MULING NAGHANDA SI Nate kasabay nang muling pagkabuo ng mga doble ng kanyang kalaban. At sa pagkakataong iyon, may iba na siyang naramdaman sa mga doble ng kanyang kalaban. Pumorma na rin ang mga ito ng pagsugod. May tiwala at kompiyansa si Nate sa sarili niya. Alam niyang nagkakamali lamang ang nilalang na kalaban niya sa paghusga sa kanya. Sa katunayan, pumapasok sa isip ni Nate kung nananadya lamang ang babae na galitin siya upang ipakita niya ang kanyang buong kakayahan at mga natutunan sa pagsasanay maging sa kanyang paglalakbay. Agad gumawa ng kalasag si Nate mula sa mga dahon sa kanyang kaliwang kamay nang pumorma ng pag-atake ang magkakamukhang mga malalaking babaeng kalaban niya. Ramdam niya ang malakas na puwersa ng kanyang kalaban. Umangat siya sa pagpagaspas ng kanyang mga pa

