Chapter 6 (Part II)

1058 Words
Sa'n darating ang mga salita Na nanggagaling sa aming dalawa? Kung lumisan ka, 'wag naman sana Ika'y kumapit na, nang 'di makawala Nararamdaman ko ang sarap sa pakiramdam, kahit unang berso pa lang nang kanta. Aking sinta, ikaw na ang tahanan at mundo Sa pagbalik, mananatili na sa piling mo Mundo'y magiging ikaw Napamulat ako ng mga mata nang sinabayan nila akong kumanta. Wag mag-alala kung nahihirapan ka Halika na, sumama ka Pagmasdan ang mga tala Aking sinta, ikaw na ang tahanan at mundo Sa pagbalik, mananatili na sa piling mo Mundo'y magiging ikaw May pataas taas pa sila ng kamay, at nag m-make wave pa, mga sira ulo. Limutin na ang mundo Nang magkasama tayo Sunod sa bawat galaw Hindi na maliligaw Ramdam ko na ang gigil sa pagkanta at pag strum ng gitara. Sobra ko itong na miss. Hindi na maliligaw Hindi na maliligaw Hindi na maliligaw Hindi na maliligaw Hindi na maliligaw Hindi na maliligaw Hindi na maliligaw Hindi na maliligaw Hindi na maliligaw Pinagpawisan ako sa parte ng kantang ito, dito kasi mapapakinggan ang guitar solo part ng mundo. Aking sinta, ikaw na ang tahanan at mundo (Mundo'y magiging ikaw) Sa pagbalik, mananatili na sa piling mo (Mundo'y magiging ikaw) Aking sinta (Limutin na ang mundo) Ikaw na ang tahanan at mundo (Nang Magkasama tayo) (Mundo'y magiging ikaw) Sa pagbalik (Sunod sa bawat galaw) Mananatili na sa piling mo (Hindi na maliligaw) Mundo'y magiging ikaw Nakita kong tumayo ang dalawang ugok. Si Clover ay may hawak na walis at ginawa iyong gitara. Habang si Cliff naman ay may dalang dustpan para gawin iyong mic. Si Rems naman ay naupo na lang at napailing sa ginawang kabaliwan nang dalawa. Limutin na ang mundo Nang magkasama tayo Sunod sa bawat galaw Hindi na maliligaw Mundo'y magiging ikaw Pagkatpos na pagkatapos ng kanta ay pumalakpak sila. Tinignan ko ang orasan, 3:00 p.m. na pala. "Huwag kayong maingay maiisturbo ang pasyente sa kabilang kuwarto," suway ko sa kanila. At natigilan naman sila. Nagdesisyon kaming maglinis na lang ng mga kalat at pinagkainan. Kahit sa ganitong kaliit na panahon at salo-salo, napasaya nila ako. Hindi ko maitago sa sarili ang saya kaya napangiti ako habang tinitignan silang naglilinis. Hindi nila ako pinalinis dahil sa nangyari sa akin kanina. Sitting pretty daw muna ako. Si Rems nililinis ang lamesa. Itinapon naman ni Cliff ang mga basura, at si Clover ay nagwawalis kahit wala namang alikabok sa pinagwawalisan niya. Namiss ko tuloy ang high school life naming apat. Sabi nila hindi daw nag w-work sa isang magbabarkada ang apat na miyembro ng pagkakaibigan. Pero pinatunayan namin ito na mali ang ganong paniniwala. "Pano ba yan, mission accomplished!" Masiglang sabi ni Clover. "Dadalaw na lang kami dito kada linggo Clij," Cliff said. Tumango ako sa kanilang dalawa at tinignan nila si Rems. "Ba't kayo nakatingin sa akin? Eh, lagi kaming nagkikita niyan," tinuro niya pa ko, habang nagpapaliwang sa dalawa. "Ako ang umaasikaso diyan, kasi ako ang doktor niya." "Hanep! Di talaga kayong mapaghiwalay na dalawa nu?" Si Cliff. Natawa kaming apat sa sinabi niya. Tama kasi siya, hindi talaga kami mapaghiwala ni Rems, simula bata pa. Naging magkaibigan kaming dalawa since kinder hanggang ngayon. Tibay diba. Habang ang dalawang tu, nakilala namin ni Rems noong first year high school. Sila ang unang lumapit sa amin ni Rems, at simula non, naging magkaibigan na kaming apat. Madami kaming kabalbalan na ginawa nang high school na hindi mo akalain na ginawa namin noon, dahil sa mga kurso at trabaho na kinuha namin ngayon. Pareho kaming doktor ni Rems, sabi ko nga Neurosurgeon ako tapos siya Neurologist. Si Cliff ay isang piloto ngayon, habang si Clover ay isang kapitan ng barko. High school life ang pinakamasayang parte ng buhay bilang estudynate. Kasiyahan, kalungkutan, pangamba, pag-ibig at pagkakaibigan, ay mararanasan mo kapag na sa high school ka. Kasiyahan, kasi may bago kang tao na makakasalamuha. Kalungkutan pagdumating sa puntong magkakaiba na kayo ng section ng mga kinaginsan mong kaibigan. Pero hindi namin ito naranasang apat, kaya ang suwerte namin. Pangamba, sa academics mo naman ito mararamdaman, lalo na pagnalaman mo ang resulta ng report card mo at parang nag parkour lahat ng grado mo. Pag-ibig, di naman natin maiiwasan na makaramdam ng ganito sa high school. Pag-ibig sa kaibigan, at pag-ibig para sa isang tao. Sa mundong walang kasiguraduhan, siya lang ang naging tiyak. Syempre pagkakaibigan, mga taong para mo na ring pamilya, o higit pa sa isang pamilya. Na kahit magkatinginan lamang kayo ay naiintindihan niyo na ang isa't-isa. Kasama mo sila sa kasiyahan at kalungkutan. Susuportahan ka sa mga bagay na alam nilang magaling ka. At pagkasama mo sila pansamantala mong nakakalimutan ang iyong problema. Hindi maiiwasan ang tuksuhan at biruan. Minsan nagaaway rin kung walang pagkakaintindihan. Subalit bumabalik at bumabalik parin kayo sa isa't-isa dahil di niyo kaya na mag-iwasan ng pangmatagalan. Kapag na sa tamang grupo ka ng pagkakaibigan, nag g-grow ka bilang isang tao. Hindi mo lang nakikilala ang mga taong malapit sayo, kasi mas nakikilala mo ang sarili mo. Kaya importante sa akin na pumili ng tamang grupo na sinasamahan, kasi mas nalalaman ko ang kahinaan at kalakasan ko, at ayos lang yun sa kanila. Bumalik ang diwa ko sa mga nangyayari nang makita ko silang naghahampasan na ng unan. "Diba sabi ko huwag kayong maingay, kasi may bata sa kabilang kwarto! Paniguradong natutulog pa yun," suway ko sa dalawang makulit na unggoy na naghahampasan ng unan sa isa't-isa. "We've checked the other room, wala namang tao, o bata," si Clover. Tinignan ko si Rems kung nagsasabi ba ng totoo si Clover. "He's telling the truth. If you're referring to the child next after your room, I saw her together with her parents, mukhang mamamasyal silang pamilya." Tumango naman ako sa sinabi ni Rems at nakahinga ng maayos. Mabuti naman at wala kaming naistorbong tao dahil sa ingay namin dito. Patuloy parin na nag p-pilow fight ang dalawa habang tumatawa. Nakita ko rin si Rems na tumatawa. Mas umugong ang tawanan ng madapa si Clover sa kakahabol kay Cliff, mukhang napatid ito ng sarili niya ding paa. Nakaramdam ako ng antok, humikab ako sandali at hindi yun ipinahalata sa tatlo. Patuloy parin ang kasiyahan sa loob ng room. Sumandal ako sa sandalan ng wheel chair na inuupuan ko, at tuluyang ipinikit ang mabibigat na talukap ng aking mga mata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD