Field Trip

1409 Words
One week na rin ang nakalipas. Nasa bus na ako ngayon. May fieldtrip kasi kami. Ewan ko kung saan kami papunta. Hindi kasi ako nakinig kahapon, alam niyo na. "Alam mo girls nandito daw ang ex ni Luhan," dinig ko. "Ang ganda ni Hyuna super," saad naman nung isa. May ex pala ang maligno na 'yun. Lumingon naman ako sa dalawang kaklase kong nagchichismisan. "Kailan ba naging sila?" singit ko. "Ha? Hmm, I' ve heard childhood sweethearts sila," sabat nila. Kung childhood sweethearts? Since bata pa sila naglalandian? Ay joke. "Bakit ba sila nag-break?" tanong ko. "Ewan. Wala namang reason e. Pero I've heard may third wheel daw," bulong niya. Tumango-tango nalang ako. Malupit din pala ang mukong na 'yon. "I've heard sa party daw ng uncle niya nakita siyang may kasamang ibang girl. Pero matagal naman din 'yun mga one year ago ata o maybe two years?" "Gosh, baka rumours lang." Teka wait? Ako ba tinutukoy niya na third wheel?! "Ano? Hindi ako third wheel!" Mukhang nagulat naman ang dalawa sa sinigaw ko. Bigla namang may tumalsik na kung anong liquid sa harap namin. Pambihira, iced tea. Si Luhan. "Ah, kadiri ha!" reklamo ko. "Wait, what do you mean earlier girl?" tanong sa'kin nung babae. "Huh? Wala wala 'yun. Nevermind." Umupo naman ako ng maayos at hindi na sila pinansin. Nabigla nalang ako nang tumabi sa'kin si Luhan. "Anong ginagawa mo dito?" pagsusungit ko. "Tatabihan kita, stupid. Malapit na tayong mabisto kanina. Napaka-stupid mo talaga," insulto niya. "Ang sarap mong sapakin e no," pagpipigil ko. "Bakit ang daming sabon sa couch? Pinamili mo ba 'yun?" aniya. Naalala ko na naman 'yung katangahan ko. "E ano naman sa'yo," sabay irap ko. Para malaman niyo. Nung nag-ala sadako ako. Alam na niya na ako ang roommate niya. Nag-effort pa ako tapos ako pa ang nabosohan. Pinagtataka ko lang kasi hindi na niya ako pinagtatabuyan. Ang bilis ng panahon? Tanggap niya kaagad. Timang rin pala 'to. "Hindi na ako magtataka na pinangmi-midnight snack mo ang mga sabon na 'yun," asar niya. "May body odor ka siguro no? Madami kasing anti-microbial soap dun e," dagdag niya pa "Sumosobra ka na! Ingudngod ko 'yang mukha mo sa kili-kili ko e!" "Yuck." Sama ng ugali. Inirapan ko nalang siya. "Tama na 'yan Ms. Xi and Mr. Xi," singit ni maam na kakasakay lang. "Para kayong mag-asawang aso't pusa," dagdag niya pa. Naibuga ko naman ang esophagous ko pati ata large intestine sa sobra kong pandidiri. " i****t 'yan teacher!" "Hindi naman kasi sila magka-relatives. Yung totoo, mag-asawa ba kayong dalawa?" "NO/HINDI!" sabay naming sabat. Tumawa lang sila. Napayuko nalang ako. Sarap pektusan rin ng teacher na 'to, oo. "Stupid, it's your fault," bulong niya. "Tsss. Ako nalang palagi," apak ko sa paa niya. "Aray. Nang babadtrip ka ba ha?" "Wow. So ako pa?" Hindi ko nalang siya pinansin. Pinikit ko nalang ang mga mata ko. Ayokong ma-stress sa field trip na' to. ------ Teka hmm. Ang bango naman. Hmm ang sarap ng tulog ko. *click* click* click* "Yan kuhanan niyo pa." "Ito ang sweet." "Sige ayan." "Bebenta talaga 'to sa journal natin." Minulat ko naman ang mga mata ko. "Patay! Tayo na," saad nila. Napabangon ako bigla. Bumagsak naman sa lap ko si Luhan. "Luhan! Gising! Gising! May mga paparazzi!" "Hmmm, ano ba," yakap niya sa tyan ko. "May kumuha ng pictures natin!" Gumalaw naman siya at nanigas ako nung iningudngod niya ang mukha niya sa city hall ko. "AAAAAAH!" tulak ko sa kanya dahilan para mahulog siya. "Ah f**k! My head!" Lumayo naman ako sa kanya habang tinututok sa kanya ang hawak kong cellphone. "Stay away from me! You, p*****t!" Pansin ko naman na mukhang natigilan din siya. "Bakit mo ko tinulak ha! Are you out of your mind?!" So, hindi niya sinadya? "s**t!" tayo niya. Tinalikuran naman niya ako. Naalala ko na naman 'yung... "Luhan!' Yung mga papparazi!" "What?" "May mga stalkers. Kumuha ng photos natin kanina," taranta ko. "WHAT?!" Bumaba naman kami kaagad para hanapin 'yung mga papparazzi kaso wala na kaming naabutan. Napansin ko naman ang kotse na humarurot palayo sa kinatatayuan namin. "HOOOOOOY," habol ko. Hiningal naman kami sa kalagitnaan ng kalsada. Tanga, paano ko ba maaabutan ang kotseng 'yun. "Namukhaan mo ba?" "Basta may dala silang mga cam. Tapos tapos I've heard na bebenta daw sa journal," ani ko. "What?! Bakit di mo ko ginising kaagad?!" "Ginising nga kita!" "I'm doomed! Umuwi ako ng Pinas para maka-iwas sa mga rumors!" "Ako pa talaga ang sinisisi mo?" nanggagalaiti kong tanong. "Let's go! Bumalik na tayo sa bus," pagdadabog ko. Nasa state of shocked pa din siya kaya binalewala ko nalang siya. Tyempo namang pagharap ko sa may bus stop. The fudge! "Lu-----luhan ang bus!" takbo ko. Paalis na ang bus. Hinabol naman namin. "WAAAAIT!!" Too late. Naiwan na kami. "Alam mo bang nagsimula ang malas sa buhay ko nung dumating ka?!" Natigilan naman ako. "Ganun ba," pagpipigil ko sa pag-iyak. "Nakakapersonal ka na. Inano ba kita? Sa tingin mo hindi rin ako nasasaktan ha? Huwag ka naman manisi," ani ko sabay walkout. Pinunasan ko nalang ang luha ko. Ganyan ba sila? Ba't ang dali lang para sa kanila na sabihan akong black sheep kesyo ako ang may dala ng malas. My dad always cursed me like that. Hindi ko na siya pinansin hanggang sa dumilim na. Nagsisiuwian na ang mga tao. Ang nakakainis lang is ni isang bus wala man lang dumating. "USELESS. B*LLSH*T," sigaw pa niya sabay sipa pa ng upuan. Nakakaasar. Mukhang naging kasalanan ko pa ata ang nangyayari ngayon. Buti nalang may matandang babaeng naglalakad palapit sa'min. Ngumiti siya sa'min at binati kami. "Manang, ba't ganun? Wala po bang signal dito?" "Oo ineng. Wala talagang signal dito." Mag-aalas 7 na. Pasara na ang mga stalls dito. "Mukhang masto-stock tayo dito sa bus stop over na 'to," buntong-hininga ko. "Bakit ang aga naman atang magsara ng mga stalls dito?" tanong ni Luhan. "Ganito talaga dito apo.Wala ba kayong matulugan?" tanong niya. "Opo lola." "Sumama na kayo sa'kin. Delikado dito sa labas lalo na't napakalaki ng buwan ngayon." Tumabi naman ako kaagad kay Luhan. "May aswang kasing dumadayo dito kada fullmoon apo," sagot niya. "Po?!" "Anong aswang?" tanong nitong maligno. "Palibhasa kasi koreano ka! Aswang, monster." "What?" "Uuwi narin kasi ako. Bumili lang ako nitong sardinas at itlog.Sasama ba kayo mga apo?" Sumama nalang kami sa kanya. Wala rin kasing ibang bahay along the highway. Pero hindi namin inexpect na mas nakakatakot pala ang daan papuntang bahay ni lola. "Kasalanan mo 'to eh," reklamo niya. "Can you please move on? Ang ingay mo!" "Shh, hinaan niyo lang ang boses niyo baka masundan tayo," saway ni lola. "Ikaw kasi e," aniya. Bigla namang may kung anong umungol mula sa malayo dahilan para daganan ako ng tukmol. "Aaah!" "Aray ko!" sigaw ko. "Baliw ka ba?! Baka 'yun! Baaaaaka! Bobo," ngawa ko. Nakakainis talaga. "Huwag na kayong magbangayan, lumalalim na ang gabi. Dapat na aytong magmadali," ani ni lola. "Opo, lola." Nakakatakot talaga ang daan. Ang haba ng mga d**o sa paligid. Ang laki pa ng buwan. Napaparanoid ako dito. Ramdam ko naman na kinakalabit niya ako, padabog ko naman siyang nilingon. "ANO BA? UMAYOS KA NGA. NAKAKAASAR KA NA. PUNONG-PUNO NA AKO. KONTING KONTI NALANG LUHAN XI," inis ko. Mukha naman siyang takot na ewan. Bahala ka sa buhay mo. "What if she's the monster, stupid?" aniya. "Tumahimik ka nga. Pati si lola ininsulto mo," ani ko. "Nakakainis ka talaga no. Pano kung mapahamak tayo dito?" aniya. "Mapagkakatiwalaan naman si lola e. Lola?" Nawala naman si lola sa harapan namin. Ginamit ko naman ang flashlight ng cp ko. "What the h*ck! I told you, it is all your fault!" hysterical pa niya. Lord, natatakot na ako. Tulungan mo kami. Magkahawak na nga kamay namin sa sobrang takot. No choice, tatakbo na kami nito kung hindi pa din magpapakita si lola. "Lo--lola?" "D*mn! F*ck!" Ang higpit pa ng kapit ni Luhan sa balikat ko. Nang nahagilap ng flashlight ko si lola nakaupo na parang nakatuwad sa gilid ng mga damuhan. "AAAAAAAAAH ASWANG!" "Uy teka ilayo mo sakin ang ilaw. Umiihi ako," dinig kong sigaw ni lola. "Po?" "Umihi lang ako. Kanina pa kasi puputok 'tong pantog ko. " Halos mamamatay ako sa sobrang kaba sa mga oras na' yun. Tinulak naman ako nitong asungot. "Bakit 'di ka po nagsabi lola," ani ko. "Kanina pa kayo nagbabangayan kasi. Tayo na at kailangan na nating magmadali. Naghihintay na dun ang mga apo ko."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD