Napalayo sa kanya si Zion nang makita nila si Gio na papalapit sa kanila. Seryuso ang mukha ng lalaki habang nakatingin sa kanila. Hindi niya alam kung paano ipapaliwanag dito ang naabutan nitong tagpo doon sa may duyan. Ayaw naman niyang bigyan ng kung ano anong espekulasyon ang reaksyon nitong iyon. "What are you doing?" Nakakatakot ang boses na tanong nito. Iyon ang unang pagkakataon na nakita niya itong tila galit na galit. "Hey bro i'm just comforting her." Sagot naman ni Zion dito. "Sana sa medyo tago naman at di kita ng mga tao." Sabi nito. Parang gusto niyang maiyak lalo sa sinabi nito. Iba kasi ang dating sa kanya ng sinabi nitong iyon. Alam naman niya na they have nothing to explain to anyone, wala namang masama sa naabutan nitong eksena. They are both single and available

