GIO 4

1621 Words
Sa una ay may maaaninag pang liwanag habang binabaybay ang unang bahagi ng kakahuyan sa high way, ngunit kalaunan ay pawang mga madidilim nalang ang kalsada. May mga pagkakataon pa na nauuntog untog siya sa pag alog ng bus, mukhang may mga bako bakong kalsada papunta sa lugar. Ang hirap pala na magbiyahe ng di ka sanay dahil kanina pa sumasakit ang kanyang likod at balakang.. "Are you okay?" Dinig niyang masuyong tanong ni Van sa kanya. "Yeah I think so." Sagot niya. Kanina pa ito English ng english kaya napapa english na din siya. Tahimik at tila pababa ang kalsada at biglang kurbada sa unahan, natigilan siya at kinabahan nang huminto ang bus. Van pov "Sablay ang timing ng biyahe, wala pang van. Bus na lang ako,” sabi ni Van habang napapakamot sa batok, medyo alanganing ngumiti nang magkatinginan sila ni Judith sa terminal. Bahagyang natawa si Judith. “Ang coincidence naman. O baka naman… sinundan mo talaga ako?” biro pa nito. Pero di niya malimutan ang nangyari kanina sa loob ng eroplano. Alam niyang mali ang i take advantage ang takot nito sa pagsakay sa eroplano, pero di niya talaga napigilan ang sarili niya na yakapin ang babae. He love how she wrinkles her nose each time. Parang mannerisms na niya yata iyon. Panaka naka niya din itong tinitingnan pag hindi ito nakatingin, para siyang palaging hinihila ng ganda nito na di niya magawang alisin ang kanyang titig dito Nagkibit-balikat siya dito sabay kindat. “Pwede rin namang ikaw ang sumusunod sa akin.” biro niya dito. Umiling si Judith, pero may ngiti sa kanyang mga labi. “Hindi ka talaga nagbabago.” naramdaman niya ang tila pagkaligalig nito, tumunog pa ng bahagya ang tiyan nito, mukhang nagugutom na ang babae. “Bakit, anong ibig mong sabihin? Charming pa rin?” biro ni Van. Napailing na lang si Judith, ngunit hindi maikakaila ang munting kilig na sumilip sa kanyang mukha. Magkatabi silang naupo sa bandang likuran ng bus. Sa labas, ang tanawin ay binubuo ng mga kabundukan at matatarik na bangin, habang ang kalsada ay liku-liko. Ngunit sa kabila ng mahabang biyahe, may katahimikan na tila hindi nakakailang sa pagitan nila. Tahimik na ang babae matapos ang ilang palitan nila ng salita, alam niyang walang ideya ang babae kung anong klaseng tagpo ang maari nilang kaharapin ngayon. Ilang minuto silang hindi nagsasalita, hanggang sa si Judith na ang unang bumasag ng katahimikan. "Sino pala ang pupuntahan mo ng Monte Cristo?" Tanong niya dito. Isang mapanganib na lugar ang pakay nitong puntahan. At duda siyang walang ideya ang babae tungkol sa bagay na iyon, dahil kung alam nito ay mag aalinlangan tiyak itong tumapak sa lugar na iyon. Ilang oras lang naman ang kailangan nilang i biyahe papunta sa lugar. Marami pa siyang pagkakataon para makipag kwentuhan sa babae. Marami siyang oras para magliwaliw ngayon bago ang kanyang pakay sa lugar na iyon, isang hinala din ang umuusbong sa kanya. Pero sa ngayon ang kanyang trip ay samahan na muna ang babae hanggang sa pupuntahan nito. Saglit na katahimikan. "Yung isang tao na matagal ko na kinamuhian dahil akala ko di ako mahal." Sabi nito, medyo na off siya “Masakit ‘yan,” ani Van. “Yung hindi mo alam kung mahal ka ba talaga o iniwan ka lang dahil mahina siyang lumaban.” “Pero kung may dahilan siya?” tanong ni Judith, halos pabulong. “O Kung totoo ngang iningatan niya kami sa paraang hindi ko naintindihan noon…” sabi nito na napaisip siya. “Judith,” seryosong tawag niya dito. “Minsan, ang dahilan ng pagkawala ng isang tao, hindi palaging dahil may nagawang kasalanan. May mga bagay tayong hindi kayang kontrolin, kahit gusto nating baguhin.” sabi niya dito, saka niya natanto na hindi nobyo ang dahilan ng pagpunta ng babae sa lugar na iyon. Maaring dahil sa ama o ina nito. Mukha naman kasi itong dalaga pa at sa kanyang narinig kanina ay nasabi nito ang salitang kami. Di lang ito ang iniwan ng kung sinong pupuntahan nila, Tahimik si Judith nang mga sumunod na sandali. Tila pinoproseso pa ang sinabi niya dito. Ilang sandali pa ay ito naman ang nagtanong. Ready na naman siyang sagutin ang mga tanong nito. He don't need to share all his cards to the lady, but he can give her few details. It won't harm his life dahil wala naman siyang makapang panganib dito. “Eh ikaw? Bakit ka pupunta roon?” tanong nito. Napatingin siya sa labas ng bintana. Ilang saglit ang lumipas bago siya sumagot, ayaw niyang mabasa nito na may itinatago siya mula dito. Sa nakikita niyang kilos ng babae ay mukhang magaling ito na bumasa ng character. O kung may lihim na itinatago ang isang tao. Alam niyang hindi naman niya ito pwedeng paghihiman at tiyak niyang wala naman itong idea sa kung anong trabaho niya. “May misyon akong kailangang tapusin.” sagot niya sa babae. Napakunot ang noo ni Judith. “Misyon? Para saan? Isang kang pastor?” Hindi agad sumagot si Van. Halata ang pag-iwas sa tanong. “Do I look like a pastor? I am not and never wished to be a pastor. Trabaho lang ang pakay ko.” matipid niyang sagot. “Hindi naman importante iyon.” biro niya pa dito na ikinatango tango nito. “Van…” seryosong sambit ni Judith. “Kung delikado ‘yan, huwag mo na akong isama.” sabi nito. Tumingin siya dito, diretso sa mga mata nitong tila laging nangungusap. “Delikado o hindi, hindi na kita puwedeng iwan ngayon.” Napakurap si Judith sa kanyang sinabi, alam niyang posible niyang natakot ang babae, pero wala naman itong choice kundi ang magtiwala sa kanya ngayon lalo at dalawa lamang sila. Sa mga nangyayari ngayong araw na ito ay tiyak niyang may magaganap na kakaibang pangyayari ngayon sa kanila. Kailangan niyang paghandaan iyon dapat niya itong protektahan, iyon ang sinasabi ng kanyang instinct lalo at mukhang inosente ang babae. Paano nito haharapin ang mga bandido gayong tila di nga ito makabasag pinggan. Ilang oras pa ang lumipas, at nagsimulang bumagal ang takbo ng bus. Narinig ng mga pasahero ang sigaw ng konduktor: “May checkpoint!” sa sinabing iyon ng konduktor ay may ideya na siya kung ano ang nangyayari sa harap ng bus. Posibleng may mga bandidong grupo na naman na siyang namamalakad sa lugar. Lubhang mapanganib ang lugar na iyon lalo na sa mga dayuhan, kaya binabalaan ng mga taga-ibang lugar ang sinumang dayuhan na huwag gagawi sa lugar na iyon lalo at uso ang mga dinudukot ng mga dayuhan sa lugar. Pagbaba ng tingin ni Judith sa bintana, nanlaki ang mga mata niya. Hindi pulis ang nasa labas. Kundi mga kalalakihang armado ng baril, may mga takip ang mukha, at tila hindi mga awtoridad. “Mga rebelde ‘yan,” bulong ng isang pasahero sa likuran. Napalingon agad si Van. Biglang nag-iba ang kanyang anyo—seryoso, alerto. Tumayo siya at hinawakan si Judith sa braso. “Huwag kang kikilos hangga’t di ko sinasabi,” mahina ngunit mariing bulong niya sa babae. Bahagyang bumungad mula sa kanyang jacket ang isang itim na ID—may insignia na hindi pangkaraniwan. Napalunok si Judith. “Van… sino ka ba talaga?” bulong niya. “Hindi importante ngayon ‘yan. Basta’t kapag sinabi kong tumakbo ka, tumakbo ka. Wala nang tanong-tanong.” bilin niya sa babae, napailing nalang siya nang makita ang ID ni Judith. Mukhang di naman pala pagliliwaliw ang kanyang ginagawa ngayon. Mukhang mas kailangan niyang pagbutihin ang kanyang ginagawa dahil ito pala ang sadya niya sa lugar. Nabasa niya ang message sa kanya ng kanyang mga kasamahan. Darating daw ang target nila na galing ng Luzon. At mukhang si Judith iyon. Hinawakan niya ang malambot nitong kamay, mukhang mapapaaga ang pagsabak niya sa laban ngayon. Judith pov Bumukas ang pinto ng bus. Pumanhik ang tatlong armadong lalaki. Isa sa kanila ang nagsimulang sumigaw. “Lahat ng pasahero, baba! Dalhin ang mga bag!” Nagkatinginan ang mga tao. May ilan ang nanginginig na agad tumayo. Siya naman na nakaramdam ng panlalamig ng pawis sa kanyang likod. Si Van ay hindi pa rin kumikilos. Nakatutok ang mata sa mga lalaki, habang hawak pa rin ang braso niya. Parang gusto niyong umiyak sa takot na kanyang nararamdaman mga sandaling yon, lalo na ng makita niya ang mga mahahabang armas na dala-dala ng mga taong sumalakay sa kanila. Alam niyang isang pagkakamali nila ay di sila bubuhayin ng mga ito. “Van…” mahina niyang tawag. “Anong gagawin natin?” “Sumunod tayo. Pero hawakan mo lang ‘to.” May inabot si Van—isang maliit na papel, parang mapa. “Kung magkahiwalay tayo… itago mo ‘yan. Pumunta ka sa lugar na ‘yan. May sasalubong sa’yo roon.” mahinang anas nito. "Unsa natabo?" Dinig niyang tanong ng matanda. "Anong mangyari ngayon Van?" Tanong niya kay Van. "Hindi ko din alam pero kahit anong mangyari wag kang lalayo sa akin! Tandaan mo ang bilin ko, itago mong maigi ang papel." Sabi ni Van na lalong ikinakaba ni Judith. Alam niyang may mangyayari na malala ngayong gabi. "Naunsa- o lord tabangi!" Bulalas ng mga nasa9 unahan, tumayo si Van at sumilip sa harap. "Mga bandedong grupo ang mga iyan, at kailangan mong maging matatag." Mahinang sabi ng lalaki. Doon parang gusto niya na pumalahaw ng iyak sa labis na takot. Napapanood niya sa tv ang mga dinudukot ng mga bandidong grupo, kung minsan pinupugutan pa ng ulo ang mga bihag nila lalo na pag hindi tinubos sa halagang gusto ng mga ito. Walang wala pa naman silang pera, tiyak niyang kamatayan din tungo niya oras na madukot siya ng mga ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD