“Wala ka bang bibilhin?” tanong ni Ate Tess. May bibilhin siyang school supplies para kay Johnny. Pinasama niya ako dahil wala si Jenny at Johnny sa bahay. Sabi ay bibisita raw sila sa ina nila. Kasama nila si Mr. Jaenn na pumunta roon kaya sumama na lang din ako kay Ate Tess. Ako ang nagtulak ng cart dahil siya ang kumukuha ng mga bibilhin, may binigay din na listahan si Manang kami na lang din ang pina-grocery niya. “Mamaya na lang,” sabi ko kay Ate Tess wala kasi akong makita na gusto kong bilhin. Maraming tao pero hindi naman dumating sa puntong nagsisiksikan na kami. Kasama namin ang driver na nasa labas lang naghihintay. Kumunot ang noo ko nang makita ang lalaking nakita ko n’ung isang araw. Nakangiti itong nakatingin sa akin. Nanindig ang balahibo ko dahil sa ngiti niya. Aalis n

