May mainit na tubig na rumaragasa sa dalawang pisngi ko. Nanatili akong nakapikit habang pinapakiramdaman ko ang sariwang luha na dumadaloy.
Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata. Nakitingin ako sa puting kisame ng aking silid.
Umiiyak ako. Pinunasan ko ng dahan-dahan ang dalawang pisngi gamit ang aking dalawang palad.
I immediately roam my eyes inside the room. Mukhang wala namang nagbago, ganon parin.
Umupo ako sa kama ng dahan-dahan at pinakiramdaman ang sarili.
Mahapdi sa ibabang bahagi ng aking lower lip at sa ilalam ng aking ilong.
Bumangon ako sa kama at sinuot ang pares ng tsinelas. Nagpunta ako sa C.R. para i-check kung ano ang mahapding bagay sa aking mukha.
Pagharap ko sa salamin, kumunot ang nuo ko sa aking nakita. May mga sugat ako sa ilalim ng aking ilong at bibig, maliliit na sugat lang iyon, pero may dalang hapdi.
Pero ang mas ikinakunot ng mukha ko ay ang buhok ko. Sobrang haba na ito, na naaabot na ang dalawa kong tenga, at natatakpan na ang batok ko.
Napayuko ako sa akinng nasaksihan sa sariling mukha.
"Ilang araw ka na naman ba nakatulog Clij?" Tanong ko sa aking sarili.
Binuksan ko ang gripo sa sink, at naririnig ko ang agos ng tubig.
Naghugas ako ng dalawang kamay, bago sinimulang maghilamos. Ininda ko ang sakit ng mga maliliit na sugat sa aking mukha.
Inabot ko ang face towel na nakasablay sa gilid ng salamin ng C.R.
Nagpunas ako ng mukha, tapos ibinalik ko ang towel kung saan ko ito nakuha.
Inamoy ko ang sariling katawan, hindi naman ako mabaho, tapos inamoy ko ang sariling hininga, yun pala ang mabaho.
I brush my teeth, after smelling the unpleasant musk in my mouth.
After that, lumabas ako ng C.R. at tumingin sa wall clock. It's 6 a.m.
Pumunta ako sa kama at umupo sa gilid. Inabot ko ang cellphone ko para tignan kung ano ang date ngayon.
'Low battery, 3%, please charge your phone immediatelty.'
Yun ang nakalagay sa cellphone. Mabuti na lang at may charger dito. I charged my phone, then I checked what's the day today.
May 3. Kung ganon, isang buwan akong tulog. It was April 3 ng maalala kong pumunta sina Cliff at Clover dito.
I heared the growl in my stomach, napahawak ako doon, naramdaman ko ang gutom.
Inilagay ko ang cellphone sa ibabaw ng maliit na mesa na katabi ng kama ko, at hinayaan lang na mag charge yun.
Pumunta ako sa harap ng refrigerator ko,sana may mahagilap akong pagkain rito, para mapawi ang aking gutom.
Nang buksan ko ang ref ay nagulat ako, ang daming pagkain na tumambad sa akin, kagaya na lang ng mga prutas. May mga iba't-ibang inumin rin kagaya ng Gatorade, Vita Milk, Smart C, C-2 at iba pang beverages. Nagmukha yatang convinient store ang ref ko dahil sa dami ng stocks rito.
But I decided to pick an apple and a fresh milk, na nasa 1L cartoon box. Kumuha ako ng baso sa ibabaw ng mesa at nagsalin doon ng gatas, katamtaman lamang ang ibinuhos ko, yung sapat na para sa akin.
Ibinalik ko ang gatas sa loob ng ref at kinuha ang glass pitcher. Inilagay ko yun sa ibabaw ng mesa, katabi ng baso ko at ang isang mansanas.
Naupo ako sa isang monobloc chair at nagsimulang kumain ng mansanas, nang makalahati ko iyon ay uminom ako ng gatas, tapos inibuso ko ang natitirang mansana sa aking kaliwang kamay. Nagsalin ako ng tubig sa baso, at nilagok ko yun lahat.
I know, I consume a small amount of food, pero okay na sa akin yun, ang importante mapawi lang ang gutom ko.
Kumunot ang noo ko ng makitang may maliit na book shelf sa tabi ng maliit na aparador ko.
Tumayo ako para puntahan yun, ang dami-daming klase ng libro, pero maninipis ang iyon. Lang Leave, Michael Faudet, Pierre Jeanty,at Courtney Peppernell yun ang mga authors ng libro na nilalaman ng shelf na ito, kumuha ako ng tig-iisang libro kada author.
Kay Lang Leav, Love and Misadventures. Kay Michael Faudet, Dirty Pretty Things, kay Pierre Jeanty naman ay, Her, at ang huli kay Courtney Peppernell na may pamagat na, Pillow Thoughts.
Actually, these books are mine, pero ang pagkakaalam ko ay na sa bahay ko ito. Hindi ko alam kung sino ang nagdala nito dito.
I like putting some notes in every pages, lalo na kung tumatak sa buong pagkatao ko ang ang tulang nakasulat. I started flipping the pages in the book titled, Pillow Thoughts, hanggang sa napahinto ako sa isang page na nilagyan ko rin ng isag note.
You're beautiful
without even trying
but each time
I bring you a flower
it ends up dying
and you don't see
how I look at you
you just keep crying
and the saddest part
is that you're so special
but you think I'm lying
Note: I remember the first time, I saw you in that swing. I gather all the courage that I have to confess my feelings for you, but I end up being dumped, the moment that you laugh. I don't know what to feel, should I be insult because you just laugh on my sincere feelings towards you? Or should I be amaze, because that was the first time I saw you laughing genuinely without even trying, and the reason behind those laugh and smile was me.
Hindi ko makalimutan ang pangyayaring ito, dito ako unang nagtapat ng nararamdaman ko para kay Knixx, at tinawanan niya lang ako. Nainsulto ako sa ginawa niyang pagtawa, pero napawi rin yun, nang makita ko siyang ngumiti ng matamis, nawawala pa ang pares ng kaniyang mata, habang tumatawa at nakangiti, ang ganda niya.
I sigh, and close the book. Then I started flipping the pages of the book Her.
She will remember the moments you feel her loved more than the moments you said "I love you".
Note: Indeed this is true, for an action speaks louder than words, and our love language is touching.
I remember that I bought this book, to understand her even more, and it really works. Napangiti ako habang inalala ko kung bakit ko binili ang libro.
I closed it. Then I proceed flipping the pages of Love and Misadventures
Swan Song
Her heart is played
like well-worn strings;
in her eyes,
the sadness sings-
of one who was destined
for better things.
Note: This is the first time we met, I saw that pair of eyes, it was gloomy, and I get curious. The moment I found out the reason behind those gloomy eyes, I can't help not to cry. But I'm not alone, I'm crying with you.
Masaya ako ng magsimula kang mag open-up sa akin noon, pero hindi ko maiwasang malungkot ng malaman kung bakit ka nagkaganon, dapat naging mas matibay ako para sayo, pero hindi ko mapigilang umiyak sa mga ikunuwento mo sa akin, at mas lalo akong humanga sayo, sa pagkatao mo.
Bumuntong hininga ako, tapos isinara ang libro. Isang libro na lang ang natitira. Dirty Pretty Things.
I write because you exist.
That was one line poetry with 5 words, pero napaka wholesome. I smile after seeing the note.
Note: I made a song for you.
Na sa huling bahagi ng librong ito ang kantang ginawa ko para kay Knixx. Hindi niya pa naririnig ito, plano ko sanang kantahin ito sa harap ng maraming tao, pero bago ko pa man matapos ang kanta, ay nagtapos na ang relasyon naming dalawa.
Pero ipinagpatuloy ko parin ang paggawa non, hanggang sa matapos ko ito.
Title: I'm glad that you exist
Singer and Composer: Clija Delmundo
Babasahin ko na sana ang unang berso ng kanta ng maramdaman kong bumukas ang pinto. Napatingin ako doon. Sina mama at papa.
I closed the book and gather the reamaining books on the floor and put them back to the shelf. Nakaindian seat ako habang nagbabasa kanina.
Tumayo ako para salubungin sila. I saw my mother spreading both of her arms approaching towards me. Humakbang lang ako ng dalawang beses.
"Son!" Si mama, habang yakap-yakap ako, hinahagod niya ang aking likuran.
Mas mataas ako kay mama, hanggang dib-dib ko lang siya, katam-taman din ang katawan niya, shoulder level ang buhok, she has fair skin, rounded eyes and small thin lips, my mom looks five years younger in her real age. Mukha lang siyang na sa late 30's kahit na malapit na siya maging 50.
Then she released me from hugging and looked at me carefully, she's scanning my whole face using her two hands while holding it.
"Napano yan anak? Nasugatan ka ba habang nagsha-shave?" She asked me worriedly.
"Hindi ko alam ma, basta paggising ko kanina, ganiyan na yan."
Tumango siya pagkarinig ng sinabi ko. Then she placed her two hands above my shoulder and scanning my whole body. Mukha akong papasok sa isang mall habang si mama ang security guard.
"Pumayat ka anak," nakita ko ang lungkot sa mukha niya lalo na sa pares ng kanyang mata.
I heave a sigh.
"Kumain ka na ba? Ano gusto mong kainin? Tatawag ako ng kasambahay para ipagluto ka ng pagkain sa bahay, at dalhin rito sa ospital," tarantang tanong ni mama.
"Ma kumain na po ako kanina, okay na po ako," sagot ko at sinusubukan ko siyang pakalmahin.
"Ganon ba? Ano naman ang kinan mo anak? Wala namang maayos na pagkain sa loob ng ref mo at puro prutas at inumin lang ang naroon?"
"An apple and a glass of milk ma," I convinced her.
"Hindi yun sapat! Magpapaluto ako kay manang Ging, sa bahay," mas lalong nataranta si mama ng malaman ang laman ng tiyan ko ngayon.
"Janice, ano ba kagigising lang ni Clija, huwag mo muna siyang kulitin," narinig kong nagsalita si papa, at napatingin kami sa kanya.
"Clint, isang buwan walang maayos na pagkain na pumapasok sa loob ng katawan ng anak natin! Hindi mo ako masisising mag-alala para sa kanya, alam kong matanda na ang anak natin, pero hindi mo ako mapipigilang maging ina para sa kanya! Ghad! He's our only child!" nagsisigaw na si mama sa loob ng room, at umaalingawngaw ang kanyang boses.
Narining kong bumuntong hiniga si papa at humingi ng pasensya kay mama, at hinahagod niya ang likod habang pinapakalma ito.
"Ma, huminahon po kayo, sige magpaluto kayo kay manang ng kare-kare at cornbeef, at pakisabi kay manang lagyan ng margarine ang rice, okay na ma?" She rolled her eyes, kasi alam niyang pinagtutulungna namin siya ni papa.
Napangiti kami ni papa sa kanya ng makita namin siyang lumabas ng kuwarto para tawagan si manang.
"How are you son?"
"Maayos naman pa, medyo nagugutom lang," I gave him a smile.
Tapos inakbayan niya ako, habang ginigulo ang buhok ko.
"Pa, ano ba, hindi pa ako naliligo, marumi ang buhok at katawan ko," suway ko sa kanya at sinusubukang makaalis mula sa pagkakaakbay sa kanya.
Matagala na panahon na rin ng maging ganito kami kalapit ni papa sa isa't-isa. Masyado na akong matanda para kulitin niya ng ganito, hindi na ako bata.
"Mukhang hindi naman anak, ang linis mo parin tignan," tukso niya.
"Siguro dahil na ka aircon ang loob ng room, kaya hindi ako pinagpapawisan."
Hanggang sa tumigil si papa sa pangungulit sa akin.
"Kamusta siya anak?" Napawi ang ngiti ko ng marinig ang tanong.
"Hindi niya parin ako maalala pa," halos sumayad ang mukha ko sa sahig.
"Pero nag-uusap kaming dalawa, pag nagkikita kami. Ganon parin siya tulad ng dati, yung character at personality niya ng una ko siyang makita at mas lalong nakilala."
Tapos tumingin ako sa kisame.
"Bukod sa hindi niya ako maalala ang problema ay ang mga mata niya. Kung paano niya ako tignan. Hindi na katulad ng dati," I was trying to contain my tears and emotion in front of my father.
Ayawa kong umiyak sa harap ni papa. The last time I cried in front of him, ng pinilit niya akong mag quit ng banda, at tigilan ang paggigitara.
"Puwede mo namang subukan gumawa ulit ng ala-ala kasama siya."
Napatingin ako sa kanya at makikita ko ang lungkot at awa sa mukha niya.
"Paano kung gumawa ako ng ala-ala kasama siya, at sa araw-araw naman ay nakakalimutan niya yun pa?"
I asked him desperately and wanted to know the right answers.
Hindi siya nakasagot, kaya nawalan ako ng pag-asa na malaman ang sagot sa aking katanungan. It was a long moment of silence. Ang aircon sa loob ng silid at ang pagpatak ng oras lang ang maririnig sa loob ng silid.
"Alam kong nahihirapan ka at nasasaktan sa mga nanyayari sa inyong dalawa, pero hanggang doon na lang ba ang kaya mong tiisin para sa kanya, at sa inyong dalawa? Diba pagmahal mo ang isang tao, kaya mong magtiis kahit na ang sakit-sakit na? Hanggang doon na lang ba Clij, ang kaya mong gawin para sa kanya? Makaramdam lang ng pagod at paghihirap ay suko ka na?"
"Nang iwan niya ako ng walang dahilan, labis niya akong nasaktan, hindi ko maintindihan kung bakit ang dali lang sa akin na palayain siya matapos ang pinagsamahan namin na higit 13 taon. I admit it, I'm still hurting, and I'm in the process of healing. Pero tama ba na masaktan ako ulit, kahit na hindi pa naghihilom ang sugat na natamo ko mula sa kanya? Ako yung iniwan sa ere, tapos hindi niya man lang ako maalala at nakikilala. Ang unfair naman nun sa side ko pa? Ako na nga ang naagrabyado, tapos siya pa ang nakalimot!"
"Bakit anak, gusto mo ba na sana ay ikaw na lang ang nagka alzheimers at hindi siya? Sa tingin mo ba, ginusto niya na magkaganon, na makalimot sa mga ala-ala na pinahahalagahan niya? Sa tingin ko, she's also in pain, masakit sa isang tao na makalimutan ang sariling mga ala-ala."
"Diba sabi mo, 'Pain is inevitable but suffering is a choice'? Ano ngayon ang gusto mong sabihin sa akin? Ang magdusa sa tabi ng taong hindi ako kilala?"
My chest is heavy, and I'm in pain, I'm clutching my chest and trying to contain my emotions. May namumuong tensyon sa pagitan namin ni papa, at sinusubukan kong huwag sumabog.
"Tama, pain is inevitable but suffering is a choice. Pero alam mo anak, na sa atin parin yun kung gusto nating mag dusa na mag-isa o may kasama," natigil ako sa paghawak sa dib-dib ko at napatingin kay papa. He gave me a brief smile, and look at the door, kung saan nadoon sa labas si mama.
The door suddenly opens at ang bumungad sa amin ay ang aking mapagmahal na ina.
She's carrying two medium brown paper bags. Sa tingin ko dito din sila mag brebrekfast ni papa. Napatingin ako sa orasan and it was 7:00 a.m. I help them preparing the food, at nagtutuksuhan pa kaming tatlo habang ginagawa iyon. How I miss this small gestures of my parents. This kind of gestures make me feel that I'm loved. At sobrang saya ng batang Clija na nasa loob ko.
We started eating after that, na sa harap ko sila ngayong dalawa at magkatabi. Nagawa pa nilang maglambingan.
"Ano ba yan, ang cringe niyo naman!" Suway ko sa kanila, mukha silang mga lovebirds, at nakuha pang magsubuan, anong akala nila sa akin, limang taong bata?
"Ang sabihin mo naiinggit ka lang, kasi wala kang jowa," kutya sa akin ni mama, at tumawa pa.
"Hindi ko naman yun kailangan!" Singhala ko sa kanya, at naring kong sabay silang tumawa ni papa, sumimangot tuloy ang aking mukha.
"Di mo sure anak," sabat ni mama and she smiled at me mischievously.
"Sure na ko,tss."
"Maiinlove ka ulit anak, at sabay namin na panunuodin yun ng papa mo."
"Tama, pero na sa sayo na yun kung ma-iinlove ka ulit, sa panibagong tao, o sa taong kinagisnan mong mahalin." He winked at me ang gave me a smile.
Kumunot ang nuo ko sa mga sinabi ni papa.
"Hindi na ko maiinlove ulit! Sawa na ko," sabi ko at napaismid.
"Hindi ba kayo nagsasawa sa isa't-isa, ma, pa?" Takang tanong ko sa dalawa.
Nagkatinginan silang dalawa at sabay na tumingin sa akin at sabay sabing, hindi.
"Pano mo pagsasawaan ang isang bagay na mahal mo at hiniling mo mula sa Kanya?" Si papa, while looking intently to mama.
"At pano mo pagsasawaan ang isang bagay na sobrang tagal mo na itong gustong mangyari at hinintay. Na sa wakas, na sa harap mo na, nandito na," si mama habang nakasandal sa dibdib ni papa at magkahawak pa ang kamay nila.
"Hindi ba kayo napagod sa isa't-isa?"
"Syempre hindi naman maiiwasan makaramdam ng pagod sa isang relasyon," si papa.
"Pero, huwag mong kalimutan na magpahinga, at ang pinkaimportante sa lahat, sino ba ang iyong pahinga, magpahinga ka sa kanya," si mama at nakapikit pa ang mata habang nagasasalita.
I saw my father giving her a forehead kiss and my mother hug him so tight after receiving it.
Those kind of love language is so powerful and heartwarming. Simple man ito para sa akin o sa ibang makakakita pero para sa dalawang taong na sa harap ko at nagmamahalan, those are special to them, at mahalaga yun sa kanila.
I felt emotional after seeing the both of them. Mararamdaman ko din kaya ang ganitong klaseng pagmamahal, mararamdaman ko kaya ulit magmahal? Tatanda ba akong mag-isa o may kasama? Nalungkot ako sa ideyang walang tao na aagapay sa tabi ko.
"Ma, pa, labas muna ako," paalam ko sa kanilang dalawa, I want to give them their time and privacy.
Nakita ko silang tumangong dalawa, sabi ni papa,sila na lang daw ni mama ang maglilinis ng pinagkainan.
The elevator opens, galing ito mula sa fourth floor. Bumungad sa akin si Knixx. Ang blangko niyang mukha habang nakatingin sa akin, sandali lang yun, pero ang sakit.
I push the second floor button, plano kong pumunta sa opisina ni Rems.
Bumukas ang pinto ng elevator at tumambad sa amin ang pangalawang palapag. I was about to leave the elevator when I utter her name.
"Knixx"
Napatingin siya sa gawi ko, at pinagsisihan ko kung bakit tinawag ko pa ang kanyang pangalan.
"Kilala ba kita?" She asked me, and I don't have the energy to face her.
I leave the elevator and went outside. Pero bago sumarado ang elevator ay tinignan ko siya ng mabuti, kung kanina blangko ang expression niya, ngayon naman ay nagtataka.
"Since when do we look at each other like this?"
I utter those words almost whisper while looking intently into her eyes, at sumarado na ang pinto ng elevator.
Binuksan ko ang pinto sa opisina ni Rems, nakaupo siya habang nagbabasa ng mga papel, nakakunot ang noo nito habang nagbabasa at nakalagay pa ang folded right index finger sa ilalim ng bibig niya. Nagbago ang expression niya ng makita ako, kita ang gulat sa mukha nito.
I was expecting that he's not here becuase of the clinical trials, pero mukhang sa mga susunod na araw pa ang alis niya.
"Clij!" He immediately run towards me and hug me so tight.
"Samahan mo naman akong magpagupit Rems," I said it habang yakap-yakap niya ako.
Tinignan niya naman ang buhok ko, and he chuckled.
Alam kong hindi bagay sa akin ang mahabang buhok, madaming nagsasabi sa akin, pero para kay Knixx, gwapo daw ako.
"Sure, mamaya mga 10:30 a.m.?" Si Rems habang nakatingin sa relo niya.
"Sige salamat," ngumiti ako ng matipid.
"Teka kumain ka na ba? Mga isang buwan ka kasing tulog Clij," sabi ni Rems habang naglalakad kami papunta sa table niya.
"Yep! Tapos na!"
"Weh, totoong pagkain ba yung kinain mo?" He asked me, mukhang ayaw maniwala sa sinabi ko.
"Oo nga kasi."
Nakaupo na kami ngayon, na sa swivel chair siya habang ako na sa harap ng working table niya.
"Saan ka kumain?" Tanong niya habang nag s-scan sa mga papers na nasa harap niya.
"Sa room ko, bakit?"
"Ano? Eh puros fruits and beverages ang laman ng ref mo Clij! Anong klaseng mga pagkain yun? Hindi mapapawi ang gutom mo'" singhal niya sa akin at tuluyang ibinaba ang mga binabasa niyang papel.
"My parents went here, nagpaluto si mama kay manang Ging, kaya may proper breakfast po ako ngayon doc," may diin pa sa salitang doc.
"I see, araw-araw kang dinadalawa ng mga magulang mo simula ng hindi ka na magising," sabi niya at nag cross arms pa sa ibabaw ng lamesa niya.
"Ang hirap-hirap naman kasi ng sakit na to, walang pasubali pag inatake ako," yumuko ako pagkatapos kong sabihin yun.
"Kaya nga hanggat maaari ay dito ka na lang sana sa ospital," nakita ko siyang sumandal sa upuan niya at na ka cross arms parin.
"Sandali lang yun Rems, sige na, andyan ka naman eh, tsaka may bibilhin lang ako, mabilis na mabilis lang," I begged in front of him.
I saw him rolling his eyes, tapos tumango. I smiled after that.
"Ano ba kasing bibilhin mo?"
"Mga libro, tsaka strings ng gitara at pick," tapos tumango-tango pa ako.
"Yun lang?" He asked.
"Yup! Yun lang lahat, that will be quick, I promise," I raised my right hand at na ka harap sa kanya ang palad na nagsasabing nangangako akong mabilis lang iyon.
10:30 a.m. na at nakabihis na rin kaming dalawa para makaalis na. Sumakay kami sa puting kotse ni Rems na Ducati. Ang gara, yayamanin.
He was driving smoothly, papunta kami ngayon sa SM. Doon ako magpapagupit at bibili ng lahat ng gusto kong bilhin.
Nakarating na kami sa mall, and he parked his car in the parking lot. Nauna akong lumabas sa kanya. Hinintay ko siyang matapos sa ginagawa niya sa loob ng kotse niya. Then we proceed inside the mall.
I can feel the stares, alam ko naman na we are good looking. Napapansin ko na pinag-uusapan kami habang naglalakad sa loob ng mall, may mga ibang kinikilig pag nakita nilang nakatingin kami sa kanila. I can hear some murmurs like, siguro magkapatid kaming dalawa, mayroon namang nagsasabi na siguro magkatrabaho or magkaibigan dahil mukhang magka edad lang kaming dalawa.
I can't deny the fact na mas lamang ako sa physical appearance kay Rems, but Rems has a great s*x appeal hindi lang sa mga kababaihan pati na rin sa mga binabae.
Una naming pinuntahan ang barber shop rito. Atat na kasi akong magpagupit ng buhok. Clean cut lang ang ni-request ko, ayaw ko naman kasing bawasan ng marami ang buhok ko. Ang gusto ko lang ay hindi umaabot sa tenga ang buhok, kasi nangangati ako, pati na rin sa batok.
After that we proceed to the instrument shop. Bumili ako ng strings ng gitara ko, yung sa acoustic guitar lang, tapos bumili na rin ako ng pick, mababa kasi ang kuko ko, I wonder paano nangyari yun, kung tulog naman ako ng isang buwan. Napatingin ako sa bestfriend ko at napangiti, alam kong siya ang umasikaso sa akin habang tulog ako. He was looking at some instruments like bass, guitar and drums. Tumatawa ako tuwing ngumingiwi siya sa mga presyong nakikita sa bawat instrumento na nasa harap niya. He's not into music, silang tatlo, siya si Clover at Cliff. Kaya may iba rin akong grupo sa loob ng campus maliban sa kanila, at yun ang banda. I paid the items to the cashier tapos lumabas kami ng shop.
National Book Store. Pumasok na kami sa loob. Dito kami nagkakasundong dalawa ni Rems, we're bookworms. I saw his face brighten the moment he saw the shelves of book. I saw him approaching the Fiction Section of the store, mahilig siyang magbasa ng mga novels, series and short stories. Mystery, horror, thriller, fantasy, sci-fi, and action ang paborito niyang genre.
Ako na sa harap ako ng mga libro na puros poetries, I like reading and writing poetries but I'm not fond of reading novels, series and short stories. Mahilig akong magbasa ng poetry books at iniintindi bawat piyesa ng tula. Pero ang pinaka gusto ko ay ang sumulat ng tula, dahil dito lang ako nagiging malaya. I read ten poems a day, hindi kasi maabsorb ng utak ko if uubusin ko ang isang libro sa isang araw.
Fiction books like novels, ang presyo ay puwedeng mag range sa 300-500 pesos/ book. Pero pag poetry books, ang pinakamababang presyo na binibili ko ay 500+.
Bakit? Mahirap kayang gumawa ng tula! Minsan umaabot yun ng ilang taon bago ka makacompile ng tula at i-publish yun bilang libro, siguro umaabot ang isang manunulat ng 5-7 years o higit pa bago matapos ang kanyang poetry compilations.
Napangisi ako ng makita ang isa rin sa mga paborito kong author sa larangan ng tula, si Atticus. Binili ko ang tatlong natitira niyang libro. Love Her Wild, The Dark Between the Stars, and The truth about Magic.
I went to the cashier and pay for the items, ganon rin si Rems, I saw him buying a two series of book the first series is The Mortal Instruments and second is The 5th Wave. Napangisi ako habang bitbit niya yun papuntang cashier. Mukhang napagasto siya dahil sa pagpunta namin dito.
"Akala ko ba, ako lang yung bibili, eh bakit may dala dala ka ngayong malaking paper bag na may laman na siyam na libro, anim na soft bounds at tatlong hard bounds?" I said sarcastically while we were walking in the parking lot.
"Shut up Clij! Pasalamat ka at sinamahan pa kita rito!" Singhal niya sa akin at masama ang tingin.
"Ikaw dapat ang magpasalamat sa akin, dahil kung hindi ako nagyaya wala kang may i-uuwing libro!" I said it in between laughs.
"Pero napagasto ako dahil sa pagyaya mo!" I chuckled after hearing that.
Inilagay na namin sa backseat lahat ng mga pinamili. Rems went into the driver's seat while I'm in the passenger's seat.
After 1 hour drive, ay tanaw ko na ang building ng ospital. Pangalawang tahanan ko na ito, noon dahil sa trabaho pero ngayon, dahil pasyente ako.
"Salamat ha, sa lahat-lahat," I said it without giving him a glance nakatingin lang ako sa side mirror ng sasakyan na nasa harap ko.
"Tsh, maliit na bagay," si Rems, habang nag d-drive papasok sa loob ng parking lot ng ospital. He swiftly park his car.
Tapos lumabas na kami ng sasakyan at binuksa ang back seat para kunin ang kaniya-kaniya naming dala.
"Anong maliit na bagay? Malaki yun para sa akin, na linisan mo ako at asikasuhin habang tulog ako ng isang buwan!" Nakita kong kumunot ang noo niya.
"Pano ko gagawin yun? Two days after kang hindi nagising nakatanggap ako ng tawag sa labas, they reschedule the clinical trials and they need my datas I've gathered as soon as possible, after that I went to the states for the clinical trials, ngayong May 1 lang ako nakauwi Clij, so imposible yang sinasabi mo," mahabang paliwanag ni Rems, at umugong ang sandamakmak na mga katanungan sa aking isipan.
"Kung hindi ikaw yun, sino?"
"Abay malay ko, wala nga kasi ako rito! Ba't ba ang tigas ng ulo mo?" Mukhang napipikon na si Rems sa mga katanungan ko.
Naisip ko na baka si mama ang gumgawa non sa akin, pero sa reaksyon niya kanina ng makita ang sugat sa ibaba at itaas ng labi ko, parang hindi siya. Siguro mga nurses rito sa loob ng ospital.
We enter inside the hospital at pumasok kami ng elevator. Hindi ko maiwasang hindi ngumisi sa sitwasyon ng kaibagan ko, yan kasi ang daming librong binili.
The elevator stopped on the second floor at lumabas na si Rems.
"Brad! Salamat sa lahat!" I say it while waving my right hand.
"Ewan ko sayo!" Sigaw ni Rems nang hindi man lang ako tinitignan.
Sumara na ang elevator and it ascend me to the next floor. Lumbas ako ng elevator, at naglakad sa corridor ng third floor.
I was going to open my door when I heared someone gigling beside me.
Si Trixie, she's wearing the usual clothes we wear here inside the hospital as a patient.
"Flynn!" She was spreading her both arms.
So I bend to level her height and signal her to move forward. She immediately hug me. She looks so happy and lively, mukhang nagkakulay na ang mukha at mga balat niya hindi kagaya ng dati.
"Saan ka galing?" Tanong niya matapos niya akong yakapin.
I'm still bending my right foot while the other is in 90° on the floor.
"Nagpagupit si kuya ng buhok, tapos bumili ako ng mga libro, then mga strings at isang pick para sa gitara," I explained as if she was my little sister.
"Oh, I see. I think you should change your clothes," she said it while pointing to my whole outfit that I'm wearing.
"Right, you should go inside your room, after I change my clothes. Pupuntahan kita."
"Yehey! You will sing me a song?" She asked excitedly.
"No, I'll give you something," I gave her a smile, tapos tumayo na.
"But- its not my birthday today," she asked, confuse.
Kaya natawa ako bigla, kumunot naman ang nuo niya kung bakit ako tumawa.
"You don't receive gifts only on your birthday, you can receive presents anytime and anywhere. But actually we are receiving gifts everyday."
"Really? But I don't receive something yesterday," mukhang nalungkot siya, at mas lalo akong natawa.
"Yes, we receive gifts everyday, actually that was the greatest present we are receiving. Life."
She smiled genuinely after hearing what I've said.
Pumasok ako ng kwarto at inalagay ang mga pinamili sa ibabaw ng kama. I entered the comfort room. Nagbuntong hininga ako matapos makita ang hospital gown na nakasabit sa loob ng C.R. the usual outfit that I'm wearing everyday.
Matapos akong magbihis ay pumunta ako sa gilid ng kama at naupo. Inilabas ang mga pinamili kanina. Kinuha ang dalawang libro at inilagay sa loob ng shelf. Tapos nagtira ng isang libro sa ibabaw ng table. Inilabas ang mga biniling strings. I get my acoustic guitar, and changed the old one. Matagal ko na rin itong hindi napapalitan. Mga 1 hour and 50 minutes akong natapos sa pagpalit ng strings at pag-ayos ng tono ng gitara.