Napalingon siya kay Poly nang marinig niya ang pag ubo nito. Di niya alam kung ilang minuto na ito na nakatayo sa likod niya, pero alam niyang hindi nito nakita ang paghalik sa kanya ni Gio. Kinakailangan na talaga niyang makausap si Gio tungkol sa hilig nitong panghahalik sa kanya. Para kasing nagiging habit na nito iyon sa tuwing nandiyan siya. Kinakailangan na niya itong sawayin at baka umabot pa sa kung saan ang lahat ng mga advances nito sa kanya. "Oh bakit parang natuka ako diyan?" Tanong nito sa kanya. Mukhang hindi naman yata nito nakita ang ginawa ni Gio, dahil kung nakita nito yung ginawa ni Gio tiyak niyang inaasar na siya nito ngayon. "Ah wala may naalala lang ako." Ngumiti siya dito para di nito mahalata ang kanyang inaalala. "Boyfriend mo?" Tanong nito na tila hinuhuli

