Masakit pala ang maging audience ng kasiyahan ng iba lalo na kung nagseselos ka, kaya naman ay ito siya inabala nalang niya ang kanyang sarili sa pag scroll sa kanyang mga social media accounts. Wala din naman siyang mapaglabasan ng kanyang sama ng loob dahil di siya pwedeng mag status heart broken dahil nasa friend list niya ang karamihan sa mga ito. Kaya kaysa i torture ang kanyang sarili ay mas pinili nalang niya na mag duyan sa likod. Hindi parin niya masabi sabi sa kanyang anak ang kanyang napipintong pag punta sa Maynila upang magtrabaho. Alam niyang masasaktan ang bata, pero wala naman siyang magagawa dahil para naman iyon sa kinabukasan nito. Kailangan niyang mag sakripisyo para sa kinabukasan nito lalo at di naman biro ang mahal ng mga bilihin ngayon. Ayaw din naman niya asahan

