Chapter 18

3170 Words
Dumating ang gabi, na sa loob kami ngayon ng kwarto ko, ni Knixx. Nakahiga siya sa kama at natutulog nang mahimbing. Hinayaan ko na lang siya na matulog dito, dahil ayaw ko naman na langhapin niya buong gabi ang amoy ng pintura sa loob ng kwarto niya. Nakahiga din ako habang pinagmamasdan siyang nakapikit ang mata, ang payapa niyang tignan. Sinisiksik ko ang aking sarili sa maliit na sofa dito sa loob ng room ko. Napagdesisyunan kong dito na lang matulog sa sofa habang siya naman ay na sa kama. Kahit na malaki pa ang bakante ng kama at kasiya pa ako doon, ayaw ko pa din. Mas lalong hindi ako papayag kung siya ang matutulog sa sofa habang ako naman ay na sa kama, kahit maliit na babae si Knixx at kasiya siya dito sa sofa, gusto ko parin na makatulog ito ng maayos kahit papano. "Sana paggising mo bukas, kilala mo pa din ako," at tuluyan ko nang ipinikit ang dalawang mata. Nagising ako dahil sa tunog ng pinggan na inilalagay sa ibabaw ng lamesa. Kaya dumilat ako nang dahan-dahan at tumingin kung saan nanggagaling ang tunog. Nakita ko si Knixx na naghahanda ng dalawang pinggan, baso at dalawang pares ng kutsara at tinidor. "Gising ka na pala, mag breakfast ka muna," sabi niya habang patuloy parin na nag-aayos. Umupo muna ako sa sofa nang mga isang minuto, habang nakatulala sa sahig. Tapos tumayo ako at pumunta ng bathroom para maghilamos ng mukha at magsipilyo. Pagkalabas ko ay handa na ang ibabaw ng lamesa. Tig-iisa kami ng kanin, tapos may extra rice pa na tig-iisa din. May limang piraso ng itlog, sunny-side up, at walong piraso naman ng bacon. May isang pitsel pa ng orange juice. Pero kumunot ang nuo ko ng makita ang isang litro ng gatas sa isang karton. "Napansin ko kasing kapag magksabay tayong kumakain ay may gatas lagi sa tabi mo," nakita niya siguro ang pagtitig ko sa karton ng gatas. My heart flipped because of that. Alam kong maliit lang na bagay to para sa iba, pero para sa akin, big deal ito. Akalain mo, napansin yun ni Knixx nang hindi ko nalalaman. Nginitian ko siya at pumunta na sa upuan. Nagdasal muna kami bago magsimulang kumain, tahimik lang kami na kumakain, ramdam ko din ang palitan namin ng tingin sa isa't-isa. Ang takaw naman ng babaeng to, nakatatlong itlog na siya. Okay lang naman, kasi dalawang bacon lang naman yung kinuha niya. Sa tingin ko sa canteen siya bumili ng breakfast dahil sa lasa ng pagkain, pati na din sa extra rice na nakabalot sa isang puting supot. "Clij, turuan mo naman akong mag order online," kumunot ang nuo ko sa sinabi nito, kaya napatingin ako sa kanya. "Bakit, ano bang bibilhin mo?" "Notebooks, ballpens, and designing materials for journals," paliwanag niya habang ginagalaw ang pagkain sa plato niya at doon nakatuon ang buong atensyon. "Sige, mamaya pagkatapos nating kumain," tumingin siya sa akin, at ngumiti nang tipid. "Salamat," tumango lang ako bilang tugon. Pagkatapos naming kumain, sinabihan ko siya na ako na lang ang mag-aayos ng pinagkainan namin, at maglilinis ng mesa, ako na din ang maghahatid ng pinagkainan sa canteen. Nung una, hindi siya pumayag, pero sabi ko ayos lang, tutal siya naman ang bumili at naghanda kanina. Tapos sabi ko pa, maligo na siya kasi ang baho na niya, binigyan niya naman ako ng masamang tingin. 'Kung amoy pintura pa rin ang loob ng room mo, huwag kang mag alinlangang pumasok sa kwarto ko para matulog.' Sinabi ko yun sa kanya habang nakatalikod siya sa akin at papaalis na ng kwarto ko. Sinadya ko yun para iwasang makita ang magiging reaksyon niya sa sinabi ko, ayaw ko na din kasing masaktan. Pagkatapos kong ihatid ang pinagkainan namin sa canteen, ay agad akong lumabas at pinuntahan ang garden. Naglakad-lakad muna ako sa loob para matunaw ang mga kinain ko. Hanggang sa may nakita akong gumamela, mayroon pala nito dito. Hindi naman siguro masama kung pipitas lang ako ng isa. Pagkapitas ko ay inilagay ko yun sa bulsa ng hindi nasisira. Pagkalabas ko ng garden ay agad akong pumunta ng elevator. Pagkarating ko ng third floor ay dali-dali akong pumasok ng kwarto at inilabas ang bulaklak na gumamela para hindi ito tuluyang masira. Pumunta ako sa bedside table ko at nagpasalamat nang may makita akong maliit na sticky note at ballpen sa loob non. I write down something in the paper, and immediately went out from my room. Sumakay ako sa loob ng elevator at pumuntang fourth floor. Pagkarating ko sa ikaapat na palapag ay nagdasal akong sana hindi pa tapos maligo si Knixx sa loob ng banyo. Dahan-dahan kong pinihit ang seradura at nagpasalamat dahil hindi ito na ka lock. Maingat akong pumasok ng silid niya para hindi niya mapansing may nakapasok, pagkapasok ko ay inilagay ko ang gumamela sa ibabaw ng bedside table niya, at katabi non ang sticky note. Sinugarado kong mabuti na hindi ito tatangayin ng hangin. Naramdaman kong may pumihit ng seradura sa pinto ng banyo, kaya mabilis akong lumabas ng kwarto ni Knixx ng walang ginagawang kahit na anong ingay. Just like how I patiently wait for the sun to set at night I will be here waiting until the time is right Loving you from afar and mesmerized by your beauty is arduous But keep in mind to be weary when it comes to you that's not what I choose -Mayong aga sa imo Knixx :> Ayon ang nakasulat sa sticky note. Kanina nang pumasok ako sa room ni Knixx ay nalungkot ako, wala na kasi ang amoy ng pintura. Sumakay ako ulit ng elevator para bumalik sa floor ko. Pagkabukas ng elevator ay lumabas ako, nakita ko sa pinakasulok na silid ng palapag na ito ay ang daming tao sa labas, kaya pinuntahan ko ang Children's Room. Nagulat ako nang makitang may mga batang naglalaro sa loob. Kung ganon, ngayong araw pala binuksa ang room na to para sa mga bata. I'm searching for someone, nahirapan akong hanapin siya, dahil may mga batang babae din na naka bonnet, hindi lang naman si Trixie ang may sakit na Leukemia dito sa loob ng ospital. I was about to leave, ang dami kasing mga magulang na nagsisiksikan ngayon dito sa labas para bantayan ang kanilang mga anak na naglalaro. Nang bahagya akong tatalikod ay may narinig akong pamilyar na boses. "Flynn!" she was spreading her arms so wide, and immediately hug me so tight. Hindi ako nakapaghanda kaya nagulat ako sa ginawa ng bata. Nakayakap siya sa akin ngayon, sa aking bewang. Makikita ang saya at tuwa sa mukha niya dahil sa mga kalarong batang nakakasalamuha. Pagkatapos niya akong yakapin ay hinawakan niya bigla ang kaliwa kong kamay at akmang hihilahin ako papasok ng room. "Trix, hindi ako puwedeng pumasok diyan, bawal," natigilan siya sa sinabi ko at hinarap ako. Lumuhod ako sa harap niya para magpantay kaming dalawa. Hinawakan ko ang magkabila niyang balikat at nagsalita. "Mga bata lang na kagaya mo ang puwedeng maglaro diyan Trix, hanggang dito lang ako sa labas," nakita kong nalungkot siya sa sinabi ko. "Mukhang kanina ka pa nila, hinihintay," turo ko sa dalawang batang babae, na kanina pa nakatingin sa amin. Ang isa na ka pony tail habang ang isa naman ay na ka two ears. Napatingin ako sa buhok ni Trixie at nalungkot, hindi niya man lang natatali ang maganda niyang buhok, dahil nalalagas ito. "Puntahan mo na sila, at ipagpatuloy niyo na ang paglalaro," tiniganan niya ako at tumango siya, tumakbo ito papunta sa dalawang batang babae, pero tumigil siya sandali, hinarap niya ako at patakbo siyang lumapit sa akin pabalik, niyakap niya ako ng mahigpit. Sa wakas ay magkapantay na din kami. Niyakap ko din siya pabalik, sinugarado kong hindi ganon kahigpit ang pagkakayakap ko sa kanya para hindi siya masaktan. We wave our hand to bid goodbye. "Good bye Flynn!" She's still waving her hand. "Till we meet again," I smile briefly and turn my back to walk away from the crowd. Habang naglalakad ako papunta sa room ko ay pumasok sa isip ko ang sinabi ni Knixx kanina, magpapaturo pala siya sa akin kung pano umorder online. Halos tumakbo ako sa pagmamadali. Pagpasok ko ng kwarto ay nakita ko si Knixx na nakaupo sa sofa at nag c-cellphone. Nakakunot pa ang nuo niya, at magkasalubong ang dalawang kilay. Tumingin siya sa akin nang marinig ang pagpasok ko. "Kanina ka pa?" Tanong ko habang hinihingal. "Um, hindi naman, mga three minutes lang," sagot niya at nginitian ako nang matipid. Umupo ako sa tabi niya at tinignan ang ginagawa nito, mukhang nagsisimula na siyang maghanap ng bibilhin. "Saan ka galing?" Tanong niya ng hindi ako tinitignan dahil na ka focus siya sa cellphone niya. "Diyan lang, sa Children's Room, ngayon pala binuksan yun," paliwanag ko sa kanya habang ang mata ay na sa celllphone niya din. Natigilan siya sa ginagawa at biglang tumingin sa akin, kaya tinignan ko din siya. "Oo nga pala! Ngayong araw nga pala yun, nakalimutan kong sabihin sayo kahapon," namimilog pa ang dalawa niyang mata habang nagsasalita. "Ano ka ba okay lang, ikaw naman, feeling mo hindi pa ako sanay," sinamaan niya ako ng tingin. "Mamayang hapon, mga around 3:00 p.m. samahan mo ako doon ha," hinawakan niya ako sa braso habang sinasabi yun. "Bakit, anong gagawin natin dun, maglalaro? Ano bang gusto mong laruin natin dun, bahay-bahayan?" Hinampas niya ang kanang braso ko at pinandilatan ako ng mata. "Kainis ka naman eh, patapusin mo muna kasi akong magsalita!" Bulyaw niya sa akin, at makikita ang pagkapikon sa mukha niya. "Naalala mo ba kahapon na ginawan kita ng face paint?" Tanong niya sa akin at nakahawak pa rin sa braso ko. Pag pinikon ko ulit to hahampasin niya ako ng walang pag-aalinlangan. Tumango ako bilang tugon, nakita ko siyang ngumiti dahil sa pagtango ko. "I decided to conduct a free face painting for the children. So please, help me later, okay?" Kumnot ang nuo ko sa sinabi niya, sabi ngang wala akong talent sa pagpipinta eh. "Knixx ilang ulit ko ba sasabihin sayo, hindi ako maalam sa ganiyang larangan," pagpapaliwanag ko sa kanya, hindi maalis ang pagkunot ng nuo ko. "Sinabi ko bang magpipinta ka." "Eh anong gagawin ko dun, I will assist you, like the usual?" Nakita ko siyang tumango at ngumisi nang malapad. Teka parang kinakabahan naman ako sa ngiti niya, parang may masamang balak. "Anong pag-aassist ba ang gusto mo, Ms. Pangilinan?" Lakas loob kong sinabi kahit may kaba. Hindi parin nawawala ang ngiti niya sa labi, halos makita ko na ang pinaka sulok ng mga ngipin niya, sa itaas at ilalim. "Instead of assisiting me while painting, bakit hindi na lang ikaw ang magbantay nang lahat ng batang maglalaro mamaya. Habang nagpipinta ako sa mukha ng isang bata, why don't you explain to the other kids that they should behave, kasi lahat naman sila lalagyan ko ng pintura sa mukha," nagulat ako sa sinabi ni Knixx, ano ba naman yan, wala akong experience sa pagbanantay ng mga bata, dahil nga only child lang ako, wala akong kapatid na binantayan. Napakamot ako sa ulo dahil sa hinihinging pabor ni Knixx. "Anong akala mo sa akin, teacher or pediatrician?" Ngumisi siya lalo sa rekasyon ng mukha ko. "Kung ayaw mo, okay lang naman, may nurse naman na na-assign at sasamahan ako mamaya, in case na umayaw ka," tumingin ako sa kanya nang seryoso. "Babae o lalaki?" I asked seriously. "Ang ano?" Taka niyang tanong. "Yung nurse, babae ba or lalaki?" Hindi ko pa rin pinuputol ang pagtitig. "Hmmmm, Rivera ba yung last name niya," sabi niya habang nag-iisip. "Tama, Rivera nga, Karl Rivera," kung ganun lalaking nurse. "Who allows you to conduct this?" "Of course the head, at syempre lahat naman ng mga magulang dito sa loob ng ospital pumayag din," tumango lang ako bilang tugon. "So-" I cut her off. "I'll be there at three p.m." I said. Nakita ko siyang ngumiti nang matamis, halos hindi na makita ang dalawa niyang mata. "Um, nakapili na pala ako ng bibilhin ko, turuan mo naman ako kung pano ito o-orderin," Kinuha ko ang phone sa kamay niya, tapos tinuro ko sa kaniya nang dahan-dahan and step-by-step kung paano mag place ng order at kung paano babayaran. Ang ginamit naming lokasyon ay ang address ng ospital, idinagdag na rin namin sa address ang number at floor ng room niya, para doon na lang i-deliver. Cash on Delivery na lang ang pinili ni Knixx. Pagkatapos niyang mag order ay sumandal siya sa sofa at tumingala sa kisame. Mga ilang segundo lang, nakita ko siyang pumikit. "Bakit yun pala ang inorder mo? Ano ba ang isusulat mo don?" Tanong ko habang nakatitig sa kanya nang mabuti. Sumandal na din ako sa sofa, pero patagilid, gusto ko kasi siyang titigan, habang hindi niya alam. "Mga alala," sagot niya at nakapikit pa din ang mata. "Mga ala-ala na posible kong makalimutan, kay nagdesisyon akong isulat lahat ng alal-ala, na naaalala ko pa. Hanggat hindi ko pa nakakalimutan, gusto ko itong isulat, dahil kung sakaling mawala man ito sa aking ala-ala, mayroong bagay na makapag-papaalala sa akin ng lahat-lahat. Puwede ko itong balik-balikan kung kailan ko gusto," iminulat na niya ang mga mata, at tumingin sa akin. Tumagal ang titigan naming dalawa hanggang sa nagsalit siya ulit. "Kaya nga, gusto ko ipagkatiwala sayo ang kuwadernong puno ng mga ala-ala ko Clij," nginitian niya ako ng matipid. "Bakit? Personal mo yung gamit Knixx, hindi ako makakapayag," umupo na siya nang maayos, patagilid para magkaharap kaming dalawa. "Dahil posibleng makalimutan ko kung saan ko ilalagay ang notebook ko, kaya mas mabuting na sa sayo yun," malungkot ang mga mata nito. "Sige, ako ang bahala," ngumiti ako para mabawasan ang lungkot sa mga mata niya. "Kaya sana, kung puwede lang, huwag kang matulog nang matagal, paano ko maisusulat ang mga ala-ala nating dalawa kung hindi ko alam kung nasaan ang notebook na susulatan ko, kasi mahimbing kang natutulog," bumagsak ang mga balikat ko sa sinabi ni Knixx. The room was filled with loneliness. Two person sharing their sadness, they're sharing not to burden each other, but to express how they feel and trying their best to conquer the trials and battles they are facing, and to seek hope with one another. Alas tres na ng hapon, nandito kami sa loob ngayon ng Children's Room. Wala pang mga bata sa loob, dahil. Mga 3:15 p.m. pa bubuksan ulit ang room para sa mga batang naglalaro. Naghahanda siya ng mga gamit niya para sa face painting mamaya. May iba't ibang kulay ng pintura, plastic palette at iba't-ibang klase ng maliliit na brushes. Ako ang nagdala ng maliit na mesa dito, kinuha ko pa ito mula sa first floor. Pagkasama ko si Knixx automatic akong nagiging kargador. Wala namang masama sa pagiging kargador. Hindi ko na yata kailangan pang mag gym, dahil parati akong may binubuhat pagkasama siya. Pagkatapos ng labing limang minuto, ay bubuksan ko na ang pinto ng silid, ang daming mga bata sa labas, kinakabahan ako, pagtuluyan ko ng binuksan ang pinto. Pagkabukas ko, ay halos maipit ako sa likod ng pinto dahil sa mga batang nag-uunahang makapasok sa loob ng kwarto. Napatingin ako sa direksyon ni Knixx at tawang-tawa ito dahil sa sitwasyon ko. "Kids, please slow down, huwag kayong magtutulakan!" Sabi ko sa mga bata pero mukhang walang nakikinig. Kaya ginamit ko ang huling alas para makuha ang atensyon nilang lahat. I blow the whistle to catch their attention. Mukha talaga akong pre-school teacher. Tumingin naman silang lahat sa akin at tumahimik dahil sa ginawa ko, including Knixx. Bumungisngis pa siya habang nakatakip ang kanyang kanang kamay sa bibig. "Okay kids, please form a line, one line for boys and girls. All of you will have the chance to be faced paint, so behave yourselves and be patient, okay?" "Okay!" They respond together. Inalalayan ko ang bawat bata na pumila ng tama. May dalawang pila ngayon, isa para sa mga babae at isa para sa mga batang lalaki, sa tingin ko hindi aabot sa sengkwenta ang bilang ng mga bata sa loob ng room na ito. Ginawang alternate ni Knixx ang pagpipinta, una babae tapos lalaki, so on and so forth. Para hindi sila tuluyang mainip ay naghanda ako nang puwede nilang makain habang pumipila. I bought lollipops. Tig-iisang lollipop sa kada bata. Ng si Trixie na ang na sa harap ko ay ngumiti siya nang malapad, "You're here!" She exclaimed. Tumango lang ako bilang tugon. "Magpakabait ka ha," nakita ko siyang tumango. "Anong gusto mong ipinta ni ate Knixx, sayo?" Tanong ko sa bata. "Hmmmmm, Starry Night by Vincent Van Gogh!" She said and she was excited. Akalain mo yun, sa ganitong kamurang edad ng bata, alam na niya ang Starry Night pati na rin ang artist nito. Eh, High School ako nang una kong makilala si Vincent eh. Siguro into arts si Trixie. Nagpatuloy na ako sa pamimigay ng mga lollipop sa bawat bata na makikita ko sa loob ng silid. Nang matapos na ako ay umupo ako sa isang monobloc chair. May mga batang nag-uusap, nagtatawanan mayroon ding hindi mapakali sa kinatatayuan nila. Alam kong excited silang lahat na malagyan ng face paint sa mukha. Tinignan ko naman ng mabuti si Knixx. Hindi niya napansing nakatitig ako sa kanya dahil abala siya sa pagpipinta. Kinakausap niya pa ang bawat bata na nilalagyan niya ng face paint, tumatawa din siya kasabay ng mga batang nakakausap niya. She glows, when she do something that opens her interest. Alas singko na at tapos na si Knixx sa pagpipinta. Nilinis na rin namin ang mga kalat niya at umalis na ng room. Babalikan ko na lang bukas ang lamesa at upuan. Iniwan nami ang mga batang naglalaro doon at ng may ngiti sa labi. "Napagod ka no?" Tanong ko sa kanya habang bit-bit ang gamit niya sa pagpipinta. "Actually hindi pa nga eh, hindi man lang na drain ang energy ko kanina," sagot niya. "Seryoso ka?" Nakita ko siyang tumango at ngumiti. "Kung i-personalize ko kaya ang kwarto mo? Madami pang wall paint na natira sa room ko," sabi niya at natigilan ako dahil don. Nakita niyang timigil ako kaya natigilan din siya sa paglalakad at tumingin sa akin. "Kung pipinturahan mo ngayon ang loob ng room ko, saan mo ako patutulugin mamayang gabi?" tanong ko habang direktang nakatingin sa mga mata niya. "Sa kwarto ko," she plainly said. "Alam mo Knixx, hindi mo naman kailangang pinturahan ang loob ng room ko at pagurin pa ang sarili mo. Kung gusto mong tumabi mamayang gabi sa akin, wala namang kaso sa akin yun." - AN: The last line that Clija wrote in the sticky note 'Mayong aga sa imo Knixx,"' means "Good morning to you, Knixx". The dialect I used is Hiligaynon, that's the dialect I use everyday since I live from the City of Smiles: Bacolod City! I think I have some readers here, living in Bacolod! Hello to my fellow Bacolodnon! Padayon lang sa pagbasa :>
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD