Di na niya inintindi pa ang ibang sinasabi ni Poly sa kanya, medyo na stress ang kanyang bunbonan sa dami ng mga pinagtuturo nito na mga appliances sa bahay, lahat ng pinto ay may voice command password. "You can make your own voice command password sa pinto ng room mo." Sabi nito matapos na ipasilip sa kanya ang gazebo sa likod na bahagi ng bahay. Hindi nga din niya sure kung bahay nga ba ito o mansyon, sobrang laki at napakalawak kasi niyon, tatlong palapag pa, kaya di na nakapagtataka na napakarami ng kasambahay sa loob. "Nagkikita-kita pa ba kayo dito?" Hindi niya mapigilan itanong sa babae. Sa lawak kasi ng parang nakakatamad na maglakad lakad, ang dami pa man ding silid sa loob ng bahay. Humagikhik pa ito nang marinig ang kanyang tanong. "Oo naman, hindi na kita dinala sa taas p

