"Kung i-personalize ko kaya ang kwarto mo? Madami pang wall paint na natira sa room ko," sabi niya at natigilan ako dahil don. Nakita niyang natigilan ako, kaya tumigil din siya sa paglalakad at tumingin sa akin.
"Kung pipinturahan mo ngayon ang loob ng room ko, saan mo ako patutulugin mamayang gabi?" tanong ko habang direktang nakatingin sa mga mata niya.
"Sa kwarto ko," she plainly said.
"Alam mo Knixx, hindi mo naman kailangang pinturahan ang loob ng room ko at pagurin pa ang sarili mo. Kung gusto mong tumabi mamayang gabi sa akin, wala namang kaso sa akin yun." Sinapak niya ang kanang braso ko, at hindi ako nakapaghanda dun, kaya nagulat ako.
"Aray naman! Alam mo, amazona ka talaga!" Singhal ko sa kanya habang hinihimas ang sinuntok niyang braso ko. Hindi iyon mainhin, full force niya yata yun. Ang sakit ba naman kasi.
Kaya nandito kami ngayon sa kwarto ko habang nagpipinta si Knixx sa isang pader dito sa loob ng room ko. Tinanong niya ako kung anong gusto kong ipipinta niya. Kaya sabi ko, crowd. Yung sa concert na crowd ng mga tao, tapos madilim at may kanya-kanyang hawak na ilaw ang bawat tao. Isa to sa mga pangarap ko, ang magkaroon ng isang malaking concert. Para matupad ang pagiging surgeon ko, kailangan kong bitawan ang isa ko pang pangarap.
Nakatitig ako kay Knixx habang nagpipinta siya ng isang pader sa kwarto ko. Na sa bintanang bahagi rin ang pinili niya. Grabe hindi ba talaga siya napagod kanina. Kinuha ko ang acoustic guitar ko, dahil wala naman akong ginagawa dito, pagkatapos na lang siguro ni Knixx, ako na lang ang magliligpit dahil sigurado akong mararamdaman na niya mamaya ang pagod.
Umupo ako sa kama na nakatagilid at pinagmasdan ang ginagawa ni Knixx. Tapos na niyang gawin ang crowd, pinapollish niya na lang ang kanyang ginagawa. Tamang-tama parang totoong nag c-concert ako ngayon. Ang galing kasi nang pagkakapinta niya. Bukas din ang lahat ng bintana at isang pinto dito sa loob ng room ko.
Nag strum ako ng mga ilang segundo, nakatingin parin ako sa painting na ginagawa ni Knixx. Ipinikit ko ang dalawang mata habang nag s-strum ng intro ng kanta.
I love you
But I don't really show you
I'd call you
But only if you want me too
Oh, don't you let it stop
Oh, I won't let it happen, baby
I will never stop
But only if you listen to me
Nagsimula na akong tumugtog ng gitara habang kumakanta, nakatingin sa painting at iniimagine ang totoong crowd, sumasabay ang bawat tao sa kanta and they're raising their hands while waving it above the air.
Come inside of my heart
If you're looking for answers
Look at the stars
Go a little bit faster
Ooh, ooh
Come inside of my heart
If you're looking for answers
Look at the stars
Go a little bit faster
Ooh, ooh
Nakapikit ang dalawang mata ko habang dinadama ang bawat lyrics ng kanta.
Oh, baby
Forgive me if I hurt you
Come save me
'Cause you're the only one for me
Oh, don't you let it stop
Oh, I won't let it happen, baby
I will never stop
But only if you listen to me
Come inside of my heart
If you're looking for answers
Look at the stars
Go a little bit faster
Ooh, ooh
Come inside of my heart
If you're looking for answers
Look at the stars
Go a little bit faster
Ooh
Whatever happens to me, baby
I'm sorry
No one could ever go my way
I love you
But I don't really show you
Seryoso ang pagkanta ko ng 'I love you but I don't really show you,' at nakita kong natigilan si Knixx sa ginagawa niya. Humarap siya sa akin at seryoso ang mukha niya. Titig na titig siya habang kumakanta ako.
Come inside of my heart
If you're looking for answers
Look at the stars
Go a little bit faster
Ooh, ooh (come inside of my heart, baby)
Come inside of my heart
If you're looking for answers
Look at the stars
Go a little bit faster
Ooh, ooh
Nagtitigan lang kaming dalawa hanggang sa matapos na ang kanta. Iniwas ko ang paningin sa kanya at tinignan ang ginawa niyang painting.
