Papagabi na ngunit di man lang natitinag si Gio sa kakalaro kasama ang kanyang anak na nakakandong pa dito. Nakailang saway na nga siya sa bata pero siya naman ang sinasaway ng lalaki na hayaan na niya dahil sabik lang sa ama ang anak niya. "Di kapaba uuwe?" Tanong niya dito nang mapasukan niya ang dalawa na masayang nagtatawanan sa kanilang sala. Napatingin naman sa kanya ang dalawa. "Mommy it's rude to ask your visitor that way!" Saway ng anak niya sa kanya. Rude nga pala ang magtanong ng ganun, haha pero gusto niya lang naman ipaalala ang oras. "Ipinapaalala ko lang anak, baka kasi gabihin siya sa daan if mamaya pa siya uuwe. Maraming mga masasamang tao along the way." Paliwanag niya pa sa anak niya, tila natatawa ito sa kanilang pag uusap na mag ina. "He can use the other room to s

