Chapter 5

3081 Words
I did the last strum. I saw the kid sleeping beside me. She was sleeping peacefully after I lullabyed her. Nakaupo ako ngayon sa isang monobloc chair habang bitbit ang gitara. Na sa gilid ako ng kama ng batang babae. Akala ko ay wala na akong ibang kantang ma-isip na kakantahin para sa bata, but the moment I entered the room and saw the soft feature of her face. There's a song registered in my mind. I used to sing this song to Knixx. Every night, lalo na kapag hindi siya makatulog. Sabi niya everytime I sing this song to her, she's at ease. Lagi niya kong tinatawagan gabi-gabi para sabihin sa akin na ipag-hele ko daw siya dahil hindi siya makatulog. I'm glad that it works. Sabi niya, if si Bella may Edward para kantahan siya ng lullabay. Siya raw ay mayroong ako, para patulugin siya sa gabi. I smiled after seeing the child. Her parents are infront of me. Sitting on a couch that's good for two person. "Doc, salamat po. Pasensya na sa abala. Ayawa niya kasing matulog hanggat hindi niyo siya kinakantahan," the mother told me and looked at her child. Napangiti ako sa sinabi ng ginang, at tinignan ang bata. "Walang ano man po. Isa pa, pinangakuan ko rin kasi ang bata, kaya siguro nasabi niya yun," nagulat pa siya ng sinabi ko yun. "I went to her room earlier to make her calm, before performing the bone marrow test. I can't stand her screams from the other room. I know she's terrified and I can't afford to listen." Napasinghap ang ginang sa narinig, siguro may namumuong imahe sa kaniynag isipan kung pano dinanas ng bata ang paghihirap kanina. Napasubsob siya sa kanyang asawa, at doon nagsimulang umiyak. Niyakap siya ng kanyang asawa habang pinapatahan. "Ano po ba ang puwede naming gawin para ibalik ang pabor?" Tanong ng ama sa akin. Binigyan ko lang sila ng tipid na ngiti at nagsalita. "Libre po ang pagtulong ko sa kapuwa. Bukal po sa puso at wala po akong hinihintay na kapalit" "Hindi ko po inte-," I cut him off. I raise my right hand to stop him. Nakaharap ngayon ang kaliwang palad ko sa kanila. "Just give your full support and love to the child, always keep your eyes on her. Give your full attention especially when she needs it the most." I wave my right hand to them to say good bye. Then I heard their 'thank you' after I close the door. I checked what time is it. I checked my left arm, it was already 10:00 p.m. I decided to wear a watch, since mahilig akong tumingin sa oras. It was a plain silver men's watch, a Casio brand. Digital? No, I prefer the traditional one. I push the button of the elevator. Then it opens, bumungad sakin si Knixx. Nagulat ako, pero hindi ko ipinakita. Mukang galing siya sa floor niya. I walked towards her, then I stand beside her. Should I say 'hi'? But what if hindi niya ko kilala? Would it creeps her out? Hindi naman ako matatakutin sumakay sa elevator, pero nalulula yata ako ngayon. "Nabagok ba ang ulo mo at nagka-amnesia ka? O baka naman may alzheimer's disease ka rin?" Marahas ko siyang tinignan sa sinabi niya. Bigla siyang natawa dahil sa ginawa ko at pati na rin sa reaksyon ng mukha ko. "Um, ako ba kinakausap mo?" May paturoturo pa ko sa sarili habang tinatanong ko yun. Halos hindi ma drawing ang mukha ko. "May tao pa ba bukod sa ating dalawa dito?" She said in between laughs. Napatingin ako sa pagbukas ng elevator na sa 1st floor na kami, nakalimutan kong pindutin kanina ang 2nd floor button dahil kay Knixx. Pupuntahan ko sana si Rems sa kanyang opisina. Nagiging tanga talaga