Jaenn’s Point of View Kanina pa ako hindi kinakausap ni Tine kahit na kanina pa ako nagpapansin sa kaniya. I can’t find Hariot. Kanina ko pa rin siya hinahanap pero hindi ko makita kaya nagtataka na ako. Hindi naman siya nagsabi sa aking aalis siya o ano. Kapag aalis din iyon ay alam kong magpapaalam naman siya. I tried calling him but I can’t reach him. I tried calling him again and again pero wala pa rin. Nagtataka na si Tine sa akin, siguro nasa isip na naman nitong ibang babae ang kausap ko. “Kelly, ako na magbabantay kay Jay. Magpahinga ka na muna, naiirita na ako sa ‘yo,” sabi niya. Mahina lang ang huling mga salita pero dahil magkatabi kami ay rinig na rinig ko ang sinabi niya. Si Kelly ay malayo sa amin kaya alam kong hindi niya narinig ang sinabi ng amo niya. My mouth dropped

