AGAD NA AKONG nagbihis pagkatapos kong maligo. Napapangiti ako, may bumabalik na alaala sa isip ko, ang gabi ng prom. Hindi si Chelsa ang date ko no'n, pero naging special para sa 'min ang gabing 'yon kahit pa nagkaroon ng drama sa huli. Naging special, dahil kami ang itinanghal na King and Queen of the night. Nakikita ko sa isipan ko kung gaano siya kaganda ng gabing 'yon at habang nagsasayaw kaming dalawa na parang pag-aari namin ang mundo ng mga sandaling iyon. Pinagmasdan ko ang sarili ko sa salamin na malapit sa kama nang maayos ko nang maisuot ang dark green suit ko na may burdang desinyong kulay ginto at dark grey ang panloob. May hiwa sa likod ang suot kong pang-itaas para sa mga pakpak. Sa ibaba no'n ay may ekstrang tela na siyang ibubutones para maisara ang damit kapag naisuot n

