Matamlay naman akong umuwi sa bahay.
Sinalubong naman ako kaagad ni Auntie sa lobby na may kinakausap din na tenants.
"Anong nangyari sa'yo, younglady?"
"Ako? Im not okay. Feel ko nasira ang pagkatao ko. Inaapak-apakan. Winalangya. I'm dead," ngawa ko.
"Ano? May gumalaw ng city hall mo?!"
"Anong city hall, auntie?" tanong ko.
"Yung city hall 'yung koan mo," nguso niya sa bandang baba ko.
Tinakpan ko naman.
"Hindi po' yun ang ibig kong sabihin!" yakap ko sa sarili ko.
"Hay naman. Basta younglady. Huwag na huwag mong ibababa ang bandera kapag 'di pa kayo kasal!" aniya.
"Anong banderang pinagsasabi mo, auntie?"
"Bandera.' Yang panty mo," pabulong niya pang sabi.
Nabigla naman ako at namula sa sobrang hiya dahil sa sinabi niya.
Lumayo naman ako ng konti sa kanya kasi baka may makarinig at baka ma-issue pa ako!
"Masyado ka namang SPG, auntie! Sisinisira mo ang inosente kong utak," ani ko.
"Dapat kasi alam mo. Ang toot anak ay para lang sa mag-asawa. Ang halik ay igawad mo rin sa iyong asawa," aniya.
E asawa ko naman 'yun si Luhan.
Teka Kera! Asawa mo lang ang hukluban na' yun sa papel!
"Ewan ko ba ngayon kung bakit ganito na ang mga kabataan ngayon. Buka lang nang bukaka kung saan. Hindi tulad nung kami pa e halos kandaduhin pa namin ang mga panteeee namin para lang hindi ma koan! Ay naku purbida ning panahona," aniya.
"Oa mo, auntie. Pero auntie normal lang ba talaga 'yun sa mag asawa?"
"Oo naman."
So okay lang na siya yung nakakuha sa first kiss ko?
Teka, ano bang pinagsasabi mo Kera?!
Delete!
"Aba bakit mo natanong? Mag-aasawa ka na ba?"
"Po?"
"Ang pag-aasawa younglady ay sagrado. Dapat pinag-iisipan. Dapat kayong dalawa ay nagmamahalan. Hindi 'yan minamadali," aniya.
Tss, paraa saan pa ang sermon ni Auntie e kasal na nga ako.
"Auntie, magpapahinga na po ako," walang gana kong paalam.
"Younglady, dumating na kanina ang roommate mo."
Hindi na ako nakinig sa sinasabi ni Auntie kasi tinatamaan ako sa sermon niya e. Mahilig kasi akong sumalo.
Pero haays 'yung pride ko, my lips, wala na.
Matamlay akong pumasok sa loob ng elevator habang pasan ko ang mabigat na pandidiri sa sarili ko. Napaka-malas naman ng true love ko, bukod sa hindi na virgin ang kissable lips ko, annulled pa ang magiging asawa niya. Sino pang lalaki ang magkakagusto sa'kin ngayon?
Nakakaawa na talaga ako.
Nang nasa tapat na ako ng apartment, napabuntong-hininga naman ako. Pagkabukas ko ng pinto na 'to, makakasalubong ko ang asungot na' yun at babalik na naman lahat ng kamalasang alaala sa buhay ko.
Pinihit ko na ang doorknob tsaka pumasok.
"So you are here," aniya.
Nilingon ko naman siya na nanood lang ng TV.
"Yea," sagot ko sabay lakad papasok ng kwarto.
Nakakawalang-gana.
Binagsak ko naman ang sarili ko sa higaan. Napatingin lang ako sa kawalan. Habang buhay akong magdudusa dahil sa Luhan Xi na 'yan.
Napabalikwas naman ako at napabangon nalang bigla.
Nauuhaw ako.
Lumabas ako ng kwarto .
Pansin kong enjoy na enjoy pa ang asungot habang nanonood ng tv.
"Ano pinapanood mo?" tanong ko.
"Its none of your business."
Nagsmirk nalang ako at dumeretso sa ref para kumuha ng tubig.
Bakit ko ba pinapakisamahan ang demonyo na 'yun?
"Teka?"
Demonyo? Teka, sino nga ba' to ulit ang kasama ko?
Sinilip ko ulit yung nasa sofa. The fudge si Luhan!
Ba't di ko napansin?!
Paano ako babalik ng kwarto nito.
Ang tanga mo naman Kera! Hindi ba't alam mo naman e na si Luhan pala 'yun! Naku naman! Hindi pa ako ready na harapin siya ngayon!
Bukod sa inis ko, nahihiya pa akong magpakita sa kanya!
Gumapang naman ako .Tsaka tinakpan ang mukha ko.
"Aaah! What? The?! Anong ginagawa mo?!" gulat niyang sigaw.
"Idol," umubo naman ako. "Idol ko po kasi si Sadako,"ani ko. Walang hiyang reason 'to! Jusko naman Kera, pinapahiya mo ang sarili mo, ano ba?!
Gumapang ako nang mabilis hanggang sa nakaabot ako sa finish line.
"Waa, kawawang tuhod ko," ani ko.
Tatayo na sana ako para pihitin ang doorknob ko nang may nagsalitang maligno sa bandang likuran ko.
"Seriously, miss. Hindi masamang gayahin si sadako. But atleast you should wear a proper attire."
"What do you mean by that?" medyo inis kong tanong kaso kaya ko pa naman pigilan.
"Kanina, kita kasi panty mo."
"Ano?!"
Inilihis ko naman ang isang paa ko at inislide papuntang paa niya dahilan para matumba siya.
"Aaah!"
"p*****t!'
Pasok ko kaagad sa kwarto.
"AAAAAAAAH! Mababaliw na talaga ako."
Ilang oras din akong naghintay pa ako ng ilang oras bago ako lumabas. Pumunta na ako sa shower para maghalf bath.
Iniisip ko pa din ang nangyari kanina. What if bumalik nalang kaya ako sa Hongkong?
Pagkatapos kong maligo, maingat ko namang chineck kung nasa hallway pa siya. Buti nalang wala na siya.
Agad na akong pumasok sa kwarto at nagbihis.
Bigla naman may kumatok ng pinto.
"Hey miss! Sa susunod huwag mong iwan kung saan-saan ang nga undies mo. Mahiya ka naman!"
Napa-face palm naman ako.
Napaka-burara mo talaga Kera!
Pasilip-silip naman akong nakikiramdam kung nandoon pa si Luhan sa cr. Pansin kong nakapatay na ang ilaw sa sala at sa hallway kaya panigurado nasa kwarto na niya 'yun.
Dahan-dahan naman akong naglakad patungo sa loob ng cr.
Hinahanap ko' yung sinasabi niyang naiwan.
Kainis meron nga.
Pinatong ko pa sa sink . Napakatanga. Naligo nalang ako. Nakakabanas na ha!
Lumabas na ako pagkatapos.
May napansin naman akong note sa pinto ko.
Nakarinig naman ako ng ingay mula sa sala. Nanonood na naman siya ng movie.
Uminit naman bigla ang ulo ko.
"Stupid."
Nakakapikon na ha! Dumeretso naman ako kaagad ako sa sala.
"HOY, BASTOS!"
Pansin kong iniiwasan niya pa akong tingnan.
"Ikaw! Nakakaasar ka na ha!"
"Tapos ngayon tatahimik ka! Ni ayaw mo pang lumingon sa'kin!"
Nakatakip naman siya ng mukha habang papunta sakin.
"Will you please put your clothes first before you confront me. Hindi ako sanay. Damn , stupid."
Pumasok na siya kaagad sa kwarto niya.
Narealized ko naman ang sinabi niya.
Omo, nakatapis lang pala ako ngayon.
"Aaah! Stupid Kera!!" sigaw ko.