Nanginginig ang kanyang katawan sa labis na takot ng mga sandaling iyon, iniisip niya na baka katapusan na niya iyon. Kung alam lang niya na ganito kalala ang sitwasyon sa lugar ng ama ay di na sana pumunta pa at pinadala nalang sana ang pinamasahe niya para ipahatid ang Papa niya sa kanila.
"Akina ang sapatos mo." Bulong ni Van sa kanya. Nagtataka man ay sa nanginginig niyang kamay ay hinubad niya ang kaliwa niyang sapatos.
"A-ano yan?" Bulong niya dito. Nagkakagulo na ang mga nasa hulihan dahil tila may binaril, nakataas ang kamay ng driver. Mas delikado kung ito ang mabaril dahil nakasalalay dito ang buhay nilang lahat na pasahero.
"Pera ko at kwentas, go wear it again. Again whatever happened wag kang lalayo sa tabi ko. And do what I say." Sabi nito sa kanya. Natatakot man ay tumango siya dito at humawak ng mahigpit sa braso nito na tila ba doon umaamot ng lakas. Napatingin naman sa kanila ang isa sa mga bandido.
"May tisoy dito bro, foreigner." Sigaw ng lalaki nang makita si Van.
"Hindi ho ako foreigner." Depensa ni Van sa lalaki. Dahil sa pagpiglas ni Van ay natanggal naman ang kanyang hijab.
"Wow may artistahin na kasama!" Tumatawang sabi nito sa kasama nito. Doon tila kinilabutan siya at napahigpit ang kapit sa braso ni Van. Ayaw niyang ma rape ng mga lalaking iyon, ni sa panaginip ay di man lang sumagi sa isip niya na darating ang araw na ganito.
"Patingin! Mukhang mayayaman ang dalawang iyan dalhin na natin. Pero pababain mo muna nang makilatis baka patibong yan." Sabi ng isang kasama nito nang makita silang dalawa. Walang imik si Van sa tabi niya ngunit batid niyang nag aapoy sa galit ang lalaki. Nang makita kung ano ang mga mukha ng mga lalaki ay alam na niyang maaring mamatay na siya mamaya o bukas. Ang bata bata niya pa para maranasan ang ganito, nineteen lang siya, di man lang niya naranasan ang lumandi bago matsugi.
"Wag kang pumalag sa kanila at baka saktan ka, you can cry pero wag kang papalag ako ang bahala sayo." Bulong nito sa kanya.
"Wow ang kinis kinis naman, sariwang sariwa." Sabi ng isang lalaki na ngumisi, punong puno ng pagnanasa ang tingin na ipinukol sa kanya. Nakakapangilabot pero wala naman siyang magagawa sa lalaki. Ang tanging dasal lang niya ay makagawa ng paraan si Van bago paman kumilos ng masama ang lalaki.
"Wag nyong hawakan ang asawa ko!" Singhal ni Van na mahigpit na hinawakan siya sa braso, akma kasi siyang hahablutin ng isa sa mga lalaki. Napasinghap siya sa takot, akala niya ay sasayad ang palad ng lalaki sa kanya.
Sa labas, pinapila ang mga pasahero. Isa-isang kinapkapan. May lalaki sa dulo na may listahan at larawan—tila naghahanap ng partikular na tao. Di niya alam kung anong bandidong grupo ang mga ito, pero this time ay iisa lang ang nararamdaman habang nakatingin sa mga ito. Panganib at kapahamakan.
Napansin ni Judith ang kaba ni Van, pero pilit nitong pinanatiling kalmado ang itsura. Di niya man lang kakitaan ng nerbiyos ang mukha nito, para pa ngang nanghahamon ang mga tingin nito. Parang siya ang kinakabahan para dito.
“Anong ginagawa mo sa lugar na ‘to?” tanong ng isa sa mga armadong lalaki kay Van, habang tinititigan siya mula ulo hanggang paa. Wala namang kakaiba kay Van maliban sa gitara nitong nakapasan sa balikat nito.
“Turista lang. May pupuntahan kaming kaibigan,” sagot ni Van, payak at walang bakas ng kaba.
“Wala ka bang ID? Ano ka singer?”
Nagbuntong-hininga si Van. “Naiwan ko sa hotel, tumutogtog lang.” sagot nito. Di niya alam kung bakit tila hindi siya naniniwala sa sinabi nito na isa itong mang aawit.
Nagtama ang mga mata nila ni Van. Sa likod ng kanyang mga mata, alam niyang nagsisinungaling si Van—at may mas malalim na rason kung bakit ito nandoon. Yung sinabi nito kanina sa kanya ay alam niyang may mas malalim pa na ibig sabihin.
“Paki-buksan ang bag n’yo,” utos ng isa.
Nang bubuksan na ni Van ang backpack niya, bigla itong sumigaw.
“Bantay! Mayroon dito—!”
Pero bago pa matapos ang sinasabi ng lalaki, mabilis na kumilos si Van—itinulak niya si Judith palayo, sabay binunot ang baril mula sa baywang. Binaril niya ang dalawang lalaki sa harap, mabilis, malinis.
“Judith, takbo!” sigaw niya.
Nagulat si Judith, pero hindi na siya nagdalawang-isip. Tumakbo siya sa direksyong tinuro ni Van, habang naririnig sa likuran ang putukan at sigawan.
Naramdaman niyang may humawak sa braso niya—isang rebelde ang tumalon mula sa gilid ng bus.
“Wag kang gagalaw!” sigaw nito.
“Bitawan mo siya!” sigaw ni Van, mula sa di kalayuan.
Bago pa makaimik ang lalaki, isang putok ang umalingawngaw. Tinamaan ito sa balikat at napabitaw kay Judith, mabilis siyang lumayo sa lalaki at hinanap ng mga mata niya si Van. Kasalukuyan ito nakikipagbuno sa dalawang lalaking bandido. Sipa at suntok ang inaabot ng kalaban nito, tila ba isa itong ninja napapanood lamang niya noon sa television.
"Tumakbo kana!" Sigaw nito sa kanya, para naman siyang nagising nila sa pagkakatulog dahil sa sigaw nitong iyon. Mabilis siyang tumakbo, kaya lang napansin niya na may nakasunod pala sa kanyang bandido. Halatang sanay ito sa habulan kaya naman ilang dipa nalang ang layo nito mula sa kanya, ilang sandali lamang ay mahuhuli na siya nito. Kahit hingal na hingal na at halos magkanda dapa dapa na siya sa pagtakbo ay mas binilisan niyo pa ang pagtakbo niya,
Madilim ang tinatahak niyang daan ngayon lalo at anong oras na palalim na ang gabi tangi ang liwanag ng buwan lamang ang kanyang nagsilbing ilaw. Ang tanging mahalaga lamang sa kanya ngayon ay ang makalayo mula sa mga ito. Sargo ng luha ang kanyang mga mata labis na takot ang kanyang nararamdaman ng mga sandaling iyon, alam niyang makaligtas man siya ngayong gabi oras na magliwanag ay makikita at makikita niya pa rin ang mga ito. Hindi siya pamilyar sa lugar at tiyak niyang marami ang mga ito at hindi siya nito bubuhayin.
Huminto siya upang sumagap ng hangin, pakiramdam niya kasi ay kinakapos siya ng hininga sa bilis ng takbo niya. Siya yung tipong sporty na tao katunayan ay tamad na tamad siyang mag-jogging man lang kaya ngayon mabilis siyang napagod. Naririnig niya na ang mga kaluskos mula sa dekalayuan kaya lalo siyang nagpaiyak.
"Ining labas na, papaligayahin naman kita e." Kinalibutan siya sa kanyang narinig.
"Tinatawag ka na ng asawa mo!" Sabi pa ng isa na alam niyang pinagloloko lang siya.
Mabilis siyang hinila ng kung sino na muntik pa siyang mapasigaw.
"Hsssh!" Natanto niyang si Van iyon at mabilis na hinila siya nito papasok sa kagubatan sa gilid ng kalsada.Tumakbo sila nang halos walang direksyon, habang umuulan ng bala sa paligid. Pagdating sa mas makitid na daan, doon lang sila tumigil, parehong hingal na hingal.
“Akala ko… mamamatay na ako,” bulong ni Judith. Naiiyak siya pero tila wala ng luha, tila naubos na sa kakaiyak niya sa labis na takot niya kanina.
Tumingin si Van sa kanya, hawak pa rin ang kanyang braso. “Hindi ako papayag na mangyari ‘yon.” sabi pa nito sa kanya.
“Van… sino ka ba talaga?” tanong niyang muli, hindi na kayang pigilan ang kanyang sarili na magtanong dito. Siguro naman ay deserve niyang malaman kung ano ang nangyayari o kung may kinalaman ba ito sa kaninang nangyari sa kanila.
Tahimik si Van saglit, bago siya tumingin sa kanya nang diretso, walang emosyon ang mukha nito.
“Wala akong planong sabihin ang totoo. Pero ngayon i think you deserve to know the truth. Ako ay bahagi ng isang covert operations unit. At ang ama mo… hindi siya basta-basta tao, Judith. Hindi lang siya dating rebelde—siya ang may hawak ng impormasyon na kayang iligtas o pasabugin ang buong rehiyon.” napatda siya sa kanyang narinig. Wala siyang anumang information tungkol sa kanyang ama bago siya pumunta doon maliban sa sinabi ng kanyang tiyahin na may malubha itong sakit.
Nanlaki ang mga mata ni Judith. “Ano? Kilala mo yung ama ko?” naguguluhan niyang tanong dito, baka ibang tao ang tinutukoy nito at hindi ang kanyang ama. napagkamalan yata siya nito na siyang anak ng target.
“Oo ito o." Ipinakita nito ang isang larawan ng lalaking may hawak na baril, kulang ang salitang guimbal na guimbal upang ilarawan ang kanyang nararamdaman ngayon. Lilies sumagi sa isip niya napapasukin ng kanyang ama ang ganun. Kahit ilang beses niyang ipikit ang kanyang mga mata ay yun at yun pa rin ang makikita niyang mukha sa larawan, ang larawan ng isang lalaki na pamilyar sa kanya. Ang mukha ng kanyang ama kahit saang anggulo niya tingnan ay ang ama niya talaga iyon. Klaro klaro din ang itim na balat nito malapit sa kilay..
Parang gusto niya manghina ng mga sandaling iyon. Alam niyang mahirap ang buhay, naranasan din nilang magutom ng kanyang ina pero ni minsan ay hindi sumagi sa kanilang isipan na gumawa ng masama para lang mabuhay o malamnan ang kanilang sikmurang kumakalam. Labag na labag sa kanyang prinsipyo ang ganong masasamang gawain.
"Anong balak mo sa akin?" Tanong niya dito. Nag-iwas naman ito ng tingin sa kanya.
"Ang papel na binigay ko sa’yo ay lokasyon ng isang vault. Nakatago roon ang mga dokumento ng ama mo. Ang mga lalaking ‘yon hindi lang rebelde. May koneksyon sila sa mas malaking operasyon hindi lang sa bansa kundi sa buong mundo, sa mga malalaking teroristang grupo.” sabi pa nito.
Parang nakakilabot lang isipin na ang kanyang sariling ama ay may kakayahan palang ganun. Sa kanyang palagay, siya ang gagamitin ng pamahalaan para mapasuko ang kanyang ama. At makuha ang mga dokumento na kinakailangan ng mga ito. Ang malaking tanong lang sa kanya ay kung ano ang gagawin ng mga ito pagkatapos siyang gamitin.
Tahimik si Judith, tila hindi makapaniwala.
“Bakit hindi mo sinabi agad?”
“Dahil gusto kong makilala mo ang ama mo bilang ama—hindi bilang target. Pero hindi na puwede ngayon ang sikreto, hindi ko na maililihim pa lalo na ngayong nangyari ang ganito sa atin.”
Lumuhod si Van at sinimulang kalkalin ang backpack. Kinuha nito ang maliit na radyo at nagpadala ng maikling mensahe.
“Alpha team, this is Falcon. Package is safe. Need extraction. Coordinates to follow.”
Pagkatapos noon, tumingin siyang muli kay Judith.
“Judith… kaya mo pa ba?”
Napatingin siya sa lalaki. May luha sa kanyang mga mata, pero tumango siya. Alam kung ano ang kanyang sasapitin pagkatapos ng lahat ng mga rebelasyon tungkol sa kanyang ama. Isa lang ang malinaw sa kanya ngayon, mas dapat siya magtiwala kay Van sa doon sa mga lalaking nakasagupa nila.
“Kailangan kong makita ang ama ko. At kailangan nating matapos ang lahat ng ‘to.”
Habang patuloy silang naglalakad sa masukal na gubat, basang-basa ang mga sapatos nila sa putik at basa rin ng pawis ang likod ni Judith. Ngunit hindi iyon ang dahilan ng panlalamig ng kanyang katawan—kundi ang bigat ng katotohanang sunod-sunod na dumadagundong sa kanyang isipan.
Tahimik si Van sa tabi niya. Pero sa bawat hakbang, ramdam ni Judith ang pagkabigat ng kilos nito—hindi dahil sa pagod, kundi dahil sa responsibilidad. Sa kanya. Sa misyon. Sa sikreto na maaaring maungkat niya pa.
“Van…” mahina niyang tawag, boses niya’y halos bulong, nanginginig.
Napalingon ito sa kanya. Malambot ang mga mata, ngunit nananatiling alerto ang galaw. “Bakit?”
“Hindi ko alam kung takot ako, o galit… o pareho.”
Huminto sila sa gitna ng daan. Huminga nang malalim si Judith. Ang dibdib niya’y kumakabog, parang may gustong kumawala mula sa loob.
“Ang tagal kong inisip na iniwan ako ng tatay ko kasi wala siyang pake. Tapos ngayon, malalaman ko na… na may malalim pala siyang dahilan. Na hindi niya kami ginusto iwan. Na may mabigat siyang pasan—at ako ang susi para matapos ‘yon. Van… parang ang bigat. Parang hindi ako handa.”
Lumapit si Van. Marahang hinawakan ang kanyang kamay, malamig ang palad ni Judith sa init ng kamay ni Van.
“Walang sinuman ang talagang handa sa ganitong klase ng katotohanan,” sabi nito. “Pero alam ko kung gaano ka katapang. Alam ko, kasi nakita ko na kung paano ka lumaban, kahit hindi ka sanay.”
“Hindi ako matapang na gaya ng iniisip mo” sambit ni Judith. “Hindi ako katulad mo.”
“Hindi mo kailangang maging katulad ko. Ang kailangan mo lang—ay maging totoo sa nararamdaman mo. At sundan kung anong tama.”
Saglit silang nagkatitigan. Sa unang pagkakataon, hindi lamang bilang dalawang taong magkasama sa biyahe, kundi bilang dalawang taong parehong may dalang sugat—at parehong naghahanap ng dahilan para magpatuloy.
Ilang oras pa ang lumipas, at narating nila ang Barangay Luzon. Sa dulo ng kalye, huminto si Judith sa harap ng isang lumang bahay—kahoy, may kalumaan madilim ang bahaging iyon ng lugar, at tila pinipigilan ng panahon na tuluyang gumuho ang bahay sa sobrang luma na nito.