Jaenn’s Point of View “Ilang araw tayo roon?” tanong ni Tine. Nang sabihin ko sa kaniya ang plano ko ay iyon agad ang tinanong niya. Kagigising niya lang. Hindi ko na ipinakuha pa ang kambal kay Hariot kasi dadaanan na lang naming sila roon. I already called Allen. It’s perfect kasi aalis din sila bukas at maiiwan ang kambal kasi ayaw nilang sumama sa pamilya ng asawa ni Allen. Kaya mabuti na lang din para makasama naming ang mga bata. “A week,” sabi ko sa kaniya. She raised her brows at me. I don’t want her to feel suspicious. Gusto kong hindi niya mahalata kung bakit kami biglaang aalis bukas. Okay na man ang lahat, I am just waiting for her approval. Ayaw ko namang magdesisyon ng ako lang. I still want her response. “Kasama natin si Jenny at Johnny,” sabi ko sa kaniya. Kailangan ko