"Tapos ka na ba?" Tanong ko habang hindi pa rin siya tinitignan. Ramadam ko parin ang titig niya sa akin using my peripheral vision.
"You know what, you're very passionate type of person. Napaka passionate mo sa mga bagay na mahal na mahal mo at gustong-gusto mong gawin," kaya napatingin ako sa kanya. Hindi ko ba alam kung tama ang nakikita ko ngayon sa mga mata ni Knixx, parang humahanga siya sa akin.
"And I can't deny the fact, that I admire you because of that," napalunok ako ng sariling laway dahil sa sinabi niya. Gusto kong umiyak hindi dahil na touch ako sa mga binitawan niyang salita, kundi dahil ito mismo ang eksato niyang sinabi sa akin noon. It felt like, deja vu. Kasi parehong-pareho ang pagkakasabi niya pati na rin ang emosyon at ekspresyon ng mukha nito.
So I immediately run towards her and hug her so tight, alam kong nagulat siya sa ginawa ko. Pero naramdaman kong dahan-dahan niyang hinagod ang likod ko.
"You're welcome Clij, deserve mong ma ka receive ng compliment sa kahit sinong tao," at tuluyan na akong umiyak nang todo, kaya naramdaman kong niyakap niya ako nang marahan.
Hindi ko ba alam kung nasasaktan na ba siya sa pagyakap ko sa kanya, kasi mahigpit ko siyang niyayakap habang umiiyak.
Umiiyak ako hindi dahil nalulungkot ako, kundi sobrang saya ko dahil posibleng bumalik ang mga ala-ala ni Knixx dahil sa nangyari ngayon. Kailangan kong sabihin to kay Rems, mamaya.
"Pu-w-e-de bang, ganito lang mu-n-a ta-y-o?" Tanong ko sa kanya habang humihikbi, ang iyakin ko naman, kainis.
"Puwede."
"Salamat," sabi ko habang pinupunasan ang luha ko, naku naman, siguradong mamaya ay sisipunin ako dahil ang tindi nang pag-iyak ko ngayon.
"Nahihiya kasi akong makita mo ang mukha ko habang umiiyak," paliwanag ko habang na sa ganon pa ding posisyon. Narinig ko siyang tumawa nang marahan, hinahagod niya pa din ang likod ko habang niyayakap ako.
Na sa sahig kami ngayon, siya na ka indian seat at nakatalikod sa pader habang ako naman ay nakaluhod ng dalawa kong tuhod at nakaharap naman sa pader. Hindi ko ba alam kung anong mas maganda, ang painting o ang posisyon naming dalawa.
Nang matapos na namin linisan ang kwarto ko ay dumiretso kami agad ni Knixx sa room niya. Hindi kasi maganda if magtagal kami sa kwarto ko dahil sa amoy ng pintura, kahit nakasuot pa kami ng face mask.
Tapos na din kaming mag dinner kanina. Sa baba na lang kami kumain para hindi na kami mahirapan na buhatin pababa ang pinagkainan namin. Nakaupo kami ngayon ni Knixx sa kama niya at nakaharap sa bintana. Na sa pader kasi ng bintana ang painting.
Ngayon ko lang napagmasdan nang maayos ang ginawa niya, ang ganda sobra. Parang na sa gitna ka ng field ng mga lavenders. Mas maganda sana if maaamoy mo din ang halimuyak nito.
Nakita ko siyang tumayo at lumapit sa bintana, nakatulala siya sa labas ng bintana. Kaya nagdesisyon ako na lumapit sa kanya para tignana kung saan siya nakatingin.
Kumunot ang nuo ko sa tinitignan niya, ang malaking puno ng narra sa likod ng ospital. May pumasok sa isip ko pagkakita ko ng puno.
"Bukas around eight a.m. pagkatapos mong diligan ang mga sunflowers mo, pumunta ka diyan," sabi ko sa kanya, at tumingin siya sa akin.
"Bakit?" Nagsalubong ang dalawa niyang kilay.
"Basta, malalaman mo bukas," nginitian ko siya.
"Tulog na tayo?" Sabi niya sa akin at sumampa na sa ibabaw ng kanyang kama.
"Sige, tabi tayo," sinamaan niya ako ng tingin while forming her fist into ball.
"Sabi ko nga sa sofa ako ngayon matutulog," ngumiwi ako dahil sa ipinakita niyang kamao sa akin. Napakamot pa ako ng sariling batok habang naglalakad papunta sa sofa.
Nakita ko siyang humiga na sa kama at kinumutan ang kanyang sarili. I adjusts the aircon into 35°C. Tapos pinatay ko na rin ang ilaw. Pagkapatay ko ng ilaw, napansin ko ang mga umiilaw na glowing in the dark sa kisame ni Knixx. Ayos ginawa niya na talagang sariling room ang silid niya dito sa ospital.
Sa tingin ko nakakatulong yung mga glowing in the dark na hugis bituin sa pagtulog niya. Umupo muna ako sa sofa at pinagmasadan siya. Naaaninag ko pa din ang maganda niyang mukha dahil sa buwan na nagsisilbing liwanag sa labas ng bintana.
Tuluyan ko nang inihiga ang sarili at nakatingin parin sa kanya. Ipinilit kong isiksik ang sarili dahil sa liit ng sofa na ito. Ayos mukha akong fetus.
"Hindi pa din magbabago ang laman ng aking dasal, na sana paggising mo bukas ay kilala mo pa din ako," at tuluyan ko nang ipinikit ang aking mga mata.
Naririnig ko ang tunog ng orasan sa loob ng silid. Idinilat ko ang aking mga mata, at napatingin sa wall clock. Alas singko na ng umaga. Tinignan ko si Knixx na natutulog sa kanyang kama nang mahimbing.
Tamang-tama may sapat na oras pang natitira para gawin ang balak ko mamaya. Sa tingin ko nandoon na sa loob ng garden si Mang Berting.
Lumabas ako ng kwarto ni Knixx. Sa sariling room na lang ako maghihilamos ng mukha at magsisipilyo, para hindi magising si Knixx. Ang himbing ng tulog niya, halatang pagod dahil sa ginawa niya kahapon.
Naalala ko na kailangan ko palang ibaba ang isang lamesa at dalawang monobloc chairs sa first floor. Kaya pumunta ako ng Children's Room ay binuhat yun lahat papuntang elevator. Maaga pa naman, paniguradong wala akong makakasabay mamaya sa loob. Magaan lang naman ang lamesa at maliit ito, kaya buhat-buhat ko ito sa kaliwang kamay habang ang dalawang upuan na magkapatong ay na sa kanan ko naman. Ibinalik ko na ito sa room kung saan ko ito hiniram.
Pagkalabas ko ng silid ay pumunta ako ng garden. Tamang-tama nandito nga si mang Berting. Nakita ko siyang dinidiligan ang mga halaman. Nakasuot siya ng blue longsleeves, maong pants at tyenelas lang ngayon ang suot niyang sapin sa paa, may suot din siyang sumbrero na kulay brown at gawa ito sa banig. Nilapitan ko siya at tumabi ako dito.
"Magandang umaga po, mang Berting," natigilian siya sa kanyang ginagawa at napatingin sa akin.
Umalis siya sa tabi ko para patayin ang gripo, dahil dun nakakabit ang hose na ginagamit niya para diligan ang mga halaman.
Lumapit siya sa direksyon ko at ibinaba ang suot na sumbrero at inilagay yun sa tapat ng kaniyang dib-dib.
"Magandang umaga din sayo Doc," nginitian niya ako.
"Clija na lang po, tutal pasyente na din ako dito sa loob ng ospital."
"Hijo, na lang," tumango na lang ako bilang pagsang-ayon. "Ano nga pala ang sadya mo dito hijo?" Tanong sa akin ni mang Berting.
"May lubid po ba kayo?" Nagulat siya sa aking sinabi.
"Naku po, mali ang na sa isip niyo, wala akong masamang pinaplano sa aking sarili," maagap kong sabi at narinig ko siyang bumuntong hininga.
"Lubid, kahoy, pako at martilyo sana?" I asks again, and this time I complete stating what I need.
"Ano bang gagawin mo hijo?" Nakit kong kumunot ang nuo ni mang Berting sa sinabi ko.
"Gagawa sana ako ng duyan para kay Knixx."
"Ganun ba, sige hahanapan kita ng materyales sa storage room, kung gusto mo ako na lang ang gagawa non para sayo," lumiwanag ang mukha ko dahil sa sinabi niya.
"Gusto ko din pong tumulong," paliwanag ko kay mang Berting.
"Sige. Saan mo ba gustong ilagay yung duyan?"
"Sa likod po ng ospital, sa may malaking Narra Tree," nakita ko siyang tumango.
