CHAPTER 63: Pagtatapos Ng Paglalakbay - 2

1952 Words

Umuga ang balsa, pagtingin ko sa likuran ko, may isang nakasakay na at masama ang tingin sa 'kin. Napagmasdan ko ito, 'di tulad ng halos buong katawan nito na may makapal na kaliskis at mas dark-gray ang kulay, ang mukha ng nilalang na ito ay makinis hanggang sa dibdib at tiyan na parang sa bangos ang hitsura. Kulay pula ang bilog nitong mga mata at ang bibig katulad sa isda na may matatalim na ngipin. May hasang ito sa leeg at mukhang palikpik ang mga tainga nito. May dorsal fin ito mula tuktok ng ulo hanggag likod. At may mga palikpik na gumagalaw-galaw rin sa likod nito. Mahahaba ang paa nito na palapad sa dulo na may matatalim kuko. Gano'n din ang mga kamay, may balat na nagdudugtong sa kanyang mga mahahabang daliri at matatalim rin ang mga kuko. Patusok kong inatake ang syukoy o taon

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD