Kristine’s Point of View "Daddy! I want to go there!" sabi ni Jay kay Jaenn. Lumingon sa akin si Jaenn, nanghihingi ng permiso pero tumango lang ako. Nakaupo kami ngayon sa isang bench. Wala ako sa mood umalis o tumayo sa inuupuan ko pero hindi pwedeng dito lang ako kasi may kasama akong dalawang bata. Katabi ko ang dalawang bata na nagmamasid lang din sa paligid. Nasa isang park kami. Maraming mga bata ang naglalaro kaya maraming tao. Mayroong naglalaro na mga bata, meron ding kumakain at meron ding natutulog na habang karga ng mga magulang nila. Pumunta ang dalawa sa slide kaya napalingon ako sa dalawa kong kasama na tahimik lang. "You don't want to go there?" tanong ko sa kanila. I know Johnny won't go there kasi seryosong tao si Johnny siguro ay hindi siya naglalaro ng mga ganito.

