Ilang ulit siyang napabuntong hininga nang mapansing ang haba ng pila ng palabas ng airport alam niyang nasa likod si Van na gaya niya ay nakapila din palabas. Di siya mapakali lalo at nalalapit na ang alas sais ng hapon, ayun sa kapatid ng ama niya ay last trip na iyon. Mabuti at wala naman siyang bagahe kaya tuloy tuloy ang kanyang lakad, ayon sa kapatid ng ama niya ay kailangan niyang sumakay ng tricycle papunta sa kabilang bayan at doon sasakay naman ng bus na papunta na sa bayan ng ama niya.
Di na niya inintindi pa ang lalaki na nakatabi sa eroplano, ang tanging nasa isip niya nang mga sandaling iyon ay ang maabutan ang last trip ng bus. May nasakyan naman siya kaagad na tricycle na labis niyang ipinagpasalamat. Pagdating niya doon ay nandun pa naman ang bus, maaga pa siya ng kinse minutos para sa huling biyahe ng araw na iyon. Isang oras pa daw ang magiging biyahe niya bago makarating sa lugar ng ama niya.
Naupo siya sa bakanting upoan na nasa may unahang bahagi, wala namang gaano pang sakay ng mga oras na iyon. O sadyang kaunti lang ang mga tao sa lugar na walang gaanong pasahero. May sumakay na grupo ng mga estudyante na inakala niya pang uupo sa tabi niya, pero sa likod nag tumpokan ang mga ito. Nagsasalita ang mga ito ng native language ng mga ito, kaya parang gusto ng dumugo ang ilong niya dahil di naman niya maintindihan ang mga ito.
"Hi Judith pwedeng makiupo?" Napaayos siya ng upo nang makitang si Van ang nakatayo sa may aisle ng bus at hinihintay na tanggalin niya ang kanyang backpack sa upoan na bakante sa tabi niya. Mabilis naman niya na kinuha iyon.
"S-sige!" Mahina niyang sabi dito.
Naiilang siya dito na tumabi pero wala naman siyang karapatan na mag enarte dahil pang isang upoan lang ang kaya niyang bayaran ng pamasahe. Mabait naman ang lalaki kaya alam niyang safe siya sa biyahe.
"Taga dito ka?" Mahinang tanong nito sa kanya.
"Hindi pupuntahan ko lang ang Papa koj nnnnnnht ⁷r⁶taga Quezon ako, ikaw ba?." Balik tanong niya sa lalaki.
"May kaibigan lang akong pupuntahan dito, pero taga manila ako." Sagot nito na umayos ng upo, di nito mahiwalay sa katawan ang gitara nito. May umakyat na naglalako ng mga pagkain na mangangata sa biyahe, gusto niya mang bumili ay di pwede dahil saktong sakto lang ang kanyang pera. Kahit kumakalam na ang kanyang sikmura ay kinakailangan niyang tiisin iyon.
"Magkano po ang mais ate?" Tanong ni Van sa babaeng naglalako, pumikit nalang siya nakakahiya pag makita ng lalaki na tumutulo ang laway niya. Masarap ang amoy ng mais na lalong nagpa alburoto ng kanyang kumakalam na sikmura.
"Sampu ang isa." Narinig niyang sagot dito ng babae.
"Apat po pahiwalay na tig dalawa dalawa tapos dalawang tubig." Sabi naman ng lalaki. Ayaw niyang mag assume na para sa kanya ang isa sa dalawang binili nito, kahit tubig man lang sana.
"Judith kumakain ka naman yata nito." Sabi ng lalaki na may pakalabit pa sa kanya. Para na naman siyang nakuryente nang magdaiti ang kanilang mga balat. Napadilat siya at nakita niyang maging ang lalaki ay nagulat din. Naramdaman din yata nito ang kakaibang kuryente na nagmumula sa balat nila.
"Ahm busog pa ako, salamat!" Nasabi niya iyon sa kabila ng nagwewelga niyang sikmura. Nahihiya siyang kuhanin ang binigay nito, pero kung magpipilit naman ito ay isa pang yaya ulit at susubo na sya.
"Come on kunin mo na, mahaba pa ang biyahe natin. I know kanina kapa walang kain." Sabi nito na hinuli ang kanyang kamay at inilagay ang binalatan na nitong mais. Mag iinarte paba siya gayong kanina pa nagsusumigaw ang kanyang sikmura sa gutom, panay ang tunog niyon lalo at almusal lang ang kain niya simula madaling araw at alas sais na ng gabi. Papalubog na ang araw ngayon, maski tubig ay tipid na tipid siya dahil limitado ang kanyang budget sa biyahe niyang iyon.
"Salamat." Sabi niya dito, nag umpisa na itong kumain, kaya kumain na din siya, kahit gusto niyang lamunin ng mabilis ang mais ay di niya magawa dahil nakakahiya sa katabi kaya dahan dahan na tahimik silang kumain.
"Saan ang baba niyong mag asawa?" Tanong ng konduktor na biglang sumulpot sa gilid ni Van.
"Hin-"
"Saan ba?" Tanong ng lalaki sa kanya.
"Monte Cristo po, sa may tiyanggi na luma po." Sagot niya nalang, di niya alam kung saan bababa ang lalaki dahil di naman nito sinabi kung saan ang tungo nito sa konduktor.
"One hundred fifty two po ang isa." Sabi ng konduktor sa kanila. Mukhang nagmahal na ang pamasahe, sabi kasi ng Kapatid ng Papa niya ay one hundred thirty lang ang pamasahe papunta doon, pero di naman siya pwedeng mag reklamo dahil di naman siya taga roon na biglang nagtaas lang ang pamasahe na walang pasintabi. Akmang dudukot na siya sa kanyang bag ng kanyang pamasahe.
"Ito o dalawa, pakibaba nalang po kami doon mismo." Sabi ni Van sa konduktor, hinarap niya ang lalaki upang iabot dito ang pamasahe niya.
"No need, just keep it." Sabi lang nito nang iabot niya ang isang boung dalawang daan.
"Doon din ba ang tungo mo?" Tanong niya dito. May parte kasi ng isip niya ang nagsasabi na di naman doon ang tungo ng lalaki.
"Hindi." Mabilis na sagot ng lalaki na ikinamulagat niya.
"E bakit di mo sinabi sa konduktor na magkaiba tayo ng lugar na bababaan?" Tanong niya dito.
"Traveling this damn place is so dangerous Judith, oras na malaman nilang di tayo magkasama at nag iisa kalang nagbiyahe na ganyan kaganda ay baka ikapahamak mo. Di matatahimik ang isip ko hanggat di ka naihahatid sa pupuntahan mo ng safe." Sabi nito na ikinamangha niya at the same time ay nabawasan ang kanyang kaba. Alam naman niya ang sinasabi nito, kaya nga sinabihan siya ng kapatid ng kanyang ama na mag hijab siya upang maitago ang mukha niya kaya lang sa pagmamadali niya ay nawala sa isip niya ang bilin na iyon ng tiyahin.
"May hijab naman ako na dala dito pero ang hirap niyang isuot." Sabi niya sa lalaki.
"Akina ako ang maglalagay." Sabi nito sa kanya, walang pag aalinlangan naman na iniabot niya dito ang hijab.
Parang naiilang pa siya na magpasuot ng hijab sa lalaki lalo at kung tutuosin ay di naman niya lubosang kilala pa ang lalaki, pero parang wala naman siyang choice dahil di naman niya alam kung paano iyon isuot ng maayos. Para iyon sa kanyang kaligtasan sa lugar na iyon.
"Dapat ba nakatakip ang boung mukha?" Tanong niya dito.
"Di naman, pero gusto ko na ako lang ang makakita ng kagandang ito." Sabi nito na hawak ang kanyang baba. Matiim ang titig nito sa kanya kaya nagawa niyang matitigan ang mukha nito lalo na ang mga mata nito na kulay abo. Alam niyang may halo ang lahi nito kagaya niya. Di niya lang tiyak kung amerikano ba o iba ang lahi nito bukod sa Filipino.
"Wag ka ngang magbiro ng ganyan, kita mo na ngang kinakabahan yung tao e." Saway niya sa lalaki.
"Calm down okay, di naman kita pababayaan. Ihahatid kita sa pupuntahan mo ng safe, just trust me." Sabi pa nito, kaya napanatag siya.
Ilang sandali pa ay unti unti ng napupuno ang bus na kanilang sinasakyan, papadilim na ng mga oras na iyon at lowbat paman din siya lalo at kakarag karag ang cellphone niya. Nag aalala siya kung paano niya matutunton ang lugar lalo at gabi na. Nag text nalang siya sa kapatid ng ama niya na nakasakay na siya sa bus papunta sa lugar. Ayon naman dito nung nagkausap sila ay aabangan siya nito sa may kalsada lalo at kabisado naman ng mga ito kung anong oras dumadaan ang bus sa lugar ng mga ito.