NARIRINIG KO ANG unti-unting pagtubo ng aking mga pakpak at antena, at nararamdaman ko ang kirot noon na parang hinihilang mga laman. Tiniis ko ang sakit, hanggang sa tuluyan nang mabuo ang mga ito. Nabalot ng dugo ang aking mukha dahil sa paglabas ng mga antena sa aking noo at ramdam ko ang mainit na likido rin sa aking likod sa pagtubo ng aking mga pakpak dahil sa naging sugat. "Aaaaaaaaahhhh!" malakas na sigaw ko at nagawa kong maipagaspas ang aking mga pakpak. Nakita ko ang kulay ng mga ito, berde at hindi pula na ipinagpasalamat ko. Ramdam ko ang sobrang panghihina, bumagsak ang aking mga pakpak na parang lantang gulay. Gano'n din ang mga antena kong kulay brown. Maraming lakas ko ang nawala dahil sa paglabas ng mga bagong parte ng aking katawan at maraming dugo rin ang nawala. May p

