Pagbalik namin ni Knixx sa ospital ay hinatid ko muna ang mga binili niya sa kanyang room.
Nakahiga ako ngayon sa kama at nakatulala sa kisame matapos kong magpalit ng damit.
Siguro nagtataka kayo kung bakit ako nagulat nang malaman kong tinatablan pala si Knixx ng mga banat ko.
Kasi kung maniwala man kayo o sa hindi, noong kami pa, hindi ko man lang siya nakitang kinilig sa mga pick up lines ko. Sa aming dalawa ako parati ang kinikilig. Nang sinagot niya nga ako, hindi nga ako makapaniwal, wala kasi sa hitsura niya na balak magka boyfriend.
But the moment she confessed to me about her feelings, doon ako mas lalong nagulat. Noong hindi ko pa siya nililigawan ay umamin si Knixx sa akin habang lasing siya.
And I think she doesn't know about it, she was completely drunk and doesn't remember anything when the morning comes.
Akalain mo yun, kinilig pala si Knixx sa akin,at habang iniisip ko yun hindi ko mapigilan ang aking sarili na hindi kiligin.
At nang malaman ko yun kanina, makikita sa mukha ko ang gulat at tuwa, kaya nga I tease her after hearing that. Pero nabigo na naman akong pakiligin siya, yung na sa rurok ka na ng tagumpay tapos bigla kang lumagapak pababa.
Tumayo ako mula sa pagkakahiga, tapos pumunta ako ng ref para uminom ng tubig. Pagbukas ko nito ay naramdaman ko ang lamig na nanggagaling dito. Kinuha ko ang glass pitcher tapos kumuha ako ng baso mula sa table at nagsalin ng tubig. Habang umiinom ako sa pangalawang pagkakataon ay may kumatok sa pinto.
Inalagay ko muna ang baso sa table at pumuta sa pintuan. Pagkabukas ko nito, tumambad sa akin si Knixx, ang dungis dungis ng mukha niya. Na ka messy bun ito habang may apron sa harap ng katawan at na ka hospital gown ito. May suot pa itong face mask pero nakakabit lang ito sa dalawa niyang tenga at hindi natatakpan ang ilong at bibig dahil ibinaba niya ito at nakalagay ito ngayon sa kanyang baba.
"Hi," bungad niya sa akin pagkabukas ng pinto.
"Hello, crush," kinidatan ko siya at nginitian nang malapad. Ngumiti siya nang matipid sa akin.
"Puwede ka ba ngayon?" Tanong niya sa akin tapos sinilip ang loob ng room. Tinitignan niya siguro kung may pinagkakaabalahan ako.
"Hmmmm," nagpamewang ako tapos yumuko at inilapit ang mukha ko sa kanya. "Puwedeng-puwede," tinignan ko siya nang seryoso. Tapos ngumiti siya, kita ang mga ngipin niya dahil sa sinabi ko.
May kinuha siyang face mask sa bulas niya at isinabit ito sa magkabilang tenga ko. Nagulat ako sa ginawa niya. Parang kinukuryente ako sa tuwing nararamdaman ko ang balat niya na dumadampi sa akin. Tapos hinawakan niya ang mukha ko, I freeze, at napalunok ako ng sariling laway.
"Kung ganon, puwede mo ba akong i-assist habang nagpipintura sa loob ng room ko?" I blinked twice. Tapos tumayo na nang maayos. Pinanliitan ko siya ng mata. Tapos kumunot naman ang nuo niya. Ngumiti ako dahil dun.
"Sige, may magagawa pa ba ko? Eh, nilagyan mo na ng mask yung mukha ko," ibinaba ko muna ang mask para makapgsalita nang maayos.
"Yey!" She exclaimed. "Puwede mo bang kunin yung hagdan sa Children's Room?" Then she cling to my right arm. Ang lambing talaga ng babaeng to pag may hininging pabor.
"Sige mauna ka na sa room mo, at susunod ako, kukunin ko muna yung hagdan doon," turo ko sa isang silid sa pinaka sulok ng palapag na ito.
"Tutulungan kitang buhatin yung hagdan."
"Hindi na, tsaka matatagalan ang pagpunta natin sa room mo if dalawa tayong magbubuhat non," nakita ko ang pagaalinlangan sa mukha niya.
"I promise, I can manage," I gave her an assuring smile.
"Okay," nakita ko siyang tumango at umalis. Sumakay na siya ng elevator papuntang fourth floor.
Naglakad ako papunta sa Children's Room para kunin ang hagdan. Pagpasok ko, nakita kong tapos na ang pagpinta sa mga pader sa lahat ng sulok ng kwarto, grabe ang bilis niya naman. May mga gamit na rin na panglaro kagay ng dalawang swing, isang slide, dalawang see-saw, isang monkey bars, at mayroon ding trampulin na puno ng maliliit na plastic balls.
Siguradong sa oras na bubuksan ito, maraming batang matutuwa dito, lalo na si Trixie kasi na sa floor lang namin ito. Hindi na rin siya mababagot kasi may makakalaro at makakasalamuha na siyang ibang batang pasyente dito.
Ng kukunin ko na ang hagdan, napatingala ako, nakita ko ang painting sa ibabaw ng kisame. Puros bughaw ito at may kaunting puti lamang. Mga ulap ito sa kalangitan, ang ganda nang pagkakapinta para kasing totoo. Ang relaxing pa sa mata. Mayroon ding bahaghari sa dulo, may mga grupo ng ibon na lumilipad. Ang sarap nitong pagmasadan. Kung titignan mo ang painting sa pader at kisame para ka lang naglalaro sa labas, hindi mo alintana na nasa loob ka pala ng isang silid dahil sa ambiance ng painting.
Oh, how I admire the person behind this art.
Binuhat ko na ang hagdan para ilabas ito sa pinto. Dahan-dahan lang at maingat ko itong inilabas para walang madamage sa mga bintana, gilid ng pinto, at lalong lalo na sa ginawang painting ni Knixx sa pader.
Gumamit na lang ako ng hagdan papuntang fourth floor, ayaw ko kasing mahirapan na ipasok at ilabas ang hagdan mamaya sa elevator. Baka kasi may makasabay ako sa loob, at matamaan ko pa siya habang ipinapasok o inilalabas ang hagdan sa loob non.
Pagkarating ko ng fourth floor ay nakita kong bukas ang pinto ng room ni Knixx, mukhang kanina pa siya nagpipinta at veni-ventilate ang amoy ng pintura sa loob ng kwarto niya. Hindi naman ako nahirapang buhatin ang hagdan dahil magaan lang naman ito para sa akin.
Pagkarating ko sa harap ng pinto niya ay nakita ko siyang nagpipinta sa isang pader. Puting pintura ang gamit niya at may long roller paint ito sa kanang kamay niya.
Naramdaman niya siguro ang presenya ko kaya itinigil niya ang ginagawa.
"Ituloy mo lang yang ginagawa mo, ako na bahala dito," kaya kinuha niya ulit ang roller paint at nagpatuloy sa ginagawa.
"Saan ko ilalagay to? Tanong ko, at napatingin siya sa akin.
"Doon lang," turo niya sa isang sulok ng kwarto.
Inilagay ko naman doon ang hagdan sa puwesto na itinuro niya. Lumpait ako sa kanya at itnaas ang face mask na suot ko.
Nakita kong may mga news papers sa ilalim ng pader, para hindi tuluyang kumalat sa sahig ang pintura habang nagpipinta.
"Lahat ba ng pader sa loob ng room mo ay pipinturahan mo?" Tinignan ko siya habang nagtatanong.
"Hindi, itong isa lang," sagot niya ng hindi tumitingin sa akin.
"I'll finish it today, may design na akong naisip, na ii-magine ko na rin ang kalalabasan kaya mabilis ko itong matatapos ngayon," pagpapatuloy niya.
"Ano ba ang ipipinta mo?"
"Lavender," kumunot ang nuo ko sa sagot niya.
"Field of lavenders," tinignan niya ako, tapos nangingislap pa ang dalawa niyang mata. Excited na excited.
"Diba paboritong kulay yun ng mga taong gustong mapag-isa sa buhay?" I tease her.
"Hindi ah, kahit sino naman siguro mahilig sa lavender, it's just a myth, walang patunay yang sinasabi mo," pagpapaliwanag niya sa akin. Makikita ko parin ang iba't-ibang emosyon sa mukha niya, kahit mata lang ang nakikita ko. So I smile secretly.
I heave a sigh. "Sabagay, may kilala akong paboritong kulay niya ay lavender, and all the shades of violet, pero mukhang nagka boyfriend din siya," sabi ko sa kanya nang hindi siya tinitignan. Nakatitig lang ako sa puting pader.
"See, sabi sayo eh," bigla akong tumawa nang marahan dahil sa naging reaksyon niya.
"Oh, bakit ka tumawa? Sino ba yang tinutukoy mo?" Napatingin siya sa akin, at alam kong nagsasalubong na ang dalawa niyang kilay kahit hindi ko pa siya tignan.
"Ikaw," I smirked inside my mask. I slowly face her, and tilt my head to the right.
Napatulala siya sa akin ng mga limang segundo tapos iniwas ang mga mata niyang nakatitig sa akin. Nagpatuloy siya sa pagpipinta kahit na puros puti na ang buong kisame, iniiwasan niyang mapatingin sa direksyon ko.
"Siguro okay na yan, patuyuin mo na lang para makapagsimula ka nang mapintura mamaya," nakita ko siyang natauhan sa ginagawa at tinignan ang kabuuan ng pader. Nakita niya namang wala nang natira, dahil puros puti na ito.
"Ah eh, oo, tama ka nga," natigil siya sa pagpipinta at isinandal sa kabilag pader ang roller paint. Na sa baba ang brush nito habang nakapatong sa roller tray.
"Yung sunflower mo, dinidiligan mo pa ba?"
"Oo naman, tuwing umaga, mga around 6:00 a.m." sa wakas ay tumingin din siya sa akin.
"Mag meryenda ka muna kaya sa baba, siguradong gutom ka na," alam kong pagod at gutom na siya kanina pa. Kahit first base pa lang nang pagpinta ang ginawa niya ay nakakapagod parin yun. Ang lawak din naman kasi ng napili niyang pader. Na sa gilid ito ng kama niya, sa may bintana.
"Libre mo?" Kumunot ang nuo ko dahil sa sinabi niya.
"Hindi counted yung mini-party mo last time, kasi parents mo yung gumastos hindi naman ikaw," alam kong ngumisi siya kahit hindi ko yun nakikita dahil sa mask niya.
Kumunot ang nuo ko dahil sa sinabi niya, kung ganon natatandaan niya pa pala na ililibre ko siya, pero mas lalong kumunot ang nuo ko ng malamang naalala na niya ang mini-party ko last time.
"So naalala mo na lahat ang mga nangyari, recently?" Nawala ang ngisi niya dahil sa sinabi ko. Sumeryoso siya ng tingin sa akin.
"Basta libre hindi ko yun nakakalimutan," at sabay kaming tumawa.
Pagbaba namin, ay dumiretso kami agad sa canteen. Syempre libre ko, nangako ako eh. Kahit na hindi niya maalalang ililibre ko siya, gagawin ko parin yun. Ang masama lamang dito, baka makalimutan niyang inilibre ko na siya tapos magpapalibre siya ulit, lugi ako dun.
She ordered, chicken sandwich and 350 mL coke in a cup. Tapos ako, isang spicy tacos lang at lemonade na medium size.
We started eating. Magkaharap kami ngayong dalawa sa isa't-isa. Sabi ko na nga ba at gutom siya. Lumulubo na kasi ang mga pisngi niya habang kumakain, hindi niya pa kasi tapos nguyain yung kinakain niya ay kakagat na naman siya ulit. But I find it cute, ang taba-taba ng pisngi niya.
Kanina ko pa pala siya tinitignan, at nakangiti ng hindi namamalayan.
"Niyaya mo ba ako dito, para titigan lang kung paano ako kumain?" Tanong niya habang magkasalubong ang kanyang mga kilay at nakakunot ang nuo, tapos may laman parin ang bibig habang nagsasalita.
Kaya mas lalong lumapad ang pagkakangiti ko dahil sa hitsura niya. She rolled her eyes, when she saw me smiling.
"I hate your smile," bigla niyang sabi. Kaya nawala ang ngiti ko.
"I miss your smile," sumersyoso ang mukha ko, ganon din siya.
"Especially if the reason behind your smile is me," malungkot kong pagkakasabi.
Hindi ko ba alam, kung alzheimers disease ang sakit ni Knixx or Bipolar.
"Mahirap ba akong mahalin?" Lakas loob kong tanong.
"Hindi, hindi ko alam," iniwas niya ang tingin sa akin.
"Pero, kaya mo ba akong mahalin?" Pangako last na to.
"Siguro, kasi nga naging tayo naman noon diba? Ala-ala ko lang naman yung nawala, baka sa oras na maalala na kita bumalik din ang nararamdaman ko sayo," mahinahon niyang sabi.
"Pero sa ngayon, ayaw muna kitang paasahin sa idea na kaya kitang mahalin. Inaamin ko, napapkilig mo ako, minsan, I also feel comfortable talking to you, but I'm sorry to tell you that most of the time, you feel like a stranger to me," malungkot niyang dagdag.
Walang salitang lumabas sa bibig ko, wala akong masabi. Nagbuntong hininga lang ako, tapos nagsimula nang kumain. Siya naman ang nakatingin sa akin ngayon habang kumakain. Tapos na kasi siyang kumain ng sandwich niya, nagsimula na siyang uminom ng coke.
Nawalan ako ng ganang kumain. Pero ipinagpatuloy ko parin, ayaw kong mahalata niyang nalungkot ako sa kanyang sinabi. Ayaw ko ding isipin niya na napapagod ako pagdating sa kaniya.
Pagkatapos kong kumain at uminom, ay napasandal ako sa upuan at tinignan siya nang diretso sa mata.
"Okay lang, kung hindi mo ako mahal sa ngayon. Puwede ko namang pagtrabahuhan ulit yun. Basta hayaan mo lang akong mahalin ka Knixx, at kung dumating man ang panahon na mahal mo na ako, ayos lang kung hindi kagaya ng dati ang pagmamahal mo sa akin. At kung hindi man dumating ang panahon na kaya mo akong mahalin, ayos lang, hayaan mo lang akong mahalin ka nang paulit-ulit," yumuko ako at tinignan ang dalawang palad ko na nakapatong sa ibabaw ng table.
Naramdaman kong hinawakan niya ang dalawa kong kamay. May mga puting pintura pa sa kamay niya pero natuyo na.
"I will allow you Clij, always. Even if my actions are quite paradox, I will allow you to love me. I hope your love is patient." Titig na titig ang dalawang mata niya sa mga mata ko.
"I won't leave you again."
"Hindi biro ang magmahal ng isang taong may Alzheimer's disease," pagpapaalala niya.
"Hindi rin biro ang pagmamahal ko sayo, hindi ako aalis sa tabi mo, kahit anong mangyari, ipagtabuyan mo man ako, lalapitan kita kung kailan tulog ka, kung kailan puwede na," ramdam ko ang bigat ng emosyon ngayon dahil sa pagpapalitan namin ng mga salita.
"Siguro bumalik na tayo sa itaas? Siguradong tuyo na yung ilalim na parte ng pader, yun ang inuna kong pinturahan, kasi doon ako magsisimulang magpinta," inalis na niya ang dalawang kamay sa kamay ko.
"Sige, tara," sabay kaming dalawang tumayo.
Inayos na rin namin kanina ang mga pinagkainan bago umalis ng canteen.
Pagkarating namin ng kwarto ni Knixx, ay inihanda na niya ang mga kakailanganin. Tinulungan ko siyang buksan ang mga lata ng pintura, mahirap kasing buksan yun. Iba't-ibang kulay ng pintura ang na sa harap namin ngayon; yellow, red, green, orange, white, black, violet at syempre hindi mawawala ang kulay na lavender.
Naupo ako sa ibabaw ng kama niya habang pinagmamasamdan siyang nagpipinta. Nakabukas lahat ng bintan at isang pintuan sa loob ng room ni Knixx.
Like the usual, swabe parin ang galaw ng mga kamay niya habang nagpipinta, maingat sa ginagawa niya, sobrang lapit din ng mukha niya sa pader. Halos hindi niya kinukurap ang dalawang mata, parang natatakot magkamali.
Hindi ko pa nakikita ang ipinipinta niya, natatakpan kasi ito ng katawan niya. I roam around my eyes in her room, until I saw the painting she did last time. Hanggang ngayon wala pa akong maisip na title ng painting na yun.
Tumayo ako para lapitan ang painting. Pinagmasdan ko ito ng mabuti para makapag-isip nang itatawag dito, oh God please give me some serotonin.
Lumipas na ang limang minuto at nakatitig pa rin ako sa painting, hindi ko ma express through words ang nararamdaman ko para sa painting.
"Titig na titig ah, baka mabutas yan sa katititig mo?" Napatingin ako kay Knixx, may naipinta na siyang mga lavenders, ang gaganda nila.
"Ummm, naiinis ako eh, mayroon akong naisip pero hindi ko masabi, I can't say it into words, or should I say, words are not enough to describe my thoughts and feelings to the painting," I explained, at maybahid yun ng pagkayamot.
"Okay, try to explain it simply, or kung ano ang na sa isip mo ngayon," she convinced me.
"Kasi diba yung bulaklak nalalanta sa dalawang palad ng isang tao," nakita ko naman siyang tumango. "So, ang bulaklak na to ay parang oras o panahon ng isang tao, na hindi natin kayang hawakan ito, na maikli lang ang oras ng bawat tao sa mundo, ewan basta yan yung naiisip ko but I can't put it into one word, a word that would explain everything," tumingin siya sa painting sandali tapos tinignan niya ako.
"That was great, kahit ako hindi ko ma explain yang naiisip at nararamdaman mo para sa painting na iyan, naiintindihan ko ang gusto mong sabihin, at humahanga ako sa konseptong tumatakbo sa isip mo, just take your time, may right word para dyan sa nararamdaman mo," tapos nginitian niya ako nang matipid at nagpatuloy sa pagpipinta.
Bumalik ako sa kama niya at nahiga doon. Pinagmamasdan ko parin ang likod niya habang nagpipintura siya. Naisip ko, bigyan ko kaya ng kuwintas si Knixx, susuotin niya kaya yun, when were together, I don't have the chance to giver her some jewelries, because according to her mom, lahat ng mga alahas na ibinibigay sa kanya ay nakatambak lang sa isang closet nito, tapos hindi niya man lang daw ito sinuot o binuksan man lang. Walang interes si Knixx sa mga alahas.
Ipinikit ko ang dalawang mata para matulog sandali, paniguradong pagkagising ko mamaya, tapos na si Knixx at tutulungan ko na lang siyang magligpit at maglinis.
Habang nakapikit ang dalawa kong mata ay naramdaman kong may bumubuga ng hanging malapit sa kanang bahagi ng mukha ko. Basa din ang kanang pisngi ko at ramdam ko ang brush na dumadampi sa aking balat.
Pagkadilat ko ng mata, nakita ko si Knixx na titig na titig sa ginagawa niya sa pisngi ko.
"Don't worry it's face paint," tapos nginitian niya ako.
"Teka, maglilinis pa tayo at magliligpit ng kalat mo," I try to stand but she stopped me using her hand. Hinawakan niya ang kanang braso ko.
Kaya napatingin ako sa kamay niya na nakahawak doon, mukhang tapos na nga siyang maglinis, dahil wala na ding pintura ang mga kamay nito. Ilang oras ba akong nakatulog?
"Tapos na ko maglinis Clij, gigisingin sana kita para maglinis, pero nakita kitang natutulog tapos ang himbing-himbing pa," ngumiti siya sa akin.
"Tulog mantika ka kasi!" Bulyaw niya kaya nawala din ang ngiti ko sa mukha.
"Kaya matapos mong magpinta at maglinis, yung mukha ko naman ang pinagdiskitahan mo ganon?" Nakataas pa ang kaliwa kong kilay habang nagtatanong.
"Pinagpraktisan ko lang yang mukha mo," sabi niya at nginisihan ako.
"Mukha ba akong canvas?"
"Hindi."
"Eh ano?"
"Mukha kang pader sa loob ng C.R. ang sarap mag vandalize sa mukha mo," mapanglait niyang sagot, kainis.
"Clij."
"Ano?"
"Hindi parin nawawala yung amoy ng pintura eh," dahan dahan niyang sabi.
"Oh, tapos?"
"Hindi ako makakatulog sa kwarto ko ng maayos mamayang gabi, puwede bang humingi ng pabor?"
"Sabagay, masama yan sa kalusugan mo, kahit na non-toxic paint pa ang ginamit mo," paliwanag ko sa kanya at nakita ko siyang tumango.
"Puwede ba?"
"Anong puwede ba?"
"Puwede bang makitulog ngayong gabi sa kwarto mo?"