CHAPTER 71: Salpukan Ng Mga Mandirigma Ng Ezharta - 1

1651 Words

NAGSISIGAWAN ANG LAHAT sa pagsisimula ng pagliliparan ng mga paruparo. "Philip, pigilan mo ako kapag tila nais ko nang pigilan ang labanan," kinakabahang saad ni Reyna Kheizhara. Nakaupo ang reyna sa balkonahe ng isang tore na kitang-kita ang damuhan kung saan magaganap ang salpukan ng mga mandirigma ng kanyang kaharian. "Mahal na reyna, hindi mo maaring gawin iyon. Pagpapakita iyon ng walang pagtitiwala sa iyong mga mandirigma. Isa lamang itong paligsahan na kanilang napagkasunduan," pahayag ni Philip. "Kaya nga pipigilan mo ako," simangot ng Reyna. Isa-isa nang tinawag ng mga mandirigma ang kanilang baluti at sandata. Si Pinunong Kahab, naging tatlo na hawak ang malalaking espada. Si Rama, nakaporma na para sumugod hawak ang espada niya at iniisip kung anong wangis ng hayop na hali

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD