Shanie’s POV
Okay na okay na kami ni Jonie.
Pero nung mga nakaraang araw yun.
Dahil may problema na naman kami.
Magka-text kami ni Jonie ngayon.
Shanie: Ano gawa mo?
Jonie: As usual.
Shanie: Hindi ka ba talaga nagsasawa diyan?
Jonie: Hindi.
Ang dry na naman niya.
Shanie: Bakit ganyan ka na naman?
Jonie: Ano? Dry na naman ako?
Shanie: Ahh…Medyo.
Jonie: Wag ka na mag-alinlangan. Alam ko naman e. Pero wala kang magagawa. Ganito ako. Kaya kung magrereklamo ka lang wag ka nang magtext.
Nagulat ako sa mga sinend niya. Bakit parang ang init ng ulo niya?
Shanie: Jonie, okay ka lang? Parang galit na galit ka. Nagsasabi lang naman ako ng totoo. Na nagiging dry ka na ulit. Pero hindi naman ako nagrereklamo.
Jonie: Last reply ko na to sayo ha. Halata naman na nagrereklamo ka. Kaya wag kang magbait-baitan. Tss. Akala ko ba matapang ka? Bakit di mo sabihing diretso ang mga gusto mong sabihin? Walang kwenta. Malaki problema mo noh? Kung wala kang matinong sasabihin wag ka nang magtext. Please lang. Kasi naiirita na talaga ako sayo. Kung pwede lang rin wag ka nang magpakita. Ako nang nakikiusap sayo. Umalis ka na sa buhay ko. Ayaw ko nang DUWAG na tao.
Hindi ko namalayan tumutulo na pala ang mga luha ko habang binabasa yung message niyang yun. Hindi na ko nag-reply kasi hindi ko na kinaya. Dahil napahagulgol nalang ako sa sakit.
Tinawagan ko nalang si Cathy.
Calling Cathy…
Cathy: Hello?
Shanie: H-hello? Cathy? P-pwede b-ba t-tayo magk-kita?
Cathy: Shanie? Umiiyak ka ba? Anong nangyari sayo? San mo gusto magkita tayo?
Shanie: S-Sa A-Astro Park n-nalang.
Cathy: Okay. Sige. I’ll be there. Wait for me.
Call ended.
Pumunta na ko sa Astro.
Pagdating ko wala pa si Cathy. Umupo nalang ako sa ilalim ng isa sa mga puno dun. After 5 minutes dumating na siya. Niyakap ko siya agad at umiyak.
Cathy: Shanie! Ano ba talaga nangyari? Bakit ka umiiyak?
Alalang tanong niya.
Shanie: S-si J-Jonie…
Cathy: Bakit? Anong si Jonie?
Bumitaw na ko sa yakap at umupo kami sa ilalim ng puno kung nasan ako kanina, at pinakita ko sakanya yung message ni Jonie.
Cathy: A-ano to?! Bakit niya nasabi lahat to? Wala naman akong nakitang masamang sinabi mo. B-Bakit parang galit na galit siya?
Medyo okay na ko. Tumigil na ko sa pag-iyak.
Shanie: Hindi ko rin alam. Hindi ko nga siya maintindihan e.
Cathy: Pero…iba ang pakiramdam ko. Parang may mali.
Napatingin ako sa kanya at nagtaka. Pero yun rin nararamdaman ko.
Para ngang may mali.
Cathy: Pero ano nang gagawin mo ngayon? Iiwas ka na ba? Kasi hindi naman maiiwasan na magkita kayo sa labas unexpectedly.
Shanie: Ayokong umiwas, pero mas ayokong ipilit ang sarili ko sa taong hindi ako kailangan. Masakit pero kailangan tanggapin. Mahirap pero kailangan gawin. I need to accept the fact na hindi na tatagal ang friendship namin. Kung kailangan ko mag-pretend na masaya ako, na okay lang ako, gagawin ko. Kasi yun ang kailangan. Yun ang dapat. Masasanay din naman ako e, kasi hindi ibig sabihin nun na sawa na ako. Tumigil lang ako kasi ayaw ko nang masaktan. At hindi na niya ako kailangan, dahil nakikita ko, mas masaya na siya sa iba niyang kaibigan.
Tumango-tango nalang siya.
Pag kasi ganyan na ko wala na siyang masagot.
Pagkatapos namin mag-usap umuwi na kami.
Wala na kong naging balita kay Jonie. Na-depress ako kaya na-ospital ako.
Nagising ako sa ospital ng hatinggabi ata. Kasi ang dilim. May humahawak sa ulo ko, pagdilat ko, nagulat ako.
Totoo ba to? Si Jonie?
Pero sumakit lang ang ulo ko kaya pinikit ko nalang ulit ang mga mata ko.
--------------------------------------------------EPISODE 11: ANOTHER FRIENDSHIP PROBLEM--------------------------------------------------