ako pagkaharap ko siya. Bumukas na ang pinto ng elevator, at tinignan ko siya. I saw something red in her forhead, mamasamasa ito, at hindi lang sa noo niya, pati na rin sa wrist nito. I was alarmed on what I saw. I immediately check her, anong nangyari sa kaniya? Saan niya nakuha ang mga sugat? Malalim ba ito? Ba't parang wala lang sa kanya na may sugat siyang tinamo? Malala na ba alzheimer's niya at pati pakiramdam ay limot na niya? Nakita ko ang muka niya na gulat na gulat dahil sa ginawa ko. I was taken aback with my actions. Bigla ko siyang binitawan at dumistansya sa kanya. I step backward. "Hey, chill, it's just a paint. A red paint." Anytime puwede siya sumabog sa kakatawa, pero mukhang pinipigilan niya. Nakakahiya, pintura lang pala. Bakit ba naman kasi pula? Nagmuka tuloy parang dugo. "Ganiyan ba talaga kayong mga doktor? Ang bilis ng reflexes niyo sa mga ganitong sitwasyon." Tanong niya sa akin, pero parang hindi siya nagtatanong dahil sa tono ng pagsasalita niya. As if it was a statement. I was going to asked her a question when she go out from the elevator. Tatanungin ko sana paano niya nalaman na doktor ako. Pero hinayaan ko na lang, pipindutin ko na sana ang button para umakyat ng 2nd floor ng makita kong may tagos siya sa likod. Teka baka naupuan niya lang yung pintura kanina? Pero mukang dugo na to, this time. Lumabas ako ng elevator para habulin siya. I grab her left arm using my right hand. Bigla siyang tumigil dahil sa ginawa ko. Nanatili pa rin siyang nakatalikod sa akin, at ako naman ay sinusubukang takpan ang tagos niya para hindi makita ng mga tao. Ang 1st floor pa naman ang may pinakamaraming tao sa lahat ng floors dito sa ospital. Mas mataas ako kay Knixx, I think she's around 5'4 only. Habang ako ay 6'2. My body and my height is enough to cover her. "You have a back leak," I whispered behind her back. She tried to face me but I stopped her using my two hands by placing it above her shoulder. "Don't turn around. Just stand still." Mukha kaming engot habang naglalakad dahil sinusubakan ko pa rin takpan ang tagos niya sa likod. Sa wakas ay nakaupo na rin siya sa isa sa mga upuan rito. "Stay here, and don't even try to stand up," I warn and instruct her. "But-" I cut her off using my right index finger. "Teka! Ano ba yung back leak na pinagsasabi mo?" Nagulat ako dahil nagsisigaw na siya, siguro dahil kaninan pa na wiwirduhan sa ikinikilos ko. Pero nagulat ako hindi dahil sa pagsigaw niya, kundi dahil sa tanong nito. Hindi niya ba alam kung ano ang tinatawag na tagos? "Shhhhh, lower your voice ano ka ba. You've got your monthly period. May tagos ka," I said almost whispered. "Ano yun? Anong monthly period, tsaka ano yung tagos?" I analyzed her face if nagbibiro lang ba siya sa sinasabi niya. Pero hindi, mukang wala siyang alam sa mga pinagsasabi ko. "Wait here. Don't stand, okay? Mabilis lang ako." Nakita ko siyang tumango. At mabilis akong pumunta sa informations desk. I asked favor on one of the nurses here. Si Michaela, I instruct her to assist Knixx about her monthly period. "May jacket ka ba Mich? Kindly put that into her waist, thank you." "Sure Doc," sumangayon siya sa hiningi kong pabor. Nakita ko siyang kinakausap si Knixx at inilagay niya na ang jacket sa bewang nito. Nakita ko silang pumasok sa elevator at umakyat ng fourth floor. I immediately go to the canteen/cafee here in the hospital. Bumili ako ng coke sa plastic bottle mga 350 mL lang, hindi cold ang binili ko. Then I buy some chocolates, the Goya Bar dark chocolate. The cashier gave me the items and I handed her the bill. I immediately go inside the elevator and push the button to ascend me to the 4th floor. I was running at the corridor, then I slow down my pace when I saw Michaela went out of the room. "Nakapagpalit na siya ng lab gown Doc, tapos na rin siyang linisan ang katawan." She said and I felt relieved. "Mukang hindi niya po maalala kung ano ang ibig-sabihin ng monthly period, she was clueless all the time, at tinatanong niya rin kung para saan ang napkin at bakit ginagamit ito." Nalungkot ako dahil sa sinabi ng nurse sa akin. I thanked her after that. I knocked twice at her door. Tapos nakita ko ang mukha niya, medyo namumula siya at nahihiya. "Nakakahiya, pero salamat ha napaka genuine ng ginawa mo kanina," namumula parin siya habang nagsasalita. "Wala kang dapat ikahiya, natural sa babae na matagusan dahil dinadalaw kayo ng monthly period niyo. Hindi mo naman ginusto yan eh." She gave me a brief smile, mukang nahihiya parin. "Here, I brought you these, para hindi masyadong masakit ang puson mo," I push forward the plastic bag I bought earlier towards her. She open it and took out the itmes one by one. "Salamat, saan mo naman nalaman na effective ang bagay na to?" She asked me, habang nagsasalubong ang dalawang kilay. "Sa teacher ko, sabi niya maganda raw yan, tuwing may period ang mga babae, hindi masyadong sumasakit ang puson mo pag kinain mo ang chocolate bar at ipinares sa hindi malamig na coke." She was amazed with my explantion. "Pano mo nasabi na effective to? May na witness ka na ba?" "Oo, ang ex-girlfriend ko, sabi niya mukang effective naman daw lalo na pag ginagawa niya ito sa 1st day ng peirod niya." Mukang nagulat siya sa sinabi ko. Tsaka tumango. "Eh sa girlfriend mo ngayon, hindi mo ba tu ginagawa?" Natawa ako sa tanong niya, at kumunot ang nuo nito. Nakaupo kami ngayon, magkaharap at may maliit na mesa na pumapagitna sa aming dalawa. She placed her elbow above the table then place her chin on her palm. She was looking at me intenly and waiting for my answer. "After my past relationship, I don't have the courage to enter a new one," malungkot ko yung sinabi sa kaniya, habang tinitignan siya sa mata. "Oh I'm sorry, I think It didn't end well," sumandal siya sa upuan niya matapos niyang sabihin iyon. "Hindi talaga, iniwan ba naman ako ng walang dahilan?" Isang katanungan na puno ng nilalaman, I asked that question without breaking the eye contact, parang tinatanong ko sa kanya ngayon kung bakit niya nagawa sa akin yun noon. Pero alam kong wala akong mapapala sa pagtanong ko. "Hardcore!" Manghang pagkakasabi niya sa sagot ko. "Puwede lang ba yun, na sa pagpikit at pagdilat ng mga mata, posibleng mawala ang pagmamahal mo sa isang tao?" She paused, I was about to answer when she said immediately. "Posible, kung may alzheimer's siya," tapos nakita ko siyang humagalpak ng tawa, may pahampas-hampas pa siya ng mesa. Natigil siya sa ginagawa ng makita niya kong hinidi tumawa. "Sorry, my bad. So may alzheimer's nga siya," napangiwi siya dahil baka iniisip niya na tama ang kaniyang sinabi. "Hindi, nagising siya na hindi na niya ako mahal. Ganon lang." "Bullshit!" Kanina pa to nagmumura ah, parang siya yung naiwan, kung alam niya lang na siya ang tinutukoy ko, ano kaya magiging reaksyon nito? Eh siya yung nang-iwan, ako ang naiwan, ayos talaga ang babaeng to. "Easy, ako yung naiwan, hindi ikaw, sobra ka naman maka-react dyan," natawa kaming dalawa dahil dun. "Sige na kainin mo na yang chocolate bago matunaw, at uminom ka na rin ng coke," tango lamang ang ginawa niya. Nagsimula na siyang kumain at uminom, gluton talaga ang babaeng to. Nakita kong kumunot ang nuo niya. "Bat ganiyan ka makatingin?" Tanong niya habang nakasandal sa upuan at na ka cross arms pa. "Bakit ganoon?" "Ano?" Siya, at mas lalong kumunot ang noo. "Nilagyan ko naman ng gayuma yang coke mo, bakit walang epekto?" Binigyan ko siya ng nanunuyang ngiti at biglang ngumisi. Subalit ako pa yata ang nagulat sa aming dalawa dahil sa naging reaksyon at sagot niya. "Alam mo kung bakit?" She plainly stated it, I trace some emotions in her face, but I failed. "H-a bakit?" "Pano mo paiibigin ang taong matagal ng umiibig sayo?" She smiled playfully. Sandaling tumahimik ang kwarto dahil sa naging sagot niya. Gago, kinilig ako! Hayop yan. "Tingnan mo ang muka mo sa salamin, matatawa ka," dahan-dahan siyang umiling tapos sinabi yun. "Alam mo, hindi naman ako naniniwala sa mga gayuma na yan, pinagtratrabahuhan ang isang bagay na gustong-gusto mong makuha, hindi lang basta-basta napapasayo yun sa isang pagpitik ng daliri." Ang daming alam, ang daldal. I remove my gaze at her then I saw a painting, mukang bago pa ito, dahil sariwa pa ang pintura sa canvas. "A wilting rose in two palms," I stated it unconsciously. "Yep," she gave me a thumbs up. "Anong title ng painting na to?" I asked her without removing my gaze to the painting. Sobrang ganda talaga, as in, detalyado ang pagkakagawa, the texture of every strokes of brush in the canvas. Ang kombinasyon ng pula,kayumanggi at itim, sa rosas. At ang dalawang palad ng tao, parang totoo, the fine lines, in each palm, ang galing, I'm speechless. "Wala akong maisip eh, ikaw na lang magbigay, mukang may naiisip ka ata," seryoso ba siya? Siya na mismo gumawa nito, at wala siyang maisip na title, mas lalong ako, dahil hindi naman ako ang gumawa nito. "Wala akong maisip eh, di naman ako maalam sa ganiyang larangan," "Sige, kung kailan mo lang maisipan na bigyan yan ng title, no pressure," nakita ko siyang ngumiti tapos tumingin siya sa akin. Nanlambot ata ang mga tuhod ko dahil sa ginawa niyang yun, mabuti na lang at nakaupo parin kami ngayon dahil paniguradong napaluhod na ako kung nakatayo kami ngayon. "Hindi ka pa ba matutulog? 12:00 a.m. na oh," napatingin siya sa wallclock dahil sa sinabi ko. "Pano ako matutulog kung nandito ka pa?" Nagulat ako sa sinabi niya, kanina pa ako ginigisa ng babaeng to. "Biro lang, hindi pa ako dinadalaw ng antok, tapos pinainom mo pa ako ng coke." Nakita ko siyang ngumisi, sino ba namang makakapagsalita sa mga sinasabi niya. "Namumuro ka na kanina pa ah," hindi ko mapigilang umiling habang natatawa. "Manonood pa ako ng k-drama," nagulat ako sa sinabi niya. "Bawal yan ah." Ibang klase talaga ang babaeng to kahit kailan. Pero sinakyan ko pa rin ang trip niya. "Anong title ng pinapanood mo?" Napangisi siya sa tanong ko. "I am not a Robot" Sabay na naming napanuod to noon, nag-aaway pa nga kaming dalawa kapag may umunang manuod ng isang episode, kasi dapat sabay kaming dalawa. "Episode ano ka na?" "Episode 16 pa lang," sagot niya habang nagbibilang gamit ang daliri. "Maganda yung drama na yan, lalo na ang ending," I interrupt her. "Talaga? So ibigsabihin tapos mo na to?" Tumango lang ako bilang sagot. "Sinong favorite oppa mo?" She asked excitedly. Seryoso ba talaga siya? "Si Lee Jong Suk," sinabi ko yun at nag finger heart pa gamit ang daliri. "Same!" Alam ko, kaya nga naging close tayo eh. "Ipagpabukas mo na lang kaya ang panunuod?" I suggest. Pero mukang desidido ang babaeng to na hindi matulog buong gabi, sumbong ko kaya to kay Rems? "Ano ka ba! Hindi mo ma e-enjoy ang k-drama kung hindi ka magpupuyat!" Sabagay "Hindi ka ba nahuhuli sa ginagawa mo?" Tanong ko. "Tsss, ilang beses na, pero may katigasan ako ng ulo," mukang proud pa siya sa ginagawa niya. "Pero ngayon magaling na kong magtago" "Pano?" "Sikretong malupet, baka kasi gayahin mo," ayos talaga mga sagot nito. I smiled at her, sana palaging ganito, yung kumportable siya sa akin makipag-usap, nalalapitan ko siya ng walang alinlangan. "Sige mauna na ako, mukang ang dami mo pang episodes na dapat panoorin, enjoy, pero ipangako mong magiging huli mo nang pagpupuyat ito." "Sure, salamat. Basta ba sa susunod eh samahan mo akong manuod ng drama, pangako di na ako magpupuyat." Na excite ako sa sinabi niya, kaso nawala din ng maisip ko ang mga puwedeng mangyari. "Oo ba, as long as nakikilala mo ako," nabura ang ngiti niya dahil sa sinabi ko. Pinagsisihan ko agad kung bakit nasabi ko yun. "Kaya nga nandiyan ka, para sakaling malimutan ko kung anong episode na ang pinapanuod ko, eh mapaalalahanan mo ako," mukang hindi siya naapektuhan sa sinabi ko. Isa rin sa mga bagay na gustong-gusto ko sa kanya. She looks on the brighter side, kahit na alam niya na sa madilim siyang bahagi. "As long as you will allow me to be near with you. Lalapit lang ako, if kilala mo ako," I contain my emotions, dapat hindi ako sumabog. "Pano if hindi ko maalala ang pangalan mo, pero kilala kita, hindi mo parin ba ako lalapitan?" Mukang nagmamakaawa siya na sagutin ko ng tama ang tanong niya. "Basta hindi lang makasasama sa karamdaman mo, lalapit at lalapit ako," I saw her smile. I felt relieved after that, mukhang nabawi ko rin ang mga sinabi ko. Ang kailangan ko lang gawin ay kontrolin ang nararamdaman ko kapag kausap at kasama ko siya. "Huwag mong kalimutan ang magiging title ng painting na yun ha?" Turo niya sa painting. Tumango ako bilang tugon. "Sure, mag-iisip ako ng title na unique, kung saan sa title pa lang, nadoon na ang lahat ng explanations." "Naks, taba ng utak mo ah," sabay kaming natawa. Tumayo na ako para umalis, nakita ko rin siya na tumayo at nilinis ang mesa at pinagkainan kanina. Itinapon niya ang basura sa basurahan at sabay kaming naglakad sa pinto ng kanyang silid. "Maraming salamat pala kanina ha, sa pagtakip, sa paghingi ng pabor sa nurse at sa pagkain." "Walang ano man," binigyan ko lang siya ng tipid na ngiti. Nakatalikod na ako at naglakad ng ilang hakbang ng bigla siyang nagsalita. "Sana bukas ay maalala parin kita, at kung hindi man, sana ay subukan mong ipakilala muli ang iyong sarili kahit paulit-ulit na lang. Magaan ang loob ko sayo, noong una kitang makita sa canteen. Alam kong mabait kang tao, at hindi nga ako nagkamali. Sana hindi ka mapagod sa akin kahit hindi ko maalala ang pangalan mo, pero kilala kita. Kagaya ngayong gabi. Alam kong kilala na kita, pero hindi ko matandaan ang pangalan mo. Kung hindi mo mamasamain, ano nga ulit ang pangalan mo?" Grabi ang bigat sa pakiramdam, hindi ko kaya, pati sariling pangalan ko hindi ko mabigkas. "Cl-i-ja" May bahid ng pait bawat pantig. "Clija, salamat ha, masaya ako na nakilala kita," hindi ko magawang lumingon dahil umiiyak na ko ngayon. "Ako din." Masaya akong nakilala kita Knixx, hindi ko yun pinagsisihan kahit ang sakit-sakit na.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD