SA PAGKAWALA NG dilaw na liwanag, nagpakita ang isla sa dagat. "Wow, s**t!" napangangang reaksyon ko sa sobrang gandang islang nakikita ko, mga 30 meters ang layo mula sa kinatatayuan ko. Kulay dilaw na maliit na isla. Naging gano'n ang kulay dahil sa dilaw na mga dahon at bulaklak ng mga puno. Sa tapat ng kinatatayuan ko, may unti-unting nabuong sand bar, ang buhanging daan patungo sa isla ng Esedes. Pagkapakawala ko ng malalim na hininga, inihakbang ko na ang aking mga paa upang puntahan ang isla. "We! We!" Masaya si Wewe, nauna pa siya sa 'kin at tumalon-talon sa buhangin. Hindi pa man ako nakakalayo sa paglalakad sa sand bar, nakarinig ako ng malakas na sigaw ng babae na humihingi ng tulong. "Saklolo! Tulungan ninyo ako! Aaaaaahhh!" Agad akong napalingon at nagulat sa nakita ko. "

