KINABUKASAN.
Cathy’s POV
Pupunta akong school ngayon kasama sila Shanie. Nagpapatulong kasi akong kumuha ng Request For Form 137 kasi nga transferee ako at natapos na ang school year wala pa kong naibigay na form. Nagka-chat muna kami ni Shanie bago pumuntang school.
Shanie: Niyaya ka ba niya maglibot?
Cathy: Hindi nga. 'To naman as if naman. Kung magyayaya man siya malamang una ka niyang yayayain dba? Sa mga friends niyang girls.
Shanie: Eh, si Angel…di naman daw niya yun niyaya. Tinanong ko kasi si Angel. Si Syndy naman, di rin daw. Eh bakit ako? Niyaya nya. Tapos nung nagtatanung ako sino mga kasama, "Basta" yun lang ang sagot nya.
Cathy: Kailan daw? E sasamahan mo kami ngayon.
Shanie: Oo sasama ako ngayon. Sabi ni Jonie. Sa Mahal na Araw daw.
Cathy: Ahh...ang advance naman niya magyaya.
Shanie: Oo nga eh. Nag aalibi na nga ako kagabe eh. Sabi ba naman daw nya saken. “Pwede ka sige. Sama ka nuh.”
Cathy: Parang may something ah. Gusto niya kasama ka tapos ayaw niya sabihin kung sino mga kasama.
Shanie: Oo nga eh. Ewan lang. Sarap batukan. Walang something dun noh.
Cathy: Malay ba natin bakit ayaw niya sabihin kung sino kasama parang sasabihin lang haha. Anu yun tinatamad kaya "basta" nalang sinabi?
Shanie: Ewan.
Dun na namin tinapos ang conversation namin. Pupunta narin kasi ako sa school magkikita rin naman kami dun.
Pagkarating dun, naghintay pa ko ng almost 30 minutes. Malayo rin kasi bahay nila mula sa school. Pagdating niya, pumasok na kami kaso malas, walang Guidance kaya hindi kami nakakuha ng request.
Shanie: San na tayo punta?
Cathy: Ikaw? San mo gusto? Ayoko parin kasi umuwi e.
Shanie: Ako rin. Punta nalang tayo kila Jonie. Gusto mo?
Cathy: Kaw bahala.
Then yun, pumunta nalang kami kila Jonie.
Naglakad lang kami.
Natatawa kami habang papunta dun. Kasi dapat te-text ko si Jonie na pupunta kami sa kanila kaso bigla naman nag-lobat phone ko. Kaya no choice si Shanie na siya magtext kay Jonie. Haha. Natatawa talaga ako. Destined ata talaga sila.
Pagkarating namin dun, inabutan namin yung mga kapatid niya. Tapos lumabas na siya, medyo awkward pa sila.
Yes sila.
Sinasadya kong hindi magsalita kasi gusto ko makapag-usap muna sila nang sila lang. Pero mamaya maya, okay na. Masaya na at ang active na.
Jonie: Gusto mong mangga?
Tanong niya kay Shanie.
Umiling nalang si Shanie.
Jonie: Yow, Cathy, do you want some mango?
Napatawa naman ako dun.
Cathy: No thanks. I’m okay.
Ganti ko sa kanya. Hahaha. Nagkuwentuhan lang kami nila Shanie.
Jonie: Noh? Cathy? Appear…
Sabi ni Jonie habang nakataas ang kamay niya. Nag-joke kasi siya. Hindi ko in-appear-an yung kamay niya. Tinignan ko lang siya.
Jonie: Cathy naman. Close na tayo diba? Pinapahiya mo naman ako e.
Tapos tumawa kaming lahat pati mga kapatid niya nandun e.
Biglang umaraw. Ang sakit sa balat. Pero tinitiis ko nalang.
Jonie: Cathy, dito ka oh. Mainit na.
Sabi ni Jonie at pinapaupo ako sa tabi niya.
Tinignan ko naman si Shanie. Pinipilit ako ni Jonie na dun nalang sa tabi niya ng biglang magsalita ang kapatid niya.
Irene: Ganito nalang. Ikaw Ate Shanie dito ka nalang sa tabi ni Kuya tapos diyan nalang si Ate.
Hahaha. Matalino talaga mga kapatid ni Jonie.
Gusto rin kasi nila si Shanie para kay Jonie. Parang buong pamilya yata ni Jonie boto kay Shanie eh.
Shanie: Ang ayos ayos ng pwesto ko dito.
Nag-usap-usap lang kami hanggang sa nagdesisyon na kaming umuwi. Kaso parang ayaw pa kaming pauwiin. Pero mag-ga-gabi na e bawal ako magpagabi.
Naglakad lang kami at lumabas sa kanto ng Dona Anicia. May nakita kaming nagtitinda ng halo-halo kaya bumili muna kami dahil sobrang init talaga. Pagkatapos dumiretso na kami umuwi.
I can say na one of the best days of my life itong araw na to. Kasi kung di dahil kay Shanie,Jonie at mga kapatid ni Jonie magiging isang boring na araw na naman ito.
--------------------------------------------------EPISODE 10: UNEXPECTED DAY--------------------------------------------------