Nakaabang na sa kanilang pagdating si Gio na ngayon ay nakaupo sa harap ng lamesa. Bigla siyang natakam nang mapadako ang kanyang tingin sa mga pagkain na nasa lamesa. Sa mga espesyal na handaan niya lang ito nakikita, sumunod siya kay Elma kung saan ito pupunta. Gusto niya na kumain lalo at kanina pa kumakalam ang kanyang sikmura. Pero alam niya na hindi siya pwedeng sumabay sa kanyang boss sa pagkain. Ganun ang kanyang natutunan lalo na sa mga nababasa niya. "Where are you going Judith?" Kunot ang noo na tanong ni Gio sa kanya. "Dito po tatabi sa kanila." Sagot niya na itinuro ang ibang mga kasambahay na nakatayo sa gilid ng lamesa. "Umupo ka na kaya dito, nagugutom na ako." Sabi nito sa kanya, napatingin naman siya sa mga kasama niya na tila kinikilig sa kanilang dalawa. "Bakit

