***[AUTHOR'S POV]
Nabalitaan ni Regina ang nangyari kay Daniel. Kaagad niya itong pinuntahan sa ospital. Nang makarating siya ay nag-iisa ito sa kwarto. Nasaan kaya ang mga bantay niya? Nasaan si Rachel?
" Hi.." bati ni Regina kay Daniel. Nang una ay nagdadalawang isip siya dahil sa mga nangyari. Dahil sa naging pag-uusap nila. "Daniel, kamusta ka? " dagdag niya.
" Sino ka? " tanong nito. Tila nagulat si Regina. "Okay lg ako."
" Nasaan si Rachel? " tanong niya dito imbes na sagutin ang tanong nito.
" Ewan ko, hindi ko alam! Kakagising ko lang. "
" May naaalala ka ba sa mga nangyari last week? Nang pumunta ka sa bahay. " nagtataka kasi siya kung bakit okay itong makipag-usap sa kanya. Samantang last week ay galit na galit ito sa kanya.
" Naalala ko na pumunta ako sa bahay niyo. Pamilyar yung mukha mo pero hindi ko alam kung bakit ako nandoon. "
" Ah, ganun ba? Eh.. si Rachel, naaalala mo ? " hmmm.. hindi niya maalala ang lahat.
" Hindi nga eh. Sabi nyo kaibigan ko daw siya! "
Nagtaka siya bigla. Bakit kaya hindi sinabi ni Rachel na gf siya? Anyways, wala siyang paki. Dahil ito na ang tamang pagkakataon upang maagaw niya si Daniel. Evil laugh.
" Daniel.. alam mo bang ako ang girlfriend mo? " sabi niya na tila ba nasasaktan at hindi siya nito maalala.
" Ha? Seryoso ka? "
" Oo, naaalala mo ang necklace na ito? " tanong ni Regina at ipinakita ang necklace na may nakaukit na "DR". Pero actually, ang necklace ay galing sa ex--bf niya na si David. Kaya DR, stands for David & Regina.
Necklace? Pinilit niyang alalahanin. May scene na pumasok sa isip niya. Sinusuot niya ang necklace sa babae pero blurd ang itsura nito.
" Ikaw ba talaga yun Regina? "
" Oo, bakit ayaw mong maniwala? Nasasaktan ako! Bakit hindi mo ako maalala. Akala ko ba, mahal mo ako! Ba't ganyan ka? " kunwaring siya ni Regina with matching paiyak-iyak pa.
" Sorry, naniniwala na ako sayo. Wala lang talaga akong maalala. " sagot ni Daniel at niyakap ito. Pero wala siyang makapang pagmamahal para dito.
.
***[RACHEL'S POV]
Kitang-kita ko, magkayakap si Regina at taong mahal ko. Parang sinasaksak ang puso ko. Paulit-ulit na dinudurog. Parang sinasaksak ng kutsilyo. Dahil sa sobrang hinanakit ay dahan-dahan kong sinara ang pinto para hindi nila mapansin. Dali-dali akong umalis. Takbo ako ng takbo, gusto kong lumayo. Hilam ng luha ang aking mga mata kaya medyo nanlalabo na ang paningin ko. Napatigil lang ako nang mabangga sa isang tao.
" Sorry, hindi ko sinasadya. Sorry ! " paghingi ko ng tawad.
" Okay lang. " sabi nito at ngumiti. " Hindi bagay sa isang magandang babae ang umiyak. " dagdag nito sabay abot ng panyo.
" Salamat. " sabi ko ngunit hindi inabot ang panyo. "Okay lang, sayo na yan. "
" Welcome, anong pangalan mo ? " tanong nito.
" I'm Rachel. Ikaw? "
" Ako naman si David. " Naku, wag ka nang umiyak ha? "
" I'll try. Salamat ulit. " sagot ko at tinalikuran na ito.
Hindi ko alam kung ano ang gagawin. Sa totoo lang, hindi ko naman alam kung saan pupunta. Gusto ko lang talagang lumayo saglit. Nang mapagod sa kakatakbo ay naglakad na lang ako at may nakita akong tulay na pwedeng upuan. Maganda ang view kaya naisip ko na magpalipas muna ng oras dahil gusto kong mapag-isa. Napag-isipan kong maupo kaso hindi ko maabot. Grrrr.. Kaya ang ginawa ko ay patalon-talon. Kaso ayaw talaga!
" Miss! Wag kang magpapakamatay! " biglang may nagsalita at pinigilan ako sa pagtalon. Familiar ang boses.
" Ako? Magpapakamatay? " sabi ko at hinarap ang lalaking nagsalita. "Teka, ikaw yung kanina ah. David! "
" Ako nga, akala ko kasi magpapakamatay ka! " sagot niya.
" Ah.. ba't nga pala nandito ka? Umalis ka naman kanina ah. "
" Sinundan kita. Hindi kasi ako convince sa mga sinasabi mo. Baka ano pang gawin mo. "
" So, sinasabi mong hindi ako convincing? " tanong ko sabay taas ng kilay.
" Hindi naman sa ganun pero parang ganun na nga. Mayroon lang kasi akong naalala na muntikang nang magpakamatay ng dahil sa akin. She's my ex gf. We love each other pero kailangan kong wakasan ang relasyon namin. Nag-migrate kami ng states, ngayon lg ulit bumalik. Nahirapan akong mamili between her and my parents. Iniwan ko siya ng hindi man lang nagpaalam dahil ayaw kong umasa pa siya na babalik ako. "
" I'm sorry to hear that ! "
" Kaya ayaw kong makakita ng mga babae na umiiyak ng dahil sa lalaki. " wika nito.
" Nakakarelate ako sayo. Ako din yung dahilan kung bakit nasaktan ang tanong mahal ko. Tragedy do happens. " malungkot kong sabi.
" What do you mean na ikaw ang nanakit sa kanya? Tsaka anong trahedya? " curious na tanong nito.
" Dahil sa pagiging selosa ko, naaksidente siya. " sagot ko. Hindi ko talaga maiwasang sisihin ang sarili ko.
" Naku, advice ko lang. Wag mo masyadong sisihin ang sarili. " hindi ko man siya masyadong kilala pero ang gaan na ng loob ko makipag-usap.
" Susubukan ko. "
Nagkuwentuhan lang kami. Isang pagsisimula ng bagong pagkakaibigan.