"Hija," napatingin ako kay mama. Tapos titig na titig siya sa kamay naming dalawa ni Knixx. Magkaholding hands kasi kami.
Hindi namin namalayan na magkahawak ang aming mga kamay habang tumatakbo papunta dito.
"Hi, po tita, at good afternoon po sa inyong lahat," bati ni Knixx at nginitian ang mga taong na sa harap namin.
"Umupo na kayong dalawa, at ng makapagsimula na tayong kumain" sabi ni mama sa aming dalawa. Habang tinuturo niya ang dalawang magkatabing upuan sa gilid ng mesa.
Tumango naman kaming dalawa ni Knixx bilang tugon. Kaya pumunta na kami sa upuan at naupo.
"Teka, si Rems, tatawagan ko muna bago tayong magsimula," sabi ko sa kanila.
Nakita ko naman si Clover na kukuha na sana ng isang piraso ng pizza. Kaso natigilan siya ng marinig ang sinabi ko at napakamot ng ulo kaya bumalik siya sa kanyang upuan.
Kahit kailan ang lalaking to walang kabusugan. Hindi pa nga kami nagdadasal.
I open my phone and immediately open the skype and call Rems. Pero lumipas na ang higit limang minuto ay nag r-ring lang ito.
Natauhan ako ng hinawakan ni mama ang aking balikat. Magkatabi kaming dalawa, na sa kanan ko siya. Si Knixx naman ay na sa kaliwa.
"Anak, hayaan mo na muna si Rems, sobrang busy siguro sa trabaho at pag-aaral tungkol sa sakit mo," pangungumbinsi sa akin ni mama, at ngumiti siya nang matipid.
"Nanghihinayang lang kasi ako, dapat kasali siya sa selebrasyon ngayon. Isa siya sa mga dahilan kung bakit tayo nagkakasiyahan sa mga ganitong oras," halos sumayad ang balikat ko dahil sa panghihinayang na hindi man lang makadalo si Rems ngayon. Kahit video call man lang sana, ang importante ramdam ko ang presenya niya.
Kaya nagdesisyon akong itigil ang tawag. I proceed to my messages. I messaged him instead.
To: Rems
From: Clija
"Brad! We celebrate about the good news , hindi ito magiging posible kung wala ka! Miss na kita, sobra. Mag-iingat ka dyan!"
Message sent
I heave a sigh after sending the message. Tapos pinatay ko na ang cellphone ko at ibinalik sa bulsa.
"Magdasal muna tayo, bago magsimulang kumain," tapos nginitian ko silang lahat.
"I'll lead the prayer," tapos ipinikit ko na ang dalawa kong mata.
"Oh, Almighty, we gave thanks to this blessings. I pray for my fast recovery, and also for Knixx. Thank you for the love and mercy. Please continue to shower your blessings upon us. Lastly, thank you for these people, for allowing them to stay in my life. We bring back all the Glory to You. Amen," tapos idinilat ko na ang aking mga mata.
"Amen," sabay-sabay nilang sinabi.
Nakita kong tumingin sa akin si Knixx, at nginitian niya ako. She mouthed the word 'thank you' then I smile.
Hindi lang sapat na mahal mo ang isang tao. Dapat lagi mo rin silang i-include sa prayers mo, alam man nila ito or hindi. Mahalaga na ipagdasal mo sila. Yan ang pinaka puro at tunay na uri ng pag-ibig. Kasi yun lang ang bagay na ma i-ooffer mo sa kanila na hindi mabibili kahit saan.
Hindi naman ganun kadami ang niluto ni mama para sa akin. Carbonara, chicken wings and drumsticks, three boxes of pizza, 5 liters of coke. She also bake a small cake and cupcakes. May nakasulat pa sa cake na "Long Live Clija Delmundo!"
Para naman akong elementary student na may birthday party sa loob ng classroom. Pero hinayaan ko na lang ang mga magulang ko sa gusto nilang gawin, as long as masaya sila.
Nagsimula na kaming kumain, napuno rin ng tawanan dahil sa kakulitan ni Clover, ang saya talagang tignan ng dalawang to pagmagkasama sila. Si Rems nga ang naging best friend ko mula pagkabata. Pero ang pinakapaborito ni mama sa lahat ng kaibigan ko ay si Clover. Makulit at maingay si Clover, kahit na lalaking lalaki ito.
Nagsimulang mawili si mama sa kanya nang mag overnight kaming apat sa bahay noong first year high school. Sa sobrang ingay at kulit namin, ay hindi na kami nakatulog hanggang dumating ang umaga. Wala kasing preno ang bibig ni Clover at hindi ito nauubusan ng kuwento. Pero kahit ganun siya kaingay sobrang seryoso naman ito kapag nagagalit. Parang hindi ko siya kilala, at natatakot akong kausapin si Clover tuwing alam kong galit siya.
Nakita kong nagpapahiran na sila ng icing mula sa cupcake. Natauhan ako ng nilagyan ako ng icing ni Knixx sa ilong. Tumawa siya nang malakas matapos niyang makita ang mukha ko.
Ayos ang dungis na ng mukha ko. Chocolate flavored pa naman yung cupcake. Kumuha rin ako ng cupcake sa tray at kumuha ng malaking icing gamit ang index finger ko. Nakita ni Knixx ang ginawa ko kaya dali-dali siyang tumayo sa kinauupuan niya at tumakbo.
Madaya talaga ang babaeng to kahit kailan, kainis.
Hinabol ko siya, mabuti na lang at hindi gaano kalaki ang kwarto ko kaya mabilis ko siyang nahuli.
"Huli ka, akala mo ah, hindi ako papayag na hindi makaganti," hinawakan ko siya gamit ang aking kanang braso.
Halos magpumiglas siya, pero hindi makawala sa pagkakahawak ko sa kanya. Tuluyan ko nang pinahiran ng icing ang kanyang kanang pisngi. Sumigaw siya nang maramdaman ang malamig na icing sa mukha.
Tumawa ako ng malakas at pinagsusuntok niya ako sa kanang braso. Hindi ako makaiwas dahil tawang tawa ako sa mukha niya. Ang laki kasi ng icing na inilagay ko sa kanang pisngi niya na halos wala ng matirang balat.
Natauhan kami nung tumikhim si papa. Kanina pa pala nila kami tinitignan.
Nginitian naman ako nang nangungutya ni papa, at ganon din sina mama, Clover at Cliff.
Ang dungis-dungis na rin ng mukha ng dalawang mokong.
"Kainggit naman, tayo naman Cliff," at nakita kong ngumuso si Clover kay Cliff. Mukhang hahalikan ito sa pisngi.
"Ano ba Clov! Babatukan kita nang matindi pag hindi ka tumigil! Kadiri!" Napangiwi si Cliff dahil sa pagnguso ni Clover sa kanya.
At tuluyan nang napuno ng tawanan ang buong silid.
Pinauna na naming pumasok ng bathroom si Knixx para maghugas ng mukha. Sa aming tatlo kasi siya ang pinakalala.
Tumagal lang ng tatlong minuto at lumabas na siya. Maaliwalas na ulit ang mukha nito.
Sobrang lagkit na nang pakiramdam ng mukha ko. Hindi ko na kaya. Kaya dali dali akong pumasok ng bathroom, at nakita kong sumunod ang dalawa.
Ngtutulakan pa silang dalawa kung sino ang mauuna sa kanila. Sa huli ay pinagbigyan na lang ni Cliff si Clover na maunang maghugas ng mukha sa sink.
Habang ako naman ay na sa loob ng shower room, dahil may faucet naman dito sa ilalim ng shower.
Tapos na ako, at nakita ko rin ang dalawa na tapos na. Inihagis sa akin ni Clover ang isang clean face towel, at sinalo ko naman ito.
I gently wiped my face at inilagay yun sa sampayan ng towel katabi ng salamin.
Ako ang unang lumabas ng pinto kaya nakita kong nag-uusap ang mga magulang ko at si Knixx. Mukhang seryoso ang usapan nila dahil sa ekspresyon ng kanilang mga mukha. Tungkol saan kaya ang pinag-uusapan nila. Pinag-uusapan kaya nila ako. Sabay silang tatlo na tumingin sa akin nang lumabas ako ng pinto.
Nginitian ko na lang sila at hindi na nagtanong, alam kong hindi din naman nila sasabihin ang tungkol sa pinag-usapan nila kanina, kaya huwag na lang.
Malinis na ang mesa na pinagkainan namin at nakalagay na lahat ng basura sa isang black plastic bag. Mukhang naglinis sila kanina habang naglilinis rin kami ng mukha.
"Anak, we have to go, may aasikasuhin pa kami ng papa mo," naglakad papunta si mama sa akin para halikan ako sa pisngi.
Kaya yumuko ako ng kaunti para mahalikan niya ako ng maayos.
"Sure ma, go ahead. Salamat sa inyo ni papa. Sobrang saya ko ngayong araw," then I hug her after that.
"You're always welcome anak, we love you," napatingin ako kay papa at nakita ko siyang ngumiti sa akin at tumango.
Kumalas na si mama sa pagkakayakap sa akin. Kaya nilapitan siya ng dalawa at niyakap. Sobrang higpit pa ang pagkakayakap ni mama kay Clover, parang mas anak niya pa yung unggoy na yun kesa sa'kin.
Tapos naramdaman kong tinapik ni papa ang balikat ko, kaya humarap ako sa kanya. Niyakap niya ako nang mahigpit pero sandali lang.
Finally, nilapitan ni Knixx si mama at papa, at isa-isa niyang niyakap ang aking mga magulang. Parang natutunaw yata ang puso ko dahil sa eksena. Noon pa man malapit ang loob ng mga magulang ko kay Knixx, kahit na mortal ko siyang kaaway sa academics.
Pero hindi yun hadlang para hindi mapalapit si Knixx sa kanila, mabait kasing tao si Knixx, at sobrang close pa nito kay papa.
Nang malaman nilang may gusto ako kay Knixx ay nagulat ako sa ipinakita nilang suporta sa akin para ligawan ang babaeng gusto kong mahalin habang buhay. Sabi nila ngayon lang daw nila akong nakita na ganun, at tingin nila tunay ang pagtingin ko para kay Knixx kay supurtado sila. Basta huwag ko lang daw pababayaan ang pag-aaral ko, at lagi ko daw dapat imbintahan si Knixx sa mga okasyon ng aming pamilya, kahit na hindi pa daw ako nito sinasagot.
Umalis na sila ni mama at papa, at ang natira na lang sa loob ng room ay kaming apat.
Nakita ko si Cliff na marahas na napatingin sa kaniyang relo, at biglang namilog ang kaniyang mata.
"May trabaho pa pala ako! Nako, lagot ako nito!" Taranta niyang pagkakaksabi at nagpaalam siya sa amin. Isa-isa niya kaming niyakap ng mahigpit at sobrang bilis bago umalis.
"Ikaw Clove?" Tanong ko sa kanya at napatingin naman siya sa akin.
"Next week pa ang balik ko sa trabaho, pero aalis na din ako, may dapat pa akong bilhin," humakbang siya palapit sa amin ni Knixx at niyakap niya kami ng sabay.
"Kayong dalawa ah, mukhang nagkakamabutihan na kayo," at tinawana niya pa kaming dalawa.
Loko talaga tong si Clover kahit kailan. Napatingin ako kay Knixx at hindi ito makatingin sa akin.
"Ako na lang ang magtatapon ng basura sa baba, ako naman ang may pinakamaraming nakain eh," sabi ni Clover sabay himas ng tiyan niya.
Kinuha na niya ang black plastic bag at nag wave pa ng kanan niyang kamay bago umalis ng kwarto.
Kaming dalawa na lang ni Knixx ang natitira sa loob ng kwarto ngayon. Tinignan ko ang orasan, 6:00 p.m. na.
"Gusto mo bang mag movie marathon?" Tinignan ko siya habang tinatanong.
"Um, sure wala din naman akong gagawin sa room ngayon eh," sagot niya at tumingin din sa akin.
"Anong gusto mong panoorin?"
"Kahit ano," sagot niya.
"Sige, mag suggest ka na lang ng genre," suhestyon ko sa kanya.
"Wala akong maisipi eh," agad niyang sagot.
"Eh, hindi ka pa nga nag-iisip eh,"Tinignan niya ako ng masama, matapos ko yung sabihin.
"Sige ano na lang um, Dead Po-," natigilan ako sa pagsasalita nang bumukas ang pinto.
Sabay kaming napatingin ni Knixx kung sino ang pumasok. Nakita namin si Trixie na walang sapin sa paa, habang bitbit ang stuff toy niyang si Ice Bear.
"Flynn!" bati niya sa akin, tapos napatingin kay Knixx.
"Sino siya?" Sabay turo sa katabi ko.
I walk towards her and bend my knees.
"Siya si ate Knixx, kung ako si Flynn, siya naman si Rapunzel," pero biglang kumunot ang nuo niya at nagsalubong ang dalawang kilay.
"But you said, I'm Rapunzel!" she exclaimed at umatras ng kaunti.
Ang sama pa ng tingin niya kay Knixx, lagot mukhang nagselos ata yung bata.
"Ofcourse you're still my Rapunzel," nakita ko naman siyang ngumiti bigla dahil sa sinabi ko.
"Then who is she? If she's not Rapunzel?" pangungulit pa din niya.
"She's the step-mother," at ngumisi ako sa sinabi.
Nakita ko naman ang sama ng tingin sa akin ni Knixx, nagalit yata sa pagpapakilala ko sa kanya sa bata.
"Look, mukha siyang witch diba?" Mas lalong dumilim ang mata ni Knixx, anytime ay puwede niya akong sakalin. Hindi niya lang ata magawa dahil may bata sa harap namin.
Nagtago naman ang bata sa likod ko. Kaya mas lalo akong natawa.
Halos patayin ako ni Knixx gamit lamang ang mga tingin niya, kanina niya pa siguro ako pinagsasaksak ng kutsilyo sa utak nito.
"Let's watch Tangled!" Masigla sabi ni Trixie sa akin.
Tinignan ko naman si Knixx at tumango ito ng marahan. Kaya nginitian ko siya.
Inilabas ko ang laptop sa drawer ng bedside table. I open the laptop and proceed to the Netflix. Nag search ako ng title ng movie. 'Tangled', since yun ang request ng bata.
Nakaupo kami ngayon sa ibabaw ng kama at na sa gitna namin ni Knixx si Trixie.
Sobrang saya ng bata sa panunuod. Kumakanta pa ito sa tuwing kumakanta rin ang mga characters ng pelikula.
Hanggang sa dumating ang scene kung saan na sa loob ng isang maliit na bangka si Flynn at si Rapunzel. Nagpapalipad sila ng flying lanterns na may apoy sa loob.
Nagsimulang kumanta si Rapunzel, nagulat ako ng sabayan ito ni Knixx. Kaya napatingin kaming dalawa ni Trixie sa kanya. Hindi maipagkakaila ang kagandahan ng boses niya, ang sarap sa tenga.
All those days watching from the windows
All those years outside looking in
All that time never even knowing
Just how blind I've been
Now I'm here blinking in the starlight
Now I'm here suddenly I see
Standing here it's oh so clear
I'm where I'm meant to be
And at last I see the light
And it's like the fog has lifted
And at last I see the light
And it's like the sky is new
And it's warm and real and bright
And the world has somehow shifted
All at once everything looks different
Now that I see you
Tapos, kumanta si Flynn. Sinabayan ko din ito, habang kumakanta ay titig na titig ako kay Knixx, hindi niya din pinuputol ang pagkakatitig sa akin.
All those days chasing down a daydream
All those years living in a blur
All that time never truly seeing
Things the way they were
Now she's here shining in the starlight
Now she's here suddenly I know
If she's here it's crystal clear
I'm where I'm meant to go
Sabay naming kanta ni Knixx.
And at last I see the light
Madamdamin kong kanta habang nakatingin sa kaniya.
And it's like the fog is lifted
Napatingin sa amin si Trixie dahil sabay naman kami kumanta ulit ni Knixx.
And at last I see the light
Hindi ako sigurado sa naririnig ko, pero parang nagiging emosyonal na si Knixx habang kumakanta.
And it's like the sky is new
And it's warm and real and bright
And the world has somehow shifted
All at once everything is different
Now that I see you
Now that I see you
We both smiled at each other, at bigla kaming niyakap ni Trixie. Ngumiti ako nang palihim sa posisyon naming tatlo. Para kaming isang masayang pamilya.
"Now, I believe, that you're Rapunzel," sabi niya kay Knixx, at nangingislap pa ang dalawang mata.
"And he's Flynn," tinignan niya naman ako habang nakangiti.
Nagpatuloy kami sa panunuod, tumagal yun ng kalahating oras, nakatulog na si Trixie habang nanunuod. Nagkatinginan kami ni Knixx dahil dun.
"Ihahatid ko ang bata sa kabilang kuwarto, kung gusto mo puwede ka nang bumalik sa room mo, ako na ang bahala sa bata," sabi ko kay Knixx nang matapos na ang movie na pinapanuod namin.
"Magiging mabuti kang ama," nagulat ako sa sinabi niya, kaya napatingin ako bigla sa direksyon niya, titig na titig siya sa akin.
Wala akong masabi, naisip ko na baka hindi na dumating ang ganong pagkakataon at panahon. Wala naman akong gusto maging ina ng magiging anak ko kundi siya lang, at sa sitwasyon namin ngayon, malabong mangyari yun.
Nginitian ko siya at tumingin sa bata, I removed the small strand of hair in Trixie's face, inilagay ko yun sa likod ng tenga niya.
"Sa tingin mo?" Nakita ko siyang tumango.
"Sa tingin ko rin," I smirked and winked at her.
I slowly lift the child from the bed. I scooped her carefully para hindi siya magising. The child cling into my neck, the moment I lift her, I carried her in a bridal carry.
"Ako na ang magdadala ng stuffed toy sa room niya," suhestyon ni Knixx at tumango naman ako.
Unang lumabas si Knixx, at nakita ko siyang pinagbuksan kami ng pinto.
Maingat kong binitbit ang bata para hindi siya matamaan ng pinto papalabas. Nakita kong bukas na ang pinto ni Trixie dahil nauna nang pumasok si Knixx.
Inayos niya pa ang kama ng bata. Inilagay ko ng dahan ang bata sa kama, and I slightly remove her arms around my neck. Pagkalagay ko ng bata sa kama ay agad niyang kinapa ang stuffed toy niya sa kama at niyakap iyon. Nilagyan naman siya ng kumot ni Knixx.
I kiss the forehead of Trixie and smile.
"Sleep tight, our Angel," I said almost whisper, takot na magising siya.
Nakita ko pa siyang ngumiti ng matamis habang nakapikit pa rin ang mata. Ang ganda siguro ng panaginip niya.
"Um Knixx," tinignan ko ang relo sa kamay.
"Puwede ka bang pumunta mamaya sa rooftop, mga 8:00 p.m.?" Tapos tumingin ako sa kanya.
"Sige, 8:00 p.m. mamaya," tapos nakita ko siyang tumango.
Lumipas ang ilang minuto at napamulat ako ng dalawang mata. Anak ng tokwa, nakatulog pala ako kanina. Marahas kong tinignan ang wallclock sa loob ng room. 10:00 p.m. na!
Dali-dali akong pumunta ng rooftop, hingal na hingal. Napayuko ako at napahawak sa dalawa kong tuhod. Pagkarating ko ng rooftop walang Knixx na naghihintay sa akin. Siguro bumalik na siya ng room niya dahil hindi ako sumipot kaninang 8:00 p.m.
Pinuntahan ko si Knixx, sumakay ako ng elevator papuntang fourth floor. Pagkarating ko sa harap ng pinto ay kumatok ako nang dalawang beses at bigla itong bumukas.
Bumungad sa harap ko si Knixx at napakunot ng kanyang nuo.
"Sorry, kung pinaghintay kita kanina, nakatulog ako at kagigising ko lang," paliwanag ko sa kanya, at hinihingala parin.
"Ano?" Tanong niya sa akin.
"Diba dapat magkikita tayo kanina? Sorry kung hindi ako sumipot, nakatulog ako ng matagal," nagsalubong ang dalawa niyang kilay.
"Hindi ako pumunta ng rooftop kanina, wala akong matandaan na magkikita pala tayo doon Clij."