GIO 2

1301 Words
Isang oras matapos ang announcement ng delay ng kanilang flight ay dumating naman na ang eroplano na kanilang sasakyan. Medyo nakahinga na siya ng maluwag, akala niya kasi na aabot pa ng dalawang oras bago ang dating ng eroplano na sasakyan niya. Nakasunod pala siya sa lalaki na may dalang gitara at mukhang sa iisang flight nga lang sila nito. Naiisip niya nalang na baka myembro ang lalaki ng banda, nakita niya kasi kanina na di dumaan ng entrance ng paliparan ang lalaki. Parang may special na trato ang mga empleyado sa lalaki, maging sa pagpasok sa eroplano ay tango at saludo lang ang ginawa ng mga crew dito. Akala niya tuloy ay ganun din ang gagawin niya, ganun nalang ang gulat niya nang itanong kung nasaan ang kanyang boarding pass. Di naman kasi tinanong ang naunang lalaki. "Pakilabas po ng boarding pass nyo and valid ID." Sabi ng isang empleyado na nasa harap. Mabuti at nasa handbag lang naman niya ang kanyang boarding pass at Id kaya di na niya kailangan na kalkalin ang dala dala niyang backpack. Hand carry lang ang dala niya kasi ilang araw lang naman siya sa pupuntahan niya, karamihan sa dala niya ay maninipis lang at magaan kagaya ng leggings, shorts at tshirt na sweat shirts naka sapatos siya pero may dala siyang tsinelas, may kumot din siyang dala at baka walang kumot na extra sa pupuntahan niya. Nang makalagpas ay hinanap niya kaagad ang kanyang upoan, at medyo nagulat pa siya nang mapansin na katabi niya ang poging lalaki kanina na deritso lang na nakapasok na di man lang na inspection ang dalang boarding pass o ang ID nito. Ipinagkibit balikat niya lang iyon, nasa kandungan nito ang bag ng gitara na dala. Naisip niyang marahil ay may concert ang lalaki sa Mindanao kaya ito nagbiyahe at wala na siyang pakialam pa doon. Tatlohan ang upoan sa eroplano at sa gilid siya sa bintana, which is ayaw niya dahil may fear of heights siya. Baka masuka siya kung doon siya uupo kaya nag aalinlangan siyang doon umupo. "Padaan po Miss!" Dinig niyang sabi ng nasa likod niya na ginang. Mabilis siyang sumiksik sa upoan para bigyang daan ang babae sa pagdaan sa likod niya. "Dito ka nakaupo?" Tanong ng lalaki na napansin pala ang kanyang pagtayo ng matagal doon sa row na yun. "Ah e diyan sa may bintana ang upoan ko." Sabi niya sa lalaki, mukha namang harmless ang lalaki, sa gwapo ba naman nito ay di na naman nakakapagtaka na maginoo ito. "Do I need to go out first para makapasok ka?" Kunot ang noo na tanong nito nang mapuna ang kanyang pagkapako sa kanyang kinatatayuan. "No, I mean takot ako sa heights kaya nag aalinlangan ako na umupo. Pwede po bang makipagpalit ng upoan sayo Sir?" Tanong niya sa lalaki. "Miss pakibilisan naman nakaharang ka sa upoan ko." Dinig niyang sabi ng lalaki sa likod niya kaya napalingon siya doon, ganun nalang ang kaba niya nang mabistahan ang mukha ng lalaki. Mukha kasi itong galing ng bilibid sa dami ng tattoo at pulang pula pa ang mata. Dali dali siyang dumaan sa harap ng lalaking may gitara at pikit mata na umupo sa may bandang bintana. "Akala ko ba makikipagpalit ka ng upoan?" Tanong ng lalaki nang makaupo siya. Tumayo ang lalaki na may tattoo kaya naman nakampante siya kahit papaano. "Wag nalang pala, nakakatakot yung katabi mo." Mahina niyang sabi sa lalaki, nakita niya ang pagngisi ng lalaki sa sinabi niyang iyon. "E paano yung phobia mo?" Tila amused na tanong ng lalaki sa kanya. "Pipikit nalang ako." Sabi niya na pumikit. Naramdaman niya ang tila kamay na dumaan sa harap niya kaya napadilat siya, nagulat pa siya nang makitang kamay pala ng lalaki iyon at isinara ang bintana. Nakahinga siya ng maluwag nang di na masilip ang labas ng eroplano. Pwede naman palang isara iyon akala niya ay dapat laging bukas ang bintana. "It's safe now for your phobia, open your beautiful eyes Sweetie." Sabi ng lalaki na nagbigay ng kakaibang kilig sa kanyang puso. Sino ba naman kasi ang hindi lalo na kung ganito kagandang lalaki ang magsabi sayo ng ganun. "S-salamat!" Nahihiyang sabi niya sa lalaki. "Anyway I'm Van." Pakilala ng lalaki na inilahad ang kamay sa kanya. Nahihiya siyang ilahad ang palad niyang magaspang dito. Lalo na ng makita niya kung gaano kakinis at kaputi ang kamay ng lalaki, mas mukhang panlalaki pa nga ang kanyang kamay. "Ahm Judith nga pala." Sabay tanggap sa kamay ng lalaki. Pero maling desisyon yata iyon dahil tila may kakaibang kuryente ang nanalaytay sa kanyang mga ugat ng magkadaop ang kanilang mga palad. Mabilis niyang nabawi ang kanyang palad mula sa pagkakahawak nito. "Judith, nice name." Sabi nito saktong upo naman ng katabi nilang lalaki. Umupo na ang lalaki sa dulo, may sasabihin sana siya sa lalaki pero natahimik nalang siya lalo na nang maramdaman na niya na paalis na ang sinasakyan nilang eroplano, nakita niya naman ang pagcecellphone ni Van. Halatang mayaman ang lalaki mula sa cellphone nito, relo at pananamit na obvious namang branded. Samantalang siya ay pawang galing ukay lang ang lahat. Tahimik lang siyang naupo at pinilit na makatulog sa kabila ng discomfort na hatid ng pag uga ng eroplano. First time niyang sumakay kaya parang gusto niyang umiyak ng mga sandaling iyon sa kaba, lalo na at naiimagine niya kung gaano na kataas ang sinasakyan nilang eroplano. Naramdaman niya ang paghawak ng kung sino sa kanyang kamay. "Are you okay?" Tanong ni Van sa kanya. "Nakakatakot pala ang sumakay sa eroplano. Diyos ko ilang milya na kaya ang taas nito ngayon!" Sabi niya na nanginginig parin, medyo naibsan ang kanyang kaba at takot sa hawak ng lalaki at thankful siya dahil doon. Di niya alam ang gagawin kung siya lang mag isa ngayon. "Just close your eyes, here use this." Sabi nito sa kanya, isinuot nito sa kanya ang headset na gamit nito kanina, malakas ang musika na maririnig pero mas gusto niya iyon, inihilig pa nito ang ulo niya sa balikat nito. Di na niya namalayan na nakatulog na pala siya sa pagkakasandal sa balikat ng lalaki, mas komportable siya sa balikat nito at damang dama niya ang concern nito sa kanya. Iyon siguro ang rason kaya kahit na estranghero ang lalaki ay nagtiwala siya dito. Gusto man niyang kiligin ay pinigilan niya dahil alam niyang mahirap na abutin ang lalaki at hindi niya pwedeng bigyan ng malisya ang kabutihan ng mga tao sa paligid niya. Oo sinasabihan siya ng mga tao sa paligid niya na maganda siya, sexy siya pero alam niyang maraming mas maganda sa kanya, maraming mas sexy sa kanya at maraming babae ang mas nakakahigit ang katangian sa kung anumang meron siya. Para sa kanya ay karaniwan lang ang mukha niya at wala namang kakaiba sa kanya sa mga babaeng nasa paligid niya. Nagising siya sa mahinang tapik ng lalaki sa kanyang balikat, nahiya siyang bigla at biglang kinabahan na baka natuloan ang lalaki ng laway niya. Nakakahiya dito di niya alam kung ilang minuto o oras na siyang tulog. "We're here." Masuyong sabi nito sa kanya. "Ahm sorry ha nadumihan ko pa yata ang damit mo, mukhang nangalay kapa sa pagkakasandal ko." Sabi niya na inayos ang buhok niyang tila pugad na ngayon sa sobrang gulo niyon. Sobrang nakakahiya talaga sa lalaki, ginawa na nga niyang unan e napagod pa yata sa kakasandal niya. "Di naman ako nangangalay, kahit nga sumakay kapa sa akin ay kayang kaya ko pa." Sabi nito na ikinatulala niya. Iba kasi ang dating ng sinabi nito. "Ahm baba na tayo." Sabi nalang niya na dali daling tumayo at kinuha ang kanyang backpack. Hiyang hiya siya sa lalaki dahil alam niyang nangalay ito sa kakasandal niya sa balikat nito sa boung durasyon ng biyahe nila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD