"Ang mga patatas, Myca?" tanong ko. Nagluluto sila at nakikisali na lang ako kasi wala si Jenny dito sa bahay. Kasama niya si Mr. Jaenn at hindi na ako sinama. Nakauwi na kami n'ung isang araw at mas nagiging okay na ang puso ko. Minsan na lang kami magkalapit ni Mr. Jaenn kasi busy siya sa trabaho. Hindi sa hinahanap ko siya pero okay na iyong nangyari sa Forbes Park. Tama na iyong muntik akong mahulog. Kailangan ko pa ring alalahanin ang katayuan namin sa buhay. Katulong lang ako kailanman ay hindi magiging maybahay niya. "Mamaya na muna iyan. Patulong na lang akong maghiwa ng mga ito," tiningnan ko ang ginagawa niya. Marunong naman akong magluto pero may iba-iba naman kaming paraan ng pagluluto at siya ang palaging nagluluto kaya siya na lang ang nagluto at tumulong lang ako. "Okay

