Hindi naman nito sinita ang kanyang suot na damit, nagpulbos lang siya at konting lipstick habang naghihintay kay Poly. Sabi kasi ni Gio ay parating na ang babae mamaya-maya lang. "Kailangan ko din bang bantayan si Poly?" Tanong niya dito. Natawa naman ito sa kanyang sinabi. "Sa inyong dalawa baka ikaw pa ang kailangan niyang bantayan. Anyway here's the card." Sabi nito na iniabot sa kanya ang isang kulay itim na card. Bigla siya ka na excite na makita ang card, mukhang iyon na ang paglalagyan ng kanyang sahod. Naiisip palang niya ang napag usapan nilang magiging sahod niya habang nagtatrabaho doon ay abot langit na ang kanyang saya. Sa isip niya ay na kwenta na niya ang lahat ng kanyang maiipon. Libre ang lahat sa kanyang pagtatrabaho doon, mula sa pagkain hanggang sa kanyang mga toi

