EPISODE 12: The Real Reason

1377 Words
Cathy’s POV Pagkatapos kong malaman ang nangyari kay Shanie, sinusubukan kong contact-in si Jonie. Pero hindi ko siya ma-contact. Tine-text ko siya, di siya nagre-reply. Tinatawagan ko siya, di niya sinasagot. E hindi ko naman memorize ang papunta sa kanila dahil kasama ko nun si Shanie. At sigurado akong ayaw niya na munang makita si Jonie. Kaya hinayaan ko muna. Nandito ako ngayon sa park. Nag-iisip kung paano ko matutulungan si Shanie. Nang biglang… Jonie: Cathy? Napatingin ako sa tumawag sakin. Nanlaki ang mata ko at napatayo ako agad. Cathy: Jonie! Oo. Si Jonie nga. Pag sinusuwerte ka nga naman oh. Jonie: Ba’t ka nandito? Tsaka bakit mag-isa ka? Ngayon lang kita nakitang mag-isa ah. Cathy: Gusto ko muna kasi ngayon makapag-isa. Jonie: Bakit? Cathy: Gusto kong makapag-isip ng mabuti. Jonie: Anong kailangan mong pag-isipan? Cathy: Kung paano ko matutulungan sa problema ang kaibigan ko. Nakatingin lang ako sa harap habang sinasabi yan. Jonie: Sinong kaibigan? Napatingin ako sa kanya. Cathy: Si Shanie. Napaiwas naman siya. Jonie: Ahh…ganun ba? May problema siya? Hindi ko alam pero nainis ako dun. Parang wala lang sa kanya. I mean, hindi naman sounds na wala siyang pakielam pero parang hindi niya alam na siya ang dahilan. Cathy: Oo. May problema siya. At alam kong alam mo, kung ano---I mean sino ang dahilan ng problema niya. Napatingin naman siya sakin. Jonie: Pano ko naman malalaman? Matagal na kaming walang communication. Cathy: Jonie. Sagutin mo nga tong tanong ko. Gusto ko well said ang sagot mo. May explanation. Gusto mo ba si Shanie? Napatingin siya sakin pero umiwas din agad. Akala ko hindi niya sasagutin. Pero… Jonie: Hindi ko siya gusto. Well, gusto ko siya as a friend, pero more than that? Hindi. Hindi naman sa gusto ko siyang saktan. Gusto ko lang malaman niya ang totoo. Kasi alam ko mas masakit kapag pinaasa ko siya. Katulad ng ginawa ko noon. Ayaw ko nang ulitin yun. Yan kasing gusto gusto na yan, wala pa yan sa isip ko. Kasi nangako ako sa sarili ko na Study First. Talagang mas palakaibigan lang ako sa mga babae kaysa sa mga lalaki pero hindi ako bakla. Mas matitino kasi ang mga babae kaysa sa mga lalaki kaya mas close ako sa kanila, sa inyo, pero wala akong gusto sa kanya e, wala talaga. Hindi ko naman matuturuan ang puso ko, kung hindi ito tumitibok para sa kanya. Cathy: Sigurado ka? Hindi mo siya gusto? Be honest Jonie. Kahit ngayon lang. Jonie: Ano bang magagawa mo kung hindi ko siya gusto? Hinarap ko siya sakin dahil napupuno na talaga ako. Cathy: ANO BA TALAGANG PROBLEMA MO HA?! BAKIT GANYAN KA?! BAKIT PARANG WALA KANG PAKIELAM SAKANYA?! PARANG OKAY LANG SAYO NA NAHIHIRAPAN SIYA! ALAM MO BANG IKAW ANG DAHILAN KUNG BAKIT NAGKAKA-PROBLEMA SIYA?! KUNG BAKIT NA-OSPITAL SIYA?! ALAM MO BANG--- Hindi ko na natuloy ang sinasabi ko kasi hindi ko na kaya. Naiiyak na ko. Dahil pati ako nasasaktan para sa kaibigan ko. Para kay Shanie. Pano kaya kung siya mismo, marinig niya ang mga sinasabi ni Jonie? Baka ma-ospital na naman siya. Nakayuko lang si Jonie. Pero pansin kong may tumutulo mula sa mga mata niya. Hala! Umiiyak ba to? Pero siya tong nanakit diba? Bakit siya umiiyak? Magsasalita na sana ulit ako pero naunahan niya ko. Jonie: Tingin mo ba ginusto ko ang ginawa ko kay Shanie? Nagtaka ako sa sinabi niya. Inangat niya ang ulo niya kaya nakikita ko na ngayon ang mukha niya at ang mga tumutulong luha mula sa kanyang mga mata. Cathy: A-anong ibig mong sabihin? Jonie: Pumunta rin ako nun sa ospital. Pero hatinggabi kaya walang nakapansin sakin. Kung tutuusin, nakita ako ni Shanie, pero alam kong iniisip niyang panaginip lang yun. Bumuntong-hininga siya. Jonie: Cathy…sasabihin ko sayo ang totoong rason, pero mangako kang hindi to malalaman ng kahit sino, lalong-lalo na ni Shanie. Tumango nalang ako. Sabi ko na e. May mali. Jonie: Ang totoo, habang sine-send ko ang pinaka-last message ko kay Shanie, umiiyak ako. Kasi nasasaktan ako. Kung alam lang niyang mas masakit para sakin na sabihin ang mga salitang yun. Cathy: Pero bakit mo ba talaga sinabi yun? Ano ba talagang problema? Jonie: Meron kasi akong naka-away. Pero makapangyarihang tao. At may gusto siya kay Shanie. Nanlaki naman ang mata ko dun. Cathy: May gusto kay Shanie?! Wag mong sabihing si Ivan yun? Jonie: Tama ka. Si Ivan nga. Binangga ko siya dahil sumosobra na siya. Nainis ako sa ginawa niya sa ka-barkada ko. Pero wrong move pala yun. Expected naman naming bugbog sarado kami, pero binigyan niya kami ng chance para hindi mabugbog. -------------------- Jonie’s POV Jonie: Tama ka. Si Ivan nga. Binangga ko siya dahil sumosobra na siya. Nainis ako sa ginawa niya sa ka-barkada ko. Pero wrong move pala yun. Expected naman naming bugbog sarado kami, pero binigyan niya kami ng chance para hindi mabugbog. --FLASHBACK— Ivan: May paraan pa naman para hindi kayo mabugbog e. Jonie: At ano naman yun?! Lumapit sakin si Ivan. Ivan: Alam mo namang may gusto akong babae hindi ba Jonie? Bigla naman akong kinabahan dun. Anong kinalaman ko sa gusto niyang babae? Jonie: Anong pakialam ko sa babaeng yun? Bigla naman siyang tumawa. Ivan: Anong pakialam mo? Well, malapit siya sayo. Jonie: Ano ba talaga ang gusto mo mangyari? Ivan: Simple lang, gusto kong wag ka nang lalapit, magpapakita…at gusto ko wala ka nang komunikasyon, o ano mang connection sa kanya. AS IN WALA DAPAT. Jonie: Ano bang kinalaman ko sa babaeng yan? Sino ba yan para humiling ka sakin ng ganyan? Ivan: Si Shanie. Shanie Miranda. Nanlaki ang mata ko. Jonie: A-Ano?! S-Si Shanie?! Hahaha…kahit anong gawin mo hindi ka magugustuhan nun. Maniwala ka sakin. Ivan: Anong sinabi mo?! Kailangan mo kong sundin. Dahil kung hindi--- Jonie: Ano? Bubugbugin mo kami? Edi sige. Bugbugin niyo kami. Mas gusto ko pa yun kaysa mapalapit ka kay Shanie. Atleast pag nalaman niyang nabugbog ako, araw-araw dadalawin niya ako hanggang sa gumaling ako. Diba? Pamumutol ko sa kanya. Ivan: Dahil kung hindi…PAPATAYIN NAMIN ANG BARKADA MO! Nagulat naman ako dun. Jonie: Anong sinabi mo?! Hindi! Hindi pwede! Ivan: Seryoso ako dun! At hindi lang yun! Pwedeng-pwede ko rin isama sa kanila si Cathy. Jonie: Demonyo ka! Wag mong isali dito si Cathy! Wala siyang kinalaman dito! Ivan: AT si Shanie. Kahit gusto ko siya, hindi ko naman siya mahal. Kaya ayos lang na mamatay siya. At IKAW! Mananatili kang buhay. Mas mapapahirapan kita sa ganung paraan kaysa ikaw mismo ang patayin ko. Ano? Mamili ka. Mawawala ang barkada mo, si Cathy at si Shanie sa mundong ito, o mawawala ka sa buhay ni Shanie? Kung tutuusin wala akong pagpipilian. Hindi pwedeng madamay ang barkada ko dito, lalong-lalo na sila Cathy at Shanie. Jonie: Sige. Susundin ko ang gusto mo. Basta hayaan mo lang silang buhay. Ivan: One more. Dapat pati kay Cathy, wala kang koneksyon. Understood? Wala na akong nagawa kundi tumango. With that, iniwan na nila kami. --END OF FLASHBACK – Cathy: E napakasama naman pala niyang Ivan na yan e! Tumango nalang ako. Cathy: Pero pano na yan? Ah! Alam ko na! Make it up with Shanie! Jonie: HA?! Cathy: Bumawi ka sakanya! Jonie: Narinig mo ba ang sinabi ko? Mamamatay kayo pag nagkaron ako ng koneksyon sa kanya. Cathy: E bakit walang nangyayari sakin? Jonie: Ano? Cathy: Diba hindi ka rin dapat magkaron ng koneksyon sakin? Shoot. Oo nga pala. Pero wala namang masama kung bumawi ako kay Shanie. Di naman siguro matutunugan ni Ivan yun. Jonie: Sige na nga. Pero pano? Cathy: Hmm…Haranahin mo. Kantahan mo. Mahilig siya sa music e. And mag-pe-perform rin. Game? Jonie: Teka ngayon na ba? Cathy: Ay hindi hindi! Bukas. Para mahuli tayo ni Ivan. Matalino talaga tong si Cathy. Pin-ractice niya ko sa kantang kakantahin ko mamaya. Correction pala. MGA kakantahin. Kasama rin ang Bear Friends. Talagang magkakasama sila lagi. Woah! May korean pa. Isang song at dance. Sa dance, kasama ko silang Bear Friends, kami ni Cathy ang lead. Sa ibang kanta kasama ko naman si Cathy. Minsan lang to, baka nga last na kaya dapat gandahan ko. Kulang nalang maging mini-concert na namin to, pero sigurado akong matutuwa si Shanie dito. After ng rehearsal, dumiretso na kami sa bahay nila Shanie. --------------------------------------------------EPISODE 12: THE REAL REASON--------------------------------------------------
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD