phone, earphones, susi ng sasakyan ko at wallet lang sa bulsa. I went out from my room and immediately go to the elevator to ascend me above. Pagkalabas ko ng elevator ay dumiretso ako sa kwarto ni Knixx. Sabi ko kasi sa kanya hintayin niya lang ako dito dahil ako mismo ang pupunta sa kanya para sunduin siya. Pagkatok ko ng dalawang beses ay nakahinga ako nang maayos ng makitang tapos na siyang magbihis. Salamat naman at hindi niya nakalimutan na may lakad kami. Ang cute ng suot niyang damit ngayon. She wears a brown Corduroy Pinafore Apron Dress, it is a vintage mini dress. She paired it with a plain white three-fourths. Tapos nakasuot siya ng Starfish Sandals: White, it's a genuine tan leather and glass beads (not plastic). "Tara?" Aya ko sa kanya tapos lumapit siya sa akin at kumapit sa kanang braso ko. Naglakad kami papuntang parking lot at pumasok na sa kotse. Nabunutan ako ng tinik sa dib-dib nang makalusot kami sa exit ng ospital. Yung guard na naka assign ay yung baguhan pa rin. Una naming pinuntahan ay ang Calea. Nag coffee date kami ni Knixx. Pero napakamot ako sa sariling batok nang maalalang hindi pala ako puwedeng uminom ng kape. Kaya nag dessert na lang ako. We ordered two Salted Caramel Chocolate Cake and one cup of hot Espresso. Naghintay lang kami ng mga ilang minuto at dumating na ang aming order. Mukhang excited siyang inumin ang kape niya. I saw her sipping the cup of coffee, napapikit pa siya habang umiinom at ninanamnam yun ng mabuti. We started eating our one slice of cake. Ang sarap talaga ng dessert ng shop na to. After our not so Coffee Date, since hindi naman ako uminom ng kape, kase bawal nga sa akin baka bumalik ang hindi normal ma palpitation ng buong sistema ng katawan ko, mahirap na at baka masapak pa ako ni Rems. Time check, it's around nine in the morning. Pagkatapos namin pumunta ng Calea ay dumiretso kami sa isang shop dito sa Bacolod. A shop where we can buy a vinyl. Since mom and dad have a vintage turntable at our house, I wanted to buy a vinyl. Siguro puwede yun dalhin sa loob ng room ko sa ospital. I wanted to play the vinyl on the turntable while I slow dancing with the person I love. Pagkarating namin ng shop ay pinark ko ang kotse sa labas. Pagkapasok namin ay sobrang excited kami ni Knixx na pumili ng vinyl. Nawili kami kapipili at tumagal yun ng mga fourty-five minutes. Hanggang sa nakita ko ang isang vinyl na may title na kantang, If By: Bread, I ask her if narinig na niya ba ang ganitong kanta. Umiling siya bilang sagot. So I decided to buy the vinyl. Gusto ko kasing iparinig sa kanya yung kanta. Pagkalabas namin ng shop ay dumiretso na kami ng mall, sa SM. While driving narinig ko na tumunog ang tiyan ni Knixx, nakita ko pa siya na hinawakan ang kanyang tiyan gamit ang dalawang kamay. Tumawa ako kasi ang lakas nang tunog. Hinampas niya naman ako nang marahan sa braso at umiwas siya ng tingin. Nakatingin siya sa labas ng bintana, nahiya siguro. Pagkarating namin sa loob ng mall ay inaya ko siyang kumain. "Kain muna tayo, mukhang gutom na yung alaga mo," ngumuso ako at nakaturo yun sa tiyan niya. Sinamaan niya naman ako ng tingin dahil don. Sabi ko sa isang fine restaurant kami kakain, pero ayawa niya. "Sa Jabee tayo kumain!" Gusto niya daw kumain sa Jollibee, she's craving for a spaghetti. So pumasok na kami sa loob. Syempre ako yung nag order at nagbayad, sagot ko lahat ngayong araw. I ordered spicy chicken breast and rice, with extra rice. Tapos coke at fries. Ang kay Knixx naman, ayaw niya daw mag rice, so I ordered spaghetti and lumpiang Shanghai, with coke and fries. After I paid and received my order I proceed to our seat. Nakatingin siya sa akin at ang kanyang mukha ay bagot na bagot na sa kahihintay. We pray first before we started eating. She really enjoyed her food. Ang lakas at ang bilis niyang kumain kasi. After eating, we practice the CLAYGO before leaving the fastfood. Time check, it's eleven a.m. kaya inaya ko siyang manuod ng sine. We watched action movies, because she prefers it. The movie last for one to two hours. She really enjoyed watching it, while I enjoy watching her. Pagkalabas namin sa loob ng sinehan ay hinila ko siya papunta sa isang arcade. Sa World Of Fun o mas kilala sa tawag na WOF. We played a lot of games. I even get a small stuff toy for her in a claw machine. It was a small gray elephant, a baby elephant. She's like a child while cheering me getting that small elephant for her. She even scream so loud the moment I caught the elephant for several attempts. Niyakap niya ako nang mahigpit at nagpasalamat siya. Ginulo ko pa nga ang kanyang buhok habang sinasabi ang salitang 'You're Welcome'. Lumabas na kami ng mall after non, inaya ko siyang pumunta sa isang bar. Inaya ko siya para hindi makipag-inuman kundi, para kantahan siya sa madaming tao. Since wala naman akong kakayahan na gumawa ng isang malaking concert, siguro sa ganitong paraan na lang. Ang importante, nagawa ko siyang haranahin sa publiko. Maipagsigawan ko sa maraming tao kung gaano ko siya kamahal. Pagkarating namin sa bar ay iniwan ko muna siya sandali para gumamit ng comfort room. Pagkalabas ko ng C.R. ay kinabahan ako nang matindi nang makitang wala siya sa kanyang upuan. I was searching for her around the bar, I roam around my eyes, I searched for her in every tables and chairs inside the bar, pero wala siya. Hanggang sa may nagsalit sa microphone. "Oh, he's here!" Tumingin ako sa maliit na stage kung saan nagmula ang tunog. Nakita ko si Knixx na nakatayo habang may hawak na gitara. Halos lahat ng tao sa loob ng bar ay nakatingin sa amin. Umupo ako sa isang upuan at hindi pinutol ang atensyon ko sa kanya. "Clij, this song is for you," tapos ngumiti siya ng matamis sa akin. She started to strum the guitar. Remember the first day when I saw your face? Remember the first day when you smiled at me? You stepped to me and then you said to me I was the woman you dreamed about Ayos, inunahan niya pa ako sa binabalak ko para sa kanya. Nakatitig siya nang mabuti sa dalawang mata ko habang kumakanta. Remember the first day when you called my house? Remember the first day when you took me out? We had butterflies although we tried to hide And we both had a beautiful night Umorder ako kanina ng isang light drink pagkalabas ko ng banyo. Dumating ang inorder ko, inilapag ng waiter ang drink sa ibabaw ng table. The way we held each others hand The way we talked, the way we laughed It felt so good to find true love I knew right then and there you were the one Pumikit siya sandali tapos imunulat ulit ang kanyang mata. Seryoso itong nakatingin sa akin. I know that he loves me 'cause he told me so I know that he loves me 'cause his feelings show When he stares at me you see he cares for me You see how he is so deep in love I know that he loves me 'cause its obvious I know that he loves me 'cause its me he trusts And he's missing me if he's not kissing me And when he looks at me his brown eyes tell it so Grabe, kinilig ako sa last line ng kanta. Namumula na yata ang dalawa kong tenga. Bumaba na siya ng stage at lumapit sa akin. "Syempre hindi ako makakapayag na ikaw lang. Hindi ako aalis ng bar nang hindi ka kinakantahan," nakita ko ang gulat sa mukha niya. Pumunta na ako ng stage at hiningi ko muna ang pahintulot ng mga nakaassign doon, and luckily they agree. Kinuha ko ang acoustic guitar na ginamit kanina ni Knixx. Kumuha din ako ng isang upuan, siguradong manghihina ang tuhod ko sa kalagitnaan ng kanta mamaya. Umupo na ako sa upuan at nag strum ng gitara. Ipinikit ko muna sandali ang aking mga mata bago kumanta. I thought sometime alone was what we really needed you said this time would hurt more than it helps but I couldn't see that Naalala ko bigla kung paano kami naghiwalay noon ni Knixx. Nalungkot ako nung araw na yun, labis akong nasaktan, pero pinili ko pa rin na palayain siya. I thought it was the end of a beautiful story and so I left the one I loved at home to be alone (alone) and I tried to find out if this one thing is true that I'm nothing without you I know better now and I've had a change of heart Nang marealize kong dapat hindi ako pumayag sa naging desisyon ni Knixx, sana ay kami pa ngayon. Dapat naging mas matapang ako para sa aming dalawa. Kaya ipinangako ko sa sarili na hindi na mauulit ang nangyari noon. Hindi na ko papayag na iwan niya ako, o iwan ko siya. I'd rather have bad times with you, than good times with someone else I'd rather be beside you in a storm, than safe and warm by myself I'd rather have hard times together, than to have it easy apart I'd rather have the one who holds my heart whoo-oo-oo-oo yeah Nagpasalamat ako kasi hindi halata sa boses ko ang nginig. Sa hirap o ginhawa, hindi ako aalis sa tabi niya. Nakita kong tumakbo papalapit ng stage si Knixx. Pagkarating niya sa stage ay niyakap niya ako nang mahigpit. Narinig kong naghiyawan ang lahat ng taong nakasaksi non. Ang saya ng araw ko ngayon, sobra. I was able to serenade the woman I love in front of other people. We went outside the bar then proceed to the last place. Ang dagat. Pagkarating namin sa dagat, ay nag rent ako ng isang maliit na bangka. Takot na takot pa si Knixx na sumakay sa loob ng bangka. Sobrang higpit ng pagkakahawak niya sa bangka habang nakaupo siya sa loob non. Pinapagalitan niya pa ako sa tuwing gumagalaw ako dahil baka daw tumaob ang sinasakyan namin, wala daw kasi kaming extra na damit. Nangisda pa kami habang nakasakay sa bangka, ako lang yata nag-eenjoy sa aming dalawa. Dahil halos namumutla siya sa tuwing gumagalaw ang bangkang sinasakyan namin. Nakabingwit ako ng isang malaking bangus. Sobrang saya ko paglagay ko non sa maliit na balde. Naunang bumaba si Knixx sa bangka, nagpaalalay pa ito sa mga namamahala. I rent a small cottage. Nagsimula akong gumawa ng apoy para iluto ang nakuha kong isda. Mukhang nawili naman sa pagluluto ng isda si Knixx, kaya hinayaan ko na lang yun sa kanya. Pagkatapos niyang magluto ay ibinigay niya sa akin ang isda. Nagulat ako sa itsura nun, ang itim-itim na nito at halos hindi na makita ang mukha. Napahimas ako ng sintido dahil sa ginawa ni Knixx. Nginitian niya lang ako at tinawanan. Pero ng subukan kong hiwain ang isda, mukhang hindi naman nasunog ang laman nito, yung sa labas na bahagi lang. We started to eat the milk fish. Nakabili kami ng dalawang rice at dalawang sawsawan para sa isda. We enjoyed eating it. Nagtawanan pa kami at nagkuwentuhan. Tinutukso ko siya dahil takot siya sa tubig, hindi kasi marunong lumangoy si Knixx. Time check, it's five p.m. isang oras na lang ang natitira at kailangan na naming bumalik sa ospital. Siguradong pagagalitan kami kasi matagal kaming nawala, paniguradong may nakapansin non. Nakatayo ako habang pinagmamasdan si Knixx na naglalaro sa dalampasigan. She was moving forward kapag walang tubig sa seashore tapos mabilis siyang umaatras pag nakita niyang paparating ang tubig at hahampas ito sa dalampasigan. Para siyang bata sa ginagawa niya, at nakapaa pa siya. Tumatawa siya habang ine-enjoy ang ginagawa. Hanggang sa hinubad ko ang sapin sa paa katabi ng sandals ni Knixx. Lumapit ako sa kanya at hinawakan ko siya sa kanang braso. Napatingin siya dahil sa ginawa ko. Nawala siya sa focus kaya mas lalo siyang nagulat nang maramdaman ang paghampas ng tubig sa paa naming dalawa. Hinila ko siya papalapit sa akin at niyakap ng mahigpit. "Bakit, anong problema?" Tanong niya habang yakap-yakap ko siya. "Five minutes," sagot ko sa kanya. Tapos naramdaman kong niyakap niya din ako pabalik. Hinalikan ko siya sa kanyang nuo. Lumipas ang limang minuto at na sa ganoong posisyon lang kami, hinahampas ng tubig dagat ang mga paa naming dalawa habang nagyayakapan. Umupo kami sa tabing dagat, magkatabi at tahimik lang. Hinihintay namin ang paglubog ng araw. She was sitting while holding her two knees and resting her head on my right shoulder. Habang ako nakaupo, while extending both of my legs in the sand. Inilabas ko ang cellphone at earphones, I plugged the earphones in my phone and searching for a good song. May nahanap na ako. Inilagay ko sa left ear ni Knixx ang isang ear plug. I started to play the song. We're both listening to it. Pero alam kong nakatulog na siya sa tabi ko, dahil ang lahat na bigat ng katawan niya ay isinandal na niya sa akin. Umaga na sa ating duyan 'Wag nang mawawala Umaga na sa ating duyan Magmamahal, oh, mahiwaga Matang magkakilala Sa unang pagtagpo Paano dahan-dahang Sinuyo ang puso? Kay tagal ko nang nag-iisa And'yan ka lang pala Mahiwaga Pipiliin ka sa araw-araw Mahiwaga Ang nadarama sa 'yo'y malinaw Higit pa sa ligaya Hatid sa damdamin Lahat naunawaan Sa lalim ng tingin Mahiwaga Pipiliin ka sa araw-araw Mahiwaga Ang nadarama sa 'yo'y malinaw Sa minsang pagbali ng hangin Hinila patungo sa akin Tanging ika'y iibiging wagas at buo Payapa sa yakap ng iyong hiwaga Payapa sa yakap ng iyong... Mahiwaga Pipiliin ka sa araw-araw Mahiwaga Ang nadarama sa 'yo'y malinaw Mahiwaga 'Wag nang mawala araw-araw Mahiwaga Pipiliin ka araw-araw Natapos ang kanta at hindi pa rin siya nagigising. "Adlaw-adlaw ta ka pili-on," I whispered. Gumalaw siya sa tabi ko tapos umalis sa pagkakasandal sa akin. Nginitian ko siya nang matamis, kaso hindi siya ngumiti pabalik. "Uwi na ta-" naputol ang sasabihin ko ng bigla siyang magsalita. "Nasaan ang best friend ko?" Nagulat ako sa tanong niya. "Nandito ako Knixx, best friend mo ko," kumunot ang nuo niya sa sinabi ko. "Sinungaling! Hindi ikaw ang best friend ko!" tumayo siya bigla at tumakbo. Kaya hinabol ko siya para pigilan. Paglingon niya sa akin ay marahas niyang inalis ang kamay ko sa braso niya. "Nasaan si Mark! Nasaan ang best friend ko!" Nataranta ako sa sinabi niya. "Calm down Knixx, uuwi na tayo," pagpapakalma ko sa kanya. "Stay away from me!" Sigaw niya, takot na takot sa oras na mahawakan ko siya. Nakita ko siyang natigilan sa ginagawa niya. Kanina pa kasi siya paikot-ikot sa kaniyang kinatatayuan. Nakita ko siyang sinabunutan ang sarili niyang buhok. I was about to step forward to stop her from pulling her hair. "Ano ang pangalan ko?" - Aurhor's Note: "Adlaw-Adlaw ta ka pili-on," is a Hiligaynon. Meaning "Araw-Araw kitang pipiliin."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD