Pasya siyang bukas na kakausapin si Gio tungkol sa ibang bagay sa kanya magiging trabaho dito. Sa biyahe pa lang ay pagod na pagod na siya kahit pa sabihin nag-private plane sila, siguro ay nanibago yung kanyang katawan sa mahabang upuan sa biyahe. Halos hapon na nang dumating sila sa isang malaki at marangyang lugar ng mga mayayaman na karaniwang napakaganda at napakaluwag gaya ng kanyang mga napapanood sa tv. Isang parang village na puro malalaking bahay ang kanyang nakikita sa labas ng bintana ng sasakyan. Isang kulay cremang bahay ang kanilang hinintuan na may malaking itim na gate. napanganga siya ng may remote na inilabas mula sa bintana at bumukas na ang pinto ng gate. "Wow ang galing naman, may remote ang gate?" Tanong niya sa lalaking katabi niya na tila amaze sa amaze sa kany

