“May tiningnan lang kasi ako,” sabi ko kay Mr. Jaenn. Kanina pa siya tanong ng tanong tungkol sa kung saan ako nagpunta at bakit nawala ako. Nakauwi na pala si Ate Tess nang pumunta na rito si Mr. Jaenn para hanapin ako. Kaya n’ung pagdating ko ay si Mr. Jaenn na lang ang nadatnan ko. Tinawagan daw siya ni Ate Tess na nawala ako kaya mabilis siyang pumunta rito. Nahihiya ako sa pinanggagawa ni Ate Tess baka nakaabala pa kami sa ina ng mga bata. Minsan na nga lang makapunta ang mga bata roon tapos parang kinukuha ko pa ang oras na iyon. Hindi ko naman sinadyang pag-alalahanin sila. Hindi ako makatingin sa kaniya gawa ng nahihiya ako, sa lahat. Sinusundan kasi kami ng tingin ng mga tao kanina hanggang sa makapasok kami sa loob ng sasakyan niya. Parang naging instant celebrity pa yata kam

