Ikadalawamput Limang Kabanata “HONEST TO GOD, labag na labag sa kalooban kong ipaalam kay Jascha na ikaw ang ama n’ya!” Mababa ngunit gigil na sagot ni Caren nang makabalik sila sa parking lot ng EMC pagkagaling nila kay Dra. Eve. Panay ang pangungulit ni Junger sa kanya. Hinihingi ang permiso niyang makasama si Jascha at nais nitong ipakilala na siya nitong ama ng bata. Kung sa tingin nito ay mababawasan ang sama ng loob niya para rito dahil lang sa impormasyong narinig niya kanina sa opisina ni Dra. Eve, puwes nagkakamali ito. Hindi niyon mababago ang desisyon niya ukol sa pagtaguyod niya sa kanilang annulment. It should be done years ago kung hindi lang ito makunat sa cooperation. “Caren, I will work hard to earn your forgiveness. I'm begging you to give me a chance or kahit hind

