Shanie’s POV
Lumipas ang mga araw at okay na ang friendship namin ni Jonie.
Meron din akong naging new best friend. Actually, friend ko naman siya, pero hindi ko naman nasasabi lahat sa kanya noon.
Well noon yun, kasi nga bestfriend ko na siya. Naging komportable ako sa kanya at pakiramdam ko masasabi ko talaga lahat sa kanya.
Her name nga pala is Cathy.
Cathy Arca.
Nung minsan nga nagka-chat kami about kay Jonie. Well, nung kinagabihan yun, kasi that day, nagkausap sila ni Jonie.
--------------------
Cathy’s POV
Hi. I’m Cathy.
Cathy Arca.
Ako ang new best friend ni Shanie base on her.
Ngayong gabi, nagka-chat kami ni Shanie and about yun kay Jonie.
Earlier that day kasi, nagkausap kami ni Jonie. Nagkakuwentuhan. Matatawag kong last day of school ang araw na yun. Pero ngayon lang nangyari sakin ang, knowing each other at the end of school year. Kasi dun lang kami nakapag-usap ni Jonie na about sa real life happenings samin.
--FLASHBACK—
Katabi ko ngayon si Mich. Nanonood siya ng Story Video Version na ginawa ko sa laptop. Wala akong balak i-post yun. Yup, laptop. Nasa school ako niyan ha. Hehe. Actually, masasabi kong last day of school ang araw na to, kaya okay lang dalhin ko, halos nasa room lang naman kami at walang teachers. Nakinood narin sa kanya sila Kristoffer, Jun-Jun at Jonie. Napansin rin nilang halos classmates at hindi mga artista ang mga ginamit kong characters. May artista naman, pero halos classmates and friends ko.
Jonie: Wala ako diyan?
Nginitian ko siya.
Cathy: Wala e. Pero sa next story na gagawin ko meron na.
Jonie: Promise yan ah. Hahaha.
Cathy: Oo na. Promise. Tsch.
Tapos nanood na uli sila.
Pero wala pang 5 minutes nagsalita nanaman si Jonie.
Jonie: Sayo story yan?
Cathy: Actually, hindi. Galing lang siyang w*****d dinownload ko lang softcopy niya kaya nagawan ko ng video.
Jonie: Ahh…Kala ko sayo e.
Cathy: Tsch. Pangarap nalang ata na makagawa ako ng ganyang kagandang story.
Jonie: Alam mo sa buhay, walang imposible. Basta, magtiwala ka lang.
Cathy: Haha. Opo.
Nanood na ulit sila.
After how many minutes, may tumawag kay Mich kaya ini-stop na yung video. Pinuntahan niya yung tumawag sa kanya. Pero sila Jun-Jun and Jonie dun na umupo sa next row exactly sa likod ko.
Walang nagsasalita samin hanggang sa Jonie broke the silence.
Jonie: Tapos na clearance mo?
Nagpapapirma nalang kasi kami ng clearance kaya kami pumupunta ng school.
Cathy: Hindi pa nga e. Kulang pa ko ng hmmm…5.
Jonie: Ahh…ako isa nalang. Kay Sir nalang.
Cathy: Ow? Patingin.
Binigay naman niya yung kanya. Oo nga kay Sir nalang. Yung sa adviser namin. Ang bilis naman.
Cathy: Ang bilis ah.
Jonie: Siyempre. Ako pa?
Cathy: Tsch. Maiba ako. Jonie anong…tingin…mo kay Shanie? Alam mo namang may gusto siya sayo diba? Pero kung ayaw mo sagutin ayos lang. Masyado nga namang personal.
Jonie: Ahh…
Nakatakip parin ang panyo niya sa bibig niya. Bihira niya lang hindi takpan ang bibig niya ng panyo niya. Mukha tuloy siyang may nakakahawang sakit.
Cathy: Bakit mo ba kasi siya nilayuan? Alam mo kasi ako, ayaw kong may nananakit sa mga kaibigan ko. Physically or emotionally. Especially sa mga bestfriends ko. And Shanie was one of that bestfriends. Pero alam ko namang sa kaso niyo ni Shanie pareho kayong may mali. Pero gusto ko sana malaman yung side mo.
Jun-Jun: Nako. Torpe kasi yan e.
Mikaella: Hey CareBear.
CareBear ang tawag sakin ng mga pinaka-close ko. Bear Friends kasi kami e. May suffix na bear ang mga tawagan namin.
Cathy: Bakit nandito ka na naman?
Ganyan talaga pakikitungo namin sa kanya pero in a style of joke. Siya kasi ang nakakatawa samin.
Mikaella: Ay ganun? Sige alis na ko.
Cathy: Edi go.
Mikaella: Ito naman. Joke lang naman.
At nagtawanan kami.
Jun-Jun: Ayan si Mikay. Diba Mikay torpe tong si Jonie?
Mikaella: Oo nga. Pero, alam mo noon, may nagkagusto sa kanya. Tapos lagi siyang nililibre. Actually, sa totoo lang siya nagpapalibre e. E siyempre, gusto siya nung babae kaya nililibre naman niya. Pero kapag naman lumalapit yun sa kanya ng wala-wala lang nagagalit itong si Jonie.
Jonie: Di kasi. Di ko naman siya gusto.
Cathy: Pero hinayaan mo siyang ilibre ka. Siyempre aasa yun na may chance siya sayo.
Jonie: Ehh…
Tapos tumawa nalang siya.
Cathy: Tss…Hayaan mo na yun. Past is past ok?
Sumang-ayon naman kaming lahat. Tapos hiniram niya yung sketch pad ko.
Jonie: Pwede pahiram?
Cathy: Sige.
Jonie: Sigurado ka ha? Di ka galit?
Loko-loko talaga ito. Parang yun lang magagalit? Tsaka isa pa, isa siya sa mga pinakamabait sa boys dito kaya now, I consider him as one of my friends.
Jun-Jun: Magda-drawing ka na naman? Ganyan talaga yan, pag walang magawa, nagda-drawing.
Napa-“ahh” nalang ako.
Cathy: Alam mo, nakakainis talaga yung service namin. Biruin mo, pag papasok maaga siyang isang oras bago yung class time talaga. 10:30 palang nandun na siya. Pero kapag pauwi naman lagi siyang late. Nakakainis diba?
Jonie: Diba sa Saudi kayo nakatira?
Cathy: Oo. Diyan sa Mabiga. Sa tapat ng San Rafael Church.
Jonie: Sino ba yang service mo?
Cathy: Si Kuya Garu.
Jonie: O? Garu?
Cathy: Oo. Bakit?
Jonie: Tricycle Driver yun dun sa Saudi diba?
Cathy: Pano mo nalaman?!
Gulat kong tanong.
Jonie: Kaibigan kasi ni Papa ko yun.
Cathy: O?
Natatawa kong tanong. What a coincidence diba? Service ko kilala niya.
Jonie: Lahat ng tricycle drivers dun kilala ng Papa ko kaya kilala ko rin. Kilala rin nila ako.
Cathy: Talaga lang ha?
Jonie: Bata pa ko nun lagi ako sinasama ng Papa ko nun.
Cathy: Ahh…kaya pala.
Jonie: Si Bato kilala mo?
Cathy: Bato? Hindi e. Service ko lang ata kilala ko sa mga tricycle drivers dun.
Jonie: E si Toyo?
Medyo natawa ako dun. Kakaiba pala talaga ang mga pangalan ng tricycle drivers samin. Grabe! Mas alam niya pa kaysa sa akin.
Cathy: Hindi ko rin e. Sila Boni lang, Kuya Garu. Hindi ko naman kilala mga yun e. Mama ko close sa mga yun.
Jonie: Si Alex kilala mo yun?
Cathy: Alex? Kilala ko lang Alex yung namatay. Yung malaki yung tiyan. Sakit niya ata yun e.
Jonie: Ahh…Oo. Pero hindi yun.
Cathy: Alex? Hmm…sino ba yun?
Jonie: Papa ko.
Cathy: Ahh…yun yung papa mo. Hmm…tanong ko nalang kay mama baka kilala niya.
Jonie: Sige. Ano nga pala pangalan ng mama mo?
Cathy: Huh? Susan Arca.
Jonie: Ahh…O sige. Tanong ko rin kay Papa ko kung may kilala siyang…Susan?
Cathy: Oo Susan Arca.
Biglang dumating yung mga kaibigan ko. Inutos ko nalang kasi sakanila yung clearance ko tutal maglilibot rin sila para sa mga clearance nila. Hindi pa daw napirmahan yung TLE and Guidance kasi dapat daw ako yung pumunta dun. Kaya pumunta na ako at napirmahan na ang clearance ko.
OKAY NA! YES! Ay! Nadala ko pala yung clearance ni Jonie.
Bumalik na kami sa room at nakita kong hindi parin pala umalis sa pwestong yun si Jonie. Hay! Tsk.Tsk.Tsk. Pag talaga nasa isang lugar lang siya ayaw na niyang umalis dun.
Cathy: O? Tahimik mo? Wala kang kausap?
Ngumiti nalang siya.
Cathy: Nga pala. Hindi mo pa pala sinasagot yung tanong ko kanina.
Jonie: Hmm?
Cathy: Bakit mo ba talaga siya iniwasan?
Jonie: Sino?
Cathy: Alam kong alam mo kung sinong tinutukoy ko.
Jonie: Eh kasi…
Natatawa siya at napakamot sa ulo. Tinaasan ko siya ng kilay na nagtatanong na “Ano?”
Jonie: Kasi nga sinabihan niya kong dry.
Cathy: Yun lang?
Jonie: Oo. Pero siyempre…
Cathy: Sana naging more understanding ka nalang. Tsk. Sayang closeness niyo.
Napakibit-balikat nalang siya.
Cathy: Alam mo bihira lang magkaroon ng mga tunay na kaibigan. Kaya nga ako thankful ako, kasi meron akong tunay na mga kaibigan. Yan sila, Kristoffer, Faye, Mikaella, Adrian, Marian lalong-lalo na yung mga kaibigan ko since elementary at hanggang ngayon magkakasama parin kami. Lagi kami ang magkakasama pag gumagala. Basta siguradong magkakasama kaming apat. Kaya nga pag…
Shanie: Cathy…pwede pahiram ng laptop?
Sabi ni Shanie habang palapit samin.
Jonie: Tss…Istorbo ka…Nag-uusap kami e. Shoo! Alis!
Pagbibiro ni Jonie.
Natawa naman ako sa kanila.
Pinahiram ko na kay Shanie yung laptop. Tapos tinuloy ko na yung kwento ko kay Jonie.
Cathy: Yun nga. Kaya nga pag umaalis basta siguradong kasama namin ang isa sa aming apat siguradong pwede na kami gumala. Lalo na ako noon kailangan lagi kong kasama si Therese para payagan ako umalis e. Strict kasi mama ko e. Ayaw kong ginagalit yun. Kasi kahit sanay na kong napapagalitan, naiiyak parin ako.
Jonie: Oo nga. Pero ako naman, pag pinagalitan ako, mama ko pa lalapit sakin para mag-sorry.
Na-touch naman ako sa sinabi niya. I mean, yun bang sana ganun rin ang mama ko.
Nagkwentuhan lang kami ng nagkuwentuhan hanggang sa uwian na. Nagba-bye pa siya nun, at flying kiss sign. Hindi yun nakita ni Shanie sayang nga e. Hindi niya nakita. Para pa naman sakanya yun.
Syndy: Bheshiie…hindi mo nakita nagbye sayo si Jonie…Yiieee.
Sinamaan lang niya ng tingin si Syndy.
Cathy: Nie totoo nagba-bye siya sayo. For sure sayo yun. Sweet nga e.
Shanie: Tss…hindi noh.
Cathy: Para kanino pa kaya?
Shanie: Para sayo. Ikaw yung kanina pa niyang kausap hindi ba?
Cathy: Hahaha…ano ngayon? Selos ka?
Shanie: H-Hindi a-ah.
Cathy: Tss…hindi ka magaling magpalusot.
At pinagpatuloy nalang namin ang paglilinis at pagkatapos maglinis umuwi na kami.
--END OF FLASHBACK—
Ka chat ko nga pala si Shanie.
Shanie: Anong tingin mo kay Jonie?
Cathy: Medyo okay rin naman siya kausap…and to my surprise mas kilala pa niya mga tricycle driver dito samin kaysa sakin…unexpectedly kilala rin niya service ko…haha…share lang…
Shanie: Oh..Haha…
Cathy: You should know his father…ano nga ulit name nun...Alex? Right?
Shanie: Oo. Why?
Cathy: T-Driver din ba yun?
Shanie: Hmm…yun ang hindi ko alam. Kasi ngayon alam ko, nagtitinda ng ano kasi yun? Ah. Salad.
Cathy: Ahh…kasi medyo naguluhan ako sa sinabi niya kanina..di ko alam kung t-driver din tatay niya kaya kilala niya yung t-drivers dito samin. Pero hayaan mo na.
Shanie: Ano ba lahat ng pinag-usapan niyo?
Cathy: Wala naman…almost everything about him...for sure pati ikaw alam mo na yung mga sinabi niya sakin kasi about lang naman sakanya e.
Shanie: Ha? Like what?
Cathy: About sa may crush sa kanya dati...na nagpapalibre siya dun. Actually dalawa daw sila tapos lapit daw ng lapit sa kanya yun. Tapos sabi niya daw hindi porket nililibre siya pwede nang lapit ng lapit. Sabi ko nga e pinapakita mong may chance siya e. May problema rin siya e noh? Palibre siya ng palibre tapos pag lumalapit ayaw niya. Tsk.tsk.tsk.
Shanie: Sino dun? Si Kim?
Cathy: Ehh...d ko alam name e. D ko na tinanong mamaya sabihin chismosa ako haha
E ni di ko naman tinanong eh.
Shanie: Si Kim lang kasi ang alam kong may crush sakanya dati. At nilayuan nya yun dahil may nagawa yun na ayaw nya. Di ko alam ang tungkol dun. Kasi di ko na hinahalungkat ang past nya
Cathy: Ewan ko lng...di ko na masyadong inusisa...past is past narin naman dapat dba? Mas mabuting wag nalang niya alalahanin kung ayaw niya naman yung nangyari dba?
Shanie: Oo. Kahit ako di ko na tinanong lahat. Bahala na. Mukha ba kong lumalayo sakanya?
Cathy: Di naman, nakakatawa nga kayo kanina e. Natatawa pa ko ngaun pag naaalala ko. E sa gusto mo rin akong kausapin e anong magagawa niya dba?
Shanie: Kanina? Bakit? Kame? Nakakatawa? Ahh. Yung istorbo daw ako? Haha.
Cathy: Ewan ko sa kanya. Lahat naman ng istorbo pag may kausap siya ganun sinasabi niya. For sure. Haha dejk. Hindi naman siguro siya ganun ka-mean.
Shanie: Ow nga. Naku nakakainis talaga. Istorbo busit. Hay naku. Yun talagang taong yun kung ano-anong pinagsasabi. Jonie Castro kasi e. I mean Jonie Jadraque Castro. Yung taong dry.
Cathy: Haha. Nie neh.
Shanie: Haha…Alam mo ewan ko ha pero nung 2 weeks kaming hindi nagpapansinan, yung alam ko na talaga wala ganun. Nagalit siya sakin. Nagkatampuhan kami. Ewan ko kung ano-ano na lang pumapasok sa isip ko. Yung kailangan ko na mag-give up kesho ganun. 2 weeks as in hindi kami nag-uusap diba? Pero yung 2 weeks na yun saktong 2 weeks grabe. Sabado gabi. Nakikinig ako ng Torete. Siya pa man din yung nasa isip ko. I-a-accept ko na sana, na wala na talaga. Ang kaso ba naman, nag-text siya. My goodness. Lahat ng in-accept ko parang linunok ko lang. Hay naku.
Natawa naman ako dun. Recordings lang kasi yan. Natatawa ako sa pagkasabi niya. Haha. Tuloy-tuloy lang siya sa pag-send ng recordings.
Shanie: Alam mo Cathy, never ko inano ahh…kinalimutan si Jonie. Pero ewan ko ngayon. Parang pag nakikita ko siya, oo nagugustuhan ko siya lalo. Pero yun bang tipong wala lang sa isip ko. Pero meron sa puso ko. Ewan ko ang g**o-g**o. Naglalaban ang isip at puso ko. Ihh!
Hahaha…Halatang kinikilig si Shanie sa huli niyang sinabi.
Shanie: Alam mo diba nga 2 weeks kaming hindi nag-uusap. Tapos ang malapit si Syndy tsaka siya tapos si Chanel yan sila-sila. Tapos ako, nandun na ko sa harap sa tabi ni Chi-Chi. Umiwas na ko. Siya, una niya akong iniwasan e. Kasi siyempre in-accept ko nalang. Pero yung may kinukuwento sakin si Bheshiie na parang kinikindatan daw siya ni Jonie. Ewan ko iba feeling ko, siyempre nagselos ako, nasaktan ako, tapos yun. Yun na yun.
Nagtuloy-tuloy lang kami mag-chat hanggang sa nagdesisyon na kaming matulog.
----------------------------------------EPISODE 9: CONVERSATION WITH NEW BESTFRIEND----------------------------------------