"Bigyan mo ko ng tatlumpong minuto, at hahanapan kita ng materyales, babalik ako," tumango ako bilang tugon.
Umalis na si mang Berting ng garden para pumunta ng storage room. Naglakad-lakad muna ako. Hanggang sa nakarating ako sa tapat nang pinagtaniman namin ng sunflower. Small stems and leaves are already sprouting. Nagpatuloy ako sa paglalakad at palingalinga. Nakatatlong ulit na ako sa paglalakad sa loob ng garden hanggang sa makita kong pumasok si mang Berting.
Nakita ko sa kanang kamay niya ang mahabang lubid at kahoy na malapad. Tapos sa kaliwa naman ay martilyo at mga pako.
"Ito na ang mga hinihingi mong materyales at gamit," sabi niya at nilahad sa harap ko ang mga iyon.
"Tara na po," aya ko sa kanya sa likod ng ospital.
Pagkarating namin sa likod ng ospital ay nakatingin kami sa malaking puno ng Narra Tree.
"Saang banda mo ba gusto ilagay ang duyan?" Tanong ni mang Berting at tumingin sa akin.
"Dito po sana," turo ko sa isang sanga ng puno. Nakita ko siyang tumango at lumapit doon.
Inihagis niya ang isang lubid sa kabilang bahagi ng sanga. "Gusto mo bang ikaw ang gumawa ng upuan ng duyan?" Tanong niya sa akin at inabot ang malapad na kahoy na magsisilbing upuan.
Inabot ko naman ito at sinimulang gawin. Pinukpok ko ng martilyo ang dulo ng isang lubid sa isang corner ng kahoy, tapos yung isa naman. Nakita kong inihagis ni mang Berting ang natitirang lubid sa kabilang bahagi ng sanga. Inulit ko muli ang ginawa kanina.
Pagkatapos kong gawin ang duyan ay umatras ako ng dalawang beses para tignan ang kabuuan nito. Ang cute naman, iniimagine ko ang magiging reaksyon mamaya ni Knixx pag nakita niya ito.
Ngumiti ako at hinarap si mang Berting. "Maraming salamat po," nakita ko siyang ngumiti sa akin bilang tugon.
"Mauna na ako hijo, at ibabalik ko pa ang mga gamit."
"Sige po," sabay kaming ngumiti.
Nakita ko siyang tumalikod papaalis. Hanggang sa natigilan siya dahil sa sinabi ko.
"Um, mang Berting, pakisabi po kay Knixx na pumunta siya mamaya dito mga eight a.m. baka kasi nakalimutan niya ang usapan namin kahapon," pahabol ko kay mang Berting.
"Makakarating," at tuluyan na siyang humakbang paalis.
Humakbang ako palapit sa duyan. Umupo ako doon at nagsimulang mag swing. Ayos, mukhang maganda ang puwesto na pinili ko, secure din ang pagkakagawa ko ng duyan. Nagpasalamat naman ako, dahil hinayaan lang ako ni mang Berting na gawin ang duyan para kay Knixx.
Hininto ko ang pag s-swing at inilabas ang cellphone ko sa bulsa. Nakaupo pa din ako sa duyan. Habang nagbabasa ako ng balita sa internet ay may pumukaw ng aking atensyon. May meteor shower mamayang gabi, walang eksaktong oras kung kailan daw magaganap ang meteor shower, nagbigay lang sila ng range ng oras mga ten to twelve p.m. ang nakalagay.
May bagong plano na naman ako kung ganun, napangiti ako.
Dumating ang eight o'clock ng umaga. Nakatayo ako ngayon sa tabi ng duyan habang hinihintay si Knixx. Nagdasal ako ng palihim na sana ay dumating siya. Pero lumipas ang ang labing-limang minuto ay walang Knixx.
Naisip ko baka hindi niya alam ang daan papunta dito, I was about to take a step forward ng makita kong may taong paparating, si Knixx.
"Ano yan, duyan?" Mangha niyang tanong sa akin.
"Yep," sagot ko naman.
"Teka, mayroon na ba niyan dati pa? Kasi kahapon habang nakatitig ako sa punong to, parang wala naman akong nakitang duyan? Oh baka, nakalimot na naman ako?" tanong niya sa akin habang nagsasalubong ang dalawang kilay.
"Actually, ako ang gumawa niyan," nakita ko ang gulat sa mukha niya.
"Kanina ko lang to ginawa," napatingin ako sa duyan at hinawakan ang lubid nito.
"Ginawa ko to, para sayo," tapos tinigna ko siya. Her expression softens the moment she heard what I've said.
Lumapit siya sa direksyon ko at umupo sa duyan. "Mas masayang mag swing pag may tumutulak sayo," kaya pumunta ako sa likod niya at itinulak siya ng dahan-dahan.
Nakita kong pinapadyak niya din ang dalawa niyang paa, para mas lalo siyang umangat sa ere.
"Whooo!" Sigaw niya, at mababakas ang kasiyahan sa boses niya.
"Sabihin mo lang kung ayaw mo na, at ititigil ko ang pagtulak," sabi ko sa kanya habang tinitulak pa din siya.
"Hindi naman ako mabilis malula eh, at saka may tiwala naman ako sayo, alam kong hindi mo ako pababayaan," sabi niya, habang nakasakay pa din sa duyan.
"Um, Knixx, puwede ka bang pumunta ng rooftop mamayang gabi?" Tumigil siya sa pag s-swing dahil sa sinabi ko.
"Sure," sagot niya ng hindi ako tinitignan, at nagpatuloy sa pagduduyan.
After that, we seperate ways. I spent the rest of the day inside my room, habang siya ay may one on one consultation kay Rems, through online, since wala dito si Rems ngayon.
Hanggang sa sumapit ang gabi, at nauna akong pumunta ng rooftop, para hintayin siya. Nakatulala lang ako sa kalangitan habang nag-aabang ng bulalakaw.
Hindi ko naramdaman na pumasok siya. Nalaman ko na lang dahil bigla siyang tumabi sa akin.
"Bakit mo pala ako pinapunta dito?" Tanong niya habang nakatingin sa akin.
"May meteor shower ngayon, gusto kong ma witness yun, at mag wish na din," sagot ko sa kanya at nakatingin pa din sa madilim na kalangitan.
"Sige, sasamahan na lang kita," kumunot ang nuo ko sa sinabi niya.
"Ayaw mong mag wish?" Tinignan ko siya.
"Hindi naman sa ayaw, hindi lang talaga ako naniniwala," sagot niya at tumingala din sa langit.
"Okay," sagot ko at ibinalik ulit ang paningin sa itaas.
Lumipas ang ilang oras, at walang metero shower na dumaan sa kalangitan, imposibleng fake news yung nabasa ko kasi reliable yung site na pinagkuhanan ko. Sumimangot ako dahil sa dismaya.
"Ano ba kasing wish mo, at mukhang dismayado ka yata, dahil walang meteor shower na dumaan?" Tanong niya at tinignan ako.
"Secret, hindi na matutupad yun pagsinabi ko sayo," sagot ko at tumitig sa mga mata niya.
"Bakit kasi, hindi mo na lang gawin yang wish mo, kesa umasa sa batong umaapoy," she smirked while saying it.
"Kasi wala akong kakayahan na tupadin yun. At hindi ako sigurado kung darating pa ang araw na yun," I contain all my emotions.
"Kaya umaasa akong matutupad ng isang shooting star, ang wish ko, kahit napaka illogical," ngumiti ako ng tipid, at ramdam ko ang pangingilid ng luha ko sa magkabilang mata.
"Hindi naman siguro masama ang umasa," dagdag ko pa.
Napatingin ako sa relo na nasa kaliwang kamay ko. Alas dose na, mukhang wala talagang meteor shower na magaganap ngayon.
I faced her, at may kinuha sa bulsa ko, isa itong maliit na kahon. Napatingin siya sa kahon na nasa kamay ko at kumunot ang kanyang nuo.
Inilabas ko ang kuwintas sa loob ng kahon at sinuot yun sa kanya. The pendant was color violet and it's a glowing in the dark. It was inspired by the song Inevitable by Ben & Ben.
Napatingin siya sa kuwintas at hinawakan niya ito sa kanyang dib-dib. Tumingin siya sa akin, at nilapitan ako. She hugged me, habang nakapikit ang dalawa niyang mata.
"Diba dapat ako ang nagbibigay sayo ng regalo ngayon?" Tanong niya habang nakapikit pa din ang mata.
Kumunot ang nuo ko sa sinabi niya. "Happy Birthday Clij," she looks at me intently in the eyes, at humigpit ang pagkakayakap niya sa akin. The meteor shower occurs above the sky, I can see it in my peripheral vision. I can't ask for a wish anymore, and I can't even take my eyes off her.