*** RACHEL'S POV]
Kinakabahan ako at hindi ko alam kung bakit. Bigla na lang kasing tumibok ng mabilis ang puso ko. Nasobrahan na ata ako sa kape.
Siya nga pala, nagpaalam kasi si Daniel na pupuntahan niya si Regina. Pinangako niya kasi na kakausapin niya yun upang huwag na kaming guluhin. Pupunta na lang ako ngayon sa bahay nila para hintayin siya at ng malaman ang kinahihinatnan ng usapan nila. Kanina pa umalis yun, baka maya-maya ay nandyan na siya.
" Good evening po tita. Nakauwi na ba si Daniel? " bati ko kay tita.
" Ha? Hindi pa eh. Akala ko ba sa inyo siya pupunta? " sagot nito na may pagtataka.
" Umalis kasi siya kaninang 7 PM. May kakausapin lang daw siya. "
" Naku hija! Anong oras na ba? Mag-aalas diyes na ng gabi. Kanina pa pala siya umalis. Saan na kaya ang batang yun? Wala pa naman ang daddy niya ngayon. " sabi nito na tila nag-aalala na. Seaman kasi ang daddy ni Daniel kaya nasa dagat at nasa ibang bansa.
" Kinakakabahan na ako.. Baka ano nang nangyari dun. "
" Hays.. Nasaan na ba yun? Tatawagan ko po tita. " sagot ko. Ano ba yan! Sagutin mo nga! Bakit kaya unattended yung cp niya? Hindi man lang nagtext.
" Ngayon lang siya hindi nakauwi ng ganitong oras. Maaga pang umuuwi yun. " ramdam ko na kinakabahan na talaga si tita. Nasaan ka na ba Daniel?
Maya-maya'y nagring ang telepono at sinagot ni tita.
" Ako nga po. Ha? Anong nangyari sa anak ko? Wag ka ngang magbiro! Diyos ko po, Daniel anak! " narinig kong wika ni tita at kitang-kita sa kanyang mukha ang panlulumo.
" Tita, anong nangyari kay Daniel? " nag-aalalang tanong ko. Hindi ko gusto tong nararamdaman ko.
" Naaksidente siya, nasa ospital siya ngayon! " sagot nito at niyakap ako.
" Oh My God! " sambit ko at yumakap ng mahigpit kay tita. Humagulhol kaming dalawa.
Pagkatapos ng iyakan ay kaagad kaming pumunta sa hospital. Kasalukuyang nasa I.C.U si Daniel at under observation. Posible daw na magkaroon ito ng brain damage. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ito nagigising, maybe the following days, weeks, months or years pa. Wag naman sana! Wala na talaga kaming makapitan kundi ang magtiwala sa Panginoong Diyos.
" Lord! Wag niyo pa pong kunin si Daniel. Please! I believe in you. Kayo na pong bahala sa kanya. " panalangin ko habang umiiyak.
PSALM 18:2
THE LORD IS MY ROCK AND MY FORTRESS; AND MY DELIVERER ; MY GOD ; MY STRENGTH ; IN WHOM I WILL TRUST; MY SHIELD AND THE HORN OF MY SALVATION;MY STRONGHOLD.
PROVERBS 30:5
EVERY WORD OF GOD IS PURE ; HE IS A SHIELD TO THOSE WHO PUT THEIR TRUST ON HIM.
*** ONE WEEK LATER
Sa loob ng isang linggo ay natutulog lang si Daniel. Nandito ako ngayon sa tabi niya at hindi pa rin makapaniwala sa mga nangyari. Kasalanan ko! Siguro kung hindi lang ako nagselos ay hindi siya pupunta kay Regina. Kasalanan ko! Hanggang ngayon sinisisi ko pa rin ang sarili.
" Lord, please pagalingin niyo po si Daniel. Promise, lalayo na ako sa kanya kapag nagising siya. Pagalingin nyo lang po siya, masaya na ako. "
Tila isang milagro at pinakinggan ng Diyos ang panalangin ko. Gumalaw ang kanyang mga daliri at unti-unting nagmulat ang mga mata.
" Daniel! Mabuti't gising ka na. " sabi ko sabay yakap sa kanya. Tila walang expression ang kanyang mukha. At inalis ang mga kamay ko sa pagkakayakap sa kanya.
" Sino ka? Nasaan ako? "
Natulala ako sa sinabi niya. Hindi ko alam kung ang ano ang mararamdaman. Nasasaktan ako. Bakit? Bakit hindi mo ako maalala? Tila babagsak na ang mga luha sa aking mata.
" Wait lang ha? Tatawagin ko si tita. " sabi ko na lang at dali-daling umalis.
*** DANIEL'S POV]
Kakagising ko lang at kaagad akong niyakap ng babae. Hindi ko naman siya kilala. Pero kaagad din naman siyang umalis. Nilibot ng ko ng tingin ang buong paligid, nasa ospital ata ako.
" Anak. " sabi ng babaeng kakapasok lang at kaagad akong niyakap ng mahigpit. "Mabuti naman at gising ka na. " Mommy? Mommy! Naalala ko bigla. Siya ang mommy ko.
" Mommy, what happened? Bakit nandito ako? " naguguluhang tanong ko.
" Naaksidente ka. Alam mo bang nag-alala kami ng sobra! Di bale na, ang mahalaga ay gising ka na."
" Sino po siya? " tanong ko ng makita ulit ang babae na walang imik at nakatayo lang sa gilid.
" Anak, hindi mo siya maalala? " hindi makapaniwalang tanong ni mommy. Tinitigan ko siya mula ulo hanggang paa. Wala talaga akong maalala. Hindi ko siya maalala.
" Hindi po talaga. " sagot ko sabay iling. Kaagad na na nagpaalam si mommy upang tawagin ang doctor dahil sa pagkabahala.
" Sino ka nga ba talaga? " tanong ko. Nababakas ko ang kalungkutan sa kanyang mga mata. "Pasensya ka na. " sabi ko. Ayaw kong makakita ng babaeng umiiyak.
" Okay lang. " sagot nito sabay punas ng mga luha. "Kaibigan mo ako. "
" Ah.. okay. " sagot ko at muling pumikit dahil sumasakit na naman ang ulo ko.
Pagkagising ko ay wala na ang babae. Maraming mga bagay-bagay na tinanong sa akin ang doctor. Hindi man nila sabihin, alam kong may mali sa akin.