"Give the patient an anesthesia."
"Anesthesia given."
"Catheter please."
"The Catheter."
A catheter is guided through a small cut in patient's groin to an artery and then to the blood vessel in it's brain where the aneurysm is located.
"Contrast material please."
"Contrast material."
Contrast material is injected through the catheter. This allows the surgeon to view the arteries and the aneurysm on a monitor in the operating room.
"Give me the thin metal wires."
"Thin metal wires."
Thin metal wires are put into the aneurysm. They then coil into a mesh ball. For this reason, the procedure is also called coiling. Blood clots that form around this coil prevent the aneurysm from breaking open and bleeding. Sometimes stents (mesh tubes) are also put in to hold the coils in place and make sure the blood vessel stays open.
"Give a blood thinner to the patient."
"Heparin, clopidogrel, or aspirin?"
"Aspirin."
"Blood thinner, aspirin is now given."
This operation is called, Brain aneurysm repair. It is surgery to correct an aneurysm. This is a weak area in a blood vessel wall that causes the vessel to bulge or balloon out and sometimes burst (rupture).
It may cause, bleeding into the cerebrospinal fluid (CSF) around the brain (also called a subarachnoid hemorrhage) and bleeding into the brain that forms a collection of blood (hematoma).
There are two common methods used to repair an aneurysm, first the clipping is done during an open craniotomy, second is endovascular repair (surgery), most often using a coil or coiling and stenting (mesh tubes), is a less invasive and more common way to treat aneurysms.
In today's operation endovascular repair (surgery) has been use.
Naputol ang pag-iisip ko tungkol sa operasyon ng may tumapik sa kaliwang balikat ko.
"You miss doing it." Rems stated and looked at me.
Tango lang any ginawa ko sa tanong.
"Kahit hindi mo sabihin, halata naman sa mukha mo."
I smiled, napaka transparent ko kasing tao. Ang hirap maging ganoon, nababasa ka ng mga tao sa paligid kahit walang salitang lumabas sa bibig mo. Parang wala kang privacy na tinatawag kasi alam nila ang na sa isip mo.
"Sobra," nakatingin parin ako sa ibaba, habang tinitignan ang operasyon.
"Ikaw ba namam, patigilin ka sa isang bagay na gustong-gusto mong gawin, hindi mo ba ito mamimiss?"
Kanina pa ako nandito sa itaas mula dinala ang pasyente sa loob ng operating room hanggang ngayon na ginagawa parin ang operasyon.
I can't perform some operations because of my condition. So I am here above, just observing what's happening down there. Na sa isa akong observation room na kung saan na sa ibabaw ako habang inoobserbahan ang operasyong nangyayari sa ibaba. May isang malaking glass sa harap ko para makita ng malinaw ang ginagawang operasyon.
Magaling ang surgeon na humahawak ngayon sa operasyon. Swabe ang kanyang mga galaw at kalmado ang pananalita at pagbibigay ng command sa mga kasamahan.
The surgeon is a woman, her name is Doktora Clarita Trinidad. She's in her fourties now, a woman with principles and an independent. I look her up, since day one. Mula ng magtrabaho ako rito lubos ko na siyang hinahangan dahil sa galing niya sa pagiging surgeon. She wears her best aura as doctor and a woman, and I admire her because of that.
Patuloy parin ang operasyon sa loob ng operating room. Pero nagpasya kaming lumabas ni Rems.
"Kamusta pag-aaral natin Doc?" Tukso ko sa kanya at tumawa.
We are walking at the corridor of the first floor.
Narinig ko siyang nagbuntong hiniga, kaya tinignan ko siya.
"As usual, ganoon parin nakakapagod Clij, pero kinakaya, dahil gusto ko ang ginagawa ko," I saw him smiled genuinely despite of being tired. Halata yun sa hitsura niya. Siguro mga ilang araw din siyang walang tulog dahil sa pag-aaral.
He pushed the button of the elevator. Then it opens, he pushed the 2nd floor kung saan nandoon ang opisina niya.
He was about to push the 3rd floor button when I clutched his hand to stop him. Binigyan niya ako ng nagtatakang mukha. Makikita ang pagkunot ng nuo nito at pagsalubong ng dalawa niyang kilay.
"Tatambay ako ngayon sa loob ng opisina mo," I tell him while making my eyebrows up and down.
"Ang dami ko pang gagawin Clij, ang dami ko pang dapat pag-aralan, lalo na sa sakit mo," he gave me a warning look.
"Hindi kita kukulitn, magpapakabait ako, at hindi ako mag-iingay," I plead him while rubbing my two palms with each other.
Tingnan niya lang ako ng masama dahil hindi kumbinsido sa mga sinasabi ko. Bumukas ang elevator at tumambad sa amin ang second floor.
Lalabas na sana ako ng elevator ng bigla niyang hablutin ang hospital gown ko, at natigil ako sa paglabas.
"Bawal nga sabi, at saka imposible yang sinasabi mong hindi ka mag-iingay, dahil hindi mo kayang mabuhay ng isang araw na hindi nakakapagsalita Clija."
Ayos, kilalang kilala talaga ako ng mokong na to.
"Rems, please, sige na payagan mo na ako. I'll behave. At saka ngayong araw lang to, bagot na bagot na ko sa loob ng kwarto ko," I said almost begging. I gave him a puppy eyes, sana umepekto. Kahit na mukha akong timang sa harap niya.
He walked outside the elevator, nagmadali akong sundan siya sa takot na masirhan ng pinto ng elevator.
Mukhang umepekto ang pagpapacute ko sa kaniya. Ngumisi ako dahil doon.
Naglalakad kami ngayon papunta sa opisina niya. Nakita ko siyang pinihit ang seradura pero bigla siyang tumigil sa pagbukas noon.
"Bakit, anong problema brad?"
Nagtaka ako dahil mukhang hindi naman na ka lock iyon dahil nakita kong napihit niya yun.
Hindi niya parin binubuksan ang pintuan. Ng bigla siyang yumuko sa harap nang pinto. Nagtagal siguro yun ng sampung segundo. Tapos humarap siya sakin.
"May problema ba Rems?"
Tanong ko, at sinumulan kong ihakbang ang mga paa papunta sa kanya, para mas maaninag lalo ang kanyang mukha.
"I'll have a clinical trials," nagsalita siya, at natigil ako sa paghakbang.
"Talaga?"
"Kailan?"
"Mamaya ba yan?"
"Kaya ba ayaw mo akong papasukin sa opisina mo? Dahil mag-aaral ka pa?"
Sunod-sunod kong tanong. Kaya nakita ko siyang binigyan ako ng blangkong mukha.
"Alin dun sa mga tinanong mo ang gusto mong unahin kong sagutan?"
Napaayos ako ng tayo dahil sa sinabi niya, kahit ako hindi na matandaan ang sarili kong mga tanong.
Napakamot ako sa batok gamit ang kanang kamay, at nginisihan lang siya.
"Hehe, pasensya na Rems, sige unahin mo na lang yung unang tanong, para in order."
Nakita ko siyang umuling dahil dun.
"Oo, may clinical trials ako. Sa susunod na buwan pa ito gaganapin. Ayaw talaga kitang papasukin sa opisina ko, kasi ang gulo sa loob, tapos ang gulo mo rin."
Tumawa kaming dalawa. Pero sa huli ay pinapasok niya pa rin ako sa loob ng opisina nito.
Ano ba ang ang ibig-sabihin ng 'clinicial trials'?
Clinical trials are a type of research that studies new tests and treatments and evaluates their effects on human health outcomes. People volunteer to take part in clinical trials to test medical interventions including drugs, cells and other biological products, surgical procedures, radiological procedures, devices, behavioural treatments and preventive care.
Clinical trials are carefully designed, reviewed and completed, and need to be approved before they can start. People of all ages can take part in clinical trials, including children.
There are 4 phases of biomedical clinical trials:
Phase I studies usually test new drugs for the first time in a small group of people to evaluate a safe dosage range and identify side effects.
Phase II studies test treatments that have been found to be safe in phase I but now need a larger group of human subjects to monitor for any adverse effects.
Phase III studies are conducted on larger populations and in different regions and countries, and are often the step right before a new treatment is approved.
Phase IV studies take place after country approval and there is a need for further testing in a wide population over a longer timeframe.
Kapagod diba? Pero kung gusto mo ang ginagawa mo hindi mo basta-basta lang ito susukuan.
