"Gwapo talaga ng kapatid ni Sir," kinikilig na sabi ni Myca. Dumating na ang kapatid ni Mr. Jaenn. Pareho na man silang may hitsura at maganda ang pangangatawan. Pero ibang-iba iyong kapatid ni Mr. Jaenn sa kaniya. Malayo ang ugali nila. Nagulat na lang ako kanina ng may sumigaw. Akala ko kung sino iyong kapatid lang pala ni Mr. Jaenn. Pero parang sanay naman na ang mga tao rito sa kaniya. "Hindi ka kinikilig sa kaniya?" nagtatakang tanong ni Myca ng magkibit balikat lang ako sa sinabi niya. Naghahanda sila ng makakain mamaya. Si Jenny ay naglalambing si kapatid ni Mr. Jaenn kaya pumunta na lang din ako rito. Nakakahiya naman kung tumunganga ako roon sa kanila. "Myca..." tawag ko sa pansin niya dahil iba na ang tinitingnan niya. Tumingin din ako sa tinitingnan niya. Nagtama ang mata nam

