EPISODE 8: DESTINY OR COINCIDENCE

602 Words
Dumaan ang mga araw at nag-iiwasan sila Shanie at Jonie. Nakahalata ang buong klase dahil hindi na sila tulad ng dati. Maraming nagbago. At lumilipas ang mga araw. Nasasanay na si Shanie na hindi nya kausap si Jonie. Magkaganun pa man, nasasaktan pa din si Shanie. After 5 Days na nag-iiwasan, nagsorry si Shanie sa text dahil hindi nga sila nagkakausap in person. To: Jonie, Jonie, sorry, sorry sa lahat ng nagawa ko. Hindi ako magsasawang magsorry sainyo lalo na sayo. Sana basahin mo ang text ko…at sana bigyan mo ko ng pagkakataon na patunayan na seryoso ko sa pagsosorry ko sayo. Hindi ko to masabi sa personal, kasi nahihiya ako. Natatakot ako na magmukhang tanga…baka hindi mo ako imikan. Sorry talaga. - Shanie Sinubukan tawagan ni Shanie si Jonie for three times but he didn’t answered it. For the last day na itetext ni Shanie si Jonie, umiyak sya. At kinabukasan, tinanggap na nya na tapos na. Wala ng pag asa… School days…nagpepretend si Shanie na masaya kahit na ganun ang situation nila ni Jonie. Lahat ng classmate nya pinapasaya sya. Pero deep inside super lungkot nya. Lahat ng mga classmate nya na nagpapasaya sakanya ay katumbas ng isa at yun ay si Jonie. 2 weeks after pretending… Nagpunta sila ng school para maglinis. Lunch time dumating si Jonie sa school ng nakaporma. Lahat ng classmate nag react. Relle: Ahh! Nagpipintura tapos nakaporma ka? Ok ka lang? Bert: Wapen! Ano ba naman yan! Biglang lumabas si Shanie na may dalang mop. Bigla nyang nakita si Jonie, at sabay napatalikod. Patay malisya nalang ang ginawa nya. *Practice time* Nagpractice sila. Ang g**o g**o ni Jonie sa practice hindi sya mabawalan ni Shanie. Kaya tinititigan na lamang sya ni Shanie. Jonie: Nakatingin ka?! Shanie: Ang g**o-g**o mo kaya hindi tayo matapos tapos! Syndy: Bheshie…alam mo yung tingin mo para kang makakakain ng tao. Shanie: Talaga! Sinabi mo pa! Natapos ang practice at medyo feeling awkward si Shanie. Umuwi na silang lahat at kinagabihan, nagpapatugtog ng Torete si Shanie at bigla nya naisip si Jonie. What a coincidence! Biglang may nagtext at sunod-sunod pa. Tinignan ni Shanie ang phone nya at si…Jonie?! Si Jonie nagtext…Oo tama…si Jonie nga. Hindi malaman kung ano ba dapat ang maramdaman ni Shanie. At first…parang wala lang. Pero habang tumatagal, nagiging masaya si Shanie dahil hindi na galit sakanya si Jonie. Jonie: Hai, Ms. Miranda na ayaw sa taong dry, anong ilalagay sa T-shirt? Shanie: I am a Filipino Jonie: Paano idedesign? Shanie: Ikaw bahala Jonie: Sabi mo yan, ako bahala. Wag ka magrereact pag mali. Shanie: Ayy, hindi pala. Ilagay mong kulay, blue, red, yellow and white. Jonie: Oh tignan mo. Ayy ayy ayy… Shanie: Jonie, pwede magtanong? Jonie: Ano? Shanie: Galit ka pa? Jonie: Ano gusto mo ireply ko? Oo, hindi, dry text o dry na dry? Shanie: Jonie! Yung totoo…yung mula sayo… Jonie: Ang sagot ko…hindi na. Kasi kung galit pa ko, hindi naman kita itetext diba? Shanie: Ahh…sabi ko nga eh. Sorry talaga… Jonie: Ok lang. Kalimutan mo na. Shanie: Eh, bakit mo ko iniwasan? Jonie: Una, sabi mo iniiwasan kita, pangalawa sabi mo dry ako, di ayun tinuluyan ko na. Shanie: Sorry naman…malay ko ba. Sorry po. Dumaan ang mga araw at ok na nga sila. Pero pagdating sa school, hindi sila masyado nag-uusap dahil nakasanayan na nga nila. Tuloy ang agos ng friendship ng dalawa. Pero si Shanie…inspiration nya pa din si Jonie. Si Jonie kaya? May lihim din bang pagtingin kay Shanie? Yan ang hindi natin alam. Is it a coincidence or destiny na nagkaayos ulit sila? --------------------------------------------------EPISODE 8: DESTINY OR COINCIDENCE--------------------------------------------------
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD