HOMBRES ROMANTICOS SERIES 4: UNRAVELED Kabanata 26 MAINGAT NA IBINABA ni Junger ang anak sa puting Andalusian Stallion. Napalabi si Jascha. Nasa mukha ng paslit ang pagtutol. Halatang bitin pa rin si Jascha sa dalawang oras nilang horseback riding sa dalampasigan ng isla bilang bonding nilang mag-ama sa isla. Karga niya si Jascha patungo sa tropical lounge ng isla na siyang nagsisilbing pusod ng paraiso. Doon nagtitipon ang mga miyembro ng fraternity sa tuwing naroon silang lahat. The lounge seemed brighter and livelier now that few of the hombres took their wives and cheerful children with them in the clandestine island. Katunayan niyan ay halos doon na nakatira si Sergius nang maikasal ito sa Moldovan heiress na si Mihaela Chasiti. Doon na rin ipinanganak ni Mihaela ang panganay