"Next month, pupunta ako ng US, sa Standford University Medical Center," nagulat ako dahil mukhang biglaan ata ang clinical trials ni Rems.
Clinical trials usually involve participants from more than one medical or research institution, and often more than one country. As each country has its own requirements for clinical trials research it is possible that single trials could be included on more than one registry, and hence appear on more than one registry database. However, data on various clinical trial registries varies.
Nakaupo siya ngayon sa kanyang swivel chair, habang ako naman ay nakahiga sa couch habang nakatingin sa kisame at nakikinig sa kanya.
Nagbabasa siya ng makapal na libro habang nakikipag-usap sa akin. Ang galing mag multi-task nang lalaking ito.
"Mukhang mahirap ata yang pinag-aaralan mo ngayon ah, at kailangan mo pang pumunta nang states," I heave a sigh.
"Tungkol ito sa sakit mo Clij," he said it without leaving his gaze on the book.
Pagkarinig ko pa lang kanina na may clinical trials siya, alam kong kondisyon ko ang pag-aaralan niya. Tinignan ko siya, nagbabasa pa rin siya ng libro habang nakakunot ang nuo.
"Sa tingin mo, matapos mong gawin ang clinical trials mo may lunas na kaya sa sakit ko?"
A long moment of silence.
I was exepcting this kind of response from Rems, but I can't stop myself from hoping, even a glimpse.
"Hindi ko alam Clij, kaya nga pupunta ako ng states next month para malaman ang sagot sa tanong mo, don't worry the moment na malaman ko na mayroong tamang lunas sa sakit mo, tatawagan kita agad," he said it, then he closed the book that he was holding and do a cross arms in front of his chest.
Sabay kaming ngumiti dahil sa mga sinabi niya. Hindi ko mapigilang umasa sa mga sinabi ni Rems. Gumaan ang loob ko dahil pabor sa akin na matawagan ng doktor matapos ang clinical trials.
Napabangon ako sa pagkakahiga ng may tanong na pumasok sa isip ko. Umupo ako ng maayos sa couch at na ka cross legs at sumandal sa upuan habang na ka cross arms.
"Rems may tanong ako."
Kumunot ang nuo niya at nag lean siya sa kaniyang table para tignan ako ng maayos.
"Ano?"
"Wala bang rumuronda dito tuwing gabi para i- check ang mga pasyente?"
"Kada pasyente may na ka assign na nurse para i-check sila tuwing gabi, minomonitor nila ang kalagayan ng mga pasyente na naka assign sa kanila."
"Anong oras ang checking at monitoring?"
Follow up question ko sa kanya.
"Hmmm, Mga around 7:30-8:00 p.m." binigyan niya ako ng tipid na ngiti. Pero makikita mo sa mata niya na inoobserbahan niya ang reaksyon ko sa bawat sagot na matatanggap galing sa kanya.
"That's too early!" I exclaimed, as if it was a protest.
His forhead creased on what I've said.
"Ano ba dapat ang tamang oras Clij? 10:00-11:00 p.m. or 11:00 p.m. hanggang 12:00 a.m.?"
Mukhang sinusubukan niya kong hulihin gamit ang mga katanungan nito.
"Siguro, para ma secure na okay pa sila at kung maayos silang natutulog."
Tumatango pa ako habang sinasabi iyon. Na para bang mas tama ako kesa sa protocol ng ospital.
"Hindi puwede yang sinasabi mo, at saka mas madidisturbo ang pasyente kung natutulog na ito, tapos gigisingin mo for checking and monitoring. It's past midnight Clij, dapat natutulog na ng mahimbing ang isang pasyente after 8:00 p.m."
Alam ko na kung pano nalulusutan ni Knixx ang mga nurses and doctors rito sa loob ng ospital. Kaya nakakapag-puyat siya sa panonood ng k-drama. Mautak talaga ang babaeng yun kahit kailan.
"Bakit mo naman naitanong Clij?"
Bumalik ako sa ulirat ng magtanong si Rems.
"Ah, eh, wala Rems," may pa senyas senyas pa ako ng dalawang kamay na nagsasabing 'wala' lang ang mga tinanong ko.
Binigyan niya pa ako ng tingin na 'hindi ako naniniwalang, wala lang'.
"Rems, kailangan ko na sigurong lumabasa, mukhang hindi ka maka concentrate at nakakaistorbo lang ako," tatayo na sana ako ng bigla siyang nagsalita.
"Buti naman at alam mo. Ang daldal mo kasing tao," kukunin ko sana ang isang unan dito sa couch para itapon sa kanya ng makita kong seryoso na talaga ang mukha nito.
Kaya nagdesisyon akong huwag ituloy ang plano.
"Rems, salamat ha, sa lahat-lahat bilang mabuting doktor at kaibigan, sorry dahil sa akin ay nahihirapan ka."
"Ugok, ano ka ba, obligasyon ko yun bilang doktor mo. At saka mabait ka din namang kaibigan mula ng mga bata pa tayo eh," sinabi niya yun at binigyan ako ng tipid na ngit.
Nakatayo kami ngayon sa b****a ng pintuan ng opisina niya. Then he tapped my right shoulder using his left hand. But I can't help not to hug him. At mas lalong ko pang hinigpitan.
"Ano ba yan, ang drama nating dalawa!"
Putol niya sa namumuong malungkot na mood na namamagitan.
I waved my hand to say goodbye. At naglakad na ako sa corridor ng second floor. Then I immediately proceed to the elevator and push the button. I saw the elevator ascending from the first floor. Bumukas ang pinto ng elevator sa harap ko at nagulat ako sa bumungad sa akin.
I saw the kid, siya yung batang babae sa kabilang kuwarto.
She's really pale, but she manage to give me her sweetest smile. She was wearing a hospital gown na kulay sky blue na kagaya rin sa akin, pero maliit yung sa kanya na tamang tama para sa katawan niya. She's also wearing a slippers, an open-heel-slippers, na kulay pink na nag mamatach sa bone bonnet niya sa ulo. She's really cute. Dala-dala rin niya ang kanyang maliit na teddy bear, na kulay puti, na si Ice Bear.
I saw her smile, after seeing me, pero mukhang hindi mapagkakaila sa mukha niya ang pagod, lalo na ang pares ng mata nito sa kaiiyak.
Walang bakas ng luha sa mga mata niya, pero mukhang kagagaling ito sa pag-iyak.
"Flynn!" She exclaimed and attempt to hug me.
But she stopped approaching towards me when she felt a hot liquid flowing in her nose, on the right hole to be precise.
Nakita kong pinahid niya ang likod ng kanyang kaliwang palad sa ilong. Nakita niya ang dugo sa kamay, at tumingin sa akin.
Nagulat ako sa naging reaksyon nito. Dahil nginitian niya parin ako ng matamis.
Tumakbo ako papunta sa kanya ng makita kong ipinikit niya ang mga mata.
Mabuti at nasalo ko siya agad.
"Tulong!" Yun agad ang nasabi ko ng makita siya sa mga bisig ko na walang malay.
Dali dali namin inilagay ang bata sa isang stretcher. Tinutulungan ako ngayon ng mga doktor at nurses.
Dali dali kaming pumunta sa ER para tignan ang kalagayan ng bata. Naririnig ko ang tunog ng apat na gulong sa malamig na tiles ng ospital.
Pagkarating sa emergency room ay hinawakan ako ng dalawang nurse sa magkabilang braso, ang isang nurse ay na sa kanan ko habang ang isa ay na sa kaliwa. Hindi man lang ako nakapasok sa loob ng ER. Ni hindi ko man lang nahawakan ang pinto.
"Thank you for assissting Mr. Delmundo but we can't allow you to go inside," paliwanag ng isang lalaking nurse na nasa kanan ko. Tinignan ko ang name plate na nasa kaliwang bahagi ng dib-dib niya, 'Rivera'.
"I understand, maghihintay na lang ako dito sa labas," sabi ko sa dalawang nurse at mukhang lumuwag ang pagkakahawak nila sa magkabila kong braso.
Nakita kong pumasok silang dalawa sa loob ng ER.
Mukhang ngayon ko lang naramdaman ang init, pinawisan pala ako dahil sa pagtulong ko kanina.
May mga nakahilerang upuan dito sa labas ng ER, at nagpasya akong maupo, dahil nakaramdam ako ng pagod.
Umupo lang ako doon habang nakayuko ang ulo. Habang nakayuko ay nagdasal ako na sana ay hindi lumala ang kalagayan ng bata.
Lumipas ang isang oras, at hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. Nagising ako dahil sa isang tunog, mga yabag ng paa. Mukhang papalapit na ang mga yabag. Iminulat ko ang aking mga mata at kinusot ito gamit ang dalawa kong kamay.
Nakita ko ang mag-asawa na dali daling pumunta sa pinto ng ER, subalit pinigilan sila ng mga nurse. Nakikita kong umiiyak ang ginang dahil ayaw papasukin sa loob. Sumobsob siya sa matipunong dibdib ng kaniyang asawa at doon labis na umiyak. Hinahagod lamang ng kanyang asawa ang kanyang likod, para siya ay patahanin sa pag-iyak.
Maya-maya pa ay lumabas ang isang doktor at kinausap ang mag-asawa. Hindi ko marinig ang pinag-uusapan nila dahil malaki ang distansya ko mula sa kanila. Pati pagbukas at pagsara ng bibig ni Dr. Osmeña ay hindi ko mawari.
Nakita kong tumango ang mag-asawa sa mga ipinapaliwang ng doktor. Nagpaalam ang doktor sa kanila at pumasok na sa loob ng ER.
Pagbaling nila sa direksyon ko ay agad nila akong nakita. Naglakad sila agad papunta sa akin.
"Ano po ang nangyari sa anak ko? Narinig ko daw na ikaw ang humingi ng tulong pagkakita sa kalagayan ng bata?" The moment they arrived in front of me, the woman asked me immediately.
Tumayo ako mula sa pagkakaupo para sagutin ang tanong.
"Ako nga po ang unang nakakita sa bata bago siya mawalan ng malay," nakita ko silang dalawa na tumango at nakikinig ng mabuti sa isasalaysay ko.
"She was inside the elevator, and I think galing siya sa first floor dahil galing sa baba ang elevator. Nang pindutin ko ang button para buksan ang elevator mula sa second floor, siya ang bumungad sa akin. Hindi ko alam kung ano ang nangyari sa kaniya sa ibaba. Nginitian niya ako pagkakita niya sa akin. She even utter the name 'Flynn' and attempted to hug me, because of the position of her two hands, spreading. Pero bigla siyang natigilan ng dumugo ang kaniyang ilong. Alam kong any moment ay mawawalan siya ng malay, kaya dali-dali ko siyang pinuntahan at hindi nga ako nagkamali, mabuti na lang at nasalo siya ng aking mga bisig bago tuluyan siyang napapikit," mahabang salaysay ko sa mag-asawa na nasa harapan ko.
Humagulgol ang ginang, habang ang kanyang asawa ay pinipigalang huwag maiyak sa aking harapan.
"Doc, maraming salamat talaga. Sa pagtulong sa aming anak," tumango lamang ako bilang tugon.
Sa tingin ko ang mag-asawang na sa harap ko ay parehong may kaya sa buhay. The woman is wearing an aura of a sophisticated. Habang ang lalaki naman napaka pormal kung manamit, at ang linis din ng pananamit niya. Mukhang galing silang dalawa sa kanilang mga trabaho, at biglang nakatanggap ng emergency call dahil sa nangyari.
"Walang ano man," binigyan ko sila ng tipid na ngiti.
"You're the guardian angel of our child. Kasi sa tuwing kailangan niya ng tulong palagi kang nariyan para alalayan at tulunga siya," she said while sobbing.
Nagulat naman ako sa sinabi ng ginang kasi bago ito sa pandinig ko. Na masabihan na 'guardian angel'.
"Siguro nga ho," I smiled. "Huwag ho kayong mag-alala tutulungan ko po ang bata, hanggang sa aking makakaya."
I gave them a look with an assurance, and they felt relieved after that.
"Kailan siya i-tratransfer sa room niya?"
"Mamayang alas tres ng hapon," sagot ng lalaki.
I checked my watch in my left hand. So almost 5 hours siyang na sa loob ng ER.
"Parang ang tagal naman?"
"Madami pa daw na test silang gagawin sa bata bago ito ibalik sa kaniyang silid." Tango lamang ang naisagot ko.
Naaawa na ako sa kalagayan ng bata. Mukhang pagod na ang katawan nito sa dami ng tests na kinukuha.
"I see," I heave a sigh after saying that.
"Sa tingin ko po ay kailangan ko ng mauna, magpapahinga po muna ako sa room ko sa itaas," paalam ko sa kanilang dalawa.
"Salamat ulit Doc, I'll do anything to return the favor," sabi ng lalaki sa akin. Mukhang determinado.
"No need, I'm willing to help, anytime and everytime," I say those words while waving my right hand, na nagpapahiwatig na 'walang kaso, at okay lang'.
"Pupuntahan ko mamayang alas tres, ang bata. Tingin ko gising na rin siya after niyang i-transfer sa room niya."
"You are always welcome in Trixie's room, Doc," sabi ng ginang sa akin, mukhang tapos na siyang umiyak. Pero mababakas mo ang namamaos niyang boses.
"Thank you, I'll go to her room later to give her a hug," I paused for a second then continue. "Kasi yun ang gusto niyang gawin kanina," I remove my gaze from them and look at the door of ER.
After that, I bid my goodbye to them, while raising my right hand, leveling it beside my head. Nakatalikod ako sa kanila habang ginagawa ko yun, at naglalakad.
Na sa harap ako ngayon ng elevator, pipindutin ko na sana ang button ng maisipan kong huwag na lang ituloy. Gusto kong gumamit ng hagdan para makapag-isip isip habang papuntang 3rd floor.
Maglalakad na ako sana papunta sa hagdan dito sa first floor ng mapatigil ako, dahil may sumigaw na dalawang tao. Ang sigaw ay mula sa b****a ng loob ng ospital.
"Delmundo! Kantahan mo naman kami ng Mundo!"
Sigaw ng dalawang lalaki na di kalayuan sa kinatatayuan ko. Kahit nakatalikod ako kanina, alam ko kung sino sila. Napatingin ako sa kanilang dalawa, at hindi ko mapigilang ngumiti. Ngunit ang ngiti ko ay napalitan ng tawa. Nang magsimula silang tumakbo palapit sa akin, at nag-uunahan pa. Naghihilahan pa sila kung sino dapat ang mauna.
Nakakatuwa silang tignang dalawa. Sa suot nila ngayon ay pareho na silang successful sa kani-kanilang buhay. Mas lalo pa akong natawa ng maaninag ko ang kanya-kanya nilang bitbit sa magkabilang kamay. Pareho silang may dalang bulaklak. Si Clover na sa kanang kamay ang bitbit na bulaklak at naka boquet pa ito. Habang si Cliff naman ay na sa kaliwang kamay ang bulaklak at na ka basket. Mga sira ulo talaga kahit kailan. At ang kokorni pa. Pareho rin silang may bitbit na pagkain. Si Cliff ay may dalang tatlong box ng pizza sa kabila niyang kamay. Si Clover naman ay may dalang dalawang bucket ng fried chicken, ang isa ay puros chiken wings habang ang natirang bucket ay puros drumsticks.
Wow, puros unhelathy foods, ang dinala ng mga mokong. Parang hindi pasyente ang pupuntahan nila eh. Mukhang over night, ano gagawin nila dito sa ospital mag pa-party?
Napaatras ako sa ginawa nilang paglapit sa akin. Sobrang lapit,hahalikan pa ata ako ng mga unggoy na to ah.
Pero wala akong ligtas sa kanila dahil ng makalapit sila, bigla nila akong niyakap ng mahigpit at hindi ako halos makahinga. Walang kuwenta ang pagpupumiglas ko sa kanila, dahil na sa gitna ako nila. Mukha kaming sandwich na tatlo ngayon, ako ang sandwich spread at sila ang tinapay.
Halos pinagtitinginan na kaming lahat ng mga tao dito, dahil sa paraan ng pagyakap nila sa akin. May pa iyak-iyak pa kasi silang dalawa. Ang drama.
"Ano ba, hindi ako makahinga!" Suway ko sa kanilang dalawa matapos makawala sa pagkakayakap.
"Anong nangyari ba kasi sayo? Balita ko na confine ka daw last month sa ospital. Ngayon ko lang nalaman, sobrang busy sa trabaho at ngayon lang ako nakabakante." Bungad na tanong ni Clover sa akin.
I was about to answer his question when Cliff interrupted.
"Alam mo, palagi ka talgang huli sa balita! May KLS siya!" Singhal ni Cliff kay Clover.
Tinignan nila akong dalawa at tumango ako sa sinabi ni Cliff.
"Ano ang KLS?" Tanong ni Clover at nakatingin parin sa akin.
"Ang-"
"KLS! Kleine Levin syndrome! Isa yung disorder kung saan nakakatulog ang isang tao ng 20 hours/day o higit pa. Minsan nakakatulog sila ng hindi nila alam, at nakakatulog sila kahit anong oras at kahit saang lugar na walang pasubali." Cliff confidently answered the question.
Tinignan naman siya ni Clover.
"Clija, ba't di ka sumasagot, napipi ka ba? Side effects ba yan ng disorder mo, napipipi kapag nakatulog ng mahabang oras o panahon?" Tanong ni Clover sa akin.
Tinignan ko si Cliff. At tinignan naman ako ni Clover nagtaka siya siguro kung bakit ako nakatingin kay Cliff, kaya tinignan niya rin ang isa. Ngayon ay nakatingin kaming dalawa kay Cliff, nalilito siya kung bakit kami nakatingin sa kanya, kaya nagpabalingbaling ang tingin niya sa aming dalawa.
"Paano ako sasagot kung pati pagbukas ko ng bibig ay hindi ko magawa?" Tinignan ko ng masama si Cliff, dahil sa ginawa niyang pagputol sa mga isasagot ko sana kanina.
"Pasensya na masyado akong na excite," nakita ko pa siyang nag peace sign gamit ang kaliwang kamay, at napakamot siya sa kanyang batok gamit naman ang kanang kamay.
Halos mawala na ang mata niya sa sobrang ngisi matapos sabihin iyon. Chinito si Cliff, kaya nawawala ang pares ng kanyang mata, habang nakangiti o tumatawa.
"Punta nalang tayo sa kwarto mo Clij!" Sabi ni Clover.
"Basta huwag kayo masyadong maingay mamaya, dahil may bata sa kabilang kwarto." Paalala ko sa dalawa.
"Sure!" Sabay nilang sabi at nag thumbs up pa gamit ang dalawang kamay.
We proceed insdie the elevator to ascend us to the 3rd floor. Nang bumukas ang pintuan ng elevator, ay dali dali ko silang inakbayan. Na sa gitna kasi ako pagpasok namin ng elevator.
Pag-akbay ko sa kanilang dalaw ay dali dali kong itinaas ang mga paa. Halos mapatingkayad silang dalawa papalapit sa akin dahil sa bigla kong pag-akbay.
"Ngayon ay buhatin ninyo akong dalawa papunta sa room ko! Dali" utos ko sa kanilang dalawa.
Ang mga mokong sinabayan rin ang trip ko. Binuhat nila ang aking mga paa. Si Cliff buhat buhat ang kanang paa ko, habang si Clover ay na sa kanan.
Rinig ko ang reklamo nilang dalawa, pero buhat-buhat parin nila ako habang naglalakad. Lumalaki na ang distansya nila sa isa't-isa at lumalaki rin ang pagbuka ng aking mga paa.
"Aray! Dahan-dahan naman!" Suway ko sa kanila dahil pasuroy-suroy silang maglakad at anytime ay puwede kaming matumba.
Habang papunta kami ng kwarto ko ay nakita namin si Rems na papasok sana sa loob ng silid ko.
"Rems!" Sigaw ko at napalingon ito sa direksyon naming tatlo.
"Rems!" Tawag ng dalawang mokong sa bestfriend ko.
Binitawan nila ako matapos masambit yun, at dalidali nilang pinuntahan si Rems para kamustahin at yakapin.
Hindi ko man lang napaghandaan ang ginawa nila sa akin. Napasubsob ang puwetan ko sa malamig na sahig ng ospital.
"Aray!" Sigaw ko matapos maramdaman ang sakit sa puwet ko, halos hindi ko magawang makatayo. Mga gago talaga kahit kailan.
"Si Clija!" Sigaw ni Rems matapos marinig ang palahaw ko.
Nakatingin sila ngayong tatlo sa akin. At pinagtawanan ako bago tulungan.
Siguro yan ang depenesyon ng tunay na pagkakaibigan. Tatawanan ka muna bago ka tulungan.
Matapos ang nangyaring iyon, tinulungan nila akong ipasok sa loob ng room ko. Rems suggested na ipa check ko daw ang puwet ko baka kasi may fracture ako sa buto, at delikado yun dahil na ka inline din ang puwet ng tao sa spinal chord. Sabi ko huwag na lang dahil mukhang okay naman ako, but he insist, kaya pumayag na lang ako, takot ko lang mapagalitan niya.
Chineck ako ng isang doktor sa loob ng kuwarto ko, kukuha daw ako ng X-ray para makasigurado. At habang wala pa daw ang results ay kailanga ko munang gumamit ng wheel chair.
Mas lalo akong nayamot dahil mas naging limitado pa lalo ang paggalaw ko. Dahil sobrang busy niyang doktor at marami siyang hinahawakang pasyente ngayon, ay next week niya pa daw ididiscuss ang resulta. Hindi naman ako umangal doon, unfair naman kasi sa mga naunan niyang pasyente.
Matapos akong kuhanan ng X-ray ay bumalik kami agad sa kwarto para magsaya. 2:30 p.m. na, may 30 minutes pa kami para mag-ingay at magsaya.
"Dala-dala mo talaga ang mga chix mo rito sa loob ng kwarto," sabi ni Clover habang nakatingin sa dalawang gitara kong magkatabi.
Nakasandal ang dalawang gitara ko sa tabi ng maliit na closet dito sa loob ng silid. Nakaupo sila ngayon sa monobloc chair at nasaharap ang lames. Ipinatong ng dalawa ang kanilang mga dala kanina. Habang ako na sa harap nilang tatlo at nakaupo parin sa wheel chair.
Nagsimula kaming kumain, habang nagbabalik tanaw sa mga kabalbalan namin noong high school. Nagkuwentuhan din kami kung paano kami nagkakilalang apat, at kung paano napalapit sa isa't-isa. Mahalaga sa pagkakaibigan na i-reminisce ang mga memories ninyo, kahit sobrang tagal na nito.
"Clj," napatingin ako ka Cliff ng tawagin niya ang pangalan ko. "Anong mas namimiss mo ang operasyon o ang pagtugtog sa banda?"
"Pareho," sagot ko at tinignan ang dalawa kong palad na nasa aking hita.
"At dahil dyan, kailangan mo kaming kantahan!" Napatingala ako kay Cliff ng masigla niya iyong sinabi
Bit-bit niya na pala ang electric guitar ko. He handed me the guitar, and I saw him smile widely.
Inabot ko ang gitara, habang nakaupo sa wheel chair.
"Anong gusto niyong patugtugin ko?" Tanong ko sa kanilang tatlo.
"Tugtog lang? Dapat kumanta ka rin!" Nginisihan ako ni Rems.
"Sige, anong request niyo?"
"Mundo!" Sabay-sabay nilang sinabi ito.
Tch.
"Di ko na matandaan ang chords eh," I plainly stated.
"Sinungaling!" Singhal sa akin ni Clover.
"Pano mo yan makakalimutan eh yan ang rason kung bakit ka naging sikat sa loob ng eskwelahan," dagdag pa niya.
"Exactly! At saka, kuhang kuha mo ang pinaka komplikadong chords ng kantang yan, lalo na ang guitar solo!" Sabat naman ni Cliff.
Teka, pinagtutulungan ako ng mga unggoy.
"At pano mo kako makakalimutan ang theme song niyong dalawa ni Knixx?" Nagulat ako sa sinabi ni Rems.
"Aking sinta, ikaw na ang tahanan at mundo!" Silang tatlo, habang papikitpikit pa.
"Delmundo kantahan mo ako ng Mundo!" Sabay nilang sigaw, habang pinapaliit ang boses, ginagaya nila ang ginawa ni Knixx noon.
"Inaasar niyo lang ako eh!" Sagot ko sa kanila.
"Hindi ah," ngisi ni Clover.
"Sige, kung mapilit kayo," natagalan ako bago nag strum ng gitara, dahil inaalala ko bawat chords ng kanta. Gusto ko kasi tuloy-tuloy ang pagtugtog ko.
Napapikit ako ng mga mata bago nagasimula. Bumalik sa akin ang mga ala-ala kung paano ko ito kinanta, sa harap niya.