Chapter 16

3370 Words
"Hindi ako pumunta ng rooftop kanina, wala akong matandaan na magkikita pala tayo doon Clij." Paliwanag ni Knixx sa akin habang na ka dungaw parin siya sa pinto. "Pero sinabi ko yun sayo kanina lang," hindi pa rin maalis ang pagkunot ng kanyang nuo. Binuksan na niya nang tuluyan ang pinto and she stepped forward. "Pero, wala talaga akong matandaan Clij na sinabihan mo ako." "Nag-usap tayo sa loob ng room ni Trixie, sabi ko pumunta ka ng rooftop around eight p.m. and you agree with it," I explained. "Kanina? Nandito lang ako buong araw sa room ko," nagulat ako sa sinabi niya at napaatras. Hindi ako makapaniwala sa sinasabi niya, kung ganon, nakalimutan niya pala ang mga nangyari kanina. "Ganon ba, sige, sabi mo eh," I heave a deep sigh at yumuko. "Punta na lang tayo ng rooftop ngayon, kung okay lang sayo?" tapos tumingin ako sa kanya. Nakita ko siyang pinag-iisipan ang pagyaya ko sa kanya. Tapos tumingin siya sa akin at tumango, nginitian niya din ako. "Tara?" Nilahad ko ang kanang kamay ko sa kanya. Tinignan niya muna ito ng ilang segundo bago kinuha. Magkahawak kamay kaming naglalakad sa corridor ng fourth floor patungong rooftop. Pagkarating namin ay ramdam ko ang malamig na simoy ng hangin. Hindi ko ba alam kung anong mas malamig ang hangin o ang taong katabi ko ngayon. Kahit gabi na ay maliwanag parin dahil sa mga bituin at sa buwan. Full moon ito, at sobrang liwanag niyang tignan, ang ganda. Narinig ko siyang nagbuntong hininga, tapos yumuko. Binitawan niya ang kamay ko at ipinasok ang dalawa niyang kamay sa kanyang bulsa. "I'm sorry," malamig niyang sabi. Kinagat ko ang lower lip ko, para pigilan ang nagbabadyang luha at emosyon. "Can you stop, saying sorry? Hindi mo naman kasalanan sa tuwing nakakalimot ka, at lalong hindi mo naman gusto ang nanagyayari sayo," iniwas ko ang paningin sa kanya. Tumingala ako sa kalangitan para hindi tuluyang malaglag ang luhang gustong kumawala. "I can't," napatingin ako dahil sa sinabi niya at kumunot ang nuo. "Anong hindi mo kaya?" Tanong ko sa kaniya, at nakayuko pa rin siya. Tumingin siya sa akin, blangko ang ekspresyon ng mukha niya, ang lamig, sobra. "Hindi ko mapigilan eh, bigla na lang ako humihingi ng tawad kapag may nakalimutan ako, I feel- sorry," tapos iniwas niya ang tingin sa akin at tumingin sa sahig. Ganon lang ang naging posisyon namin, hanggang sa lumipas ang isang minuto. Ako nakatingin sa kanya, habang siya naman ay na sa sahig ang paningin. I did the first move, humakbang ako papunta sa kanya, napansin niya siguro ang pag-alis ko sa aking puwesto kaya napatingin siya sa akin. Nakita kong kumunot ang nuo niya dahil sa ginawa kong paghakbang. Nang malapit na ako sa kanya ay natigilan ako sa ginawa niya. Umatras siya nang kaunti. Nasaktan ako dun, if small gestures makes me happy, puwede rin akong masaktan dahil dun. Dahil sa pag-atras ni Knixx nasaktan ako, I can feel the sting in my heart. Napalunok ako ng sariling laway, nahirapan pa akong lunukin yun dahil parang may nakabara sa lalamunan ko. "Ang lamig nu?" I said coldy. "Ano?" She asked confused, dahil bigala lang akong nagsalita. "Ang lamig," tumingin ako sa mga mata niya. "Ng hangin," tapos tumingala ako sa langit at napapikit ng dalawang mata. "Ah- oo, malamig," sagot niya habang hindi ko siya tinitignan. Nanatiling nakapikit ang dalawang mata ko. Tapos idinilat ko ang dalawa kong mata at tumayo nang maayos, ibinulsa ko ang dalawang kamay. Tumingin ako nang diretso sa mga mata niya. "Ikaw din," hindi ako sigurado kung tama ba ang pakikitungo ko ngayon sa kanya, dapat din ba akong manlamig dahil malamig siya. She blinked twice and cleared her throat. "Dun tayo," turo ko sa isang puwesto "manuod tayo ng mga bituin at sabay nating pagmasdan ang buwan," nauna akong maglakad sa kanya, tapos nakita ko rin siyang sumunod sa akin. Nakita ko siyang tumabi sa akin, pero hindi ganun kalapit, kasya pa siguro ang isang tao sa gitna naming dalawa. Tinignan ko siya at nakatingla ito sa kalangitan. May iniisip siguro dahil mukhang nakatulala na. Kahit nakatulala siya, hindi mawawala sa dalawa niyang mata na lubos itong humahanga sa nakikita ngayon. Nakatingin siya sa mga bituin at sa buwan, hinahangaan niya ito kahit walang salitang lumalabas sa kanyang bibig. Habang ako ay nakatitig lang sa kanya at hinahangaan siya nang palihim. Mahal ko si Knixx, at alam na alam ko lahat ng ekspresyong ipinapakita niya kahit wala siyang sinasabi. Ganun siguro kapag mahal mo ang isang tao, naiintindahan mo siya, o nagkakaintindihan kayong dalawa kahit na walang salitang lumabas sa bibig niyong dalawa. Kahit na magkatinginan lang kayo. Mata niyo lamang ang nag-uusap. Deep understanding, a connection to one's soul. "Akala ko ba star gazing ang ipinunta natin dito, bakit sa akin ka nakatitig?" Kanina niya pa pala ako tinitignan, hindi ko ito napansin dahil sa lalim ng iniisip ko. I cough a bit, beacause of that. Tapos seryoso ko siyang tinignan. "Hindi ka naman bituin o buwan, pero ikaw ang gusto kong tignan," I contain all my emotions, dapat hindi niya makita na kinilig ako sa sariling banat, minus points kasi yun. Hayop yan, hindi man lang siya natinag sa sinabi ko, walang nagbago sa ekspresyon ng babaeng to. Bakit ba kasi ang hirap hirap niyang pakiligin. Napakamot ako sa sariling batok, at ako na ang unang umiwas ng tingin. Nakakahiya ka talaga Clij. "Makinig na lang tayo ng music," suhestyon ko at hindi ko siya magawang tignan. Inilabas ko ang phone at earphones ko sa bulsa. Sa kanang bulsa ko nandoon ang cellphone habang sa kaliwa naman ang earphones. Palagi kong dala ang dalawang to sa aking bulsa kahit na noong nag-aaral pa ako hanggang sa may trabaho na. I plugged the earphones to my phone. I open the music application. "Ikaw ang pumuli ng kanta," I gave her my phone, tinignan niya naman yun tapos napatingin pa sa akin. "Sigurado ka?" Tumango lang ako bilang tugon. Nakita ko naman siyang naghahanap ng kanta, sana naman ayusin niya ang pagpili ng kanta. Huwag naman sanang malungkot, ang bigat na kasi ng pakiramdam ko, pero sana huwag din sobrang saya, ang inappropiate naman kasi sa mood namin ngayon. After searching for the music, she clicked her desired song. I wait for it, to be delivered into my ears. Idol na idol niya talaga si Beabadoobee, I smile because of that. "Mahal na mahal ah," sabi ko sa kanya, at napatingin naman siya sa akin. "Sobra," sa wakas ngumiti din siya. Hindi ko talaga kilala si Beabadoobee as an artist, dahil kay Knixx nakilala ko siya. Indeed her music is an art, pasadong pasado sa music taste ko ang mga ginawa niyang kanta. Ibinalik niya sa akin ang phone, kinuha ko ito at ibinalik sa kanang bulsa. Lumapit ako sa kaniya at inilagay ang isang earplug sa kaliwang tenga niya. She adjust it after I put it into her ear. Inilagay ko naman ang isang bahagi ng earplug sa kanang tenga ko. Sabay naming narinig ang simula ng kanta, tahimik lang kami habang nakikinig at nakatitig sa baba, sa city lights. Maganda ang lokasyon ng ospital na ito, kitang kita ang magandang tanawin sa ibaba. Ang ospital na ito ang pinakamalaki sa buong Bacolod City, napakatanyag nito sa aming lugar, hindi lang dahil sa magagaling ang mga doktor na nagtratrabaho dito, kundi dahil sa owner ng ospital. Mabait kasi siya at malapit ang loob sa mga tao, di ko ba alam kung busniess man siya or politiko dahil sa katanyagan niya bilang mabuting tao. Ayos ang kantang pinili ni Knixx, sarap umasa. We both like apple cider But your hair be smelling like fruit punch And I don't even like you that much Wait I do Fuck Tumatango pa ang ulo niya habang nakikinig ng kanta, she really enjoyed listening to her favorite artist. So call me At midnight Let's give this Thing a try You said you liked my hair Go ahead and touch it You said you liked this jumper I wore So I always wore it It's really nice to talk to you It's really nice to hold your hand It's really nice to talk to you It's really nice to hold your hand And even if we're just friends We could be more than that And even if we're just friends We could be more than that Hindi parin siya tumitingin sa akin, napapikit siya nang marahan nang maramdaman ang malamig na hangin. Naramdaman ko din yun, kaya tumayo ang mga balahibo ko sa katawan. So call me At midnight Let's give this thing A try So call me At midnight Ask if it's alright To have a sleepover To drink some apple cider Or maybe some fruit punch And we can talk about how we don't links each other much I rub my hands to warm it, pero hindi ito sapat para uminit kaya inilagay ko ang dalawang kamay sa bibig ko at bumuga ng mainit na hininga, I gently place my warm hands in my arms. Napatingin si Knixx sa ginagawa ko, kaya natigilan ako. Nilalamig na din siya dahil nakacrossed arms siya at nakataas ang mga balikat. Hinarap ko siya nang maayos, I rub vigorously my two palms, when I already feel the heat, I place the two palms in Knixx's ears. Nagtagal kaming dalawa sa ganong posisyon, hindi ko namalayan na nakahawak na pala ang dalawa kong kamay sa mukha niya at ang lapit lapit ng mukha namin sa isa't-isa. Pinipigilan ko rin ang paghinga dahil sa sitwasyon naming dalawa. Pumasok sa isip ko ang lyrics ng kanta kanina. 'Lets's give this thing a try,' I uttered those words unconsciously. Nalalasing ako sa titig ni Knixx, lalo sa dalawa niyang mata. I lean my face towards her, halos hindi parin siya kumukurap kanina. Nang subukan kong ilapit ang mga labi naming dalawa bigla siyang umiwas at umatras. She cough, hindi niya ko tinignan. Nahiya ako dahil sa ginawa, kaya umiwas din ako ng tingin at napakamot ng sariling batok. Nakakahiya sobra, matino naman ang isip ko ngayon, pero bakit ko yun ginawa. Palihim akong napakagat ng ibabang labi. "Um, pasok na siguro tayo, mag aalas-dose na ng umaga," napantingin ako sa relo dahil sa sinabi niya. Tama siya, it's already eleven, fifty-five p.m. "Sige, tayo na," pagsang-ayon ko sa sinabi niya. Naglakad kami papuntang elevator pero hindi parin kami nagtitinginan. Pagpasok ng elevator ay kanya-kanya naming pinindot ang sarili naming floor. Una siyang lumabas. Bago tuluyang sumarado ang elevator, ay may sinabi siya sa akin. "Samahan mo naman ako mamaya Clij, around eight, bibili lang ako ng wall paint," kaya napatingin ako sa kanya, at ngumiti siya nang matipid. Tumango lang ako bilang tugon. Pagkarating ko ng third floor ay bumukas ito. Lumabas ako at naglakad, ang lalim ng iniisip ko. Sa mga nangyari kanina, pati na rin sa gagawin namin ni Knixx mamaya. Pano kami makakaalis dito kung na ka confine kami sa loob ng ospital. Bahala na tatakasan na lang namin mamaya ang mga staffs, doctors and nurses dito. Good luck na lang sa amin mamaya kapag kaharap na namin ang security guard ng ospital. Maybe we can disguise, sigurado akong nandoon parin sa parking lot ang sasakyan ko. Pagpasok ko ng kwarto ay naupo ako sa couch, takot akong humiga at baka makatulog na naman ako. I get the phone in my pocket and open it. When I attempt to discard all the applications I used earlier nagtaka ako kung bakit na sa recent apps used ang 'Notes' na application, sa pagkakatanda ko hindi ko naman binuksan o ginamit to kanina. So I clicked it, at nakita ko ang bagong note, hindi ko ito ginawa, sigurado akong si Knixx ang nagsulat nito, habang naghahanap siya ng music sa phone ko kanina sa rooftop. I read the note she wrote earlier. "I think, people should choose someone who makes their heart warm insted of fluttering." Kumunot ang nuo ko dahil sa nakasulat. Anong ibig sabihin ni Knixx, anong laman at mensahe ng note na to. Wala akong maisip na posibleng sagot sa tanong ko, kaya nagdesisyon akong tuluyan nang i-discard lahat ng recent apps used sa phone ko. I open my messages dahil nakita kong may unread messages ako. Unang bumungad sa akin ang mensahe galing sa aking best friend. From: Rems "Miss na din kita brad! Excited na akong dalhin diyan sa Pilipinas ang gamot na nadiskubre namin dito. But as of now we need to delve deeper about the medicine and the subjects. It will took a long period of time, but atleast it's for your own safety. I can't wait to see your improvements and recovery once you take this medicine. Ikaw din, lagi kang mag ingant diyan. Wala ako diyan sa tabi mo para bantayan ka, kaya huwag na huwag kang magloloko o mag-isip ng ikapapahamak mo. Think twice, thrice or even ten times before doing such thing! Nandito lang ako para sayo, kaya huwag mo din sana akong iwan." Long Sweet Message ba ito, or Long Sermon mula kay Rems, hindi ko siya masisisi, dahil alam niya kung gaano katigas ang ulo ko. Nakonsensya naman ako, kahit hindi ko pa nagagawa ang gagawin namin mamaya ni Knixx. Sorry Rems, last na lang talaga to, o baka may susunod pa. Lagot ako nito pagnalaman ni Rems na tatakas kami mamaya ni Knixx ng ospitala para lang bumili ng wall paint. Lumipas ang ilang oras at napatingin ako sa wall clock, alas sais na ng umaga, nagdesisyon akong maligo at mag-ayos ng sarili, pupuntahan ko si Knixx mamayang seven, dahil kapag pinuntahan ko siya sa room niya ng exact eight eh baka hindi pa yun nakakaligo at nakakapaghanda dahil baka nakalimot na naman siya. Naligo lang ako nang mabils, mga twenty five minutes lang siguro. Tapos nagbihis na ng damit, kailangan kong mag disguise mamaya para hindi ako makilala ng mga staffs dito sa loob ng ospital. I wear a white plain polo shirt, then pair it with a brown trouser pants, and I wear black topsider shoes. I went out from my room, and proceed to the elevator to ascend me above. Halos, hindi ako sanay sa ayos at suot ko kasi nasanay ako sa hospital gown. Pagkarating ko sa pinto ni Knixx ay kumatok ako nang dalawang beses bago niya binuksa, nakita ko ang gulat sa mga mata niya. Sabi ko na nga ba at nakalimot na naman siya. "Ba't ganiyan ang ayos mo? Saan ka pupunta," napahimas ako ng sintido sa tanong at ayos niya, na ka hospital gown parin kasi siya. "Maligo ka na at magpalit ng damit, aalis tayo," I told her the moment I entered her room. "Bakit, saan ba tayo pupunta?" Nagtataka parin niyang tanong. "Bibili tayo ng wall paint, sabi mo kanina sa akin ay samahan kita," nakita kong namilog ang dalawa niyang mata dahil sa sinabi ko. "Oo nga pala! Kailangan kong bumili ng wall paint para sa kwarto ko, teka mabilis lang ako," at pumasok na siya ng bathroom. Umiling pa ako dahil sa pagmamadali niyang pagpasok ng kubeta. My eyes roam around inside the room, napangiti ako sa dalawang picture frame na magkatabi na nakapatong sa ibabaw ng bedside table niya. Pumunta ako sa maliit na mesa para tignan nang mabuti ang dalawang litrato. Ang medium size na picture frame ay may litrato nilang pamilya, si tita Crezelda, Knixx at tito Roger; ang tatay ni Knixx. Ang saya nila sa litrato, na sa gitna si Knixx habang ang mama niya ay na sa kanan at ang tatay naman niya ay na sa kaliwa. Alam ko kung saan ito, sa labas to ng campus nila ni Knixx noong graduation niya sa college. I witness this moment with my bare eyes. Tapos napatingin naman ako sa small size na picture frame, ang barkada ni Knixx ang na sa litrato. Na sa gitna si Knixx habang napapagitnaan siya ng apat na lalaking kaibigan niya. Katabi niya si Mark sa kanan, katabi naman ni Mark si Gabriel, sa kaliwa naman ni Knixx ay si Angelo, katabi naman ni Angelo si Bryan. I witness this moment also, kinuha ang litratong ito noong 18th birthday ni Knixx. Lumipas na ang kalahating oras at nakaupo pa rin ako sa couch dito sa loob ng room ni Knixx, hindi ko na rin mabilag kung ilang beses na ako napatingin sa suot kong relo. "Um, Clij, puwedeng sa labas ka muna, magpapalit lang ako ng damit," sigaw ni Knixx sa loob ng bathroom, nag echo pa ang boses niya. "Sige, labas muna ako," paalam ko sa kanya at tumayo na para lumabas ng kwarto. Tumayo ako sa labas ng kwarto niya ng higit sa kalahating isang oras. Haggard na siguro ang mukha ko, tapos siya, fresh na fresh. Napatayo ako ng maayos nang makitang bumukas ang pinto. Napalunok pa ako ng laway nang makita siyang lumabas doon. She wears plain white t-shirt, pero bakat ito sa katawan niya. Then, she wears a checkered trousers and black sandals. Ang simple lang ng damit niya wala din siyang palamuti sa katawan, pero ang lakas nang dating niya. Pagkalabas niya ng pinto ay dali-dali siyang bumalik ng kwarto nito, mukhang may nakalimutan. Lumabas siya ulit at nakita kong may bit-bit na siya, isang black na jacket. "Alis na tayo?" Natulala ako pagkarating niya sa harap ko. Amoy na amoy ko ang ginamit niyang pabango, hindi ito masakit sa ilong at hindi ganun katamis at katapang. Tumango na lang ako bilang tugon at iniwas ang tingin sa kanya. Pagkarating namin ng parking lot ay agad kong nakita ang kotse ko. Una akong pumasok sa loob at pinagbuksan ng pinto si Knixx. Nakita ko siyang nahihirapang i-fasten ang seat belt niya. Kaya tinulungan ko siya, ang lapit lapit namin sa isa't-isa naghahalo na ang pabangong ginamit namin. Binilisan ko ang pag-abot ng seat belt niya at finasten iyon nang hind tumitingin sa kanya. Pagkaayos ko nang upo ay kinalma ko muna ang aking sarili bago magmaneho. Kalma ka lang Clij, matagal mo nang itinigil ang paginom ng kape pero bakit ang bilis-bilis ng t***k ng puso mo. Pagkarating ko ng exit ng hospital ay kinabahan pa ako, I wear a black shades at iniba ko rin ang hairstyle ko para hindi ako makilala ni mang Gregorio, ang security guard na namamahala sa exit ng ospital. Pero nagulat ako ng makitang hindi si mang Gregorio ang nagbabantay ngayon, mas bata ito sa kanya, at bago lang siya sa paningin ko. The last time I remembered ay si mang Gregorio pa ang nagbabantay dito ng ihatid ako ng mga staffs ng airport, mabuti nga noong pinuntahan ko si Rems sa airport ay nakalusot ako kay mang Gregorio dahil wala ito sa kanyang puwesto. Pag check ng guard sa akin, siguro mas matanda lang ito sa akin ng limang taon. Tinitigan niya ako nang mabuti at ang kasama ko nang ibaba ko ang bintana ng sasakyan, tumango lamang siya at sinabihan kaming 'mag-ingat' at dumalaw daw ulit. Nabunutan ako ng tinik sa did-dib dahil nakalusot kami. Tumagal ng fourty-five minutes bago kami makarating ng mall. I parked the car inside the parking lot at sabay kaming lumabas ni Knixx. Pagkapasok namin ng mall ay dumiretso kami agad sa hardware. She get the three Liters of white paint then tatlong litro din ng lavender color. Bumili pa siya ng iba't-ibang kulay ng pintura. She even buy differnt kinds of brushes and long paint rollers. Kumunot ang nuo ko sa mga binili niya, kaya hindi ko napigilang magtanong. "Para saan ba lahat yan?" na sa counter kami ngayon at nagbabayad na ng mga pinamili niya. "For my room," sabi niya habang inaabot ang credit card sa cashier. "Pipinturahan mo ang buong room mo?" Gulat na tanong ko sa kaniya. "Yep!" "Sinong may sabing puwede?" Hindi parin ako makapaniwala sa sinasabi niya. "I asked the facilitators of the hospital and according to them ay puwede ko daw i-personalize ang room ko," she confidently say it to me. "As long as I use a non-toxic paint, and I will open the windows inside my room and door, to ventilate the smell of paint," she continued. Kinuha na niya sa cashier ang credit card at ibinalik ito sa kanyang wallet. Inunahan ko na siyang kuhanin ang mga pinamili niya para bitbitin. Putcha, ang bigat bigat. Dalawang plastic ito, tig-iisang plastic sa dalawa kong kamay. Tinignan niya ang orasan at tumingin sa akin. "It's almost eleven. Let's have a lunch,"sabi niya sa akin at akmang kukunin ang isang plastic sa kaliwa kong kamay. Agad ko naman yung iniwas sa kanya. Tinignan ko siya nang seryoso nangg subukan niya namang abutin ang na sa kanan. Wala siyang nagawa kundi hayaan akong bitbitin ang lahat ng iyon. "My treat, since ikaw naman ang nagbitbit ng pinamili ko at sinamahan mo ko dito," sabi niya sa akin at nginitian ako, halos mawala ang dalawa niyang mata sa pagkakangiti. Hindi nga lang lumalabas ang mga ngipin niya. "Sige, hahayaan kita na ilibre ako, basta sagutin mo yung tanong ko mamaya," nakita ko pa siyang nagtaka bago tumango. We've decided to eat in KFC. Nag order na lang kami ng isang bucket ng chicken drumsticks at tig-iisa kami ng rice, I also asked for two mashed potatoes, our drinks, as usual, syempre hindi mawawala ang coke. Pagkarating namin sa upuan ay nagsalita agad si Knixx. "Ano nga pala yung tanong mo?" "Mamaya na pagkatapos nating kumain," sagot ko sa kanya. Lumipas ang ilang minuto ay dumating na ang order namin. Habang kumakain kami ay sinabi ko sa kanya ang mga nakalimutan niya kahapon. Mababakas talaga sa mukha niya na hindi niya lahat matandaan yung mga sinabi ko. Nalungkot siya dahil don. We almost finished our food, kaya nagdesisyon akong i-open ang topic sa kanya. Hindi rin ako sigurado kung natatandaan niya pa ang isinulat niyang note sa phone ko, pero bahala na. Susubukan ko na lang. "Yung note na isinulat mo sa phone ko, anong ibig sabihin non?" Tanong ko sa kanya habang inaayos ang pinagkainan namin. I practice CLAYGO, Clean As You Go. This is a small act of kindness, para matulungan na rin ang mga naglilinis dito sa loob ng fast food. At least hindi na sila mahihirapang ayusin ang pinagkainan namin, ang gagawain na lang nila ay kukunin ang tray. "Hmmm, yung isinulat ko kanina sa rooftop?" Tanong niya, at tumango naman ako bilang tugon. I even lean forward para madinig nang maayos ang sagot niya. "I think, people should choose someone who makes their heart warm instead of fluttering," sabi niya habang nakatitig sa akin nang mabuti. "Anong ibig sabihin nun Knixx?" "Simple lang naman yung denotation ah, dapat kapag pumili ang isang tao, piliin nila yung taong nagpapakalma ng puso nila hindi yung puros kilig lang," sagot niya. "Do I make your heart flutter?" I asked seriously. "Yes." Natigilan ako sa sagot niya, kung ganon, kinikilig siya sa akin. Pero dapat ba akong matuwa. Kasi nga sabi niya dapat piliin niya yung taong nagpapakalma ng puso niya, hindi yung nagpapakaba o nagpapakilig lang. "But you also make my heart, feel at ease." - Author's Note: Actually I don't have any idea about the tallest and biggest hospital here in Bacolod City. And according to my research a good view of city lights from the rooftop of hospital, it depends on the good location of a hospital and how high it is. So a good location from the city and a high building of hospital may give you the best view of city lights at night. And for personalizing about the room in the hospital, it also depends on the rules and regulations. Since in my story it was allowed by the management, it's okay as long as the choice of paint is friendly to the patient and it's a hundred percent sure non-toxic.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD